Butterfly
27
I offered my hand to Trey when we arrived at the airport. Mabilis niya iyong kinuha bago hinawakan ng mahigpit. He breathe hard, trying to calm his nerves before glancing at me. Binigyan ko siya ng ngiti bago ko pinisil ang palad niyang hawak ko.
"Let's go?"
Tumango lamang siya bago kami sabay na naglakad. Agad kong nakita ang kapatid ko na pinupunasan ang bibig ni Tatie habang nakatayo sila sa entrance ng airport. Sa tabi niya ay si Rome kasama ang triplets na nagbibilang ng mga dumadaang tao.
Tumikhim si Trey kaya tiningala ko siya.
"That's..Rome, right?"
"Hmmn, yeah," sagot ko. Napalingon si Ian sa amin bago siya kumaway. She carried Tatie on her arms before walking towards us.
Binitiwan ni Trey ang kamay ko kaya napatingala ako sa kanya ng wala sa oras. Pero bago pa man ako makaangal ay agad na iyong lumapit sa aking beywang. He stared down at me before looking back at Rome who was still playing with the triplets.
"Your ex, eh?" medyo inis niyang sabi. His jaw moved a little and I just shook my head. Ex ko nga Fortalejo. Ex na. Ano pang kinaiinis mo?
Kinagat ko ang labi ko bago ko hinaplos ang kanyang nagngangalit na panga. Marahas niya akong nilingon kaya agad akong ngumiti.
"I love you," anas ko. I saw how his brows lifted a bit before a smile erupted involuntarily from his lips. Kinagat niya ang labi niya bago siya yumuko at hinalikan ang tuktok ng aking buhok.
"Ate! Uy, mamaya na yung landi!" sigaw ni Ian habang tumatakbo at karga si Tatie. Binitiwan ako ni Trey at agad akong lumapit sa aking kapatid.
"Si Mama?" tanong ko. Lumapit rin si Rome sa amin at agad na ginulo ang aking buhok.
"May nakasalubong siyang coach sa loob, ayun nakipagkwentuhan saglit," sagot ni Rome. Napatango na lamang ako at magtatanong pa sana ulit noong maramdaman ko sa aking likuran si Trey. Hinawakan niya ang aking balikat bago inalok ang palad kay Rome.
"Trey, pare," pakilala niya. Ngiting ngiti naman ang kapatid ko habang nakatitig sa palad ni Trey sa aking balikat. Pasimple pa niya akong nginitian na para bang may gusting ipahiwatig.
Pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi talaga mabura iyong ngiti niya. Ian naman!
"Rome dude, brother-in-law ni Illea. Mga anak ko pala," sagot ni Rome bago isa isang pinakilala ang mga bata sa kanya. The triplets took Trey's hand at isa isa silang nagbless dito. Si Tatie naman ay agad na nagpakarga kay Trey dahil tuwang tuwa ito sa suot na wayfarers ni Fortalejo.
A gentle smile crept into my lips as I look at Trey holding my niece. Halata sa bawat haplos niya iyong pag iingat sa bata. Would he be like this too later, when he carries Luke in his arms?
"Si Tatie pala yung kalaro lagi ni Luke," I informed him. Trey looked at Tatie before smiling gently. Inalalayan niya ito sa pagsusuot ng salamin na nahuhulog pa dahil sa maliit nitong mukha.
"Sasabay ba kayo sa amin Ate? Susunduin kami ni Kuya Caius," Ian said. Tiningnan ko si Trey para sa kanyang desisyon. Ibinalik niya si Tatie kay Ian bago ako muling kinuha. Muling bumalik iyong mapanuksong ngiti ng kapatid ko kaya di na ako nakatiis. Bigla kong hinila ang tenga niya kaya napasinghap siya.
"Ate!"
"Magtigil ka, nakakahiya," mariin kong sabi kahit na natatawa na. Hinaplos lamang ni Ian ang tenga niya bago niya isinandal ang ulo sa balikat ng asawa niyang natatawa na lang sa aming dalawa.
"By the way Illea, mamayang gabi pala yung anniversary concert ng AEGGIS, pupunta ka?" Rome said. Iyong ngiti ko kanina ay biglang nawala sa narinig ko. Kahit si Ian ay parang biglang nawalan ng sigla.
Naramdaman ni Rome ang tension bago niya kinabig si Ian at niyakap.
"Ayos lang kung hindi na kayo pupunta. Ako na lang ang magsasabi," Rome cut us off. He touched my sister's cheeks before whispering some words to her. Ako naman ay nanatiling nakayuko, pinag iisipan kung kaya ko na bang pumunta sa concert ng AEGGIS, knowing that this time, my favourite vocalist won't be there to sing anymore.
"Hey, you don't have to go," Trey whispered. Tumango lamang ako bago napabuntong hininga. This is the first time AEGGIS would perform after my father's demise. Mabigat para sa aming lahat ang pagkawala ni Papa at dinibdib rin iyon ng mga kabanda niya. Man, they treated each other as brothers, alam kong sobrang sakit rin para sa kanila ng pagkawala ni Papa.
Naputol lamang ang pag iisip ko noong makita na naming ang paglabas ni Mama. She was carrying Luke in her arms. Mabilis akong bumitaw kay Trey bago ako lumapit kay Mama. Luke screeched and made cute sounds the moment she saw me.
"Mama!" she shouted. Naglikot siya sa balikat ni Mama kaya nahirapan ito sa pagkarga. Lumiyad si Luke para maabot ako at muntik na siyang mabitawan ni Mama, mabuti na lamang at nakalapit agad si Trey at nahawakan ang likod ni Luke.
Napahinto ako sa paglalakad noong makita ko si Trey na hawak na ang aming anak. Nilingon ako ni Mama bago niya ako tinanguan. Meanwhile, Luke was staring at her father who was still holding her back.
Itinaas ni Luke iyong maliit niyang kamay bago niya hinaplos ang mukha ng kanyang Papa. She smiled cutely, halos magdikit na iyong baba niya sa kanyang leeg bago ako nilingon.
"Mama, ang pogi," anas niya. Napahalakhak kaming lahat noong marinig ko ang anak ko. Maging si Trey ay natawa na lamang kahit malapit na siyang maluha.
"Carry your daughter, Terrence," masuyo kong utos. Inalalayan naman ni Mama si Luke para mailipat sa balikat ni Trey.
"Illea.." he called. Mabilis akong lumapit sa kanila at tumabi ako kay Trey. Luke was still giggling while looking at the two of us, mas lalo na kay Trey.
Luke went to Trey's arms willingly. Agad siyang kumapit sa tshirt ng ama bago siya muling humagikgik. Trey smiled at her but a tear dropped from his eyes.
"Oh god.." he hissed. Luke pouted before reaching for Trey's tears.
"Iyak ka? Gusto mo kiss ni Mama para di na painful?" my daughter asked. Trey smiled before kissing Luke's forehead.
"It's painful honey, I'm just happy," Trey answered. Pasimple ko ring pinunasan ang luha ko bago ako nilingon ni Trey. He opened his free arm for me and I immediately went to them.
"Luke.." I called for my daughter. She looked at me and then smiled again.
"Diba Tatie and your Kuya Bryant, Kuya Chasin and Kuya Neron has Uncle Rome? Ano kasing tawag nila kay Uncle?"
Luke pouted before looking at Trey. She smiled widely again, para bang alam niya na nasa harapan na nga niya ang Papa niya.
"Papa!" she answered. Hinaplos ko ang pisngi ng aking anak bago tumango.
"Gusto mo ba ng Papa?"
Mabilis pa sa alas kwatro siyang tumango.
Tumikhim si Trey kaya siya nilingon ni Luke.
"I-I'm your Papa, Lucille." Pakilala na niya, hindi na napigilan ang sarili. Luke stared at him for a moment. Ramdam ko kung paano tumigil ang paghinga ni Trey sa tabi ko, hinihintay ang magiging reaksyon n gaming anak sa nalaman.
Mayamaya lang ay biglang lumawak ang ngiti ni Luke bago niya niyakap ang leeg ni Trey.
"Yey! Mama I have a Papa!" Luke informed me. Napatango na lamang ako bago ko isinandal ang ulo sa balikat ni Trey.
Trey held me in his arms while Luke was hugging his neck. Hinalikan niya ang noo ng aming anak bago niya ako binalingan. He smiled a little before giving a light kiss on my lips. Napangiti na lamang kaming dalawa, alam kahit na walang salitang namagitan sa amin na ito na nga ang matagal na naming hinihintay na kaligayahan.
"Sa amin ba kayo sasabay Illea? Si Caius ang susundo sa atin," biglang sabi ni Mama. Tiningala ko si Trey para humingi ng sagot. Inayos niya ang pagkakakarga kay Luke bago magalang na umiling kay Mama.
"Dala ko po ang kotse ko. Iuuwi ko sana ang mag-ina ko sa amin," he said. Mag ina ko talaga ha, Fortalejo?
Mama nodded before taking her bags. Tinulungan namin siya ni Trey bago namin siya ihinatid doon sa nagaantay na palang sasakyan ni Caius. Noong makasakay na sina Mama at Ian ay agad na rin kaming dumiretsyo ni Trey sa kanyang sasakyan.
I opened the back door for him and he gently laid Luke on the booster seat. Tuwang tuwa naman ang anak ko noong makita niya ang kulay pula niyang upuan na may kasamang manika.
"Mama, doll oh!" she excitedly said. Tumango lamang ako at hinaplos ang kulot niyang buhok. Noong makita kong maayos na ang pagkakaupo niya ay agad na akong umikot at tumabi kay Luke. Noong makaupo ako roon ay sinalubong ako ng kunot na noo ni Terrence.
"Sit here," aniya sabay nguso sa shotgun seat. Mabilis lamang akong umiling at tinuro si Luke na naglalaro na.
"Trey, babantayan ko si Luke," paliwanag ko. He opened his mouth to protest but he closed it instead. Bumuntong hininga na lamang siya at agad na pinaandar ang sasakyan.
Ilang beses kaming nilingon ni Trey sa rearview mirror, sinisiguradong maayos lamang kami. Hindi ko na napigilan ang pag ikot ng mata ko sa asta niya. Kahit ang pagmamaneho niya ay mas mabagal kumpara sa normal niyang bilis.
"Can't we be any faster?"
Nilingon niya ako gamit ang rearview mirror bago siya umiling.
"No. I can't take any risks," simple niyang sagot. Napanguso na lamang ako dahil sa mga one liner niyang salita.
Ilang sandali ay nakarating kami sa isang exclusive subdivision. Nakahilera ang mga naglalakihang bahay roon at halos malula ako sa mga laki nila. Yes, I grew up in an affluent environment but this place is out of this world. May bahay akong nakita na halos mall na yata ang laki!
At the end of the street was a white and brown three-storey house. May tatlong terasa yata iyon at malawak na garden na may tanim na dalawang punong manga. Sa isang puno ay may isang treehouse roon. Lihim kong nilingon si Trey, iniisip kung nakita rin niya iyong tree house. Naalala pa kaya niya iyon?
Nasa ganoon akong pag iisip noong huminto ang sasakyan niya sa mismong bahay na tinititigan ko. He looked at me before nudging his head towards the enormous white house.
"We're here," aniya. Mabilis niyang binuksan ang gate bago kami binalikan ni Luke sa sasakyan. Ipinasok niya ang sasakyan sa garahe at inalalayan kami palabas. Kinarga ko agad si Luke pero pumalag siya sa aking balikat.
"Mama, I want to walk!" she said. Agad ko siyang binaba bago ko hinawakan ang kanyang kamay. Trey, on the other hand, was busy opening the doors for us.
The rich mahogany door opened for us and I was greeted with a floor to ceiling portrait of a woman's back. Nakatalikod ito habang may hawak na Japanese long bow at pinupuntirya ang may kalayuang target. Her long curly hair was being blown ridiculously by the air but she was busy aiming the arrow.
"Trey..."
He kept his stare at me while I gawked at the painting. I shifted my gaze to see another set of portraits beside the huge one. Natutop ko ang bibig ko noong makita na ang bawat isa saw along litrato ay ako.
There is me while sleeping, smiling, pouting, yawning and laughing. May litrato rin roon kung saan naglalaro ako sa kanyang boxing ring at isa na nakahiga sa kanyang kama, tanging kumot lamang ang nakatakip sa akin.
Each picture showed a different side of me. Each picture showcased my vulnerability and imperfection. Eventhough these pictures were candid and flawed, it still showed how beautiful I am. Na kahit may mali sa bawat litrato, ayos lang, dahil maganda pa rin naman pala ang kalalabasan.
"Hey Luke, Mama's really pretty right," Trey said before he took Lucille in his arms. Luke just nodded while pointing at some of my portraits. Inilapit naman siya roon ni Trey pero iyong tingin niya ay nakadikit pa rin sa akin.
He smiled a little bit before looking at the portraits.
"I'm too damn whipped, right?" aniya. Humalakhak ako kahit na parang sasabog ang dibdib ko. How can I even fall in love with the same man over and over again? Kahit ako ay nagugulat na lamang sa intensidad ng nararamdaman ko para sa kanya.
Tears spilled from my eyes despite my laugh.Bigla na lamang akong naluha sa sobrang saya, sa kaalaman na kahit gaano ako kasira ay may isang tao pa rin palang nagmahal at patuloy na magmamahal sa akin.
He went to me before pulling me into his chest. Mabilis niyang pinunasan ang aking luha bago niya kami hinila ni Luke sa gitna ng kanyang sala.
Ibinaba niya si Lucille sa sofa at hinila ako para maupo na rin. He kneeled infront of us before smiling. He gave a deep sigh and looked around the house.
"Now the house is finally complete," he announced. Dumako iyong kamay niya sa aking batok at agad akong hinila para sa isang halik. When my mouth reached his, I immediately answered his kisses with so much love that he deserves.
Trey prepared lunch for the three of us after the dramatic encounter we had at the living room. Todong asikaso siya hindi lamang kay Luke kundi pati na rin sa akin.
Sinubuan ko si Luke ng iniluto ni Trey na baked penne pasta. Tuwang tuwa sa pagnguya iyong anak ko noong kunin ni Trey sa akin ang kutsara.
"Sige na. I'll feed Lucille. Kumain ka na," he said. Hindi na niya hinintay ang pag sang ayon ko. Agad siyang kumuha ng maliit na piraso ng pasta at sinubuan ang aming anak.
Noong matapos kaming kumain ay siya ang naghugas ng pinggan. Luke and I played on the living room when Trey finished the dishes. Mabilis siyang tumabi sa akin at kinalaro din si Luke.
Maya maya lang ay nakatulog si Luke sa kabusugan at pagod. Nakadalawang size ba naman ng cake, talagang tumba siya. She slept at my arms while Trey sat beside the two of us. Tahimik lamang kaming dalawa noong nilingon niya ang orasan.
"Pupunta ka sa concert ng AEGGIS?" he asked. Natigilan ako bago ko siya nilingon. Understanding was already written in his eyes. Mabilis niya akong pinasandal sa kanyang balikat bago niya kami niyakap.
"Hindi ko alam kung kaya kong pumunta Trey..."
"You don't have to force yourself to come Illea."
Huminga ako ng malalim bago tumango. I looked at Luke who was sleeping soundly on my chest. I touched my daughter's hair before sighing.
"You know, when I was still a kid, palagi kaming pumupunta sa Wave Records para panuorin sina Papa mag perform. I've always loved watching him sing Trey. Halatang mahal na mahal niya yung ginagawa niya. Whenever he sings, he sings with everything that he has."
Trey listened at me, following every word that I am saying. Nagpatuloy ako sa pagkekwento.
"He has the most beautiful voice Trey. And it scares me to death that I would never hear his voice again. Never again. At kahit ilang beses pa na magconcert ang AEGGIS, hindi ko na maririnig si Papa kasi wala na siya.." anas ko. Naiyak na ako ng sobra sa nasabi. All my fears were poured on those words. Kung bakit ayaw kong pumunta. Kung bakit hindi ako makapunta sa concert na iyon.
Paano ko papanuorin ang AEGGIS kung wala na roon ang Papa?
"Hey, hey Illea, look at me. Baby, look at me," tawag niya sa akin. He cupped my tearstained cheeks before smiling.
"He's still here Illea. He's in you. He's with your mother and your sister. At kung talagang tama ka, na mahal na mahal ng Papa mo ang entablado then he's there too. He's not gone. Illea he will forever stay with you," he said. Hinaplos niya ang aking pisngi bago hinalikan ang aking noo.
"Do you want me to come with you?" he offered. Mabilis niyang pinunasan ang luha ko bago ako muling hinalikan.
"Paano si Luke?" sumisinghot ko pang sabi. He chuckled before pinching my now runny nose.
"We'll bring her."
Napatango na lamang ako sa sinabi ni Trey. Somehow, the thought that he is coming with me made me feel safe. Mamaya, sa concert, alam kong naroon si Trey at hindi ako papabayaan.
He's going to be there. Just like how my father stayed beside me before, Trey's going to stay beside me too. And that was enough to give me comfort.
Kinagabihan ay umaattend nga kami sa concert. I opted to wear a white long sleeve bare back lacey dress. I fashioned my hair in a bun but a few stubborn tendrils escaped the power of the hairspray.
Pagkababa pa lamang sa kotse ay agad na kaming pinagkaguluhan ni Trey. Well, he was dashing in his black and red tux matched with a silver gray tie. He possessively wrapped his hand on my exposed back while his other arm carried Luke who is wearing a white tulle dress.
The press was chaotic. Hindi sila masisisi dahil pagkatapos ng tatlong taon na hiatus ay nagsama sama ulit hindi lamang ang AEGGIS kung hindi ang mismong Legacy. Idagdag pa na ito ang pinakaunang public appearance ng mga Uncle ko matapos ng nangyari kay Papa.
"Illea! Why are you with Terrence Fortalejo?"
"Who's this cute little girl?"
"Where have you been for the past three years?"
Iyon ang naging majority sa tanong. Mabuti na lamang at mahigpit ang mga bodyguards at agad kaming naalalayan ni Trey makapasok sa backstage.
The surreal feeling of being here swept me. Nakita ko ang kanya kanyang asawa ng mga AEGGIS na tinutulungan sila sa pag aayos. Auntie Ria was fixing the mic of Uncle A while Auntie Avvi was busy fixing Uncle E's hair.
Sa kabiling gilid ay nakita ko si Uncle I na hinalikan ang noo ni Auntie Iris, ang matalik na kaibigan ni Papa. Sa tabi niya ay naroon si Auntie Lana na kausap si Uncle Greg.
Isang tapik sa aking balikat ang gumising sa akin. Uncle Stan gave me his most beautiful smile before twirling his drumsticks between his fingers. Lumapit sa kanya si Auntie Tori bago ako hinawakan sa kamay.
"I'm glad you came. Nakaupo na si Shana at si Ian, ikaw na lang ang hinihintay," sabi ni Auntie. The AEGGIS looked at me and they all smiled.
They were all wearing a blue and black suits, iba iba ang maliliit na disenyo pero hindi maitatago ang pagkakapareho. They were still dashingly handsome as if they were still in their prime years, back when they were still the kings of this stage.
No Illea, sila pa rin talaga. They're still the kings. No one can ever replace them.
Naglakad na kami ni Trey papasok sa house noong lumapit si Auntie Iris sa akin.
"Para mamaya," aniya sabay abot sa akin ng maliit na itim na flashlight. She gave the same one to Trey before we went to our seats.
Nanginginig ang kamay ko habang umuupo. Tiningnan ko si Mama na tahimik lamang na nakatingin sa entablado. My heart ached for her but she looked at me and smiled.
"You're Papa's probably watching somewhere here," aniya. Napangiti lamang ako bago niya ako pinatabi sa kanya at kay Ian. Noong makaupo ako ay agad na binati ni Mama si Trey sa aking tabi.
"Salamat sa pagsama kay Illea, anak," anas ni Mama kay Trey. Nilingon ko lamang ang katabi ko na tahimik na ngumiti.
Ilang sandal lang ay namatay ang mga ilaw at nagdilim ang puno ng tao na arena. The people's noise died down as the screen started showing an interview video.
Una ay itim na upuan lamang iyon sa isang bakanteng puting kwarto. Maya maya ay nakita ko ang pagpasok ni Papa, batang bata pa, bago siya umupo roon sa bakanteng upuan.
Huminga ako ng malalim, pinipigilan ang hindi maiyak. Tahimik na inabot ni Trey ang aking kamay at nagpatuloy ako sa panunuod.
"So, you're the new member of AEGGIS," boses ni Auntie Ria iyong narinig ko. Ngumiti si Papa at lumabas iyong malalim niyang dimple.
"Ah opo Ma'am," magalang na sagot ni Papa. I heard Auntie Ria's soft laugh in the background before asking another question.
"So anong kinanta mo noong audition?"
"Bahay kubo po. Rock and roll version," makulit na sabi niya. Napuno ang arena ng tawanan. Nilingon ko si Mama na nakatitig lamang sa screen, nakangiti habang pinapanood si Papa.
"Rock and roll?"
"Opo. Napagutusan lang ng boss ko. Shoutout po pala kay Sungit haha!" tawa ni Papa sabay saludo sa screen. A small laugh was heard beside me. Nakita ko si Auntie Tori na natatawa sa sinabi ni Papa.
"August, last question. Bakit ka sumali sa AEGGIS?" muling tanong ni Auntie Ria, natatawa pa rin.
"Crush na crush ko po kasi talaga si Igoy. Boss kung napapanood mo ito, I love you sagad. Panis lahat." Papa answered. The arena was filled with another laughter because of Papa's words.
Look Papa, ang dami mo pa ring napapasaya. Maybe Trey is right. You will forever stay here, Pa.
Ang malakas na tawa ni Auntie Ria ang narinig naming sa video. Pinaikot ikot ni Papa iyong swivel chair niya habang nangingiti na rin.
Unti unting nag fade ang video, naririnig pa rin iyong tawanan nila. Maya maya ay lumabas ang lifting stage kung saan naroon ang AEGGIS. Nagsigawan ang mga tao at halos magiba ang buong arena sa lakas noon.
Sumindi ang anim na spotlight para ilawan ang kanikanilang mic stand. Napasinghap ako noong sinigurado ko ang bilang ng mic stand.
Anim pa rin.
Humigpit ang hawak ko kay Trey sa sobra sobrang emosyon na nararamdaman. The AEGGIS stood in a perfect line facing the audience. Sa gitna nila ay may espasyong bakante. At alam ko kung para kanino iyong espasyo na iyon. Alam na alam ko.
Doon ay naluha na ako sa nakita. I can't help but be amazed with this concert. I am awestruck Pa. Ganito karaming tao ang nabigyan mo ng inspirasyon. Ganito karami ang napasaya mo Papa.
Ngumiti ang AEGGIS sa bawat isa bago nagsimula ang isang instrumental. Mas lalong tumulo ang luha ko bago ako natawa noong marinig ang kanta nila.
'Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari'
Nagsigawan ang mga tao sabay ng tawanan nila. I laughed so hard too as I watch the AEGGIS sing my father's infamous song. Napailing na lang ang mga Auntie ko habang ginawa nilang rock iyong kanta.
'At sa paligid ligid ay puno ng linga, yeah!'
Nagtayuan ang mga tao noong tinapos ni Uncle Stan ang kanta. Sabay sabay silang nagbow lima bago inayos ang kanilang mga mic.
"Goodevening," bati ni Uncle Greg sa madla. It was as if the crowd was still not tired of their applauses, panibagong palakpak ang ibinigay nila kay Uncle.
"We wanted to thank everyone who came here and showed their support to our band. Maraming maraming salamat po sa pagpunta."
"Three years ago, somehow who holds a big part of us died. At kasabay ng pagkawala niya, nawalan rin kami ng lakas ng loob na harapin kayo because we know..it would never be the same without him," si Uncle Ethan na ang nagsalita. The crowd grew silent as they consumed every word of the AEGGIS.
"And damn it, but we're right. It's really not the same now that he is gone. The stage seems too big, the songs we sing seems too wrong. Ibang iba yung pakiramdam ngayong wala na kaming makulit na Augustine na kasama," Uncle E said. He laughed a little before sighing. Tiningnan niya ang ibang AEGGIS na nakayuko at tahimik na nakikinig sa kanya.
Nagtaas ng noo si Uncle Athan bago hinawakan ang kanyang mic.
"But we know that August won't like it if we would stop performing.."
"Mumultuhin tayo nun," Uncle Greg joked. The crowd laughed a little.
"Mahal ni August ang entablado, at trabaho naming bilang mga kapatid niya na ipagpatuloy itong pagmamahal na meron siya," anas ni Uncle A. I bit my lip as tears rolled nonstop. Nakita ko kung paano tumalikod si Uncle I sa audience at pasimpleng pinunasan ang mga luha niya.
"I'm sorry it took us three years to realize this August. Nawalan yata kami ng empathy nung nawala ka," Uncle Stan said. Inakbayan niya si Uncle I na tahimik na umiiyak sa gilid. Nilingon ko si Mama na tahimik na ring umiiyak sa tabi ko. Trey pressed my hand tighter before feeling his light kiss on my head.
Humawak si Uncle I sa micstand na bakante, iyong para kay Papa bago niya kinuha ang mic roon. The cameras zoomed in his face and we saw how tearstained his cheeks are. Pumikit siya bago niya itinaas ang kamay na parang may itinuturo.
"AUGUST! BAKLA KA TALAGA!" sigaw ni Uncle I. Natawa na lamang ako sa kabila ng mga luha ko.
Nag ayos silang muli bago kinuha ni Uncle Greg ang mikropono niya.
"This song's for you dude," he said. Tumango si Uncle Stan at hinawakan ang balikat ni Uncle I.
"You will be our youngest brother Augustine," sabi ni Uncle. Muling nagdilim ang screen at panibagong video ni Papa ang lumitaw sa screen. It was still an interview video but it was taken years after he joined AEGGIS.
"I'll ask this again August, bakit AEGGIS?" a male voice rang from the background. Ngumuso si Papa bago nilingon ang ibang AEGGIS sa kanyang tabi.
"Because they're my family," simple niyang sagot pero sapat na iyon para mapahagulgol lahat ng nanunuod ngayon. Papa laughed in the background while putting his arms around the necks of Uncle A and Uncle I.
"They gave me hope. Pinakita nila sa akin na kahit na may mali ako o kahit hindi ako perpekto, palagi pa rin nila akong tanggap," sagot ni Papa sabay ngiti.
"Plus, crush ko talaga si Igoy kaso si Athan bet niya—aray!" sigaw ni Papa. Mabilis na tumayo si Papa at tumakbo habang sina Uncle Athan at Uncle I ay hinahabol siya.
'It's been a long day without you, my friend
And I'll tell you all about it when I see you again
We've come a long way from where we began
Oh I'll tell you all about it when I see you again
When I see you again'
Sabay sabay na kumanta ang mga natitirang AEGGIS noong may puting paru-paro ang lumipad sa stage. The people gasped as the butterfly landed on the empty microphone. It flapped its wings on the same beat of the music, para bang sumasabay ito sa kanya ng mga Uncle ko sa sarili nitong paraan.
"I told you Illea, your father will be here," bulong ni Trey sa akin. Napatango na lamang ako sa narinig.
'So let the light guide your way hold every memory
As you go and every road you take will always lead you home'
Pinanood ko ang madilim na arena na unti unting nagliliwanag sa bawat pagtaas ng kani kanilang mga flashlight. Trey raised his and I did the same. Iwinagayway naming iyon kasabay ng kanta ng AEGGIS.
'It's been a long day without you, my friend
And I'll tell you all about it when I see you again
We've come a long way from where we began
Oh I'll tell you all about it when I see you again
When I see you again'
Noong matapos ang kanta ay lumipad muli iyong butterfly. I watched it fly so swiftly, going around the arena before flying back to the heavens.
"See you again Gusting," narinig kong sabi ng isa sa mga AEGGIS. Napangiti na lamang ako bago tiningala iyong paru-paro.
Pa..
-----------------------
Song Used:
See You Again - Wiz Khalifa ft. Charlie Puth
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top