***

3


I fired another arrow and it hit the bullseye, again. Sunod sunod lang ang bawat bitaw ko sa pana habang iniisip ko kung paano ako nagkamali. How can I be so careless? How did I even manage to submit myself to a complete stranger? Bukod sa pagiging gago, wala na akong alam tungkol kay Trey.


Bakit sa lahat ng pagkakataon para maging tanga, ito pa ang pinili ng utak ko?


Umupo ako sa lapag bago ko inalis ang aking gear. Niflex ko ang kamay ko habang hinihingal na nakatingin sa mga pana na nakatarak sa target. Hanggang ngayon ay lutang pa rin ang isip ko. It's been weeks eversince Trey and I had an..an.. damn! Bakit kahit ang isipin ay di ko magawa?


Ano na lang sasabihin ng mga tao sa paligid ko? Ni Noah? Ipinaglalaban ko kaming dalawa pero paano na ngayong hindi na ako malinis? Paano na lang niyan?


I have lived with calculated expectations and all of them were met, ito lang talaga ang mali. Kumbaga sa isang algebraic expression, si Trey ang variable na dapat icancel dahil imbes na makuha ang sagot, makakagulo lang siya.


Kinagat ko ang hintuturo ko noong makarinig ako ng katok. Sabay noon ay ang pagbukas ng pinto at ang pagsungaw ng kapatid ko.


"Ate, almusal na daw," aniya. Wala sa loob na tumango lamang ako at tumayo. Kunot noo ang binigay ni Ianna sa akin. Kumapit siya sa braso ko at sabay kaming bumaba.


"Ayos ka lang?"


Tumango ako. Nilingon ko ang kamay niyang balot sa pintura mula sa pagpipinta niya.


"Ian, have you made a huge mistake before and regretted it after?" tanong ko sa kapatid ko. Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako.


"Hmmn? Why? May ginawa ka?"


Tinitigan ko lang siya. Nanlaki iyong mata ni Ian bago suminghap.


"Oh my god Illea! Nakapatay ka ba? May pinana ka?" OA niyang sabi. Hinila ko ang braso ko bago umiling.


"No..mas malala," mahina kong sabi. Ngumuso si Ian at muling kumapit sa braso ko. Bumalik iyong kaba sa aking dibdib kaya kinagat ko ang aking daliri.


"I've made some huge mistakes before, Ate. Pinagsisihan ko rin sila ng sobra sobra. But if there is one thing that I have learned, it is the fact that even mistakes are fated to happen for us to learn," mahaba niyang sabi. Ngumiti si Ian at bumitaw sa akin.


"Mistakes happen Illea. Normal lang iyan. It's a mistake to miss your bullseye. It's a mistake to mix purple and green paints because its eew. Sometimes, it's also a mistake to be late."


Napatanga ako sa huli niyang sinabi. Alanganin akong ngumiti bago ko muling hinawakan si Ian.


"Sasabihin mo ba sa akin?" pangungulit niya. Malungkot akong umiling. I don't want you to know Ian. This will be my dirty secret. I will keep this until I die. Itatago ko ang katotohanang naibigay ko ang sarili ko sa maling tao.


"Daya mo," maktol niya. Kinurot ko lamang ang ilong niya bago kami sabay na pumasok sa kusina. Abala na si Mama sa paglalagay ng bib sa triplets habang si Papa ay busy sumasayaw ng baby shark para kina Neron.


"Safe at last do do do.." kanta ni Papa, halata pa rin iyong ganda ng boses niya kahit na sa pambatang kanta.


Sabay sabay na kunwari ay nagpupunas ng pawis sa noo iyong tatlong bata habang sinasabayan si Papa sa sayaw. Tuwang tuwa sila habang ginagawa nilang tanga si Papa.


"Augustine, para ka na namang three years old," natatawang sabi ni Mama at pabirong naglagay ng bib sa leeg ni Papa.


"Prinsesa naman!"


"Ehem, daughters here!" tawag ko. Natigil sina Mama sa lambingan noong mapansin kami. Umupo kami ni Ian sa hapag habang si Mama ay busy sa paglalagay ng pagkain.


"Where's Rome?" I asked Ian after putting mayo on the bun.


"Inasikaso nila iyong titulo ng hotel sa Santorini. Sa makalawa ay babalik na naman ulit kami doon para sa construction. Baka matagalan bago kami umuwi."


Napatigil si Mama sa pagkain. "Bakit naman anak?"


"Kasi Ma, medyo malaki iyong hotel at kailangang si Rome ang umasikaso. He can't also participate in Legacy for the mean time ate. Isa pa, we're going to undergo therapies there, alam naman ninyo, medyo may ganun kaming dalawa," natatawang sabi ni Ian bago sumenyas ng baliw sa kanyang utak.


I felt the atmosphere sobering kaya tumikhim ako. Alam kong kahit na ayos na kami ng pamilya ko ay di pa rin maiaalis sa bawat isa sa amin na muntik na kaming masira dahil sa mga nagkapatong patong na pagkakamali.


Kaya nga hindi na dapat ako magkamali. Dahil ang mali ang bawat ugat ng sakit. Kailangan kalkulado ang lahat. Kailangan may rason. May cause and effect. Kung research ay may tamang input, tamang proseso para tama ang ang output. Magkamali lang ng kaunti ay masisira lahat.


Nabasag lang iyong katahimikan noong muling kumanta ang mga bata. Neron was busy stuffing the banana on Chasin's mouth while Bryant was just staring at them, giggling at his brothers.


Ganon natapos ang almusal naming lahat. Nagligpit lamang ako para sa training ko mamaya. Nagpaalam lamang ako sa magulang ko bago ako naglakad papunta sa paradahan ng taxi sa aming village.


Sinuot ko iyong headphones ko at nakipila para maghintay. Kinalikot ko lamang ang aking cellphone noong may maramdaman akong pumila sa likod ko.


"Miss, ito ba yung dulo?" a baritone voice asked. Tumango lamang ako at nagkagat ng daliri. I scrolled through my news feed while waiting for the taxi when I felt the man behind me stirred.


"Ang tagal, malalate na ako," aniya. Tiningala ko ang lalaki para sana kastiguhin noong makilala ko siya.


Those chinky eyes! Thick brows! Pointed nose and sharp jaw! Damn! It's no other than Trey Fortalejo III!


"What are you.." tumikhim ako para hinaan ang boses ko, "doing here?"


He grinned. Binaling niya ang leeg niya pakaliwa bago hinawakan ang palapulsuhan ko.


"I've brought my car, let's go."


"Ha—"


Hindi na ako nakaalma noong hinila ako ni Trey papunta sa naghihintay niyang abong Trailblazer. Mayabang ang bawat hakbang niya bago umikot papunta sa driver's seat. Pinagbuksan ko naman ang sarili ko dahil wala yatang kahit na anong kagentleman-ness ang taong ito.


"Saan ka? Hatid na kita," sabi niya bago pinaandar iyong makina. The engine roared into life but we stayed in our spot.


"At bakit ka nagtatanong?"


Ngumuso siya. "Wala lang. Look, I know we've started with the wrong foot---"


"Ha! Wrong foot! Wrong talaga! Wrong na wrong!" inis kong sabi. Nanlilisik ang mata ko siyang tiningnan at sinalubong na naman ako noong malalalim niyang mata.


"Come on Yturralde, I'm trying to be civil here."


"We don't need civility Fortalejo."


Huminga siya ng malalim. "We do. Illea, please listen to me. I have a proposal," aniya. Napalingon ako bigla sabay lunok. Umatake na naman ang kaba sa akin habang nakatitig sa kanya.


"P-proposal?"


Tumango siya. "You want Noah back right? I want Aria to notice me. Illea, may paraan ako para mangyari iyon," sabi niya. Napatuwid ako ng upo sa narinig.


"Let's break them up. We'll sabotage them or something. Kahit ano, mapaghiwalay lang natin sila," aniya. Hindi agad ako nakasagot. We'll break them up? But...


"That's not right Trey—"


"Who cares about rights and wrongs here Yturralde? This is a question of who will be happy first, ako ba o si Noah. Ikaw ba o si Aria. Unahan ito Illea, we have to fight or else.." huminto siya at huminga ng malalim. Mariing pumikit si Trey, para bang may kung ano ng natatalo sa loob niya.


"Or else it will be too late for us. Illea, kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ang kaligayahan mo," he said. I swallowed the lump in my throat before shaking my head.


"I don't know Trey.."


Humigpit iyong kapit ni Trey sa manibela. Naiwan iyong titig niya sa kalsada habang ako ay hindi na makapagsalita.


Tama ba siya? Hindi ko na alam kung ano bang dapat na isipin. My calculations never arrived in this scenario. Paano ko masasagutan ito kung hindi ko maintindihan ang mga variables niya?


"Illea, we only have one chance to live, but if we live it right, once is enough. If you don't want to help me, then so be it. But I will fight for Aria. Bahala na ang Noah mo," gigil niyang sabi. Nilingon ko lamang si Trey.


"Would this plan of yours work, Fortalejo? Are you so sure that it will work? 100%? Tanong ko. A devilish grin escaped from his lips before nodding.


"Sure as hell, Yturralde."


Tumango ako. "Well then, c-count me in," alanganin ko pang sabi. Trey's menacing eyes became more evil while staring at me. Tumaas ang kamay niya para bigyan ako ng high five. Tinanggap ko naman iyon habang siya ay natatawa.


"Damn, you could have been my bestfriend if we didn't had a one night stand," aniya. Nawala ang ngiti ko at biglang nag-init ang aking pisngi.


"Oh my god!" naeeskandalo kong sabi. Nilingon niya ako.


"Ang inosente nito. It's just a one night stand—"


"Stop saying it!" sigaw ko sabay takip ng aking tenga. Humalakhak si Trey bago pilit na inaaalis iyon.


"Come on Yturralde, akala ko ba matapang ka?"


"Shut up Trey!" pulang pula na ako. Pakiramdam ko ay sasabog na ang mukha ko. His roaring laughter echoed inside his car. Lumipat iyong kamay ko sa aking tenga papunta sa aking mukha. I just so want to hide myself from this damn Fortalejo.


"Why? Can't you just accept the truth that we already fu—"


"TREY!!" naiiyak ko ng sigaw. Napatitig si Trey sa akin, matagal ang tingin at nanunuot, bago siya muling napangisi.


"We...already..fuc.."


"Oh god, I'm so gonna kill you!" sigaw ko. Umikot ako para buksan ang pintuan ng sasakyan niya pero humalakhak lamang siya. Sa inis ko ay kinuha ko ang bag ng bow at arrows ko para ihampas sa kanya.


"Tutusukin ko na talaga yang ngala ngala mo Fortalejo! Ang bastos ng bibig mo!"


Umiling siya habang nagpupunas ng luha. "Damn, akala ko ay robot ka," aniya, nakangiti pa rin siya pero bakas sa mata niya na pinagtatawanan pa rin ako.


"You're just like every girl out there Yturralde." Mahinahon niyang sabi. Naibaba ko ang bag ko at tinitigan siya.


Kinagat niya ang labi niya at napatanga ako sa ginawa niyang iyon.


"Damn it!" he cursed before starting the engines once again. Umayos ako ng upo at niyakap ang aking bag.


Akala ko ay tahimik na siya noong bigla niya akong binalingan.


"So, how was our one night stand? Did you enjoy it, Miss Yturralde?" he said in a husky voice. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.


"Shit ka talaga Trey!" sigaw ko sabay siko sa kanyang baba. Nabalya ang ulo niya sa ginawa ko.


"Oh fuck!"


---------------------

Trey below pipz!


and Illea


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top