026 - May Hangganan Ba ang Pagtitiis?
Bakit ka mananagot
Sa bagay na hindi mo kasalanan?
Bakit ikaw ang kailangan sumagot
Sa problemang hindi ikaw ang pinagmulan?
Bakit kailangang ikaw ang sumagip
Kung ikaw mismo, kailangan din ng tulong?
Hanggang kailan ka mabubuhay sa panaginip?
Hanggang kailan ka magpapatukso sa mga bulong?
Hanggang saan aabot
Ang duda sa sarili?
Hanggang kailan matatapos
Ang paulit-ulit na paninisi?
Hanggang kailan ka magagalit?
Hindi ka ba nagsasawa sa pagkalunod?
Hanggang kailan dadalhin ang mga hinanakit?
Hindi ka ba napapagod?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top