CHAPTER 1 - Arrival

CHAPTER 1

Arrival


PAGBABA ko pa lamang ng eroplano ay bumilis na ang tibok ng puso ko. Hinawi ko ang nagulong buhok at isiningit sa tenga ang ilang hibla dahil sa lakas ng hangin. Inayos ko rin ang suot kong shades. Bitbit ang isang maleta at ang maliit na bag ay mabagal akong naglakad habang palinga-linga. Napakarami na'ng nabago rito. Mas gumanda at mas nag-improve ang lugar kumpara noong dito pa ako nakatira.

Ilang taon na rin simula nang umalis ako rito dahil na rin sa desisyon ni daddy. Gusto niyang hindi ako mag-aral sa puder niya. Akala kasi niya, mas gaganda ang buhay ko kapag umalis ako. Ang hindi niya alam, lagi lang akong nangungulila sa kanya.

I’m a daddy’s girl at hindi ko ikinakahiya ‘yon. Mula nang malaman kong hindi na babalik si mommy, mas naging close kami ni dad. Ayos naman ang pamumuhay namin rito. Tahimik at masaya. Si daddy kasi, hindi lasinggero. Workaholic nga lang. Hindi ko rin alam kung ano'ng naisipan niya at nagpasya akong ilayo sa kanya. Napilitan akong iwan ang lugar na ito, siya, ang mga kaibigan ko at pati ang mga alaala ng aking pagkabata.

Napakagat-labi ako at kumurap-kurap upang pigilang mapahikbi. Naiiyak na naman ako sa tuwing iniisip kong ano pa nga ba'ng ginagawa ko rito? I don’t know what awaits me when I get to our old home later? Haunted memories of my childhood and family? It hurts me like hell thinking that, would my friends still remember me if they see me? May babalikan pa ba ako na mga kaibigan?

Mas inayos ko ang shades ko at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa nga ako nakakarating sa patutunguhan ko, naiiyak na ko.

“Magandang araw, Ma’am! Welcome to Pinecrest!” bati ng isang guard matapos akong harangin to check my temperature bago ako tuluyang palabasin sa gate ng airport nila.

“Parang bago ka lang dito Ma’am, ah. Magbabakasyon ka ho?” usisa niya habang kinikilatis ang dala kong maleta na puno ng mga damit. Ngumiti lamang ako sa naging tanong niya.

“Uhhh… sort of?” I said, unsure of my answer.

Nakahinga ako nang maluwag nang hindi niya ako kinapkapan. Agad kong itinago ang maliit na bag ko upang hindi na niya mapansin. Dire-diretso akong naglakad palayo sa kanya habang kinakabahan.

“Enjoy your staycation here in Pinecrest, Ma’am!” pahabol pa niya sabay kaway. Peke akong ngumiti at napahigpit ang hawak sa satchel. Laman nito ang isang de-kalibreng baril na ipinuslit ko pa mula sa aking pinanggalingan. Dahil maluwag naman sa airport, nagawa ko talaga itong madala kahit alanganin sa pahabol na rin ng pinsan ko.

Napangisi ako at hinawi muli ang buhok dahil napakalakas ng hangin.

“I swear to God, Scyrish. I can’t do this without your help. I owe you a lot. Sana magka-jowa ka na. Labyu,” bulong ko sa sarili at napatitig sa passport ko.

“Pinecrest town proper! Pinecrest town proper!” Nakarinig ako ng sigaw at kasabay noon ang pagbusina ng bus. Tumigil ito sa tapat ko. Walang paligoy-ligoy akong sumakay bago pa tuluyang isarado ng konduktor ang  pintuan nito.

INIHILIG ko ang ulo ko sa bintana ng bus at pinagmasdan ang daang binabagtas namin. Ito ang kagandahan rito sa Pinecrest. Bawat daanan mo, may nagtataasang pine trees at bukod roon, malamig rin ang klima. Hindi mo na kailangang pumunta ng Tagaytay o Baguio para magpalamig. Magkapareho lang naman ang climate lalo na kapag magpapasko. At sa ilang taon kong pagkawala rito, ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito kalamig na panahon. Napaihip tuloy ako at ikiniskis ang dalawa kong palad sa isa’t isa. Bukas ang aircon ng buong bus kaya mas lumamig. Halos yakapin ko na ang sarili ko kahit nakasuot na ng jacket.

“Ticket n’yo ho.” Napaayos ako ng upo nang iabot sa akin ng konduktor ang bus ticket ko. Tinupi ko ito at isiningit sa upuan pagkuwa’y inayos ang suot kong bonnet. Muli akong humilig sa salamin na bintana. Thirty minutes pa bago makarating sa town proper kung saan sasakay naman ako ng taxi papunta sa bahay. Nakakapagod talaga ang buong biyahe.

Nagsisimula nang mag-moist ang salamin dahil sa lamig. Gamit ang daliri, isinulat ko ang initial ng aking pangalan. Ngunit hindi ko pa ito natatapos nang magpreno ang bus na sinasakyan ko. Halos tumalsik ako mula sa pagkakaupo.

“Fudge! Muntik na ‘yon! Ano na naman bang nangyari?” Nakarinig ako ng pamilyar na boses sa bandang unahan ko ngunit hindi ko masigurado kung sino iyon. Pasilip-silip lang ako dahil may narinig na rin akong sunod-sunod na busina pati ang tunog ng ambulansya. Nanatiling nakatigil itong sinasakyan naming bus.

“Ano ho'ng dahilan? Ba’t nakatigil na naman?”

“Nasiraan ba? Bulok talaga ‘tong transpo rito sa Pinecrest, e,” reklamo ng isa.

“Hindi ho nasiraan. May naaksidente ata, nagkabungguan.”

Napakagat-labi ako at humalukipkip habang inaantay ang muling pag-usad nitong sinasakyan ko. Sa wakas, ilang minuto ang lumipas at lumarga na ulit. Nakahinga ako nang maluwag.

“Tss. Dumadalas na ang mga aksidente rito sa Pinecrest. Hindi na tahimik. Nag-iingay na,” naiiling na komento ng matandang babae na katabi ko lamang. Napasulyap ako sa kanya kaya nagkatinginan kami.

“Ikaw ba, hija? Tagarito ka rin?” aniya. Hindi ako sumagot pero naningkit ang kanyang mga mata at kinilatis ang hitsura ko.

“Parang pamilyar ka. Kamukha mo si Emil---”

Bago pa niya maituloy ang pangalan na kanyang babanggitin ay tumayo na ako nang pumarada na ang bus sa town proper.

“Hindi ko po siya kilala,” magalang kong tugon at yumuko. Agad akong naglakad paalis sa pwesto ko at bumaba na bitbit ang mga gamit ko. Nasa punto ako ng paghahanap ng taxi nang makarinig ako ng pagtawag.

“Psst.”

Nagpalingon-lingon ako at nagulat nang makita kung sino ang nasa mismong likuran ko. Isang babae na kulay ash gray ang buhok, nakasuot ng yellow hoodie at malapad ang ngiti.

“Maria Aviva Trinity De Vera!” she exclaimed at the top of her lungs that made my eyebrows furrowed.

“Fudge! Hindi mo na ako nakikilala?! Fudge ka talaga!” mura niya kaya napaisip ako kung kaninong mura nga ba itong lagi kong naririnig noong high school ako.

“Magkasabay pala tayo sa bus! Nauna ka lang sumakay at bumaba! Fudge kang gaga ka!” aniya pa kaya hinarap ko siya nang maayos.

“Rai? Raihanna?”

“Fudge, ako nga! Welcome back sa Pinecrest!” malakas niyang sambit dahilan para umawang ang bibig ko sa sobrang gulat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top