CHAPTER 15 - Who Killed Her?
CHAPTER 15
Who Killed Her?
“MAVI, let’s go. Baka maabutan pa tayo ng ulan,” aya ni Bonagua sa akin matapos ang libing ni Echo. Nakatitig lamang ako sa lapida niya at hindi pa rin makapaniwalang mawawala siya nang ganoon kabilis. Parang pinipiga ang puso ko.
Mayamaya’y nag-umpisa nang pumatak ang ulan. Nagbukas na rin ng payong sina Ken, Maui, Raihana, Maybelle at Ryan. Ako lang ang hindi nakapagdala ng payong kaya hinayaan ko na lamang na payungan ako ni Ryan habang pare-parehas kaming nakatunghay sa puntod ni Jericho. Nagpaiwan kaming lahat upang sandaling mamasdan ang huling hantungan ng kaibigan namin.
“Fire Breathing Rubber Duckies will gonna miss you, Jericho,” Ken mumbled between his sighs. Bagsak ang balikat na nakamasid lamang siya sa puntod nito.
“This isn’t the last time that I will be seeing you, Echo. I swear, we will do everything to get the justice that you deserve.” Narinig ko na ang muling pag-iyak ni Maybelle. Nakatulala lamang si Raihana sa isang tabi at kung saan nakatingin. Sinundan ko ang tinitingnan niya at napakunot ang noo. Malabo man ang senaryong naaaninag ko sa paligid dahil sa kapal ng hamog at malakas na ulan, alam kong may nakikita siya.
“Rai?”
“Raihana! Where are you going?” sigaw ni Ken nang ibaba ni Raihana ang dalang payong at magtatakbo sa direksyon na tinitingnan niya kanina. Wala kaming nagawa kundi ang sundan siya. Bakas ang gulat sa kanyang mga mata at waring may hinahanap. Napabaling rin ang titig ko sa paligid pero wala namang ibang tao rito bukod sa amin dahil nag-alisan na ang iba kanina pa.
“Anong nakita mo?” tanong ni Maui at pinayungan na siya dahil lumalakas na ang ulan. Aligaga niya kaming sinulyapan isa-isa.
“Have you seen her?” tanong niya pabalik at hindi pinansin si Maui. Napakunot na ang noo ko.
“The who?”
“Cherus Ann. She’s over there,” turo niya sa hindi kalayuan. Malalago na ang damo roon at patungo nang kagubatan. “She’s here. She attended Echo’s burial,” dagdag pa niya.
Nagkatinginan kaming lahat sa inaasal ni Raihana. Ngunit biglaan namang napangisi si Maybelle at matalim na tinitigan si Rai.
“It’s just your guilt that hunts you forever for killing Cherus Ann,” sambit niya. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Raihana sa sobrang inis.
“Fudge! How many times that I would say, I didn’t kill her?! I. Didn’t. Kill. Her!”
“Yes you do!”
“I won’t do that, Maybelle! You know me! I am a sinner but not to the point I’ll kill someone! You, fudge!”
“Enough, please!” Hindi na ako nakapagtimpi at pumagitna na sa kanila. Natigil sila sa pagsisigawan nang ako na ang umawat. Hingal na hingal sila. Hindi na rin kami magkarinigan dahil nasa gitna na kami ng malakas na pagbuhos ng ulan.
“How long you will treat each other as enemies? What about the disappearance of the other rubber duckies? Darating ba sa puntong hindi lang kayong dalawa ang magsisisihan kundi idadamay n’yo kami? Guys, grow up! Buhay natin ang nakataya rito kaya sana naman, magtulungan na lang tayo! Jericho, Cherus Ann, Via and Makoy deserve justice. Including my mom and dad.” Napalunok-laway ako nang maalala sina daddy at mommy. Nakuyom ko ang kamao ko nang mag-iwas sila ng tingin. This is more than of what I am expecting to them. Akala ko, sa pagbabalik ko, pagkamatay lang ni daddy at pagkawala ni mommy ang poproblemahin ko. Pero mali. Susubukan ko pa rin palang ayusin ang pagkakaibigan namin na may lamat na simula pa noong una.
Tumango-tango si Ryan at tumingin sa akin.
“Mavi’s right. We are the Fire Breathing Rubber Duckies. We survive as one,” aniya sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan. Napangiti ako nang simulan niyang itapat ang kanyang palad sa gitna naming lahat.
“As one,” Ken added.
“Yeah, as one.” Maui also added his palm over the others. I did it too. Napatingin kami kina Raihana at Maybelle na nag-aalinlangan kung ipapatong ba nila ang kanilang mga palad sa palad namin. Ilang segundo lamang at agad itong ginawa ni Raihana. Alinlangan siyang ngumiti.
“As one,” she whispered. Lahat kami ay napabungisngis nang gawin rin iyon ni Maybelle.
“For the friendship that almost ruined by our pride. Cheers to the strongest squad we ever have,” sambit ni Maui at ipinagaspas ang kanyang dalawang braso na nag-ala-bibe. Nagtawanan kami at ginaya na rin siya. Mas lumakas pa ang tawanan naming anim nang kumanta na si Ken habang sumasayaw.
“May mga bibe akong nakita. Mataba, mapayat, mga bibe. Ngunit ang may pakpak, sa likod ay iisa. Siya ang nagsasabi ng quack, quack, quack!”
Sa kabila ng pagsasaya namin sa gitna ng ulan matapos ilibing si Echo ay hindi ko mapigilang mag-alala sa buhay ng bawat isa amin. Si Ken, Ryan, Maui, Raihana, Maybelle at ako. Sino ang posibleng sumunod? Natatakot ako. Kailangang mahanap na ang mga nawawala. Kailangang mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni daddy. Ngunit paano? Saan ako magsisimula?
“GLAD you came here today, Mavi. I have something to tell you,” bungad sa akin ni detective Llobrera matapos akong pumasok sa secret office niya rito sa baba ng police station. As usual, nang igala ko ang paningin, napakarami pa ring posters ang nakadikit sa glass-pin board niya. Mas rumami pa nga ata. Naroon na rin ang mukha ni Jericho.
Tumikhim siya nang hindi ako magsalita. Inusog niya ang isang swivel chair.
“Have a seat. Hihimay-himayin natin ang kaso ng iyong ama, pagkawala ng iyong ina at ng iba pa,” aniya. Tinamaan ako ng kaba sa hindi malamang dahilan.
“What about my dad?” tanong ko dahil hindi na ako makapaghintay na malaman kung ano na nga bang lagay ng kaso nina mommy at daddy.
“Let’s start from the very first deduction that your mother wasn’t dead. She is missing,” panimula niya. Halos masapo ko ang noo.
“Detective, sinabi mo na ‘yan noon. Ano pa bang bago ang sasabihin mo?” boring ko pang usisa. Inilabas niya sa isang kwaderno ang polaroid na picture ni mommy at ang isa naman ay kay daddy. Pinagtabi niya ito sa mesa.
“Do you still remember the line that I said to you when someone was reportedly missing, been deducted as dead though there’s no body to be found?”
“No body, no crime,” I answered. Tumango-tango siya.
“Emilyn De Vera, your mother was reportedly missing years ago. But these days were a wrap one for us to find leads.” Nagsuot na siya ng kanyang gloves at pinaikot-ikot ang swivel chair. Gusto kong mahilo dahil sa ginagawa niya. Hindi talaga niya siniseryoso ang kasong nakaatang sa kanya. Paano siya nabansagang pinakamahusay na detective sa lahat? Napangiwi ako.
“Detective, diretsahin mo na ako,” giit ko dahil ayoko nang paligoy-ligoy pa.
“I knew from the start that she’s not missing all along and this case is different from the disappearance of teenagers here in Pinecrest. Mavi, I know it was hard to believe the statement of his mistress but the fact that we already have the murder weapon, I confirmed that your mother was murdered too.” Halos manuyo ang lalamunan ko habang nagsisimula nang manginig ang aking mga kalamnan.
“W-What?” Parang gusto ko nang takasan ng katinuan dahil sa mga nalalaman.
“The murder weapon was found in your frontyard. It was buried covered with bermuda grass. We came there when you have attended the burial of your friend.” Inilapag niya ang isang sealed plastic na naglalaman ng kutsilyong may pinaghalong putik at natuyong dugo. Hindi ko alam kung dugo ba ito o kinakalawang lang. Ang tanging alam ko lang, nalipasan na ito ng panahon dahil sa sobrang luma. Naiiyak ako.
“Did your father tell you that he had a buried knife behind your Bermuda grass? Of course, he did not. Because he doesn’t want you to know that he was the one who used it. He’s afraid to surrender it in the authority so he just came with himself and reported that his wife is missing. But the truth is, she’s not missing all these years. She was brutally murdered by her own husband, your father.”
Napailing ako. Hindi ko kayang tanggapin ang mga sinasabi niya. Mabait ang daddy ko at hinding-hindi siya papatay ng ibang tao para lang sa kasiyahan niya. Oo, nagkamali siya at natukso sa ibang babae. Pero hindi ako naniniwalang pumatay siya.
“No. You’re just exaggerating everything! My daddy won’t do that to his wife!” kontra ko at napatiim-bagang.
“Mavi, listen to me.”
“My daddy is not a murderer! He loved his wife so much. Mommy was the one who abandoned us here. Don’t retell false story, detective!”
Itinaas ni detective Llobrera ang kanyang dalawang kamay bilang pagsuko at napabuntong-hininga.
“I’m not forcing you to believe. Afterall, mahirap talagang tanggapin ang katotohanang ito, Mavi. Hindi mababago ang statements na ilalabas ko dahil doon ako sa totoo,” aniya.
“This is the secret that your father won’t tell to you until death. A criminal won’t confess his sin unless he’s living with his guilt all the time. But he’s not, right? He was satisfied for what he did. And that time, it’s not his guilt. It’s his pleasure for him and for his mistress.”
Doon na nagsimulang rumagasa ang luha ko. Parang hinahati ang puso ko sa dalawa, pinipiga at mayamaya’y napahagulhol na lamang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top