Jacket

12


"Illea, what do you think your Papa wants to wear?" Mama asked while picking up a navy blue polo and a charcoal black one.


"I..I like him to wear this blue one..pero ayaw niya ng blue. Ano sa tingin mo?" nanginginig na sabi ni Mama, iyong luha niya ay nagsisimula na namang mamuo sa gilid ng mata niya.


Kinuha ko mula sa kanya iyong mga damit bago ko iyon inilapag sa kama. Mama was just looking at the clothes with tears streaming down her face.


She raised her shaking hand before touching the black shirt, "I love you father Illea, so much. He loves me too. I know he loves me too... Hindi ko alam na ganito kasakit. My heart is already dead too.."


Agad akong lumapit kay Mama na halos hindi na makapagsalita sa sobrang pag iyak. Her shoulders were shaking too much from all her sobs.


"Ma please, stop saying that," pag aalo ko. Mama hugged me tighter.


"He is dead. August is gone..my husband is gone.." iyak niya. Mas kumapit si Mama sa akin. She was crying so hard in my arms. Minsan ay nararamdaman ko iyong pagdiin ng kuko niya sa braso ko sa bawat hikbi niya.


"Illea..ang Papa mo..Illea..si August," she cried. Bumagsak kaming dalawa sa kama habang si Mama ay halos mawalan na ng malay sa pag iyak. Doon ay saktong pumasok si Uncle Stan.


"Shana.." tawag ni Uncle. Pinaupo ko si Mama na patuloy pa rin sa pag iyak.


"Kuya.."


Tumayo ako at iniwan si Mama kasama si Uncle. Agad kong kinuha iyong itim na shirt na pinili ni Mama kasama iyong pares nitong pantalon at sapatos bago iyon inilabas. Kailangan ko pang ibigay iyon sa funeral parlor para maisuot kay Papa.


Noong lumabas ako ng kwarto ay naroon si Serise kasama ang kanyang asawa. Mabilis na tumayo ang pinsan ko at nilapitan ako.


"Ayos ka lang?" nag aalala niyang tanong. Tumango lamang ako. Inabot ni Serise iyong mga susuotin ni Papa mula sa akin.


"Kami na ni Ashton ang maghahatid nito. Illea, magpahinga ka muna. Hindi ka pa natutulog—"


"Kamusta na si Ian?" pagputol ko sa sinasabi niya. Huminga ng malalim si Serise bago umiling.Hinila niya ako para makaupo sa isa sa mga stool ng hospital.


Noong marinig namin ang nangyari ay agad kaming lumipad ng pamilya papuntang Greece. Pagkarating namin ay doon namin nalaman na binomba nga iyong airport kung saan lumapag ang eroplano nila Papa.


Naunang lumabas si Mama para salubingin si Rome na susundo sa kanila habang si Papa naman ang naiwan sa loob para sana kunin ang mga bagahe nila noong sumabog ang bomba. Mahigit dalawang daan rin ang namatay, kasama na roon si Papa.


When Ian heard this, she collapsed. Agad siyang isinugod sa ospital para maagapan ang kung ano mang pwedeng mangyari sa kanya at sa dinadala niya. Rome was disoriented too. Muntik ng malaglag ang dinadala ni Ian sa sobrang pagkabigla.


Mama, on the other hand, was grieving. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari kahit hindi naman niya kasalanan. Pakiramdam niya ay dapat nasa tabi siya ni Papa noong mga huling sandali nito.


"Rome's with Ian. Hindi pa rin kasi matanggap ng kapatid mo," anas ni Serise. Wala sa loob na tumango ako.


"Ikaw Illea, ayos ka lang ba?"


Nag iwas ako ng tingin bago mapait na ngumiti. "Marami pang kailangan ayusin Se. Mamaya ay dadaan ako sa kwarto ni Ian. Sa ngayon ay kailangan ko munang masiguro na maayos na si Mama. And I still have to prepare. Dapat ay maiuwi si Papa sa Pilipinas," imbes ay sagot ko sa tanong niya. Nag aalalang mga mata ni Sese ang sumalubong sa akin. Inabot niya ang aking kamay bago iyon pinisil.


"Illea..hindi ka pa umiiyak—"


Tumayo ako agad sa narinig, "Pupuntahan ko lang si Mama," paalam ko at walang lingon likod siyang tinalikuran.


Nagsisikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko, magmula noong narinig ko ang balita ng pagkawala ni Papa, ay sinasakal ako. I am feeling this tightrope, constantly tightening around my neck, making it harder for me to breathe.


I felt the stinging in my eyes. Kinuyom ko ang palad ko para pigilan ang mga luha. I can't cry right now. I have to be strong. Nasasaktan si Mama at mahina si Ian. Kailangan na ako ang maging sandalan nila ngayong wala na si Papa.


Uncle Stan and the rest of the AEGGIS made the preparations to bring Papa home. Pagkarating namin sa Pilipinas ay handa na ang lahat para sa lamay. Mama wanted it to be short at iyon ang sinunod namin.


Ito ang unang gabi ng lamay ni Papa. Kaming lahat, including Papa's friends were sitting around his coffin. Lahat kami ay tahimik. Si Mama sa tabi ko ay umiiyak lamang habang hinahaplos iyong salamin ng kabaong ni Papa.


"Do you remember when we were kids Ate? Noong tinuruan tayo ni Papa na magbike?" biglang sabi ni Ian sa aking tabi. Malungkot lamang akong ngumiti sabay tango.


"That was..one of the happiest times of my life," my sister said, her voice breaking at the end.


"Siguro sinisingil na ako ng Diyos sa lahat ng kasalanan ko sayo. Maybe He's mad at me because I was so selfish. He took away the only person who loved me and believed in me when no one else does. Wala na..wala na tayong superhero Ate.." Ian cried. Mabilis kong hinila ang kapatid ko at niyakap siya. Rome looked at us. Mabilis siyang tumayo at nilapitan si Ian na umiiyak pa rin.


"Ang damot ko kasi sayo. Ang damot damot ko kaya pinaparusahan ako.." Ian cried. Umupo si Rome sa tabi ni Ian at hinaplos ang likod nito.


Hinila ni Rome si Ian at niyakap ito ng mahigpit. Rome mouthed thank you before he finally consoled his wife. Sa balikat niya ay doon umiyak ng umiyak si Ian.


Niyakap ko ang aking sarili habang nakatitig lamang sa kabaon ni Papa. Hindi pa rin kayang tanggapin ng isip ko na sa loob noon ay naroon si Papa at malapit na kaming iwan.


Noong makita ko si Mama na niyakap iyong picture ni Papa ay napatayo na ako. Agad akong umalis sa lamay. I can't bear seeing my mother breaking down. I can't even hear her cries. Sa bawat iyak ni Mama at ni Ian ay nagiging totoo para sa akin ang katotohanang wala na nga si Papa. Wala na iyong taong mahal at tanggap ako. Wala na siya.


Patakbo akong lumabas ng memorial house. Hinihingal ako. Nahihirapan akong huminga dahil sa pagpipigil ng luha ko. Noong makalabas ako ay agad akong umupo doon sa mga baitang ng hagdan. Niyakap ko ang mga binti ko at niyukyok roon ang aking baba.


Tiningala ko ang langit. The skies are dark and no stars can be found tonight. I raised my hand, thinking that it might reach the hands of my father at the other side.


Pa..ihahatid mo pa ako sa altar diba? Pa, sasabihin mo pa sa akin na okay lang na magkamali kasi hindi ako perpekto. Pa..please..please, just make this a dream. Hindi pa ako handa na wala ka. Pa..parang awa mo na..


Kinagat ko agad ang labi ko noong maramdaman ko iyong mga luhang nagbabanta. Agad kong kinontrol ang emosyon ko. I can't cry. I can't break down now. I have to be strong.


Yumuko na lamang akong muli. Nakarinig ako ng ilang hakbang bago may nagpatong ng isang jacket sa aking balikat. Noong nag angat ako ng tingin ay nakita ko si Trey na paupo na sa aking tabi.


"How are you? Kumain ka na ba?" tanong niya. Umiling lamang ako sa kanya. Kinuha niya ang aking kamay at marahan iyong pinisil.


"Are you alright?"


Umiling akong muli. "Hindi ko alam."


He sighed upon hearing my answer. "Illea..I'm here," aniya. Nilingon ko siya bago napangiti.


"I didn't know it would be this painful Trey. Akala ko noon..akala ko masakit lang. Yun lang yung mararamdaman mo pag may nawala sayo but I'm wrong. It's not just painful. It's worse. Nanghihinayang ako, nagsisisi, nagagalit. I don't even know what to feel first."


"Illea.."


"But I have to be strong. Sa ngayon ay sa akin humuhugot ng lakas si Mama at Ian. I have to be strong for them," I said. Trey squeezed my hand tighter.


"What about you? Who will be strong for you?" tanong ni Trey. Napatitig lamang ako sa kanya at hindi agad nakasagot.


"Who will be strong for you Illea?" he asked again. I shook my head before smiling sadly.


"I don't know. I seriously don't care about it now. Mas kailangan ako ng kapatid ko at ni Mama. Iyon ang importante."


"Bullshit Illea. Why do you always have to sacrifice yourself?" galit niyang sabi. His brows formed a straight line while staring at me.


"You have to think about yourself too. Illea, hindi naman kasalanan sa pamilya mo kung pagbibigyan mo ang sarili mong magluksa—"


"I can't Trey. I can't breakdown now. My family needs me."


"And yourself needs you too. Illea kahit ngayon lang, think about yourself. Your father would have wanted that," he said. He let go of my hand and cupped my face. There is sincerity written in his eyes as he staredat me.


Marahan niya akong hinila at kinabig para mayakap.Noong maramdaman ko ang init ng balikat niya ay doon na ako naluha. Sa unang buhos ng patak ng luha ay sinubukan ko siyang itulak.


"Trey please.." basag ang boses kong sabi pero mas humigpit lamang ang yakap niya.


"No.. Illea.."


"I don't want to cry. I can't cry! Trey, I can't cry!" humikhikbi ko ng sabi. Itinayo ako ni Trey at mas lalong niyakap.


"Baby I'm here for you," he whispered. Kumuyom iyong kamay ko sa kanyang dibdib habang tuloy tuloy na sa pagiyak.


"I d-don't want to cry..if I cry..if I start crying.. I don't know if I will ever be able to stop..Trey.." I said in between sobs. Trey caressed my back before nodding.


"Papa's gone..Trey..my father is gone."


"Sshh..just let it all out," bulong niya sa akin. Pinaikot ko ang kamay ko sa kanyang katawan at umiyak lamang ng umiyak sa balikat niya.


Ngayong wala na si Papa, sino na lang ang kakapitan ko? Ngayong wala na siya, paano na ako? What if one day I will forget about him? The way he laughs, the sound of his voice, his goofiness..paano?


"Ang sakit.. ang sakit Trey.."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top