Blueberry Cheesecake
19
"You forgot about your promise with Luke? Dapat ay magbebreakfast ka kasama siya hindi ba?" bungad ni Ian sa kabilang linya. I put my phone down and turned on the loudspeaker. Mabilis akong kumuha ng pampalit ng aking basang bikini.
"Fuck, yeah. Nakalimutan ko. Nasaan siya ngayon?" bwisit kong sabi. How can I forget? Damn it Illea!
Mabilis akong kumuha ng oversized Lakers shirt at maong na shorts. Muli kong kinuha ang aking cellphone at tinapat sa tenga.
"Kasama si Mama. Nasa orphanage sila ngayon," sagot ng aking kapatid. Kinuha ko ang aking rubber shoes at sinuot iyon.
"Alright. Susunduin ko sila."
"Wag na. Sinundo na sila ni Rome. Sa apartment ka nalang ninyo dumiretsyo ate. Don't forget your pasalubong. Panigurado nagtampo sa iyo si Luke," natatawang sabi ni Ian. I just sighed and bid my goodbye. Kinuha ko lamang ang aking wallet at susi ng kotse bago nagmamadaling bumaba sa lobby ng hotel.
Kinuha ko ang aking sasakyan at bumaba sa paboritong pastry shop ni Luke. The manager opened the door for me with the knowing grin on her beautiful face. I just rolled my eyes and went to the counter.
"Is it for Luke again?" nakangiti na niyang sabi, kumukuha na ng isang box para sa blueberry cheesecake na paborito ni Luke. Ngumuso lamang ako bago tumango sa kanya.
"What is it this time, Illea?" the manager asked before handing the perfectly tied box of the cake. Nagkibit balikat lamang ako at binayaran iyon. The chimes of the bell signaling that someone entered the shop were heard. Inabot sa akin ang aking sukli bago ko sinagot ang kanyang tanong.
"Well I promised Luke that we will have breakfast together. I forgot," paliwanag ko. Umabot ako ng isang maliit na pink card bago sinulatan iyon.
'To my Luke,
Sorry I forgot, baby. I love you lots!'
I felt someone standing behind me but I didn't bother. Idinikit ko ang card sa cake bago ako pumuhit paharap. Sa bilis ng aking galaw ay muntik na akong matumba noong bumangga ako sa malapad na dibdib ng nasa harap ko. Kung hindi lamang niya nahawakan ang aking braso ay paniguradong tumalsik na ako.
"Careful baby," I heard his deep voice say. Mabilis akong tumingala para lamang makita si Terrence na nakayuko sa akin, still wet from our little encounter in the pool, but still sinfully gorgeous.
Mabilis kong hinila ang braso kong hawak niya bago siya nilampasan. I heard his footsteps behind me before opening the door for me. Sinamaan ko lamang siya ng tingin bago ko kinuha ang aking susi ng kotse.
I heard him click his tongue while staring at my car. Ako naman ay binuksan ang shotgun seat at doon ibinaba ang cake.
"You can drive now, huh?" tanong niya. Umikot ako para makasakay noong humarang siya sa daraanan ko. Tumaas agad ang aking kilay bago siya tinitigan ng walang emosyon.
"Paraanin mo ako Trey. Someone's waiting for me at home—"
"Who? Your boyfriend?" maanghang niyang sabi, dropping every word as if it poisons his tongue. He took one step towards me and I took a step back.
"Oo, bakit? What is it to you Terrence, huh?" gigil kong sabi. I saw how his eyes changed from playful to menacing real quick. Mabilis siyang namulsa, his stance straightened, like a predator waiting for a kill.
He clicked his tongue before closing his eyes. Tumingala siya na para bang nanghihingi ng kung ano sa itaas habang ako ay naiwang nakatitig lang sa kanya. His adam's apple bobbed with his every effort to contain whatever he is feeling right now. Noong nagdilat siya ng mga mata ay galit ang sumalubong sa akin.
"Sasama ako," anunsyo niya. Nanlaki ang mata ko sa narinig bago marahas na umiling. Kinain agad ako ng kaba noong makita ko ang determinadong mata niya na nakatitig sa akin.
"Trey—"
"I told you before Yturralde, na haharapin ko kung sino man yang lalaking pinalit mo sa akin."
Napasinghap ako bago siya sinubukang itulak palayo sa aking kotse. My hands were shaking with the intensity of his words and the promise behind it. Nanginginig ako sa takot at sa galit! Galit kasi ang kapal ng mukha niya para maging ganito sa kabila ng lahat ng ginawa niya!
"Damn it, leave me alone!" sigaw ko sa kanya noong di ko siya matinag. Hinampas ko ang kanyang dibdib para matulak pero nanatili lamang siyang nakatayo sa aking harapan, titig na titig at wala talagang balak na umalis.
"Terrence Fortalejo!" I screamed. Nagpupuyos na ang dibdib ko sa galit at alam kong hindi ko na kontrolado ang aking emosyon. I tried hitting him again when he grasped my arms and pulled me closer to him.
"Fuck you! Let me go—"
Nabitin sa ere ang sasabihin ko noong umikot sa beywang ko ang matipuno niyang braso. I felt like a statue while he held me in between his arms, so gentle like a crystal that is too precious for him.
I felt him tightening his hold while his lips touched the top of my head. Thousands of emotions erupted inside me. Napapikit ako ng mariin para pigilan ang lahat ng iyon. The stampede of feelings was too intense for me to bear. Galit ako sa kanya, alam kong galit pa rin ako sa kanya pero bakit? How can I still feel for him this way?
Bakit sa kabila ng ginawa niyang panloloko sa akin, mahal ko pa rin siya? Mahal na mahal ko pa rin siya.
That despite all the pain and the anger and aches, my love for him still wins. No matter how much he crushed me, deep inside, it is still him. It has always been him.
"God, I missed you baby," bulong niya. Iyong tangang luha ko ay muling nahulog mula sa aking mata habang yakap niya ako, patunay na kahit na anong gawin ko, kahit na gaano katagal ang panahong lumipas, siya at siya pa rin talaga ang sinasamba ng mga luha ko.
"Bitawan mo ako," malamig kong sabi. Kabaligtaran ang nangyari. Mas kumapit lamang si Trey sa akin. I felt his lips on the top of my ear before he sighed painfully.
"This time, you won't escape from my arms Yturralde. This time you will be locked with me," bulong niya. Nanuyo ang lalamunan ko at sinubukan siyang itulak muli. Natatakot ako sa mga sinasabi niya. I know more than enough to believe him and his false promises.
"I won't be late this time. Sisiguraduhin kong ako na ang mamahalin mo ngayon," aniya bago ako binitiwan. Noong makawala ako ay hinihingal ako. Takot ang mga mata ko siyang tiningnan bago walang sabi sabing umikot at sumakay sa aking kotse. Tumabi lamang siya para bigyan ako ng daan. Malungkot ang ngiti ang ibinigay niya sa akin bago ko tuluyang pinaharurot ang aking kotse.
Noong makalayo na ako sa kanya ay saka ako tumigil sa pagmamaneho. Yumuko lamang ako at idinikit ang aking ulo sa manibela. My chest tightened as the hurricane of emotions started stirring chaos inside me. Alam ko na ang tamang maramdaman para kay Trey ay tanging galit lamang. Galit lamang dapat ako, kaya mali ito. Masyado na akong nasaktan noon at hindi na ako papayag na masaktan pang muli.
I've tolerated pain more than anyone can handle. I've been shattered and crushed and I will not let myself to experience that same shits. Minsan kailangan ko ring ipaglaban ang sarili ko. Dahil kung hindi ko gagawin iyon, sino?
Oh how much I wish I was a little girl again because skinned knees are less painful than a shattered soul.
Pinunasan ko ang aking luhaang pisngi bago ko inayos ang aking sarili. I can't come home to Luke looking like this. Dapat ay malakas na ako. Dapat ay kaya ko na. Hindi na pwedeng ganito.
Muli kong pinaandar ang aking sasakyan para makauwi na. The night was getting deeper. Unti unti na ring tumatahimik ang bawat kalsada, sensyales na nagpapahinga na ang halos lahat.
I saw my apartment a few meters away. I immediately parked my car in front before opening the door. Kinuha ko agad iyong box ng cake bago ako pumasok sa loob. Nakita ko si Mama na nasa harap ng kanyang laptop habang may mga hawak na papeles.
"Oh, Illea? Kumain ka na ba?" tanong ni Mama bago binaba ang kanyang mga binabasa. Mabilis akong lumapit sa kanya bago siya sinalubong ng yakap. Nagtataka man ay sinagot ni Mama ang yakap na iyon bago hinaplos ang aking buhok.
"Bakit? May problema ba sa trabaho?" she asked. Umiling lamang ako bago huminga ng malalim. I bit my lip to control my tears. Bumitaw ako kay Mama at umiling.
"Wala lang Ma," I lied. Mama furrowed her brows but she kept silent. Kumuha ako sa mga binabasa niyang papel at tiningnan iyon.
"What are these?"
Lumapit si Mama sa akin bago kinuha ang cake na aking hawak. Her understanding eyes scanned me before smiling.
"Inaasikaso ko iyong mga adoption papers ng mga bata sa orphanage," aniya bago binuksan ang cake. Her smile widened when she saw the blueberry cheesecake that I bought.
"Lucille is in her room with Tatie and Ian," aniya. Kinuha ko ang paboritong plate ni Luke at ang pares nitong tinidor.
"She's not yet sleeping? Naghapunan na ba siya Ma?" tanong ko. Mama put the slice of cake on the plate before nodding.
"Kumain na siya Illea. Nagsabay sila ni Tatie. Maya maya lang din ay darating na si Rome para sunduin kapatid mo kaya baka matutulog na rin si Lucille," sagot ni Mama. Tumango lamang ako at huminga ng malalim.
"Nagtatampo iyon dahil hindi mo nasamahan sa almusal," anas ni Mama. Inabot niya sa akin ang isang baso ng gatas bago ko kinuha ang platito ng cake.
Guilt flooded in me. I just sighed and nodded. "Babawi ako Ma. Bukas ay hindi ako papasok para masamahan si Luke," paalam ko. Tumango lamang si Mama at sinamahan ako papunta sa kwarto ni Luke. Pinagbuksan niya ako at doon siya bumungad sa akin.
Her big brown eyes were twinkling as she holds the Captain America action figure. Malalakas na hagikgik ang pumuno sa kwarto habang naghahabulan sila ni Tatie.
"Ate!" Ian called me. Pumasok na ako ng tuluyan sa kwarto. Tatie screamed when she saw me. She ran to me as fast as her small legs can carry her.
"Tie Illea!" she called. Yumakap siya sa aking binti at agad kong ibinaba ang hawak kong pagkain para sagutin iyon.
"Hello Tasjana," bati ko. She giggled cutely, her chubby cheeks bouncing. Nilingon ko naman si Luke na masama ang tingin sa akin. Lumapit si Ianna at kinuha niya ang kanyang anak bago ako bumulong.
"Iyak siya ng iyak kanina. Ayaw nga halos kumain ng almusal kasi nga nangako kang sasabay sa kanya," she said. Huminga ako ng malalim bago yumuko.
"I saw Trey today Ian kaya nakalimutan ko," mahina kong sabi. Nanlaki ang mata ni Ianna bago lumingon kay Luke na nakaupo na at naglalaro ng kanyang Barbie doll.
"He's..here?"
"Oo," sagot ko sabay dampot sa cake ni Luke. I can feel my sister's eyes on me but I cannot face her. I know she understands the situation. I know that she knows what it means by having Trey here in Greece. Alam niya, dahil pinagdaanan din naman niya ito noon.
"Hey Luke!" bati ko. Her big brown eyes looked at me with anger before she pouted. Bumagsak iyong tingin niya sa cake na hawak ko bago siya tumalikod.
"Ayaw sayo," she cutely said. Mabilis ko siyang kinarga bago ko siya niyakap ng mahigpit. Pumalag siya ng kaunti pero kinilit ko ang kaniyang baba. She giggled helplessly before hugging my neck.
"Love you Luke," sabi ko. Her eyes twinkled before touching my cheeks. Her eyes darted to the blueberry cheesecake before she looked at me again.
"Mama cake," hingi niya. Agad ko siyang binaba at kinuha ang plato para subuan siya. Naramdaman ko ang hakbang ni Ian palapit sa akin. Tatie went near us and opened her mouth wide for a blueberry cheesecake too.
"Illea..if Trey's here then.." atubili niyang sabi, hindi mahanap ang tamang mga salita.
"No Ian. He's here for a vacation I guess. Kasama niya si Tarrah," sagot ko. Bumilog ang mga mata ni Ian habang nakatitig sa dalawang batang kumakain.
"Did he say that?"
"No. I assumed. Ianna, hindi naman ako tanga para hindi maintindihan na kaya siya nandito at kasama ang babae niya ay dahil sa bakasyon. Hindi siya katulad ng asawa mo na hinanap ka talaga."
Tumikhim si Ian sa sinabi ko. "Maybe he really looked for you that's why he's here. Kaya nga sana ay kausapin mo na siya Ate, kahit para man lang kay Luke."
Umiling agad ako bago sinubuan muli si Luke at Tatie. "Trey is not like Rome Ian."
"Paano mo naman nasabi yan?"
Nag iwas ako ng tingin sa aking kapatid. "Rome loves you Yan. That's their difference," malamig kong sagot.
"I'm sorry. Pakiramdam ko ay naging ganyan ang pananaw mo dahil sa nagawa namin ni Rome," mahina niyang sabi. My heart leaped to my sister and I immediately shook my head.
"Ian no.."
Huminga siya ng malalim bago ngumiti ng malungkot.
"I might be the suicidal one Ate, but it doesn't mean that you are in lesser pain. It hurts to think that because of the pain I and the people around you caused, you've lost your self. You're blind to see that there is this one person that will never hurt you," aniya. Gumapang si Luke sa aking hita bago niya isiniksik ang kanyang mukha sa aking dibdib. My heart filled with love for my daughter as I stroke her curly hair.
Lucille Kailha Yturralde, you're more than enough for me anak. At kahit na anong mangyari, poprotektahan kita para hindi mo maranasan lahat ng sakit na ibinato sa akin ng mundo. Magmamahal ka ng mga taong hindi ka sisirain. Mamahalin ka rin nila pabalik kahit na gaano ka pa kaimperpekto. You never have to fit in a mold because I will love you so much.
I promise that Luke.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top