011 - Ang Buhay ay Parang Isang Tula

Minsan may mga araw na tutugma ang lahat

Kahit ano pang mga salita ang sambitin,

Sa parehong paraan na hindi nakakasira ang mga dapat

Para sa pagtupad ng mga pangarap at mga hiling.

Minsan may mga araw na wala sa hulog.

Hindi magtatagpo ang dulo ng mga salita.

Sa parehong paraan na kahit ano pa ang gawin,

Mangyayari palagi ang kabaligtaran ng gusto.

Minsan may mga araw

Na itatawid na lang ang mga linya.

Sa parehong paraan

Na itatawid na lang ang dalawampu't apat na oras.

Minsan may mga araw na magtutuloy-tuloy lang ang mga ganap,

Na para bang ang saysay ng tula ay mapatid ang hininga ng mambabasa.

Sa parehong paraan na balewala ang "ngayon" dahil mas mahalaga ang "hinaharap",

Na para bang ang saysay ng buhay ay laging magmadali at 'wag na magpahinga.

Ngunit minsan may mga araw na makukuha rin ang balanse,

Na para bang normal na ang madalian at mahirapan.

Sa parehong paraan na mararamdaman ang pagiging komportable,

Na para bang gamay na ang salitan ng kasiyahan at kalungkutan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top