CHAPTER 13 - The Fallen One

CHAPTER 13

The Fallen One



HOW’S the investigation going on?”

“On the process,” sagot ko sa pagitan ng pagnguya at muling itinaktak ang box ng cereal sa bowl matapos ko itong buhusan ng gatas. Muli akong sumubo habang kausap sa phone ang pinsan kong si Scyrish.

“That will be solved. Neil Aldrin Llobrera is a great detective. He won’t disappoint you,” sambit niya sa kabilang linya kaya halos mabulunan ako ng kinakain ko.

“Yeah, cool. Mukha ngang siraulo.”

Hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni Scyrish dahil mas nanaig ang napakalakas na busina ng sasakyan. Otomatiko kong inubos ang cereal sa bowl at nagsalita.

“I’ll call you later, Scy. Mwaps! Bye!” paalam ko at pinatay ang linya. Agad kong inilagay sa lababo ang pinagkainan bago lumabas at tingnan kung kaninong sasakyan ang nakaparada ngayon sa tapat ng gate.

“Rai---” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Agad niya akong sinalubong ng napakahigpit na yakap at ang kasunod noon ay nakarinig na ako ng paghikbi.

“R-Rai? What’s the matter?” tanong ko pero mas humagulhol lamang siya. Hindi siya halos makapagsalita.

“Raihana, calm down. Do you need water?” pagpapakalma ko sa kanya. Kinakapos na siya ng hininga kakaiyak nang bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Doon ko lamang napagtanto ang kabuuan niyang hitsura. May bahid ng kulay pulang likido ang suot niyang jacket at may tilamsik pa ito ng kung anong putik o kumunoy. Napangiwi ako ngunit sa kabila noon, hindi ko mapigilang hindi mag-alala dahil baka kung ano nang nangyari.

“You stink. Where did you---”

“Mavi!” Kapwa kami napalingon sa paparating na si Bonagua. Kakagising lang rin niya pero halata na ang pagkagulat sa kanyang mukha.

“Guys, can you please tell me what’s going on?” naguguluhan kong usisa dahil hindi ko sila maintindihan. Hinawakan ako ni Raihana sa magkabilang balikat at napapikit siya bago sumagot.

“Jericho’s gone. We found him dead behind his compound, stabbed and his body was almost submerged in the mud.”

Umawang ang bibig ko. Gusto kong sumagot. Gusto kong magsalita ngunit wala akong mahagilap na sasabihin. Kusa na lamang tumulo ang mga luha ko at maging silang dalawa’y nag-iiyakan na rin. Napapikit ako at pilit ikinakalma ang sarili.

“Where is he?” I asked them.

“Mavi, I’m afraid that you can’t handle to see his face. He was brutally murdered,” giit ni Ryan kaya pinanlisikan ko siya ng mga mata at kinuwelyuhan dahil sa pinaghalo-halong emosyon na nararamdaman.

“Where is he now?!” I shouted.

“Come with us He’s in the morgue. His body will undergo autopsy first,” paliwanag ng umiiyak na si Raihana. Walang ligo at suklay, sumama ako kina Ryan at Raihana upang makita ang bangkay ni Jericho.


TULALA lamang akong nakatitig sa blangkong pader na nasa tapat namin habang hinihintay na mailabas na ang katawan ng aming kaibigan. Parang ayoko nang kumurap pa. Dahil oras na kumurap ako, baka isa na naman sa amin ang mabawian ng buhay. Napakagat-labi ako at hinayaang tumulo ang mga luha.

Jericho Gamboa is our precious friend. We can’t imagine Fire Breathing Rubber Duckies without him.

“Coffee?” Isang tinig ang nag-alok sa akin ng mainit-init pang kape. Napalingon ako sa kanya habang nakahalukipkip. It’s Maui.

“No, thanks. I already drank too much of it a while ago,” tanggi ko. Totoo naman kasing pasawa ako sa kape kanina at noong nakaraang gabi dahil gusto kong maging mababaw lang ang tulog ko. Mahirap na dahil baka may manloob ulit. Napabuntong-hininga ako.

“We have lost another one,” sambit ko kahit hindi na nakatitig sa kanya. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga at siya na mismo ang lumagok ng kapeng ibinibigay niya sa akin kanina.

“We need to get the justice for Jericho and for the others who are still missing,” aniya sa galit na tono ng boses.

“How can we do that if the authorities are blocking us?” Halos maihilamos ko ang sarili kong palad sa aking pagmumukha. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko.

“Maui, where are the others?” narinig kong tanong ni Raihana.

“On the way na si Ken. Andiyan na si Maybelle,” sagot ni Maui dahilan para maiangat ko ang tingin sa paparating na si Maybelle na waring nagmamadali at umiiyak na.

“Maybelle,” malungkot na bati ni Rai sa kanya. Imbes na sagutin, pinasadahan niya si Raihana ng isang nang-uusig na tingin mula ulo hanggang paa. Sumama ang timpla niya dahil nakita ang bahid ng dugo sa suot na jacket ni Rai. Mukhang alam ko na ang iniisip niya.

“Maybelle. It’s not what you think,” pagpigil ni Ryan dahil alam rin niya ang iniisip nito. Ngunit huli na ang lahat. Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Raihana mula kay Maybelle.

“Fudge! What do you think are you doing?!” sigaw ng hindi makapaniwalang si Raihana.

“Get off me!” sigaw ni Maybelle nang awatin na siya ni Maui. Nagwawala na ito at umiiyak.

“You must explain to us what are you doing in his compound and in the crime scene or else I’ll accuse you for murdering Jericho, you bitch!” tili ng nagagalit na si Maybelle at dinuro-duro na si Raihana. Halos hindi kami makapaniwala sa naririnig. Alam naming lahat na may alitan sa dalawa noon pa lang dahil sa girl’s insecurities na tinatawag pero hindi ko akalaing aabot sa ganitong magpaparatang sila sa isa’t isa.

“I didn’t even know what you are talking! I was just about to pass by in his compound when I noticed that his front door is open that exactly 6 in the morning, the time he’s not opening the door that so early because he’s always in a deep slumber! And you’re now accusing me of being the suspect when the truth is I was the one who called for help? Wow, Maybelle! Just wow!”

“Whatever you say! Don’t play the victim card again, Rai! You and your bullshit attitude will be the reason for the falling of Rubber Duckies! You, shit!”

Hindi na nakatiis si Raihana sa mga sinasabi ni Maybelle kaya siya naman sana ang susugod pero dali-dali nang umawat ang kararating pa lamang na si Ken.

“What’s happening here?”

Sa huling pagkakataon ay dinuro-duro ng nanggagalaiting si Maybelle ang halos mag-hysterical na ring si Raihana.

“Huwag na huwag ko lang malaman na ikaw ang totoong pumatay sa kanya dahil sinasabi ko sa ‘yo, Raihana Lico Marangit, hinding-hindi kita mapapatawad.”

“Maybelle, enough!” awat ni Ken na hindi na malaman kung anong gagawin sa nangyayari.

“Why? Why you are all guys look so dumb for forgetting what she did in the past? Because she’s the leader of this squad doesn’t mean she won’t involve herself in trouble anymore? Whoa, we all know that she’s the reason why Cherus Ann disappeared five months ago.” Dahil sa sinabi niya ay napaawang ang bibig ko. Anong nangyayari rito? Bakit parang may hindi ako alam?

“Maybelle, stop!” Maui interrupted her. Natahimik na si Maybelle at isa-isa kaming tinitigan. Mababakas ang hinanakit sa kanyang mga mata.

“I was here to supposedly see Jericho. But I can’t bear to see another murderer with you. Good bye, you all.”

Maybelle stepped back and walked away without any word again. Halos mahigit ko ang aking hininga. Napatitig ako kay Raihana na nakatungo na at umiiyak nang tahimik. Nagkatitigan kami ni Ryan. Sa puntong iyon ay hindi ko alam ang sasabihin. Maging siya ay naguguluhan na sa nangyayari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top