07 - Alam Mo, Masaya Mag-aral
Masyadong maliit ang apat na sulok ng silid,
Para sa mga pwedeng matutuhan sa mundo.
Kaya iwasan mo sanang isiksik ang sarili sa gilid,
Dahil hindi lang sa silid-aralan nangyayari ang pagkatuto.
Hindi lang mga nakauniporme ang maaari mong maging guro.
Minsan, matuturuan ka rin ng kabutihan ng isang estranghero.
Hindi lang mga kasing edad ang iyong magiging kamag-aral.
Bata man o matanda, maaari mong masilip ang mukha ng pagmamahal.
Walang katapusan ang mga leksyon at misteryo ng buhay,
Kaya sa bawat araw, sikaping may maiuuwing bagong kaalaman.
Ito ay hindi lang para sa iba kung hindi sa sarili rin inaalay;
Para sa "bagong ikaw" na sinira at binuo ng makukulay na karanasan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top