031 - Sabi nila, May Tatlong 'Yugto' ang Buhay

Kapag bata pa, mas marami ang enerhiya at oras.

Magagawa mo ang kahit anong gusto,

Ngunit hindi ka basta-basta makakaalpas.

Malaya ka, pero maliit ang iyong mundo.

Kapag nasa hustong gulang na, ang oras ay magiging limitado.

Makakaya mo bilhin ang mga materyal ngunit hindi ang kalayaan.

Ipagpapalit mo ang iyong enerhiya kapalit ng salapi.

Malaya ka (yata), ngunit parang nakakulong pa rin.

Kapag matanda ka na, mas may oras ka na at pera,

Ngunit wala ka na masyadong enerhiya.

Suwerte na lang kung makakaya mo pang libutin ang mundo.

Malaya ka na, pero ito ba talaga ang tunay na kalayaan?

May oras at enerhiya, pero walang pera.

May pera, pero wala na masyadong enerhiya at oras.

Maraming oras at pera, pero wala nang enerhiya.

Sa paanong paraan mo nakikita ang magiging yugto ng iyong buhay?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top