Promise
15
The girl entered like a queen begging for attention. She walked inside as if she rules the place and everyone is expected to bow down and answer all her whims. Maarte niya akong nilingon bago niya inilapag ang bag sa sofa ni Trey at hinarap ako.
"Hey! Where's Trey?" she asked. Umakyat ang mata niya mula sa magulo kong buhok pababa sa aking paa. Her perfectly salon shaped eyebrows twitched before smiling bitchily.
She forced a cough before sitting at the kitchen's bar counter. Luminga linga siya roon bago ako muling binalingan.
"I'm thirsty Ate. Wala ba kayong juice?"
What the fuck? What the actual fuck?
Napanganga ako sa tanong na iyon habang iyong babae ay maarte lamang na nakatitig sa akin. She fixed the hem of her dress before raising her eyebrows at me.
"Oh! You know, Trey always keep stocks of strawberry milk sa ref niya kasi he knows I like it talaga," napapalakpak niyang sabi bago bumaba sa bar stool at dumiretsyo sa ref. Agad niya iyong binuksan at doon ay nakakita nga siya ng isang maliit na kahon ng strawberry milk. She opened it immediately.
"Don't you know how to talk? Are you pipi?" tanong niya. Maangas akong natawa bago ko siya hinarap. Kung hindi lang talaga ako masaya ngayon, papanain ko yung tuktok ng ulo niyang puro hangin lang yata. Ow shit, baka naman pumutok if ever.
"Are you gaga?" balik tanong ko. Napatigil siya sa pag inom ng strawberry milk niya bago ako pinanlisikan ng mata.
"You!"
Tinaas ko lamang ang aking noo. I don't care if the woman in front of me is too tall compared to my small stature. Wala sa tangkad iyan. Kung gusto niya ng away,bibigyan ko siya ng away. Hindi lang sabunot at sampal ang gagawin ko. Mananapak talaga ako.
Nagtitigan lamang kaming dalawa at naputol lang iyon noong marinig namin ang pagbukas ng pinto. We heard the footsteps of Trey entering.
"Hey, I also bought us lunch—"
"Trey! OMG!" sigaw noong babae bago tumakbo. She roughly pushed me away before hugging Trey's neck. Sa gulat ni Trey ay hindi agad siya nakagalaw sa yakap habang ako ay malapit nang makapatay ng tao sa nakikita.
"Tarrah? Hindi ba dapat nasa Siargao ka?" tanong ni Trey bago kinalas ang babaeng linta sa leeg niya. Maarteng ngumisi si Tarrah at inayos ang kwelyo ng damit ni Trey kasi fuck shit sya.
"Ih, naiinip na ako doon. Hindi ka na umuuwi sa Siargao eh. I missed you already."
"Tarrah.." Trey said exasperatedly. Medyo tumikhim ako sa gilid para ipaalam na may kasama pa sila. Nilingon ako ni Trey, his eyes pleading at me. I just rolled mine bago ako tahimik na umalis sa kusina.
"Ilang beses akong nag call sayo but you didn't make sagot. Are you busy ba? Wala ka namang laban diba kasi your Papa didn't allow you to join the games," patuloy nitong sabi. My head twitched at the sound of her voice. I feel like she tries too hard to sound like a pabebe girl where in fact she just sounds stupid. God, if my cousin would hear this, she would go ballistic.
"Wait, Tarrah. Hey, Yturralde. Baby, come here," tawag ni Trey sa akin. Tumaas lang ang kilay ko bago siya hinarap. Bahagyang kumunot ang noo ni Trey sa naging reaksyon ko. I just sighed and walked towards them.
"Tarrah, this is Illea, my girlfriend," pakilala ni Trey sa akin. Trey moved closer to me. Agad ko namang kinawit ang braso ko sa kanyang balikat bago ko nginitian si Tarrah. The girl forced a smile before looking at Trey.
"Baby, this is Tarrah. Kababata ko sa Siargao," anas ni Trey. Kinagat ko ang labi ko bago tiningnan iyong babae.
"Kababata lang pala eh," sabi ko. Suminghap si Tarrah bago nilingon si Trey.
"OMG! Nila-lang mo lang ang pagiging childhood friends?! Gosh, siguro wala kang friends," maarte niyang sabi. Humigpit ang kamay kong hawak si Trey.
"Tarrah, don't talk to her like that," madiin na sabi ni Trey. Tarrah's mouth closed and opened and then closed once again. Masama lamang ang tingin na ibinigay niya sa akin bago siya huminga ng malalim.
"Grabe. Ang far pa naman ng biyahe ko from Manila to Siargao," aniya habang nakatingin sa akin pero si Trey naman ang kausap. Muli akong ngumiti ng mapanginis sa kanya.
"My family owns a huge chain of hotels, pwede ka naming I accommodate doon. Free of charge pa kasi nga you're too pagod na," I teased. Naramdaman ko ang pagpisil ni Trey sa aking kamay bago hinalikan ang aking buhok.
"Behave baby," he whispered. Mahina ko siyang siniko pero iyong tingin ko ay na kay Tarrah pa rin.
"But I want to stay here. Trey!" she pouted like a child. Ang sarap hilain ng nguso.
"Trey, I would be spending the night here, right babe?" I asked him. Nilingon ako ni Trey bago siya napapikit ng mariin. When he opened his eyes, bumaling siyang muli kay Tarrah.
"Ihahatid na lang kita sa hotel nila Illea—"
"Pero Trey!"
"O kung ayaw mo, tutulungan kitang magpa book ng flight pauwi ng Siargao Tarrah," he said with pure authority. My heart jumped with what Trey said. Sa sobrang saya ko ay di ko mapigilang ngumiti. Bahagya kong itinago ang natatawa kong mukha sa malapad niyang braso para hindi ako makita ni Tarrah na tumatawa.
When I was finally able to compose myself ay muli akong humarap sa kanya. The girl looked so defeated while staring at the two of us. Maya maya lang ay naglakad siya para kunin ang kanyang bag sa sofa bago kami muling binalingan.
"I'll be back Trey," paalam niya. Trey was about to escort her out but I held unto him tightly. Masama lamang ang tingin na ibinigay ng babae sa akin bago tuloy tuloy na lumabas ng unit ni Trey. Noong makaalis na siya ay doon ako bumitaw kay Fortalejo.
"Illea, baby.." tawag ni Trey sa akin. Mabilis akong kumuha ng ipit sa buhok mula sa aking bag bago ko tinalian ang sabog kong buhok.
"What?" I snapped. Trey took cautious steps towards me before looking at me like a scared puppy.
"Are you mad?" tanong niya. I rolled my eyes at him before laughing like a crazy woman. Ako? Galit? Hah!
"That girl was practically asking for a fight Trey! Kung hindi ka pa dumating ay baka nasaksak ko na siya! Ang talim ng tabas ng dila!" gigil kong sabi. Napapikit ako ng mata noong maalala ko iyong higpit ng yakap ni Tarrah kanina kay Trey noong makita niya ito. Dahil sa naisip ay mas kumulo ang naglalagablab ko na yatang ulo.
"Imagine, kulang na lang ipagduldulan niya ang sarili niya sayo! At ano mo nga kasi siya ulit?"
He swallowed nervously. "She's a childhood—"
"Right! A childhood friend! I have tons of childhood friend Trey, pero kahit kailan ay hindi ako ganun umakto sa paligid nila! Especially not when their motherfucking girlfriends are around!" naiiyak ko ng sabi. Habang naglilitanya ay biglang napangiti si Trey sa narinig.
"So you really are my girl now?" bigla ay tanong niya. I rolled my eyes and looked at him.
"God, we fucked already---"
Bigla ay lumapit siya sa akin bago inilapat ang hinlalaki sa nakaawang kong labi. He grinned like a naughty boy before pulling me closer towards him.
"Ang balahura ng bibig mo ngayon Yturralde. Ganyan ka pala kapag nagseselos," tukso niya. Namula ang pisngi ko bago ko hinampas ang dibdib niya. Ouch.
"I'm not jealous!"
Napangisi siya ng malawak. "Weh?"
"Oo nga sabi eh!" parang bata kong sigaw. He chuckled before pulling me towards him. Nagtaas baba ang dibdib ko sa inis habang siya ay natatawa lamang.
I closed my eyes tightly. Hindi na bago sa akin na may kahati sa lalaking nagugustuhan ko. I've had Serise. I've had Ianna. I've had Aria. Ilang beses ko ng naramdaman na mang aagaw ako. Iilang beses ko na ring naramdaman na naagawan ako. I've always been one of the choices. I've always been considered an option. At sa bawat pagkakataon na iyon, ni minsan...walang pumili sa akin.
Huminga ako ng malalim lalo na noong maramdaman ko ang halik ni Trey sa aking buhok. I sighed deeply before hugging him, afraid that he might slip away.
"Would you..w-would you choose me?" takot kong tanong. Trey hugged me tighter before shaking his head. Para akong itinulos sa kinatatayuan sa reaksyon niyang iyon.
"You shouldn't ask that Ea. I don't need to choose you cuz you're not a choice. You're my priority," he promised. Hiniwalay niya ako sa kanya bago niya hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Palaging ikaw. Tandaan mo iyan. Kahit sino pang itapat, palaging si Illea Yturralde Fortalejo lang. Palaging siya lang."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top