Boyfriend


18



I pouted as I put my bitch red coral lipstick on. I let my fingers untangle my blonde hair, with its every perfect curls tumbling down my shoulders.I fixed my white and gold A-cut dress before taking my nude heels. I gave myself a last glance before going out of my room.


The warm Santorini air greeted me as I heard my nephews' giggles below. My sister, Ianna, was busy playing with them while my brother-in-law holds Tatie, their two-year old baby girl.


Nilingon ako ng kapatid ko bago niya ako binigyan ng malawak na ngiti. Her face was glowing from happiness and I just can't help but be happy for her. Mabilis siyang lumapit sa akin bago kumapit sa aking braso.


"Aalis ka na? Did you eat breakfast already?" she asked. Ngumuso lamang ako bago umiling.


"Nope. Sa apartment na ako kakain. Luke's waiting for me there," I answered. My sister just pouted before glaring at me.


"Palagi ka na lang Luke ng Luke. Nakakapagselos," biro niya. Humalakhak lamang ako bago kinurot ang tagiliran niya.


"Ang kulit mo Ianna," anas ko. She just smiled at me again before kissing my cheeks. Nagpaalam na ako sa kanila bagoako sumakay sa aking kotse.


Yes, I can drive now. I've decided three years ago to create a better version of myself, iyong hindi na katapon tapon. Iyong walang kulang, walang sira.


I've realized that sometimes, it is better to put walls around yourself to protect your heart. The lesser the people inside your heart, the better. Sometimes, isolation is the only key for a painless life.


Ang tanging balita na mayroon ako galing sa Pilipinas ay ang tungkol sa pamilya ko. Tumigil na rin ako sa archery. Huling laban ko na iyong sa Jakarta kung saan natalo rin lang ako. I was too distracted during that time that I can't even shoot straight. Ayaw ko na ring ipagpatuloy ang archery dahil alam kong maari ko pa rin siyang makita, knowing that we are both in the same field.


Ngayon ay nagtatrabaho na ako bilang general manager sa hotel ng mga Falcon dito sa Greece. Si Mama naman ay nagtayo ng isang orphanage na nag aalaga sa mga bata at mga batang ina. Ian kept on becoming one of the best architects here in Greece habang si Rome ay isa na sa mga tinitingalang hotelier dito.


Everything is in their right place now. Everyone is happy. Everything is fine.


My red Mercedes roared in full speed as I drive for work. Living in Santorini really did wonders for me. Back then, I was the perfect girl, always nodding even if I wanted to say no, always smiling even if I am in pain. Dito sa lugar na ito ay natuto ako. Minsan, mas makabubuting ikulong na lang ang sarili at itago ang puso para hindi masaktan. Caging your self doesn't mean you're weak, it just simply means you are smart enough not to put your heart on the line.


The blue waves of the ocean in Santorini kept on coming as I drive recklessly. Noong makarating agad ako sa hotel ay sumalubong sa akin ang valet. Walang sabi kong ibinigay ang aking susi rito bago ako dumiretsyo sa loob kung saan hinihintay na ako ng aking PA na si Mara.


"Goodmorning Miss," she greeted before handing me a cold dark chocolate latte. She then took my handbag before leading me towards the elevator.


"What's my schedule for today?" I asked. Mara pushed the button to my office's floor before taking her iPad. She scrolled some more before clearing her throat.


"Miss you're free for the whole morning. You will also have a luncheon meeting with Engr. Romero to be followed by a three pm date with Nicolas Cos—"


Natigilan ako sa pag inom sa narinig. "Who?" I asked. Mara blinked her doe eyes thrice before looking back at her iPad, para bang doon humahanap ng kasagutan.


"Date po, with Mr. Nicolas Cosse," sagot niya. Sino? Who's that? Lalong lumalim ang kunot sa noo ko habang inaalala ang pangalan na iyon. At dahil hindi ko maalala ay tiningnan ko si Mara, umaasa na may maisagot na siya sa akin.


Mara sighed before putting her iPad down. "Miss, nakasayaw niyo po siya last Friday sa Lineri. He's a former F21 racer Miss, naaalala mo na po ba?" she asked. I pouted my red lips before smiling cutely. Mara just shook her head and stared at me.


"Nope. Cancel that," sagot ko sabay labas sa kakabukas pa lang na elevator. My white and beige welcomed me. The Mediterranean white coffee table lies on the center with two equally large beige sofas are on each of its sides. Sa harapan noon ay naroon ang puti kong office desk at ang mga papeles na kailangan kong pirmahan ngayon.


Mabilis na inilapag ni Mara ang iba pang dokumento na kailangan ng atensyon ko bago siya tumayo sa harapan ng lamesa. I took my fountain pen before reading the papers.


"Miss, Enrico Romero sent a bouquet of sunflowers. Saan niyo po gustong ilagay?" tanong niya. The soft strokes of my signature danced on the document before I took another paper.


"Ewan. Ipamigay mo na lang sa mga employees. Bahala ka na. Or kaya iuwi mo kung gusto mo," sabi ko. Mara rolled her eyes and I giggled. A ghost of a smile erupted from her stiff lips before sighing.


"Nasa labas lang ako kung may kailangan ka pa," paalam niya bago lumabas. Napailing iling na lang din ako bago kumuha ng mga bagong pipirmahan.


Kasalukuyan akong lunod sa trabaho noong tumunog ang aking cellphone. Dinampot ko iyon at sinagot ang tawag.


"Hello? Illea Yturralde, speaking," I confidently said. A baritone chuckle was heard on the other line.


"Hey honey. Are you busy? Do you want to hang out?" the man on the other line said. Kumunot ang noo ko at inilayo sa aking tenga ang phone para makita ang pangalan. To my disappointment, it was just a number. Heck! Sino ito?


Lumunok ako. Isip Illea. Who were you with last night? Hala ako..


"Hmmn, babe?" he called. I pouted before standing from my chair. I pushed my windows' blinds away before staring at the Greek ocean. Tumikhim ako ng maigi bago muling sumagot.


"Sorry. I can't make it. I'm busy."


"Ow. Tomorrow, maybe?"


Napangisi ako. Damn boy, busy nga diba? Ano ba yan.


"Still busy, bye!" I said. He groaned in response.


"But—"


Ini-off ko na ang tawag bago ako muling bumalik sa aking mesa. Muli kong binasa ang mga dokumento na kailangan ng atensyon ko. Pinaglaruan ko sa aking daliri iyong pen habang nagbabasa ng mga proposals sa akin. I marked some lines before putting the papers and stacking them again.


Tatlong katok ang narinig ko bago muling sumilip si Mara mula sa pinto. Noong makita niya ako ay agad na siyang pumasok.


"Miss, it's almost lunch time. Ano pong gusto ninyong kainin at magpapahatid ako.," aniya. Tumingala ako bago ngumiti sa kanya.


"Ako na lang ang bababa," sabi ko. Tumango naman si Mara at sabay kaming sumakay sa elevator.


My five inched stilettos tapped the tiled floor of the hotel as I took my precise and deliberate steps. We entered the elevator and arrived at the reception area in a heartbeat. Noong lumabas ako sa reception area ay nakita ko agad si Engr. Romero, nakangisi habang may dala dalang kulay asul na paperbag. He was dashing wearing his checkered black and white long sleeves shirt paired with a gray pants and brown leather shoes.


Noong makita niya akong lumabas ay agad siyang lumapit sa akin. He kissed my cheeks before handing me the paper bag.


"Hello, panemorfi," he said, calling me beautiful in Greek. Lumawak ang ngisi ko habang iyong kamay niya ay mabilis na dumikit sa aking beywang.


"What is this?" hindi alintana ang palad niya sa aking likod. He chuckled shyly before looking at the paper bag.


"Oh that? I accidentally saw a jewelry shop on my way here. I thought it would be nice if I would give you a gift," he said, slightly blushing. I bit my lip before smiling at him.


"That's so sweet Enrico. But I've been living here for three years already and I didn't know there's a jewelry store nearby," anas ko. Bahagyang nawala ang ngiti niya at napakamot sa batok.


"About that—"


Nawala iyong atensyon ko sa kausap noong marinig ang mabibigat na yapak sa sahig ng aming hotel. Arrogance and power vibrated on him as he undoes the buttons of his black polo. Walang bahid ng kahit na anong ngiti ang mukha niya habang lumalapit sa aming receptionist.


Napahinto ako at tumitig lamang sa kanya. Gone was the rugged man I know before. His hair was now properly cut and in place, with no wild strays all over. His face was clean shaven exposing the angular sharpness of his jaw. Mas lumapad rin ang braso niya at tantya ko, tumangkad pa siya kumpara noon.


"Reservation under Terrence Fortalejo," malamig ang boses niyang sabi. Marahas akong napakurap habang nakatitig lamang sa kaniya. What is he doing here? The bubble of anger rose on me as I stare at him, still unaware that I am looking at him.


"Illea?" Enrico called me. Tiningala ko siya, pinipilit ang sariling ngumiti pero hindi ko magawa. Binalingan ko ulit si Terrence na lumilinga sa hotel. Parang tanga na nanginig ako noong kaunting distansiya na lang ay magtatama na ang mga mata namin. Alam kong makikita na niya ako pero parang may sariling isip ang paa ko at hindi ito gumagalaw! Traydor!


'Let's go? I bet you're hungry," tawag ni Enrico sa akin. Huminga ako ng malalim bago tumango. Kinabig niya ang beywang ko bago kami tumalikod. Nakakailang hakbang pa lamang ako noong makarinig ako ng matinis na tili sa di kalayuan. Nanigas ako sa kinatatayuan ko noong makilala ko ang boses na iyon.


"Trey you didn't wait for me naman! Ang ouch ng feet ko!" maarte niyang sabi. Parang makakapatay ang tingin ko noong muli akong bumaling sa kanila. Tarrah was wearing an off shouldered black semi sheer top and an overly short denim skirt. Nakaitim rin siyang boots na abot hanggang sa ibaba ng kanyang tuhod.


Mabilis na lumapit si Tarrah kay Trey at hinawakan ang batok nito. Mabilis akong tumalikod para hindi makita ang mangyayaring halikan sa kanila. I fisted my hands before walking away from them.


"Hey, are you alright?" Enrico asked me. Tumango lamang ako bago kami lumabas para makarating sa parking lot. Inakay niya ako sa kaniyang kotse habang ako ay lutang noong maalala ang nakita.


Damn. So he finally settled with her, huh? Are they together now? And if they are, ano bang pakialam ko? Shit, Illea! Shit, shit! Build up your walls again. Protect yourself. Hindi na pwedeng maulit iyong dati. Enough Illea, please.


Wala ako sa sarili habang kalunch si Enrico. He was trying so hard to open a conversation but I was so drowned in my own thoughts.


"Do you want to go back to the hotel now?" tanong ni Enrico sa akin. Mula sa pagkaing tinitiridor ko lang at hindi sinusubo ay bumaling ako sa kanya.


"Huh?"


"You seem so lost, wanna go back now?" tanong niya. Nahihiya ko namang ibiniba ang kubyertos bago mahinang tumango.


"I'm sorry Enrico. I'm just..." bitin kong sabi. Ano Illea? Ituloy mo!! You're just what?! Bwisit!


"Oh no, it's fine. Let's go. You should rest," aya niya. Mabilis siyang tumayo at inalalayan rin ako sa pag alis sa aking kinauupuan. Lutang pa rin ako sa byahe pabalik hanggang sa maghiwalay na kaming dalawa ni Enrico. Noong makabalik ako sa hotel ay nagmamadali akong dumiretsyo sa opisina, takot na baka magkita pa kaming dalawa.


Takang taka si Mara noong halos hindi na ako lumabas ng opisina. Kung hindi pa nagdilim ay hindi na talaga ako gagalaw sa kinauupuan ko. Bahala na. I'd rather be chained here with the paperworks than see that motherfucking asshole!


Pero teka nga lang, bakit ba ako nagtatago? Eh hindi naman ako ang may kasalanan, hindi ba? I was not the one who made false promises! Siya iyon! He cheated! Illea, this is very wrong, oh my gosh.


I mean, why was I the one who is bothered? Nakakairitang utak naman oh!


Sa sobrang inis ko ay napatayo ako mula sa aking lamesa. Nagmartsa ako palabas ng aking opisina bago ako dumiretsyo sa aking kwarto. The hotel provided me one suite. Doon ako dumiretsyo para makahinga. I need a breather.


Mabilis akong pumasok sa aking walk in closet bago ako naghubad ng damit. I took my black strapless bikini before putting on my red see through maxi dress. I braided my hair and formed a bun. Kinuha ko na ang aking cellphone, waterproof bag at headphones bago nagmartsa sa pool area ng hotel.


No one was at the pool when I got there. Mabilis kong hinubad ang aking maxi dress at basta na lamang iyong ibinaba sa isa sa mga lounge roon. Inilagay ko sa waterproof bag ko ang phone at headphones bago ako lumangoy patungo sa pool bed sa gitna. Ipinatong ko roon ang aking dala bago nagpasyang lumangoy muna ng bahagya.


I did three laps around the pool when I finally got tired. I floated lazily, closing my eyes as the waters dictate my direction. I opened my eyes and just sighed. Mag file muna kaya ako ng leave? Ano kayang pwedeng gawin? Hmmn.


Napagod ako sa kakalangoy kaya umakyat na ako sa poolbed. I stretched my body on the bed and plugged in my earphones. I blasted it in its full volume as I lay on the bed.


Alam kaya niya na dito ako nagtatrabaho? If yes, then ang kapal naman ng mukha niya para dito pa magcheck in. At bakit nandito silang dalawa noong malditang daga na iyon? Honeymoon?


No Illea. Baka hindi naman. Bakasyon lang siguro. Hmmn..


At ano naman ngayon kung honeymoon na? They've been together for three years now, hindi malayong malalim na ang relasyon nila.


Tiny pinches of pain ran through my veins with that thought. Hindi ko alam kung bakit, kahit lumipas na ang mga taon ay masakit pa rin. Siguro patunay ito na hindi pa rin sapat ang pader na itinayo ko. Dapat ay mas mataas. Dapat ay mas matibay para hindi agad mabuwag ng pinakamahinang bagyo.


I kept on listening to my song tracks when the pool bed moved harshly. Bigla akong napaupo para lamang magulat noong makita siya na paakyat sa pool bed! His hair was pushed back with its tips dripping. He used his arms to lift his body and my throat dried when his muscles stiffen with his moves.


His ripped abs moved, screaming their sinful beauty. I pushed my legs tighter as Trey looked at me, arrogance in his eyes, while climbing the bed.


Bago pa man niya ako tuluyang malapitan ay agad akong tumalon pabalik sa tubig. Nawala sa isip ko na gamit ko ang phone ko at pwedeng mabasa iyon. Pilit kong itinaas ang kamay para hindi iyon mabasa noong marinig ko ang tawa niya.


"Hey, you'll get your phone wet," mayabang niyang sabi. Kumulo ang dugo ko bago siya hinarap. I raised my eyebrows before looking at him.


"Oh, it would really get wet, jerk," galit kong sabi sabay hulog ng aking cellphone sa tubig. Humalakhak naman siya bago tumalon sa tubig, nilalapitan ako. Naalarma naman ako kaagad at sinubukang lumangoy noong maramdaman ko ang lakas ng braso niya sa aking beywang. Mabilis niya akong kinabig palapit sa kanya at pinagdikit ang aming katawan.


He pulled us towards the deep part of the pool. Sinubukan ko pa ring matapakan ang sahig ng pool pero sa sobrang lalim ay nalulunod na ako. With his arms around me, I can't swim away. Wala akong pagpipilian, kumapit ako sa matigas niyang braso.


"Ano ba!" giit ko. His hands tightened around my waist as his brown eyes roamed my face. Pinilit kong kumawala mula sa kanya pero dumudulas ang aking katawan. He chuckled before bouncing me higher and tighter on his body. I gasped when I felt the hardness of his body on mine. His eyes hooded with passion as he felt it too. Iyong isa niyang kamay ay dumako sa aking batok, mas inilalapit ako sa kanya.


"Terrence, let me go!" iritado kong sabi. Lumibot ang mata niya sa aking mukha bago iyon pumirmi sa nakaawang kong labi.


"Who was the jerk you were with before?" anas niya. His eyes turned from passionate to angry real quick. Napasinghap ako noong iyong hinlalaki niya ay hinaplos ang aking labi. Tuloy tuloy na sa pagwawala itong puso ko habang sobrang lapit namin sa isa't isa.


"Trey," I said softly, like a woman begging to be loved. The muscles on his jaw moved before sighing. He looked so pained as I stare at him.


"Who is he?" matigas na niyang tanong, mas lumalapit na ang mukha sa nakaabang kong labi. Lumunok ako at humugot sa natitira kong katinuan.


"M-my boyfriend..." mahina kong sabi. Tumikwas ang kilay niya sa narinig.


"Hmmn, really?"


"Yes," sabi ko. Galit ang mata niya noong tinitigan ako. Bumalik iyong kamay niya sa aking batok bago ako kinabig. I immediately latched tighter around him to prevent from slipping.


Muli siyang gumalaw bago ako tinulak sa gilid ng pool. My back hit the tiled edge before he trapped me in between his legs. Kumawala ang magkabila niyang braso bago ako idiniin gamit ang katawan niya.


"Trey!"


He looked at me hotly, with water still dripping from his hair down to his sinful face and his full lips. My boobs got crushed on his massive chest, making it spill from my bikini. He hissed harshly when his eyes landed on them. Muli niya akong sinalakay ng tingin, bago umiling.


"Fuck this," he cursed before letting me go. Muntik pa akong madulas palubog sa tubig noong nawala ang suporta niya sa akin. Napakapit ako sa gilid ng pool para mapigilan ang paglubog habang siya ay lumayo na sa akin.


His chest rose and fell as he stared at me. Ilang segundo niya akong tinitigan bago napailing.


"Fuck!" he cursed for the second time. Mabilis pa sa alas kwatro niya akong kinabig muli, expertly locking his lips on mine. His arms possessively wrapped around my body as he traced my mouth with his tongue. Sabay kaming napaungol dalawa noong maramdaman ko ang pagdidikit ng aming mga labi. His tongue curiously delved inside my mouth as his hands trapped my cheeks to stop me from avoiding him.


Noong matapos ang halik ay agad niya akong binitiwan. Hinihingal pa kaming dalawa, my lips ringing and sensitive from that harsh kiss, noong lumayo siya. Masama ang tingin na ibinigay niya sa akin bago siya mayabang na ngumisi.


"Iharap mo nga sa akin iyang boyfriend mo Illea. Tangina," mura niya. Napamulagat naman ako at hindi agad nakasagot.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top