Stop

28



Buong gabi akong hawak ni Terrence sa kanyang balikat, hinahayaan akong umiyak habang siya ay nakaabang sa bawat patak ng luha ko.I was just in his arms, his caresses my lullaby to stop every falling tears until I fell asleep.

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. The windows of his room were opened letting his white curtains follow the song of the wind. Pagdilat ko pa lamang ay ang buhos na nang liwanag ng araw ang sumalubong sa aking mata.

Isinuot ko ang bunny slippers na nasa ilalim ng kama bago ko inabot iyong maliit na sticky note na nakadikit sa aking cellphone.

"I took Luke for a walk. Be back later babe!"

Napangiti na lamang ako bago ko muling ibinaba iyong note. I went to the comfort room before going downstairs. Kalahati pa lang yata sa baitang ng hagdan ay nakarinig na ako ng mga kalansing sa kusina. Dirediretsyo ako sa pagbaba noong makita ko ang pinsan ko at ang kapatid ko na nagluluto.

Wait..what are they doing here, huh?

"Let's wake her up," Ian said while popping a bacon slice on her open mouth. Tumango lamang si Sese at nagpatuloy sa pagluluto.

Tumingala si Serise, sa bibig ay nakapasak ang isang slice rin ng bacon. Her beautiful almond shaped eyes went round when she saw me.

"Oh! Bitch you're awake na!" she screamed. Pinatay niya ang stove bago mabilis na lumapit sa akin. Her slender arms immediately pulled me towards the kitchen.

"Why are you here?" tanong ko habang iniuupo ako ni Serise sa bar stool. Ian put the plates on the table before looking at Serise.

"Well..Trey called. He asked if we could keep you company."

Ian nodded,"You cried the whole night, right Ate?" she said.

"Sinabi ni Trey?"

"Uh huh," pag amin ni Serise. Umupo siya sa stool na katapat ng akin bago kami pinagsandok ni Ianna.

"Papa was really quiet last night after the concert," Serise added while putting food on her plate. Napatigil rin ako sa pagkain noong maalala ko iyong kagabi.

A bitter smile crept into my lips. Kagabi ay nagawa ko nang tanggapin ang hindi ko kaya tatlong taon na ang nakakalipas. Last night, I finally let my father go. At tanggap ko na, na kahit kalian ay hindi na siya babalik sa amin.

I guess that's death's gift. Of course, you will be shattered from the pain but sooner or later you're going to realize that death is an inevitable part of life. But death doesn't end anything. Maybe the person would be gone physically, but the memories, the lessons and the love that you've felt would remain forever, not even death has the power to scathe it.

"It's odd seeing the AEGGIS on stage now," anas ng kapatid ko. Bumuntong hininga si Serise bago ako nilingon.

Nag iwas lamang ako ng tingin bago ko hinaplos iyong skateboard kong kwintas. I can still feel the whole my father left but the pain is now bearable. Mahirap pa ring makita ang AEGGIS na wala na si Papa pero masasanay rin ako. I would finally learn to live with the pain and use it to become stronger.

Inabot ko ang kamay ng aking kapatid bago ito pinisil.

"We'll get through this just fine," I whispered. Ian breathe hard before nodding.

"Of course, kasama natin si Papa Ate," giit niya pa.

Natapos ang almusal naming na AEGGIS ang pinag uusapan. Noong dumating ang tanghalian ay muli kaming nagluto tatlo. Tinuruan ni Ian si Sese na magluto ng sinigang habang ako ay nanunuod na lamang.

"You should learn too Illea," Sese said while tasting the soup. Kumunot lamang ang noo ko sa sinabi niya.

"Why?"

Tumaas ang kilay ng bratinella kong pinsan.

"Gosh, syempre pagluluto mo si Trey! Ano ka ba!" she said with pure exaggeration. Tumawa si Ian bago ako sinubuan ng isang pirasong meat. I opened my mouth and took the food from my sister.

"Wag mong sabihing si Kuya Trey ang magluluto para sa inyo Ate?" natatawang sabi ng kapatid ko.

Napanguso ako. Well, did I ever cook for him? He cooked for me before as far as I could remember. Marunong rin naman akong magluto pero kapag may involved ng sabaw at kung ano pang detalyadong mga steps ay nawawala na ako. Hanggangb hotdog lang ata ako.

I smiled cutely at my sister and cousin.

"Well, Trey provides everything for me so..."

They both rolled their eyes at me.

"Wait, tawagan ko lang si Rome, kaasar, ang landi mo Ate," natatawang sabi ni Ian.

"Palit nga tayo. Sayo na lang si bansot ko. Walang alam kung di kumain iyon eh, bwisit," dagdag ni Se. Sabay sabay kaming tumawang tatlo habang pinag uusapan ang mga lalaki sa buhay naming.

"Hmmn, sabagay kahit patay gutom naman asawa ko, di ko pa rin kayang itapon, bwisit siya. Masyado kong mahal eh," bawi ni Sese. Napatango na lamang ako. I know the feeling Se, I know.

Kahit na gaano man sila nakakainis hindi mo pa rin sila kayang bitawan, di ba? At kahit na ilang beses man kayong magkasakitan, alam mong sa kanya pa rin ang uwi mo sa huli. Your happiness is always in his arms.

Napangiti na lamang ako habang naiisip si Trey at ang kagaspangan ng ugali niya. Looking back, I couldn't even remember the exact moment I fell for him. It was like a time bomb. Silently implanted on my heart only to explode in the loudest way.

"So, kalian ang kasal Ate? Ikaw na lang sa atin ang hindi pa tali," Ian muttered.

"Ha?" napatingin ako sa dalawa bago nagkibit balikat.

"Wala pang nababanggit si Trey," sagot ko. Isa pa, sigurado akong wala pa siyang plano. He just met Luke, of course he would spend his time with our daughter instead of planning for a marriage.

Sasagot pa sana si Sese noong makarinig kami ng nagdodoorbell. Sabay kaming tumayong tatlo pero ako ang nauna. Sumilip ako sa gate para lamang kumulo ang dugo.

"What the fuck are you doing here?" I hissed. Tarrah with her yellow sunglasses glared back at me.

"Hindi ba't dapat ako ang nagtatanong niyan? Anong ginagawa mo sa bahay ni Trey?" she fired back. My mouth opened in pure awe.

"Bitch..." my cousin whispered behind me. Natawa na lamang ako.

"Your stupidity really amazes me Tarrah," I said. Tumaas ang kilay niya bago lumapit sa aming gate. Pinalo palo niya iyon at gumaw iyon ng malalakas na ingay.

"Let me in! Where's Trey?"

"Oh! He's buying an engagement ring for my sister, you witch," Ian answered.

Mas lalong lumagapak ang kamay ni Tarrah sa gate namin bago ako dinuro.

"Umalis ka na Tarrah. Trey's not here and even if he's here, he's not going to see you," I told her. Her eyes bulged behind her yellow sunglasses before tears dropped from it.

"You homewrecking whore.." she cursed me. Napasinghap ang kapatid at pinsan ko sa aking tabi. Nakita ko ang paghakbang ni Serise at akmang susugod na.

"Oh you don't talk to my cousin that way---"

"Totoo naman! Trey would marry me if it's not for that bitch!" sigaw ni Tarrah. Mabilis kong hinila si Serise para pigilan sa gagawin nito.

"Oh fuck! Hoy babaeng posit! Matuto kang ilugar ang sarili ha? Stop being so desperate for a man! Damn it!" gigil na sabi ng pinsan ko. Pumapalag pa ito at kung hindi lamang nakapagitan ang gate ay alam kong sasabunutan na niya si Tarrah.

"Just leave Tarrah," mas mahinahon ko ng sabi. Her eyes burned brighter from anger. Sinipa na niya ang gate at mas lalong nagwala.

"I won't leave! Where's Trey!!!"

"Fuck this," Ian said. Sa gilid niya ay kinuha niya ang hose ng tubig bago iyon sinindihan. Napatili na lamang ako noong todo ang buhos noon at tinapat niya iyon kay Tarrah na nagwawala na.

"Kung hindi ka aalis, pwes I will make you leave!" my sister shouted. Tarrah screamed before taking a few steps back. Pinigilan ko naman ang kapatid ko.

"Ian, enough," I pleaded. Tiningnan ako ng kapatid ko bago nilingon si Tarrah na umiiyak na sa harap ng aming bahay. Tahimik akong bumitaw kay Ian bago ako lumabas.

"I will be marrying Trey soon. At kahit na anong gawin mo, hinding hindi ko na siya---"

Tinitigan ako ni Tarrah, luhaan na ang kanyang mukha at parang bata nang umiiyak. Lumapit siya sa akin bago hinawakan ang aking binti. Napaatras ako sa ginawa niya habang iyak lamang siya ng iyak.

"Illea, parang awa mo na..mahal ko si T-Trey.."

Napailing na lamang ako sa sinabi niya. Tarrah, hindi ganito ang pagmamahal. Hindi mo ikinukulong ang mahal mo dahil lang sa umaasa kang mahalin pabalik. Hindi mo ibaba ang sarili mo para lamang makuha siya. Real love should be filled with respect and mutual feelings, not desperation and pleas.

Humagulgol siya sa aking binti. Noong tiningnan niya ako ay hilam na ang kanyang pisngi ng luha.

"B-buntis ako Illea.."

Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. May hinila siya sa kanyang bulsa bago iyon inabot sa akin.

A pregnancy test. With two lines.

Positive.

"S-Si Trey ang ama.. Illea..please," she begged. Tiningnan ko lamang ang pregnancy test bago napangiti ng mapait.

Marahan kong kinalas ang kamay niya sa aking binti at tinalikuran siya. Noong papasok na ako ay muli ko siyang hinarap, umiiyak pa rin sa gitna ng kalsada.

"Stop it Tarrah. I won't believe your lies anymore. Just stop it," anas ko at tuluyang isinara ang gate.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top