CHAPTER 16 - Hallucinations

CHAPTER 16

Hallucinations

UMUPO ako sa tabi ni Rai at hinawakan nang mahigpit ang kanyang kanang kamay. Kahit papaano ay naging mainit ang nanlalamig niyang mga daliri. Napatungo siya para ayusin na ang  suot na bonnet.

“I’m sorry,” she mumbled. Napatingin ako sa balkonahe at napabuntong-hininga.

“Don’t blame yourself for what happened to Jericho. Pare-pareho nating hindi ginusto ang nangyari,” sambit ko na lamang. Ngumiti lamang siya nang tipid pero alam kong hindi sapat ang sinabi ko para gumaan ang loob niya.

“Yeah, right. I should not blame myself for the death of Jericho but for the disappearance of Cherus Ann,” aniya kaya napatingin na ako sa kanyang mga matang nagsisimula nang manubig.

“I saw her that day in the cemetery. Please tell me I am not hallucinating. She’s wearing the same old dress she wore when I accidentally left her in the woods.” Pumikit siya at doon na rin nagsimulang umagos ang kanyang mga luha. Lumunok-laway ako para hindi masamid. Pinag-iisipan ko kung sasabihin ko ba ang naranasan ko noong isang linggo.

“I saw her too,” pag-amin ko dahilan para mapatingin sa akin ang luhaan niyang mga mata. Gulat na gulat siya at waring hindi makapaniwala.

“Y-you saw her?” Hinarap na niya ako at tinitigan sa mga mata.

“What does she looked like when you saw her? Tell me!” aligaga niyang usisa. Bakas sa kanyang mga mata ang  malaman kung nagha-hallucinate lamang siya o hindi.

“The old dress I gave her in her eighteenth birthday,” sambit ko pa kaya halos pareho kaming nanghina.

“Hindi ako namamalikmata. Nakita mo rin siya. Ibig sabihin, b-buhay siya?”

Hindi na ako nakasagot pa nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng aking jeans. Agad ko itong dinukot at sinagot kung sino man ang tumatawag.

“Mavi? Hello?” Mahina ang signal kaya hindi ko masyadong makilala ang boses na ito.

“Hello?”

“You need to come here in the police station really fast. I’ve got new leads for the missing teenagers’ case.” Ang maotoridad na boses na iyon ang nagsilbing pagkakakilanlan ko para maalalang si detective Llobrera ang tumatawag.

“On the way,” sagot ko at tumayo na para puntahan siya.

“Where are you going?”

“Police station,” agad kong sambit at nagmamadaling magsuot ng sapatos.

“I’ll give you a ride,” alok ni Raihana kaya napangiti ako.

“Thanks, Rai!” And with that, we both run as fast as we could to her garage to ride on her personal car.

PAGPASOK pa lamang namin sa opisina ay masama na ang titig sa amin ng dalawang pulis na sina Gloriette at Lavape.

“Ang mga curfew violators, bumisita,” pasaring ng pulis sabay kagat sa tasty bread na kanyang hawak. Prente namang nakaupo sa isang mono block si Lavape habang umiinom ng kape. Napairap na lamang ako at dire-diretsong naglakad papuntang secret door. Ngunit bago ko pa mahatak si Raihana, tumigil muna siya sa tapat ng lalaking pulis at inasar rin ito.

“Tamang kape lang, ano? Kahit marami nang teenagers ang nawawala. Kung ako sa inyo, mag-ingat na rin kayo. Baka kayo na ang susunod na mawala sa pwesto n’yong mga hinayupak kayo,” banat niya sa dalawa kaya hindi ko mapigilang ngumisi. Narinig ko ang pagkasamid ni Lavape sa iniinom niyang kape at nabulunan na ata si Gloriette sa kinakain niya.

“Well-deserved,” I sarcastically commented as we open the secret passage down to detective Llobrera’s hidden office.

“I’ve been waiting for you. Come inside,” bungad ni detective at napanganga na lamang ako nang makitang narito rin sa opisina niya sina Ryan, Maybelle at Maui.

“What’s happening? Why do we gathered here?” tanong ko pa kahit hindi pa nakakaupo.

Paglapit pa lamang sa mesa, nakita ko na ang mga polaroids na tadtad ng mukha ng mga kaibigan kong nawawala. Ilan sa teenagers na namumukhaan ko ay sina Makoy, Via at Cherus Ann. Pamilyar rin ang dalawang babae na sina Aryang at Keyne. Pero sa pagkakaalam ko, sampung taon na ang nakararaan mula nang mawala ang mga batang ito. Imposibleng hanggang ngayon, buhay pa sila o hindi pa nakikita. Nakakapagtaka na ang nangyayari rito sa Pinecrest.

“We have a hint that they are all not dead. They are missing and been abducted by someone,” diretsahang paliwanag ni detective at pinasadahan ng tingin ang mga nakahanay na pictures.

“What about Mavi’s missing mom? May kinalaman ba siya rito? Kasama ba siya sa nawawala?” tanong ni Ryan. Napaiwas ako ng tingin nang maalala ko ang mga sinabi sa akin ni detective tungkol sa totoong nangyari sa kanya.

“I don’t think she has something to with this. Dahil siya ang naunang mawala bago mangyari ang sunod-sunod nang pagkakawala ng mga kabataan. We can confirm that she was murdered but still can’t find her body. So this deduction might dissolve sooner or later. The crime was done two years before the disappearance of those teens. Let’s isolate her disappearance case for the mean time. But I confirmed to you all, that Mavi’s father had killed someone too by the proof of the old rusty knife buried in their front yard. Maybe someone had avenge and killed him.”

“Deep grudge could be the reason why he or she did it,” gatong ni Maui.

“But who’s the suspect?” tanong pa ni Maybelle na nakakunot na ang noo. Maging siya ay naguguluhan na rin.

“I think we only have one suspect here.” Pare-pareho kaming napalingon sa kakarating lamang na si Ken at napakaraming bitbit na folders. Sumaludo muna ito bago tuluyang pumasok.

“I’m sorry, detective. Medyo nagka-traffic lang,” paumanhin nito at ibinagsak ang maalikabok na folders sa mesa. Napaubo tuloy kaming lahat.

“Ayan na ang mga pruweba na may iisa lang na dahilan ang pagkawala ng mga kabataan rito sa Pinecrest,” pagsisiwalat niya. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Kailan pa siya naging sidekick nitong si detective Llobrera?

“Ken, we can’t understand you,” sambit ni Raihana. Pinahid ni Ken ang pawis sa kanyang noo at dinukot ang isang flashdrive sa kanyang bulsa.

“Dagdag ebidensya na rin para matukoy kung sino nga ba ang salarin. Kitang-kita sa footage ng CCTVs ang mga pamilyar na pagmumukha ng mga teenagers riyan. Pagala-gala sila at pa-isa-isang beses sa isang buwan lumalabas. Kumpirmadong hindi sila patay. Nawawala lang sila. Let me rephrase, hindi pa sila tuluyang nawawala. May kumuha sa kanila at ginagamit sila sa mga masasamang gawain.”

“Abduction.” Nanginginig na ang boses ni Ryan nang sabihin iyon.

“Guys, gusto kong mag-ingat tayong lahat. Hindi natin alam ang mga susunod na mangyayari. Posibleng isa na naman sa atin ang mapahamak o madukot. Walang safe na lugar at safe na tao ngayon. Please lang, huwag na muna tayong lumabas o magpunta sa ibang lugar nang mag-isa.”

Sa isang iglap ay kumabog nang napakalakas ang puso ko. Pinanindigan na rin ako ng mga balahibo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top