Flight

5


I took my mother's favorite floral dress out of my closet. Mama loves it when I wear such things because Ian hates it. Matigas ang ulo ni Ianna at ayaw sa mga damit dahil hindi siya makagalaw ng maayos kaya ako na lang ang nagsusuot nun. I remembered before, when Ian was still a baby, na ako naman ang tumatakbo kay Mama dahil ayaw kong magsuklay. I just want my hair in wild disarray while I play ball with Matthew and the gang.


But then Ian came and I felt the need to protect her. Kapag umiiyak siya dahil pinagdadamit siya ni Mama ay ako na lang ang sumasalo. I just can't bear to see my younger sister cry. Pakiramdam ko ay may kailangan akong gawin para sa kanya.


I looked at my reflection wearing that floral dress. Iyong kulot at sabog kong buhok ay maayos na nakatali sa kaliwang side, nakatirintas katulad ng gusto ni Mama.


"I know you. Among the granddaughters of Sandro Montreal, ikaw ang pinakamahal sa lahat hindi ba? Because you're perfect.."


"Yeah, you don't want your parents to be disappointed so you became the perfect daughter. You don't want your cousin to be disappointed so you gave Noah up. You don't want the people around you to be disappointed that you've ended disappointing yourself,"


"Then are you happy now?"


Trey's words echoed in my head once again. Buong gabi ay ang mga salita niya lamang ang naiisip ko. I wonder where does he get the power to make me speechless? Kapag siya na ang nagsalita ay wala na akong panlaban. It seems that my almost perfect GPA doesn't even stand a chance at his own simple words.


Napaupo ako sa carpet habang walang lakas na napatitig sa sarili ko. What is happening Ea? What is happening with you? Hindi ba't sanay ka ng nakadamit? Na ang buhok mo ay perpektong perpekto ang ayos? Hindi ba't tanggap mo na?


Then why does the words of that ass kept on ringing inside me? Why?


Napatayo ako at inis na hinila iyong pang ipit ko sa buhok. Kinalas ko ang bawat buhok na nakatirintas at hinayaan iyong mahulog na lamang. Noong makita ko ang pagbagsak ng kulot kong buhok ay agad akong bumalik sa aking closet. Padarag kong hinila ang isang abong tshirt at ang luma pero paborito kong ripped jeans. Nagbihis ako kaagad bago ko basta na lamang ipinony tail ang aking buhok. Kinuha ko ang aking maleta at bumaba na para hintayin si Mang Fred para ihatid ako sa airport.


"Ma, alis na ako," paalam ko kay Mama na abala sa pagpupunas ng mga muwebles. Napatanga si Mama ng makita ang itsura ko at agad na kumalabog ang aking dibdib.


Shit, magpapalit na ba ako?


Alanganing ngumiti si Mama bago tumango. Iyong mata niya ay naglakbay mula sa suot kong pulang Keds paakyat sa punit kong pantalon at maluwag na abong shirt.


"Mag iingat ka, anak," Mama said. Iyong hangin na pinipigilan kong mailabas ay parang batang kumawala. Ngumiti ako at yumakap sa kanya.


"Thanks Ma."


Tinapik niya ang aking likod bago tumango. "Thank you too, Illea," she said. I nodded before letting go. Sakto naman ang pagpasok ni Mang Fred.


"Pakihatid itong si Illea sa airport Mang Fred." Anas ni Mama bago humarap sa akin. "Tawagan mo ako kapag nasa Palawan ka na ha? Para hindi mag alala ng Papa mo," aniya. Tumango lamang ako.


"Tara na Illea?" anas ni Mang Fred. Kinuha niya ang maleta ko bago ko nilingon muli si Mama na nakatingin sa akin, iyong mata ay naiwang nakatitig sa akin.


Mabils kaming nakarating ni Mang Fred sa PAL. Agad akong lumabas ng sasakyan para tulungan si Mang Fred sa pagbaba ng gamit ko noong makita ko si Trey.


Nakakulay abo rin siyang v-neck long sleeves, ripped jeans at pulang rubber shoes. Nakasandal lamang siya sa pader, lumilinga linga na para bang may hinahanap. Sinipat niya ang relo niya bago pinolobo iyong bubble gum na masaya niyang nginunguya.


Napalunok ako habang nakatitig sa kanya. May iilang dalaga na napapatigil at kinukuhanan iyong malamodelo niyang pagnguya ng bubble gum. Umikot lamang ang mata ko at tinaas ang aking kamay.


"Trey!" tawag ko. Nilingon niya ako bago siya tumuwid ng tayo. Dinampot niyang muli iyong backpack niya at naglakad papunta sa akin. Hinarap ko naman si Mang Ben na inaayos ang aking maleta.


"Okay na po. Ako na lang po dito," sabi ko. Tinapik ni Mang Ben ang kamay ko at ngumiti.


"Mag iingat kayo Illea," aniya bago pumasok sa kotse. Hinintay ko pang makaalis siya ng masigurado kong ayos lamang si Mang Ben.


"Hey," bati ni Trey sabay akbay sa akin. Napayuko pa ako sa bigat ng braso niya bago ko siya tiningala. Iyong pamilyar na mayabang niyang ngisi ang bumungad sa akin.


"Ang bigat ng braso mo," reklamo ko. Lumawak ang ngisi niya bago tiningnan ang suot ko.


"Wah, pinagplanuhan ba natin ito? Para tayong naka couple outfit ha."


Binaba ko ang tingin sa suot ko at napasinghap. "Oh? Oo nga!" natutuwa kong sabi. Itinaas niya ang palad niya at mabilis kaming nag apir.


"Damn, fate sure is funny," anas niya sabay kuha sa aking maleta. Siya ang humila noon habang ako ay naglakad sa tabi niya. Tahimik ko lamang tinititigan si Trey sa aking tabi. Doon ko lamang napansin na hanggang balikat lamang niya ako, mataas lamang ng ilang pulgada mula sa kanyang siko.


"What's your height?" tanong ko habang nagchecheck in kaming dalawa. Sinilip niya ako bago siya tumingala,waring nag iisip.


"Hmmn.. 6'2. Ikaw?" natatawa niyang sabi. I pouted before punching his arm.


"I hate you. Wag mo ng itanong," sagot ko. Tumawa lang siya sabay himas sa parteng sinuntok ko.


"Buti na lang maliit ka. Atleast you can't reach my face when you punch."


"At bakit naman masaya ka kung hindi ko abot ang mukha mo, aber?" pagtataray ko. Kinamot niya ang sentido niya bago muling ngumisi. Natigilan naman ako sa aksyon niyang iyon at napatanga.


"Cuz you might damage my perfect face Yturralde. Akala ko ba ay matalino ka?" aniya. Sinapak kong muli ang braso niya at napailing. Ang yabang mo po kuya. Nakakairita ka.


Naglakad na kami para makapag board noong muli siyang umakbay sa akin.


"You look good today. It's kinda tiring to see you always in dresses," maslang niyang ingles. I felt my chest constricting with every loud throb. My face heated and I just kept quiet.


Hanggang sa makasakay kaming dalawa ay patuloy si Trey sa pangungulit. I wanted to have the window seat but he pushed me backwards. Napasinghap pa ako habang siya ay parang bata na humahagikhik . His chinky eyes grew smaller while he was laughing like crazy.


"That's my seat Trey!" I hissed. Umiling lamang siya at hinuli ang braso ko bago ako hinila. Bumagsak ako sa upuan sa tabi niya habang siya ay di pa rin natitigil sa pagtawa.


"Damn it Trey!" inis ko ng sabi. I chose that seat number para malapit ako sa bintana! Ang daya!


"Hush. Hindi ka pwede sa bintana," natatawa pa rin niyang sabi. Kinurot niya ang baba ko at hinampas ko naman ang kamay niya.


"Ewan ko sayo—"


"Really Illea, hindi ka pwede. Baka mahilo ka," sagot niya. Matalim ang mata ko siyang nilingon. Tumaas pa ang kilay ko at napatitig lamang siya sa akin.


"Palusot mo Fortalejo, ang bulok," sagot ko. Napakurap siya bago tumikhim.


"You'll probably be sick. It's easy for you to have motion sickness right? Kaya nga hindi ka rin nagmamaneho. Baka mahilo ka kapag sa bintana ka umupo," paliwanag niya. Nanlaki naman ang mata ko at nilingon siya.


"H-how did you know about..."


Ngumisi lang siya at nag ayos ng upo. Sumandal siya sa headrest at ipinikit ang mga mata.


"I don't know.." pakanta niyang sagot. Pinalobo ko na lamang ang pisngi ko at hindi sumagot sa kanya. Umayos rin ako ng upo at pipikit na sana para makatulog. I have to be asleep before the take off. Hindi ko kakayanin ang takot kapag gising ako.


I've always feared heights and speed. Kapag nasa mataas ako o kaya ay nasa isang mabilis na sasakyan ay bigla na lamang akong nanginginig. That's why I never learned to drive. Masyado akong takot kaya hindi na ako natuto.


I closed my eyes to try to sleep when I felt something touching my lashes. Noong dumilat ako ay nakita ko si Trey na pinaglalaruan ang pilik mata ko.


"Trey, ano ba!"


He grinned, "Are you really gonna sleep? Sandali lang ang byahe, Illea," aniya. Umirap lang ako at muling pinikit ang mata. Wala pa mang isang segundo ay naramdaman ko ang bigat sa balikat ko.


"Yturralde, wag mo akong tulugan," anas niya. I opened my eyes and snatched my arms. Nakakaloka itong lalaking ito! Bakit kaya hindi na lang siya makinig sa mga FA about the safety demonstration?! Darn, ako pa ang nagugulo!


"Trey!" I snapped. He smiled before touching my chin again. I was about to retort when the captain announced for the take off. Nanlaki naman ang mata ko at inatake na ako ng kaba.


"Damn it," kinakabahan kong sabi. My heartbeat drummed inside my chest. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pamilyar na pag uga ng eroplano at agad akong napapikit ng mariin.


Shit Illea! You've been through this before! Ilang flight na ang naranasan mo, bakit takot ka pa rin?


Malakas akong napasinghap noong pabilis na ng pabilis ang andar. Naramdaman ko ang paglukot ng mukha ko sa takot at ang biglang pagtaas ng palad ko, naghahanap ng makakapitan.


My hand wandered aimlessly when suddenly, I felt something warm and big enveloping it. Bigla akong napadilat noong mapansin ko ang kamay ni Trey na bumalot sa aking kamay.


Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lamang siya sa bintana pero iyong kamay niya ay mahigpit ang kapit sa akin. My heartbeat raced once more. Bahagyang umuga ang eroplano at malakas akong napasinghap. Iyong kapit ko sa kamay ni Trey ay humigpit.


"Ah, shit," anas niya sabay bitaw sa akin. Naalarma ako at nilingon siya noong nakita ko ang pagtaas ng braso niya. Umikot iyon sa balikat ko at hinila ako papunta sa kanya.


"Are you alright?" he asked, our faces merely an inch apart. Napalunok ako sabay tango.


"Y-yeah, ah!" anas ko noong unti unti na kaming umangat. Awtomatikong dumako ang kamay ko sa dibdib ni Trey at doon ako humawak. His free hand held my palm on his chest before squeezing it.


"Scaredy cat.." he teased. Sa sobrang takot ko ay hindi ako sumagot. Isiniksik ko lamang ang sarili ko sa kanya para maibsan ang takot ko.


Sunod sunod ang kalabog ng dibdib ko sa takot habang hindi ako mapakali sa tabi niya. He rubbed my shoulders and that was when I forgot about my fear. Trey was holding me so tightly that I felt...well, protected.


Tiningala ko siyang muli para matignan para lamang magulat sa pagititg niya rin sa akin.


"What?" he asked. I felt my cheeks heating up before I shook my head.


"W-wala..." anas ko, muling bumalik sa pagkakasiksik ko sa kanya. Noong maitago ko na ang mukha ko sa dibdib niya ay di ko mapigilang mapangiti.


Damn it Illea!


Nasa ganoon pa rin kaming posisyon at wala yatang may balak gumalaw sa amin noong lumapit ang isang FA para ipaalam na maari na naming tanggalin ang aming seatbelts. Nagulat pa kaming dalawa ni Trey sa biglaan nitong pagsulpot.


"T-thank you," pasasalamat ko doon sa babae sabay kalas sa aking seatbelt. Hindi ko magawang lumingon kay Trey sa hindi malamang dahilan. I felt awkward after our encounter during the take off. Para tuloy akong baliw.


Nakabaling lamang ako sa ibang direksyon para hindi siya maharap. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako dahil sa take off, iyong kalabog ng puso ko ay nandoon pa rin.


"Illea," tawag niya sa akin. Alanganin akong humarap sa kanya. His face was blank with emotions while he was holding a small book. Inabot niya iyon sa akin at agad ko naman iyong kinuha.


"Wha—"


"I heard that you love books. Napadaan ako sa bookstore, tapos dinampot ko. Uh, I-I bought it for you." Aniya. Napangiti ako sa paraan ng pagkakasabi niya at wala akong nagawa kung hindi ang umiling na lamang. Binuksan ko ang libro para lamang mapangiti.


It was in a Japanese Manga style, pabaliktad mo siyang babasahin. Magsisimula ka sa kanan pababa bago sa kaliwa. I scanned the pages of it. Sa unang pahina ay may drawing ng babaeng naka asul na payong, kagat kagat ang daliri habang nakatayo sa damuhan. Cute na cute ito sa puting tshirt at pulang jumper shorts.


Sa susunod na mga pahina ay makikita iyong babae na naglalakad sa iba't ibang lugar. May nakilala siyang panadero at sinabihan na hindi ito dapat nagpapayong sa maaraw na lugar dahil hindi raw nito maappreciate ang init. Itinago ng babae iyon at muling naglakad para lamang abutan ng ulan.


The girl didn't use the umbrella eventhough it was raining. Naaalala kasi niya iyong sinabi ng panadero tungkol sa kanyang payong.


Sa susunod na lugar ay nakakita naman siya ng isang matandang babae. The lady got mad at her for wearing something so short while raining. A true lady should always be feminine. Na hindi ito dapat nagpapakita ng kahit na anong balat. Napilitan iyong babae na magpalit ng damit katulad ng sinabi ng babae sa kanya. She wore a blue dress that touches the soil. Itinapon niya iyong paborito niyang shorts at tshirt.


The girl's smile slowly faded but she chose to still continue her journey. Later on, she visited a village having their festival. Patakbong lumapit ang babae sa mga sumasayaw para lamang madapa dahil sa sobrang haba ng bestidang suot. Nadumihan ang suot niya at hindi siya pinayagan ng mga tao na sumali sa sayaw.


Tuluyan ng nalungkot iyong babae at naglakad muli. Nakarating siya sa isang burol at doon ay umupo siya sa tuktok. She hugged her kegs and cried softly. She misses her umbrella, her shorts, her white shirt. She misses everything she lost while trying her best to please everyone she met. She misses herself.


Saktong muling umulan at mas lalong napaiyak iyong babae. Naramdaman niya iyong bawat patak sa balikat niya pero hindi na siya gumalaw. She cried harder. Ngayon ay wala na ang payong niya para proteksyon sa ulan. Hindi na rin siya makakatakbo ng maayos dahil sa bigat ng suot niya.


She sat there crying like a baby, when all of a sudden, the rain stopped. Tumingala siya para lamang makita ang isang binata, nakapulang shirt at puting jumper na nakatingin sa kanya. Sa kamay nito ay may isang kulay asul na payong...


Isinara ko ang libro at nilingon si Trey na naiidlip sa tabi ko. I couldn't help but to smile after reading. Kinuha ko iyong handbag ko at nangalkal ng ballpen roon. Sa pinakaunang pahina ko iyon bnuksan para magsulat.


'Thank you for the umbrella, Trey'


Isinara ko ang libro at inilagay sa aking handbag. The captain announced our landing and Trey woke up. Kumurap kurap pa siya at agad na nilibot ang mata para lamang huminto noong makita ako.


"Did I sleep?" he asked. Tumango lamang ako habang nangingiti pa rin, iyong isip ko ay nakapako pa rin sa libro. I was just staring at him that I forgot that we are about to land. Naalala ko lamang iyon noong maramdaman ko na ang pamilyar na pwersang parang humihila sa aking puso.


"Oh shit.." I hissed. Kumapit ang kamay ko sa armrest noong hilahin ni Trey iyon at hinawakan.


"Relax Yturralde," aniya. Nilingon niya ako bago mayabang na kumindat. Napatanga lamang ako sa kanya at tahimik na tumango.


Muling kumalabog ang puso ko noong maramdaman ko na ang pagkahulog namin. I bit my lips to stop my scream but Trey squeezed my hand tighter.


"It's fine Illea. You'll be fine with me. Trust me," bulong niya sa akin. I stared at him and couldn't help myself from agreeing. I really felt protected while he held my hand.


I just know, I am already putting my trust in this man.


------------------

Illea-Trey below :)


RIP sa inyo haha!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top