025 - May Mali Nga Ba Sa 'yo? (Paano Kung Wala?)
Sa bawat tanong ng utak na:
Bakit hindi ako sapat?
Bakit hindi ako magaling sa lahat?
Bakit ba hindi ko 'to alam?
Mali yata makaramdam?
Bakit ang bagal ko makaintindi?
Bakit lahat ng sabihin ko, puro mali?
Baka hanggang dito lang talaga ako?
Baka hindi ako para sa pangarap ko?
Tanungin mo rin siya pabalik kung:
Hindi ka ba talaga sapat?
Kailangan bang magaling ka sa lahat?
Masama bang may hindi ka alam?
Bakit mali makaramdam?
E ano naman kung mabagal ka makaintindi?
Kanino galing na lahat ng sabihin mo, puro mali?
Masama ba ang konseptong ito ng "hanggang dito"?
Paano mo nasabing hindi ka para sa pangarap mo?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top