The Morning After
2
I woke up with a loud thumping sound beside my ear. The heat was so surreal and yet, I can't find the uneasiness from it. I inched closer towards that throbbing sound and I felt an immediate pull, a tug on my waist and something being laid on top of my leg.
"Hmmmn.."
Muli akong hinihila ng antok pero hindi maalis iyong kiliti sa aking ilong. Bahagya akong dumilat para makita kung ano iyong humahaplos sa aking ilong noong tumambad sa akin ang isang matipunong dibdib. I just sighed contentedly. Matipunong dibdib lang pala---
Dibdib?
Napabalikwas ako ng tayo at muntik mahulog iyong lalaki sa aking tabi. Hinila ko agad iyong kumot para takpan ang katawan ko habang iyong lalaki ay kumakapit sa dulo ng bedsheet para di tuluyang mahulog.
"What the fuck?" inis niyang sabi, halatang naalimpungatan. Matalim ang tingin na ginawad sa akin ng lalaki at doon ko lamang siya nakilala.
"T-Terrence?" gulat kong sabi. Iyong inis sa mata niya kanina ay napalitan rin ng gulat.
"Illea?" aniya. Bumaba ang tingin niya sa katawan ko at agad kong mas pinataas ang kumot sa aking dibdib. Bumaba ang tingin ni Terrence sa kanyang binti bago ako muling tiningnan.
"What..the hell.." maarte niyang sabi. Tumayo siya at muntik akong mapatili noong sumalubong sa akin iyong eskandaloso niyang puwit. Mabilis kong inabot ang unan at binato sa kanya.
"Oh my god! Magbihis ka!" naiiyak ko ng sabi. Sinubukan kong tumayo para lang mapangiwi sa sakit ng katawan.
"Fuck. Sandali lang." aniya bago dinampot ang gray niyang boxers. Mabilis niyang sinuot iyon habang ako ay nakatitig sa pader palayo sa kanya.
Nilingon ko si Trey na nakatitig lamang din sa akin, siguro ay iniisip kung anong nangyari. I don't even know how I ended up on his bed, how we ended up to be here, how I ended up to be with him.
Sasagot pa sana siya noong tumunog ang doorbell niya. Nanlaki ang mata ni Trey habang ako ay agad na kinabahan. Nakatanga lamang siya sa akin habang ako ay tarantang tumakbo papunta sa pinakamalapit na pintuan na nakita ko.
Kung bakit kasi hindi yata mahilig sa pintuan itong Fortalejo na ito at pagkabukas ng unit niya ay ang higaan na agad niya ang bungad. Shit, darn fucker. Napakakampante yata.
Isinara ko ng maigi iyong kwartong napasukan ko. Doon ko lamang napansin na iyong lock ay nasa labas at kailangan ko pa yatang kumapit ng maigi para hindi iyon mabuksan. Luminga ako sa paligid para lamang salubungin ng isang katamtamang boxing ring, isang threadmill, weight bench at stationary bike.
So this is his personal gym, huh?
"Aria naman.."
"Ano bang problema mo? Parang first time ko namang mag gym dito!"
"Kahit na!"
Napatutop ang bibig ko noong marinig ko iyong palitan sa labas. The familiar charming voice of Aria Montez filled the air. I heard Trey sighing then it was coupled with several shuffles.
Nandito si Aria? God.. kapag nakita niya ako..kung makikita niya ako..damn
"Oy Trey Fortalejo pinapaalis mo ba ako?" pagsusungit ni Aria. Narinig ko iyong kaba sa boses ni Trey pero hindi ako natinag. I planted my feet on the ground and gripped the gym's door tighter. Ayusin mo ito Terrence! Hindi dapat ako makikita!
"Oo! No shit, I mean—Aria, baba ka muna. Akyat ka na lang ulit. Ang dumi ng gym kasi. Dun ka na lang sa gym sa Helion, mas malinis doon."
Fuck, ang galing magsinungaling! Sa sobrang galing kahit yata kinder ay hindi maniniwala!
"Sanay na ako. Atsaka gusto ko dito sa private gym mo, may bath tub. Atsaka keri lang kung madumi. Balahura ka naman talaga." Sagot ni Aria. Ilang hakbang ang narinig ko, mga hakbang na papalapit bago may humila ng pintuan ng gym. Muntik pa akong mapasinghap ng malakas bago ko ubos lakas na hinila ang pinto para hindi bumukas.
Muling hinila iyong pinto. Darn girl! Ang lakas mo! Kumakain ka ba ng spinach lagi huh?
"Aria Helene, sige na." putol ni Trey. Naramdaman ko iyong pagbitaw ni Aria at doon lamang ako nakahinga ng maluwag, pero iyong kamay ko ay nakakapit pa rin sa handle ng pinto.
"May tao sa loob ng gym mo!" akusa niya. Nakagat ko ang labi ko. Wag kang aamin Trey. Wag na wag. Sabihin mo uhm..daga lang iyon. Or maybe your door was stuck..kahit ano. Wag ka lang umamin please..wag---
"Oo na. Shut your mouth!" pag-amin niya. Napapikit ako ng mariin. Anger simmered in my veins at pasalamat siya dahil wala akong dalang pana dahil kung hindi, tutusukin ko talaga ang dila niya!
Nagsigawan pa silang dalawa bago ko narinig iyong pagbagsak ng pintuan. Ilang sandali lang ay tumahimik ang unit ni Trey. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto para marinig kung nariyan pa si Aria noong biglang bumukas iyon. Sa sobrang lakas ng pagkakahila ay nasama ako sa pagbukas ng pinto. I was about to fall face first when the hard chest of Trey stopped me from falling.
"Hey." Mayabang ang ngisi niyang sabi. Mabilis ko siyang itinulak gamit ang dalawa kong kamay. Sa ginawa ko ay lumuwag iyong pagkakatali ko sa kumot sa aking dibdib at muntik iyong mahulog. Mabilis ko naman iyong naagapan pero ganon rin si Trey.
"Oh fuck..so-sorry." Aniya bago parang napapasong inilayo ang kamay sa dibdib ko.
"Bastos ka!"
"Shit, I said I'm sorry!" sigaw niya pabalik. Tunog insinsero itong gago. Pagkatapos niyang kapain ang dibdib ko, yabang!
Nagtitigan lamang kaming dalawa, ramdam ang inis para sa isa't isa. He was towering over me, ni hindi man nga yata ako aabot sa collarbone niya. Kung titingnan kami ay magmumukha na naman akong 12 sa tabi niya.
Huminga ako ng malalim. You should not let your temper get the best out of you Illea Auriel. Calm down. Calm down.
Tiningnan ko ang pintuan na nilabasan ni Aria bago ko siya muling nilingon.
"You have a girlfriend and yet you had sex with me." Akusa ko. Kumunot iyong noo niya bago niya hinila ang kanyang buhok.
"She's not my girlfriend.." sagot niya, iyong how-I-wish na tono ay naroon. Humalukipkip ako bago huminga ng malalim.
"Look, Illea. I didn't know what happened last night—"
"Yeah, right." sarkastiko kong sagot. Ano yun? Di niya alam, huh? Di niya alam tapos nadapa siya sa ibabaw ko, nahubaran ako at bigla na lang pumasok iyong jack hammer niya sa flower power ko? Ganon? Di niya alam?
Gago.
He puffed a breath and looked at me.
"I'm apologizing here Yturralde." Inis na niyang sabi. I rolled my eyes and smiled at him.
"And I don't accept your apology Fortalejo! You clearly took advantage!"
"I was drunk!"
Natawa ako. "Hah! Nalasing sa dalawang baso lang? You really can't lie, can you?!" balik sigaw ko.
"Tatlong baso yun and—fuck! Hindi ko alam kung anong nangyari but I said I am sorry already. Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong tanggapin!"
Inayos ko iyong nakakairita kong buhok at tinitigan siya. He was looking sideways, his nose looks more pointed from this angle, sharp jaws, thick eyebrows, chinky eyes. Kung hindi lang mayabang, papasa na sanang mukhang tao eh.
"Look, kahit ilang beses pa akong humingi ng tawad, nangyari na ang nangyari. We just can't change the fact that we had sex already." Parang wala lang niyang sabi. Nag init ang pisngi ko at tinitigan lang siya.
"I was a..I am..last night.." fuck, pero hindi ko masabi. Ngumuso lamang siya, iyong gilid ng labi niya ay umangat.
"Hmmn, yeah? You were..?"
Namula lamang ako, parang gusto ko ng maiyak sa kahihiyan. Kinagat niya ang labi niya para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa bibig niya.
Pinagtatawanan ba niya ako? Tumatawa siya?
Sa inis ko ay sinipa ko ang tuhod niya. Napaigik siya at bumagsak sa sahig.
"Wala!" sigaw ko. Pinulot ko ang mga damit ko at agad na nagbihis, wala ng pakialam kung naroon siya at nakikita ako.
"Damn, that hurts Yturralde!" angal niya. I glared at him before wearing my blazer.
"Serves you right, Fortalejo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top