Happy Birthday

10



Merry Christmas and Happy New Year!

-------------------------


I took Mama's passport and plane ticket before putting it inside her handbag. She sadly looked at me while folding her jacket.


"Are you sure you'll be alright?" she asked. Tumango ako at lumapit sa kanya.


"Opo. Ma, come on. It's just Greece—"


"But it's your birthday. Tapos malapit na ang Games. How would we train if I am with Ian? Paano ka?" nalilito niyang sabi. I just sighed and smiled at my mother. Namumula na ang mata ni Mama at parang malapit ng maiyak. I breathe hard and held her small, frail shoulders.


"Ma, how many times do I have to tell you that I'm fine. Ian needs you more now. She's pregnant and scared. You have to be there for her lalo na't wala tayo sa tabi niya noong sila Bryant ang pinagbubuntis niya," paliwanag ko. Mama sniffed before nodding. Alam kong mabigat sa loob niya ang paglis pero mas kailangan siya ng kapatid ko.


Last night Ian called, crying. She's six weeks pregnant already pero nagkaroon ng komplikasyon sa pinagbubuntis niya. Mahina ang kapit ng bata and she needs a complete bed rest. With the Falcon's hotel's construction, the triplets and the pregnancy complication ay nastress si Ian. Makakasama sa kalagayan niya at ng bata kung masyado siyang mag iisip. Plus, she's still recovering from her PTSD. Baka kapag may nangyari ay bumalik ang tendency niyang saktan ang sarili.


"Ma I'll be fine," I assured my mother. Kinuha niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon.


"I..I just don't want you to feel that I am neglecting you," her voice broke. Nanginginig ang kamay ni Mama na hawak ang mga palad ko.


"Ma naman.."


Umiling si Mama na para bang takot, "Ayoko lang maramdaman mo iyong naramdaman ni Ian noon. I-I don't want to be that kind of mother again, Illea. Ayoko ng may talikuran sa mga anak ko," she said. Huminga lamang ako ng malalim at niyakap si Mama. Her shoulders were shaking so hard now.


"I know you need me..with everything that is happening with you and Noah.."


"Ian needs you more Ma," pinal kong sabi. Suminghot si Mama at tumango.


"You have to be there for her. Kaya ko ang sarili ko Ma. Isa pa, I will celebrate my birthday with Uncle Stan and Auntie Tori, hindi ako mag isa. I'll really train hard without you Ma. I promise, I'll win the Games for you," pangako ko. A lone tear dropped from Mama's eyes. She touched my cheeks and sighed. Her eyes, the eyes she inherited from Lola, sparkled with unshed tears.


"Why do you have to be so much like your father?" her voice broke. Napangiti lang ako at nagkibit balikat.


"You love so much Illea. Sana balang araw ay may magmahal sayo, anak, ng sobra sobra. Yung walang kahati. Yung ikaw lang. You deserve that, you know. For everything that you have been through, you deserve that," aniya. I shook my head to calm my already breaking heart. Naiiyak ako sa sinasabi ni Mama pero hindi ako pwedeng lumuha. She's already torn from leaving me to be with Ian. Hindi na ako dapat gumawa ng daan para mas malito siya.


My sister needs her more. I will definitely survive without Mama. Mahirap nga lamang sa parte ko dahil mawawalan ako gn coach but I can manage. Marami namang ibang pwedeng tumulong sa akin. Ian needs Mama now more than I need her. Ang kapatid ko muna ang dapat na mauna bago ako.


"I love you so much, Illea Auriel." Bigla niyang sabi. Napangiti naman ako roon.


Hinaplos ko ang likod niya at muli siyang niyakap.


"I love you too Ma."


Suminghot lamang siya at bumitaw sa akin. She rubbed the tears in her face before taking her hand bag.


"Aalis na kami ng Papa mo. Make sure you call everytime okay? Tatawagan rin kita palagi," aniya. Yumakap ako sa braso ni Mama habang pababa kami ng hagdan. Sa may pinto ay naroon na si Papa, inaayos iyong sintas ng sapatos niya.


"Ready na Prinsesa?" he asked Mama. Bumitaw ako kay Mama at lumapit naman ito kay Papa. Agad na lumipad ang kamay ni Mama sa kwelyo ni Papa na hindi na naman niya naayos.


"Augustine talaga, ang tanda tanda mo na hindi ka pa rin marunong mag ayos ng sarili mo," kastigo ni Mama. Ngumisi lang si Papa, iyong malalim niyang dimple ay lumabas.


"Tara na?" he told Mama. Lumapit naman ako sa kanilang dalawa at yumakap sa bawat isa.


"Take care," anas ko. Kumaway si Papa at Mama bago sumakay sa aming sasakyan. I watched their car leaving before going back inside.


Pagkapasok ko ay doon ako sinalubong ng sobrang katahimikan. I can only hear the wind playing with the chimes Ian put on the doorway. I sighed before shaking my head. This is the first time I was left alone in our home. Ngayon lang umalis sina Mama at Papa. Nasanay akong masyado na nandito ang mga magulang ko, pati na ang mga bata, at sobrang ingay ng bahay.


Umupo lamang ako sa sofa at kinalikot ang aking cellphone noong mapadako ang tingin ko sa kalendaryo.


Tomorrow's my birthday already. Hindi ko alam kung sasabay ulit si Serise na magcelebrate. Sana ay hindi na magarbong party. Pero kung intimate dinner naman ay baka nakakahiya. I would feel like an outsider kapag sa bahay nila Uncle Stan ako nagstay para sa birthday ko. I-I know my cousins would be there but..it's just different without Mama.


Malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago ko binagsak ang cellphone sa sofa. I'll just celebrate my birthday alone. Ayokong makaistorbo. Isa pa, this is Serise's first birthday having Altair, hers and Ash's little baby boy. Espesyal iyon para sa kanila kaya hindi na dapat ako manggulo.


Nagpasya akong matulog na lamang ng maaga ng gabing iyon. My family's not here so there is no one to celebrate my birthday with me so the next best thing is to sleep. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit inlove na inlove si Caius sa pagtulog. Kapag tulog ka nga naman ay hindi mo masyadong mararamdaman iyong mga kulang kapag gising ka. The world is a better place once you're dreaming.


I woke up with the smell of eggs and bacons being fried. Kinusot ko pa ang mata ko para magising ang diwa pero hindi nagkakamali ang ilong ko. May nagluluto nga sa kusina.


Agad kong isinuot ang puti kong sando at asul na cotton shorts bago bumaba. I was descending in our stairs while tying my curls when I saw the back of an unknown man, cooking in our kitchen.


"What the hell?" usal ko. Humarap iyong lalaki sa akin na may nakasabit pang bacon sa bibig.


"Yo, Yturralde," his bad boy grin greeted me. Itinaas niya iyong braso niyang bumabakat sa itim niyang sweat shirt. Noong mapalingon siya sa akin ay biglang nawala ang ngisi niya. I lowered my hand that was tying my hair before looking at him sharply.


"Anong ginagawa mo dito? Sinong nagpapasok sayo?" dire-diresyo kong tanong. He swallowed the bacon in his mouth before resuming his cooking.


"Your cousin. Serise was out jogging with her husband noong makita niya ako sa tapat ng bahay ninyo. Pinagbuksan niya ako ng pinto ninyo," sagot niya. I sat on the stool while staring at his broad back, ni hindi na napapakinggan iyong paliwanag niya kung paano siya nakapasok.


Inilapag niya sa harap ko ang isang plato ng fried rice, sunny side up at bacon. Naglagay rin siya ng tsaa sa tabi ko bago umupo sa katapat na stool.


"Eat," utos niya. Kumunot ang noo ko at tinitigan siya.


"Why are you here?" I asked. Malaki ang ginawa niyang pagsubo bago ako binalingan. He took the plates with the sunny side up before putting two eggs on my plate.


"Hmmn.." iyon ang sagot niya. Kinuha naman niya ang plato ng bacon at nilagay iyon sa pinggan ko.


"Hindi ko mauubos yan!" pagpigil ko. Tiningnan lamang niya ako at nagkibit balikat.


Kumain lamang siya at nag iiwas ng tingin sa akin. Para siyang aagawan ng pagkain sa bilis ng bawat subo at lunok niya. Noong matapos siya ay tuloy tuloy siyang uminom ng tubig at pabalyang ibinaba iyon.


"Trey?" tawag ko rito.


Luminga linga siya sa bahay. He cleared his throat, still not looking at me.


"Go to your room, Illea," aniya. Lumalim ang kunot sa noo ko.


"What?"


Ngumuso siya at niligpit ang kanyang pinagkainan. "Wear a bra..for godsake, please," aniya. Napasinghap ako at nilingon ang dibdib ko. Naeeskandalo akong napatayo sa kinauupuan ko.


Mabilis akong tumakbo sa kwarto ko at pabalibag na isinara ang pinto. My heart was racing so loudly. My hand flew to my raging chest, only to feel that I really don't wear anything underneath my blouse.


"My god! Illea Auriel! Ang bobo mo!" iritado kong sabi habang naglakad sa aking closet. Agad akong nangalkal ng bra. Kung bakit kasi natutulog akong naka panty lang! Nakakairita!


Hindi pa ako nakuntento sa bra. Kinuha ko ang turtle neck kong sweater at itim na jogging pants. Inilugay ko rin ang buhok ko para mas maging balot. Para wala ng balat na makikita sa akin!


God nakakahiya talaga!


Bumaba ako at nakita si Trey na pinaglalaruan iyong mga pana ko. Noong tumingala siya ay kumunot ang noo niya sa nakitang suot ko.


"Ang sabi ko magbra ka lang," nagtataka niyang sabi. Agad uminit ang pisngi ko at inirapan siya.


"Mahirap na. Mahalay yung mata ng kasama ko ngayon," pagsusungit ko. Yumuko siya bago napangisi na lamang. Mas lalo lamang akong nainis habang iyong puso ko ay mistulang nagpapasimula na ng marching band.


"Ano nga ba kasing ginagawa mo dito?" asik ko. Namulsa lamang siya bago ako hinarap.


"Nakikikain lang. Wala kaming pagkain sa bahay," aniya. Napasinghap ako sa naging sagot niya pero hindi na ako nagkomento. Dumiretsyo lamang ako sa sofa habang siya ay nangalkal sa mga CDs ni Papa sa tabi ng TV.


Mayamaya lang ay nagsalang siya ng isang pelikula roon at umupo sa aking tabi. He stretched his arms and settled it behind my back.


Nagsimula iyong pelikula. I rolled my eyes when I saw that we were watching Titanic, iyong napaka cliché na pelikulang paboritong paborito ng halos lahat ng babae.


"You don't like it?" tanong ni Trey. His breath touched my cheeks and my heart started humming again. Sa sobrang kaba ay umiling lamang ako.


"Ma-May Marvel si Papa. Yun na lang," anas ko. Nilingon ako ni Trey na natatawa.


"Marvel? You would prefer Marvel over Titanic?"


Tumango ako, nagtataka kung bakit siya nagtataka.


Napailing siya, halatang nagulat. He settled his arm behind my back before his hand touched my shoulder.


"Damn baby. Kakaiba yung build mo," aniya at pinause yung pelikula. Tumayo siya at muling nangalkal ng CD roon para humanap ng gusto ko.


"I thought you're celebrating your birthday with Serise?" aniya habang naghahanap. Nagkibit balikat naman ako.


"Hindi na. Busy siya, nakakahiya," sagot ko. Nilingon ako ni Trey habang naghahanap ng pelikula.


"Isa pa, this is her first birthday with her husband and her son. I don't want to steal that moment from her family."


"You're a family too, right?" aniya. Mapait akong ngumiti.


"We're blood related. She's my cousin."


"You're cousins. That's what makes you a family too," katwiran niya. Tiningnan ko si Trey at malungkot na umiling.


"No Trey. Sometimes, a person whose blood related is the one who makes you feel that you're not a family. Minsan naman, kung sino pa ang hindi mo kadugo, siya pa ang magpaparamdam na pamilya ko. That stuff happens too," sagot ko. Napahinto si Trey sa pagsasalang ng CD sa player at tiningnan ako.


"But we are trying to fix it now. Kinuha nga ako ni Sese na ninang ni Altair. It's just that, our relationship has been too damaged and it can't be easily fixed," pagkekwento ko. Trey sighed before standing. He opened his arms and looked at me.


"Come here," utos niya. Ngumuso pa siya at iminwestra na yakapin ko siya. Agad naman akong tumayo at dumiretsyo sa nakabukas niyang braso.


Noong mayakap niya ako ay hinaplos niya ang aking kulot na kulot na buhok. I felt him kissing the top of my head before rubbing my back.


"I'll be everything for you Illea Auriel. Your family, your bestfriend, your home, anything. I'll be anything for you," bulong niya. Tumango lamang ako at yumakap ng mas mahigpit sa kanya.


"Let's watch the movie now," anas ko. Tumango lamang siya at pinakawalan ako sa yakap niya. We both settled on the sofa as Doctor Strange played.


Ipinatong ko iyong ulo ko sa matigas niyang dibdib habang iyong mga daliri ni Trey ay naglalaro lamang sa bawat kulot na hibla ng buhok ko. We were both silent during the movie, iyong ingay na maririnig ay galing lamang sa pelikula.


Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa kanyang balikat. Noong gumising ako ay madilim na. Nakakumot ako at nakahiga sa sofa. I sat up and looked for Trey but he's nowhere to be found.


"Trey?" tawag ko rito. Inalis ko ang pagkakakumot sa akin at tumayo para hanapin siya. Dumiretsyo ako sa kusina at sa dining pero wala siya roon.


'You don't understand how much you really mean to me

I need you in my life

You're my necessity

But believe me you're everything

That just makes my world complete

And my love is clear the only thing that I'll ever see'


I stopped on my tracks when I heard soft music playing in the garden. Kinuha ko ang tsinelas ko at lumabas. Noong binuksan ko ang pinto ay ganoon na lamang ang gulat ko.


Small candles were scattered on the grass. Red, white and peach rose petals were floating on the pool's water. Soft music was playing from the speakers on the side. Iyong disenyo ni Mama na Christmas lights ay nakisabay sa tugtog, making the place more pleasing to the eye.


Sa gitna ay may nakalatag na tela, isang picnic basket at mga picka picka. Sa gilid noon ay nakatayo si Trey, malawak ang ngiti habang nakatingin sa akin.


"What is this?" I asked. Ngumiti lamang siya at lumapit sa akin. Iniabot niya ang isang bungkos ng puti at pulang tulips bago ako kinabig palapit. His hand travelled from my shoulders to the expanse of my waist. Humawak ako sa braso niya at marahan niya akong isinayaw.


The soft twinkle of the starts matched the sparkles of the candles and the Christmas lights. Trey and I swayed on the music from the speakers. Walang nagsasalita sa aming dalawa, parehong tahimik lamang na sumasayaw.


I breathe hard. Pakiramdam ko ay sumisikip na ang dibdib ko. Having Trey here, feeling his arms around me, made my heart beat in ways that are unexplainable. Kahit kailan ay hindi pa tumibok ng ganito ang puso ko, para kay Noah man o kay Rome.


But it was too easy for Trey to play with every beating of my heart. Just one look from his brown eyes and I am already drowning.


Dumikit ang labi niya sa gilid ng aking tenga. Shivers shot through my spine as his baritone voice filled the air.


'You're all I ever need

Baby, you're amazing

You're my angel come and save me

You're all I ever need

Baby, you're amazing

You're my angel come and save me'


Tuluyan ng nagwala iyong puso ko noong marinig ko iyong boses niyang sumasabay sa kanta na isinasayaw namin. I felt him holding me tighter as we dance.


'Don't the water grow the trees

Don't the moon pull the tide

Don't the stars light the sky

Like you need to light my life

We can do anything you like

I know we both can get it right tonight

You got your walls built up high

I can tell by looking in your eyes'


His voice calmed and shocked my heart at the same time. Hindi ko alam kung paano niyang nagagawang pagaanin ang nararamdaman ko at takutin ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I never knew that it is possible to feel this way.


He looked at me in the eye. The lights half illuminated his handsome face. This man, the man I call as my greatest mistake, stares at me as if I laid the moon and the sun in his footsteps.


"Illea.." he called me. His hand held my cheeks and stared at me. Those brown orbs tightened their stare on me and I knew I was lost.


Noong bumaba ang mukha niya palapit sa akin ay hindi na ako nakagalaw. Ayaw ko ng gumalaw. I was anticipating it. I am silently craving for it.


I want it.


Noong gahibla na lang ang distanya sa mga labi namin ay nagsalita siya.


"Happy birthday, Yturralde," bulong niya bago ako kinabig at hinalikan sa labi.


-------------------------

Belated Merry Christmas!!


Song Used:

Austine Mahone - All I Ever Need



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top