09 - Siguraduhing Sa 'Yo ang Huling Salita

Kapag hawak mo na ang manibela ng iyong buhay,

Mapuno ka sana ng determinasyon imbis na takot.

Mahirap magalit sa sarili sa gitna ng paglalakbay,

At mas mahirap ang laging humingi ng pahintulot.

Tandaan mo palagi ito:

Isang daang porsyentong "oo",

O isang daang porsyentong "hindi".

Alamin mo ang gusto at hindi gusto.

Hindi dapat sa ibang tao ito manggaling.

Ulitin natin ulit:

Isang daang porsyentong "oo",

O isang daang porsyentong "hindi".

Limitado lang ang oras sa mundo.

Sana ikaw lagi ang masunod sa pagpili.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top