08 - Habang Nabubuhay, Isaboy ang Pagmamahal

Nagbubunga ang pagsasawalang-bahala

Ng matinding panghihinayang sa bandang huli.

Namnamin mo ang kalayaan ng paghinga,

Dahil wala ritong habambuhay na mananatili.

'Wag mo ipagkait sa mga minamahal ang tamis ng yakap at halik.

Hindi nakareserba ang pag-ibig para sa muli nilang pagbabalik.

Darating ang araw na hindi na nila maririnig kailanman ang mga salita.

Tandaan na hindi na makakahawak ng bulaklak ang mga namayapa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top