Hiling

17



Nakahiga lamang ako sa aking kama, tulala sa kisame habang iyong buong katawan ko ay namamanhid na sa sakit. Sa bawat sandaling naririto ako sa bahay ay mas nararamdaman ko ang bigat ng mga nangyari. This is the first time that I've felt the enormity of our house. Before, I never really care if there are five rooms, an entertainment room, a huge sala and a grandiose Spanish styled kitchen and dining room. Ngayon ko lang naramdaman na malaki ang bahay namin. Ngayon lang, dahil mag isa na ako.


Mabilis na lumipad ang aking braso para takpan ang aking mata at pigilan ang nagbabadyang luha. Parang pelikulang paulit ulit na naglalaro sa isipan ko ang nakita ko kanina sa unit ni Trey. I remembered how he sleeps soundly on his bed, nude while his other girl walks around his unit as if it's nothing.


Hindi ko na alam kung saan ako mas nasaktan. Sa kaalaman na may iba siya o sa katotohanan na hindi na naman ako naging sapat. Or maybe both. Maybe I am shattered because he chose another girl because I am not enough.


Malungkot akong umupo sa aking kama noong narinig ko ang panibagong ring ng aking phone. Mabilis ko iyong dinampot para makita ang mga texts at tawag ni Trey sa akin.


I felt my eyes heating up for the nth time when I saw his name on my screen.


'Yo, are you okay? Tumatawag ako, hindi ka sumasagot.'


'Yturralde?'


'Illea, may problema ba?'


Hindi ko na binasa iyong iba niyang texts. Mabilis kong inalis ang sim ng aking phone bago ako muling humiga. I closed my eyes tightly as another wave of drowning pain crashed into me. An involuntary sob erupted and I bit back my lip.


No Illea. You shouldn't cry. You've been through worse, right? You won't crumble because of this. Ilang beses na rin na hindi ka naging sapat, na hindi ka pinili, kaya bakit nasasaktan ka pa rin? Bakit mas masakit?


My hand crept into the skaterboard pendant my mother gave me. Kumuyom ang kamay ko roon na para bang buhay ko ang nakasalalay sa kwintas na iyon. Oh, how I wish Papa would be here. Kahit ngayon lang Pa, sabihin mo sa akin na makakaya ko kasi hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung ano bang mali sa akin na dapat kong itama? Pa, bakit lagi na lang ako ang iniiwan?


I spent the rest of the day just lying on my bed, pondering about my inadequacy. Naputol lamang ang iniisip ko noong tumunog ang aking alarm, hudyat na kailangan ko nang maghanda para sa pagpunta ko sa Jakarta para sa Asian Games.


Mabigat ang katawan na naligo ako at nagbihis. I wore the official varsity jacket of the Philippines before packing my equipment. Binuhat ko rin ang aking maleta bago ako nagtawag ng kasambahay para magpatulong.


Mang Ben was already putting my things on the back of the car when our doorbell rang. Nilingon ko iyon at agad na sumikdo ang aking dibdib noong makita ang pamilyar na Hummer ni Trey na nakaparada sa tapat ng aming bahay.


Sumilip siya sa wall grills namin bago ako nginitian. He was wearing a black aofly shades, a faded grey v-neck shirt and a matching black ripped jeans with brown timberland boots. Gulo gulo ang buhok niya na para bang kakabangon lang but it didn't even made any difference. He was still gorgeous.


Shit Illea! Ano ba! Yan pa talaga ang napansin mo! Damn, that guy cheated on you! Tama na please!


Pinagbuksan siya ng aming katulong habang ako ay inabala ang sarili sa mga gamit ko. Mabilis at mariin ang mga hakbang niyang papalapit sa akin. His palm immediately trapped my small waist and I flinched. Kumunot naman ang noo niya sa naging reaksyon ko.


"Babe?"


Nag iwas ako ng tingin bago ako umikot sa aming sasakyan. Nakasunod agad si Trey sa akin, kunot ang noo at nagtataka.


"Illea, what happened?"


Kinuha ko ang tali ng aking buhok bago nag ipit. Pinilit kong tumalikod sa kanya para hindi siya makausap.


"Wala," tipid kong sagot. He held my shoulders and forced me to look at him. Behind his glasses, I can see the furrowing of his brows and the confusion playing. Bakit Fortalejo? Nagtataka ka kung bakit ako ganito? Hindi mo ba naisip na huli ka na?


'Kasalanan nga bang umibig?

Parusang lungkot ang hatid

Lamig ng hangin ang yakap

Tuwing gabi...

Tuwing gabi...'


"Then why are you so cold? Baby please.." he begged. Napapikit ako bago umiling. How can he even act like this? Ano ito, hugas kamay? Kunwa-kunwarian? Tanga lang?!


"Pagod lang ako Terrence. Atsaka kabado ako dahil sa laban. Sorry," wala sa loob kong sagot. I felt Trey's eyes searching mine and I Iooked away. Huminga siya ng malalim bago hinaplos ang aking pisngi.


"Don't worry. Win or lose, I'll be proud of you Illea," masuyo niyang sabi. Mabilis na tumaas ang tingin ko sa kanya, iyong mata ko ay mapangakusa na. Kung ganito at aakto siyang parang wala lang, then fine. Magpapanggap din ako na hindi ko alam. Ipapakita kong hindi ako nasasaktan kahit ang totoo ay durog na durog na ako.

Ipinapangako ko sa sarili ko na ito na ang huling beses na matatalo ako sa sugal na ito. Hindi na ako masasaktan dahil hindi na ako mahuhuli. Pipiliin na ako dahil sapat na ako. Hindi na ako iiwanan dahil ako na mismo ang aalis. Ako na ang tatalikod bago pa man ako itapon.


"Talaga?" maanghang kong sabi. Iyong kunot sa noo ni Trey ay muling bumalik pero agad ding nawala noong ngumiti siya.


"Of course Illea," he vowed. Kinabig niya ako at niyakap pero nanatili ang kamay ko sa aking gilid, hindi siya tinutugon. Panibagong bigat sa dibdib ko ang naramdaman habang kayakap ko si Trey. Mas masakit dahil alam kong hindi ito totoo, na walang totoo sa kanya.


Na katulad lamang siya ni Noah at ni Rome. Iiwanan lang din nila ako.


'Nakahanda ang puso

Kahit pa ako ay masaktan'


Kumuyom ang aking palad bago ko hinawakan ang kaniyang balikat. Bahagya ko siyang itinulak. Nagtatakang mata ni Trey ang sumalubong sa akin pero pilit akong ngumiti.


"I really have to go Terrence. May flight pa ako."


Tiningnan niya ang aming kotse, "I'll drop you at the airport. Susunod din ako sa Jakarta agad—"


"Huwag na. Mag aabala ka pa, eh," pigil ko. He opened his mouth to speak but closed it instead. Huminga siya ng malalim, iyong mata ay nananatiling nakatitig sa akin ng mariin.


"Atleast, let me take you to the airport, please," samo niya. Hindi niya na hinintay ang aking sagot. Mabilis niyang kinuha ang susi mula sa aming driver at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. I entered the car unwillingly while he went straight to the driver's seat. Inabala ko ang sarili ko sa seatbelt habang siya ay minaniobra na ang kotse.


Tahimik lamang ang byahe namin papuntang airport. My hands were shaking but I wanted to keep my calm. Ayaw kong ipakita kung gaano ako nawasak sa nalaman lalo pa't kung umakto siya ay parang wala lang. Ayaw kong ipakita na ako ang talo sa laro na ito. I have to remain indifferent.


Ramdam ko ang ilang beses niyang pagsulyap sa akin. Naririnig ko rin ang malalalim niyang buntong hininga na para bang napakalaki ng kanyang problema. Hindi ko siya nagawang lingunin man lang kahit minsan. I don't want to look at him and be reminded of his infidelity and his broken promises, no.


"Illea?"


Nagkulay pula ang stoplight at kinuha niya ang pagkakataon na iyon. Huminga ako ng malalim, trying to keep my tears at bay. God, Illea, please don't cry.


"Alam kong may problema. Tell me Yturralde," he softly said. Nag iwas ako ng tingin bago sumabay sa pagpatak ang isang luha. I can feel the nagging urge to sob but I bit my lip, trying to hold on to the thinnest thread of strength that is left in me.


"Talk to me," aniya. Nanginig ang labi ko sa sobrang pagpipigil na huwag umiyak. Ilang beses akong lumunok, sinusubukan na alisin ang bikig sa lalamunan ko para hindi maluha.


"A-ayoko na Terrence," mahina kong sabi. Nilingon ko siya at nakita ko ang pag awang ng labi niya, gulat at hindi makapaniwala.


"Ayaw mo nang.. ayaw mo ng pumunta sa Jakarta?" medyo nginig ang boses niyang sabi. Tumulo ang matigas ang ulo kong luha bago ako marahas na umiling.


"Bullshit Illea.."


Hindi ako nakasagot. Bumusina ang mga sasakyan sa likuran namin at doon nagising si Trey. Pinaandar niya ang sasakyan habang ako ay tahimik na naluluha sa kanyang tabi.


I didn't know it would be this painful. Noong binitiwan ko si Noah para sa pinsan ko ay hindi ako ganito nasaktan. Noong niloko ako ni Rome dahil mahal niya si Ian ay hindi rin ganito. Kaya bakit Trey? Bakit sayo lang ako nadudurog, huh?


Humikbi ako habang si Trey ay marahas na ang buga ng bawat hangin. Huminto kami sa parking lot ng airport, siya nakatitig lamang sa manibela habang ako ay umiiyak sa tabi. His knuckles turned white as he clenches the steering wheel.


"W-why?" he harshly asked. He looked at me sideways, his eyes turning bloodshot red. Mabilis akong nag iwas ng tingin at nagkibit balikat.


Bumuka ang bibig ko para magsalita noong naunahan ako ni Trey.


"Illea, mahal kita," he desperately said. Kasabay ng pagsabi niyang iyon ay ang panibagong buhos ng luha sa aking mata.


"Illea, baby please. We can fix this. I will be better, tell me.." he reached for my arm but I yanked it away.


"How can we fix this?" pabulong na niyang sabi. Tinutop ko ang aking bibig bago umiling.


"Sorry Terrence, pero.." huminga ako ng malalim at pumikit. Say it Illea. Say it and free yourself. Ito na ang huling taya mo sa sugal na ito kaya sabihin mo na.


Huminga ako ng malalim bago ko siya tinitigan. I was taken aback when a glimmer shone from his bloodshot eyes. Lumunok ako ng ilang beses, pilit na pinapatatag ang sarili.


'Kung sino man para sa'kin

Hindi ko sasayangin

Madayang tadhana iyong pansinin

Wala na bang karapatan

Na pagbigyan ang hiling?'


"Mahal ko pa rin si Noah, Trey," mahina kong sabi. Hindi ko siya magawang tingnan habang binibitiwan ko ang mga salitang iyon. Ang tanging indikasyon ko lamang na narinig niya ako ay ang marahas niyang singhap.


"Si..Noah?" he said the words like acid from his mouth. Tumango lamang ako at hindi na sumagot. Hindi ko na kayang sumagot.


"S-si Noah pa rin ba?" kumpirma niya. Kinagat ko na lamang ang labi ko at tumango. I heard his strings of cursed before he punched the dashboard. Napatalon pa ako sa lakas noong suntok niya. His hand was shaking as tiny drops of blood streamed down his fist.


"I'm sorry Trey," mahina kong sabi. Nanatili lamang siyang nakayuko, hindi tumitingin sa akin. Mabilis akong lumabas ng kotse at kinuha ang aking gamit sa likod. Muli ko siyang nilingon sa loob. Nakayuko pa rin siya, bahagyang yumuyugyog ang balikat.


'Kung sino man para sa'kin kahit magalit

Oh madayang tadhana iyong pansinin

Wala na bang karapatan

Na pagbigyan ang hiling?


Hinila ko na ang aking maleta at walang lingon likod na naglakad palayo sa kanya. Siguro ito na nga ang pinakamasakit kong lagapak pero ipinapangako ko, hinding hindi na ako muling masasaktan. Dahil pagkatapos nito, kahit kailan hindi na ako iiyak para sa ibang tao.


I will solely dedicate my tears for myself.

---------------------------------

Song Used:

Hiling by Mark Carpio

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top