Sugal
16
Nakita ko si Mama na tulala na naman sa litrato ni Papa noong kasal nila. She quickly wiped a lone tear from her eyes before sighing deeply. It felt like my heart was being crushed into tiny pieces as I watch my mother still grieving for Papa.
Tumikhim ako para malaman ni Mama ang aking presensiya. Nagtaas siya ng tingin bago ako binigyan ng ngiti. Mabilis akong lumapit sa kaniyang tabi at niyakap siya.
Papa's picture was a bit faded already on the sides. Araw ng kasal nila Mama at Papa iyong litrato. Punong puno ng icing ang cake niya habang ang ibang AEGGIS ay nilalagyan siya sa pisngi. Mama was wearing her wedding gown at that time, laughing at the antics of Papa and his friends.
"He looks so happy there," pun ako. Bahagyang tumawa si Mama bago tumango.
"Alam mo namang palaging masaya ang Papa mo. That's what makes him so good Illea. He never failed to see the beauty in everything," Mama answered. I looked at my mother who was now staring at Papa's picture. Para bang binabalikan niya ang oras kung kailan kinuha ang litrato, kung anong pakiramdam niya noon habang kasama pa si Papa.
"Ma.."
"Illea, anak, alam mong mahal na mahal kita, hindi ba?" anas ni Mama. Kumunot naman ang noo ko sa naging tanong niya.
"Bakit Ma?"
Malungkot ang ngiti ni Mama habang luminga sa buong bahay, may luha na sa kaniyang mga mata. The wind blew from the opened windows and the sound of our chimes rushed in. Napapikit si Mama ng mariin bago bumuntong hininga muli.
"Gusto ko sanang tumira kina Ianna, kung ayos lang sayo," sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko bago bumaha sa akin ang pagtutol.
Lumunok ako ng mariin. "Sa Greece? Mama pero.."
Tinutop niya ang kaniyang bibig gamit ang palad. "H-hindi ko na kasi kaya Illea, na makita itong bahay na wala ang Papa mo. Hindi ko kayang tumingin sa bawat gilid, sa bawat kwarto kasi naalala ko lang siya. Naaalala ko lang na wala na siya. Illea, ang sakit," anas ni Mama bago pumiyok. Kinuyom ko ang palad ko bago napayuko.
"You're leaving me?" mahina kong tanong. Naging marahas ang pagiling ni Mama bago kinuha ang aking kamay.
"Anak hindi, alam mong hindi. Pero kasi.." tumigil si Mama sa sinasabi bago muling tumango.
"Sorry, hindi ko naisip na baka masaktan ka kung sakali," aniya. Hinaplos niya ang aking pisngi bago ako kinabig para mayakap.
"I'm sorry nak," bulong ni Mama. Kinagat ko lamang ang labi ko at mahinang tumango, hindi na kayang makasagot sa sinabi ni Mama.
"Naiintindihan ko Ma. Di mo naman kailangang pilitin ang sarili mo kung di mo na kaya dito," sagot ko. Naramdaman ko ang pagbaon ng kuko ko sa aking palad para pigilan ang totoo kong nararamdaman. Dito kasi sasaya si Mama kaya dapat ayos lang. Dapat..ayos lang.
Alam kong sobrang sakit nito kay Mama. Noong mawala si Papa ay nag iba si Mama. Pakiramdam ko ay hindi lang si Papa ang nangiwan, si Mama din. Montreal si Mama at ang pagmamahal na meron siya kay Papa ay abot langit. Hindi ko siya masisisi kung sobra siyang nasasaktan ngayong wala na si Papa sa tabi niya. Pero masakit lang isipin na kaya niya akong iwan mag isa dito dahil tinatakbuhan niya ang mga alaala ni Papa.
Ganon siguro ako kadaling talikuran, ano? Sobrang dali ko lang yatang itapon at isang tabi. Na si Illea Yturralde, palaging tatango lang kahit na nasasaktan para sa kaligayahan ng iba.
Kahit na masakit, pinilit ko pa rin si Mama na umuwi kina Ianna sa Greece, kung saan ay hindi na niya masyadong maiisip si Papa. May mga oras na mariin siyang tumatangi pero may mga panahon na nakikita kong gustong gusto na niyang umalis dahil sobrang sakit na sa kanya. Alam kong mahihirapan ako kung sakaling aalis si Mama pero mas gugustuhin ko na iyon kaysa nakikita ko siyang nasasaktan dito sa Pilipinas.
I will be leaving for Jakarta the day after tomorrow for the Asian Games. I was busy preparing my equipments when Mama entered my room. Malungkot ang ngiti niya bago lumapit sa akin. She was holding a rectangular blue velvet box. Inabot niya iyon sa akin.
"What's this?" tanong ko kahit unti unti na iyong binubuksan. I lifted the lid to see a silver necklace with a glass skaterboard as the pendant. Sa loob ng pendant ay may kaunting abo na naroon.
"Your father would have wanted to be with you, in every step Illea. Alam kong gusto niyang makasama ka sa laro mo. That's why I had this made," paliwanag ni Mama sabay haplos sa kwintas.
"That's made from your father's ashes. I hope it would make you feel that you're with him," sabi niya. Her eyes sparkled from the unshed tears before clasping my hands on her palm.
"I don't want you to think that I am leaving you. I just want.. I want to breathe Illea. Gustong gusto ko nang tanggapin na wala na si August pero paano ko gagawin kung s bawat sulok ng bahay na ito, naalala ko siya?" basag ang boses na tanong ni Mama. I nodded understandingly. Mabilis kong kinabig si Mama para mayakap bago tumango.
"Ayos lang Ma. I understand," bulong ko. Humagulgol si Mama sa aking balikat at mas lalo akong niyakap.
Mabigat man ang loob ay hinayaan ko si Mama na tumulak papuntang Greece. Kinabukasan rin ay nakapagpa book na siya ng flight paalis. Mabigat man sa loob ko ay hinatid ko pa rin siya sa airport.
"Will you be fine?" tanong ni Mama bago siya sumakay. Tumango lamang ako at pilit na ngumiti.
"Of course Ma. Bukas din ay aalis ako papuntang Jakarta. I hope I'll win para maging proud ka," pilit kong pinasigla ang boses. Lumawak ang ngiti ni Mama at niyakap ako.
"Win or lose naman Illea, proud ako sayo," bulong niya. Bumitaw na ako sa kaniya noong inanunsyo na ang flight number niya. Mama kissed me on the cheeks before releasing me from her grip.
"Thank you, anak," anas ni Mama. I smiled at her.
"Anything for you Ma," sagot ko. Hinaplos lamang ni Mama ang aking pisngi bago ako tuluyang binitiwan. Kinuha na niya ang kanyang handbag at pumasok na. Iniwan lamang niya ako roong kumakaway sa kaniya at pinapanood ang pag alis niya.
Mabilis akong pinagbuksan ng aming driver pagkalabas ko sa airport. Iyong mapang unawa niyang mata ay agad nang nakatitig sa akin, tahimik na nagtatanong kung ayos lang ba ako.
"Gaano katagal ang Mama mo roon?" tanong ni Mang Ben. Sinuot ko lamang ang seatbelt bago bumuntong hininga.
"Hindi ko po alam," mabigat kong sabi. I sighed while thinking of going home, knowing that there is no one there to welcome me. Magmula noong nawala si Papa ay marami ng nagbago. It was as if a huge amount of joy in our home was lost ever since Papa left.
Masakit malaman na hindi pa pala sapat ang presensiya ko para kay Mama. Na kailangan niyang umalis para lang makalimutan ang sakit na nararamdaman.
I wonder, when would I be enough for the people I love? Ganon ba ako kakulang para hindi maging sapat para sa kanila? I'm doing everything to be the perfect daughter, the perfect sister, the perfect girl just to please everyone but why? Why can't I be enough?
Mga nagtatayugang gusali ang sumalubong sa akin habang pauwi kami. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at ayaw ko munang umuwi para lamang mas maramdaman ang lungkot. I immediately fished out my phone from my sling bag before dialing Trey's number. Inilagay ko agad ang aking telepono sa kanang tenga bago hinintay na sagutin niya.
Nakailang dial tone na bago tuluyang namatay ang linya. Muli kong sinubukan ang pagtawag pero hindi pa rin siya sumasagot. I sighed deeply before pushing the buttons to text him.
'Can I come to your unit? Please, babe.'
Ipinatong ko ang cellphone sa aking hita bago ako muling tumitig sa mga gusali ng Maynila. Naalala ko pa noong bata pa kami ni Ian, madalas ay ipinapasyal kami ni Papa. Tuwang tuwa lang ang kapatid ko kapag nakakakita ng mga buildings, maybe that was the time she fell in love with architecture. Maybe that was also that time that I've realized that I would do everything just to let Ian be happy with her passion. Kahit na isakripisyo ko ang sarili ko, basta masaya lang siya.
We've passed Wave Records where a huge billboard of my band is seen. Doon sa billboard, nasa gilid lamang ako, nakatayo sa tabi ni Matthew. I touched the car's window while staring at the billboard. Papa, naging masaya ka ba noong naging katulad mo akong musikero? Sa tingin mo Pa, naging masaya kaya si Mama dahil nag aral ako ng archery? Masaya kaya si Ian, Pa, na natupad niya ang pangarap niya? Sana masaya kayong lahat Pa.
Hinaplos ko ang kwintas na binigay ni Mama bago ako pumikit. All my life, I have been giving pieces of my heart to the people around me. Ginagawa ko ang lahat para lumigaya sila, wala akong pakialam kung ako ang masasakripisyo sa huli. Dahil kapag ako nagmahal, ibinibigay ko ang lahat, wala akong itinitira.
Hindi sumasagot si Trey sa mga messages ko at kinain na ako ng kaba. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko dahil hindi siya sumasagot. Bakit kaya? Is he sick? Did he oversleep? Lasing ba siya? Anong nangyari kaya?
"Manong, sa Helion po tayo," paalam ko. Mabilis na kinabig ni Mang Ben ang manibela at agad kaming lumiko para pumunta sa unit ni Trey. Inabala ko lamang ang sarili ko sa panonood ng mga gusali hanggang sa makarating kami sa pakay ko. Kinakain pa rin ako ng kaba dahil hanggang ngayon ay wala pa ring sagot si Trey sa mga texts at tawag ko.
"Susunduin pa ba kita Illea?" tanong ni Mang Ben. Ngumuso lamang ako bago umiling.
"Magpapahatid na lamang po ako. Sige po, ingat kayo," sagot ko. Kumaway lamang ako at mabilis na pumasok sa Helion. I went straight to the elevator and punched his floor number. Muli kong chineck ang phone ko para lamang madismaya.
'Don't speak,
I can't believe
This is here happening,
Our situation isn't right
Get real who you're playing with,
I never thought he'd be like this
You were supposed to be there by my side'
Halos takbuhin ko na ang kanyang unit pagkalabas ko ng elevator. I punched his code before opening the door. Marahas ko iyong binuksan at agad na luminga sa kanyang unit.
"Trey!" tawag ko. Nakita ko siyang nakahiga sa kanyang kama, nakatalikod sa aking direksyon. Tanging ang ibabang parte lamang niya ang nakatakip sa kumot habang iyong likod niya ay nakabalandra.
"Trey—"
Natigil ako sa paghakbang palapit sa kanya noong may malambot akong bagay na natapakan. Mabilis akong yumuko para lamang makita ang pulang bra na nakakalat sa sahig.
Nanginginig kong pinulot iyon bago ko muling tiningnan si Trey na tulog na tuloy pa rin sa kama. My hand shook as it holds the red lacy brassiere. I took another step towards the sleeping Trey when I heard the door to his bathroom opening.
I felt like being punched in the gut. Kakalabas lamang sa banyo ay ang bagong ligo na si Tarrah, nakatapis lamang ng puting tuwalya habang basang basa pa ang buhok.
"Illea.." gulat rin niyang sabi. She looked at Trey who was still sleeping. Ganon rin ang ginawa ko, tiningnan ko rin ang nobyo kong himbing na himbing sa tulog.
'But what if I need you baby
Would you even try to save me
Or would you find some lame excuse to never be true
What if I said I love you
Would you be the one to run to
Or would you watch me walk away
Without a fight'
Inilibot ko ang tingin ko sa buong unit ni Trey para lamang makita iyong mga damit nilang nagkalat. Trey's shirt was on the edge of the bed, along with his pants and boxers. Sa may paanan naman ng kama ay naroon ang itim na damit ni Tarrah. Gulo gulo rin ang unit ni Trey, halatang nasabik sila sa pinagsaluhan.
"Illea..it's not what you think.." mahinahong sabi ni Tarrah. Marahas ang naging tingin na ipinukol ko sa kanya. Nanginginig ang kamay kong ibinato sa kanya ang kanyang bra.
"You brat," gigil kong sabi. I walked towards her and yanked her arm harshly.
"B-bitiwan mo ako! You're hurting me!"
"Oh I will really hurt you!" nanginginig ko ng sabi. Pinilit niyang hinila ang kamay niya mula sa akin pero hindi ko siya binitiwan. Her nails dugged on my arms as she trashes violently from my grip.
"Let me go you desperate whore!" she hissed. Mabilis ko siyang ibinalya sa pader. My eyes stung from unshed tears. Bawat kalamnan ko ay nagsusumigaw sa galit dala ng pagtataksil nila.
"Desperada? Ako pa ang desperada? Trey's my boyfriend!"
"Oo! You're the desperado! I've known him first! Ikaw lang naman ang nangagaw! He is mine bitch!" she hissed. Tumaas baba ang dibdib ko habang nakatitig lamang sa kanya.
"Ako naman kasi ang nauna! I've loved him first! Ikaw lang naman ang nang agaw!" dagdag niya pa. Kumuyom ang kamay ko sa galit. Itinaas ko ang noo ko para hindi matuloy ang mga luha sa mata bago ko siya tinitigan.
"You scheming woman.." I vibrated in anger. Parang asido na unti unting nalulusaw ang puso ko sa sakit habang nakatitig sa halos hubad na babaeng ito.
"Mahal ko si Trey Illea. At mahal rin niya ako. Alam kong mahal niya ako," she proudly said. Her every word was like a poison on my blood, slowly killing me with every drop.
Hindi ko na napigilan ang luha ko noong tumulo ito. I looked at Trey who was still sleeping in his bed. A huge plunge of pain surrounded me as I stare at him, knowing that he cheated on me when he told me I was the only one for him.
Bakit Trey? How could you do this to me? Akala ko ba ako lang? Akala ko ba hindi mo ako ipapatalo? Akala ko iba ka sa kanila.
'So sick of worrying, that ya
Gonna quit over anything
I could trip and you'd let go like that
And everything that we ever were
Seems to fade but not the hurt
Cause you don't know the good things from the bad'
Muli kong binalingan si Tarrah. Her brown eyes were wide with caution and fear. Bumuntong hininga na lamang ako bago umiling, tuluyan ng sumusuko. I stared at Tarrah before shaking my head.
"I hope you'll be happy with him. Fuck you kayo," sabi ko bago nagmartsa palabas. Noong maisara ko pa lamang ang pinto ay doon na bumuhos ang kanina ko pa pinipigilang luha. I marched to the elevator with tearstained face and a broken heart.
Ilang beses na akong hindi pinili. Ilang beses na akong nagmahal pero hindi ako minahal pabalik. Ilang beses na akong pinaasa para lamang lumagapak. Ilang beses na akong iniwan pero ito ang pinakamasakit sa lahat.
Ito ang pinakamahirap. Ang magsugal ng lahat para sa taong ipapatalo ka lamang sa huli.
-----------------------
Song Used:
What If by Ashley Tisdale
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top