019 - 'Wag Kang Mag-alala, Hindi Ikaw ang Sentro ng Mundo
Habang nag-aalala ka sa iisipin ng iba tungkol sa 'yo,
"Sila" ay abala rin kung anong naging dating nila sa mga tao.
Maliit na bagay lang ang mga tigyawat sa mukha,
Na kapag tumagal ay kusang maghihilom . . . mawawala.
Habang kinakabahan at nag-iisip ka sa mga salitang nasabi,
"Sila" ay abala rin kung naipakilala ba nila nang maayos ang sarili.
Normal lang ang magkamali ng bigkas, mautal o mabulol sa salita.
Bukas o sa makalawa, siguradong hindi na nila ito maaalala.
Gusto ko sanang matutuhan mong humarap sa mga tao,
Nang hindi nahihiya sa sarili at lagi na lang nakayuko.
Lagi mong tatandaan na hindi ka naman talaga masakit sa paningin,
Dahil abala ang lahat sa pagtingin ng sarili nila sa salamin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top