Chapter 31

Chapter 31: Pain

I looked strangely at him. What was wrong with him? Bakit ganito siya magsalita at lalong bakit ganito siya kumilos?

I exhaled exasperatedly, placed one of my hands on the window frame to support myself, crossed one of my legs behind the other, and pressed my palm on my forehead in frustration. This is getting weirder.

Una ay kung nasaang lupalalop ako ng mundo. Sino ang lalaking nasa harapan ko at sino sa palagay ko ang nababaliw sa aming dalawa. I couldn't just become someone else's wife overnight, handsome, rich and what? A king at that. A king in this strange place . . .

Could I still be dreaming?

Ilang beses akong umiling sa kanya. "Sir, hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo. Baka ikaw?" nakangiwing sabi ko.

Tumayo na ako ng tuwid at muling sumilip sa bintana. I shook my head. Imposible makatalon ako mula sa bintana dahil nasisigurado kong hindi na ako mabubuhay. Nang tanggalin ko ang titig ko sa labas ay muling nagtama ang mga mata namin ng lalaking may berdeng mga mata.

"Sir Tobias, last night was a mistake. Hindi ako maaaring magtagal dito. I am a student. I have a part time job sa weekends, hindi ako puwedeng hindi sumipot. I can't afford to lose a job. I really don't know what happened last night between the two of us, but if at some point . . ." napayuko ako at hindi ko masundan ang sasabihin ko.

I sighed. "You enjoyed my service, hanggang doon na lang po. Wala sa isip ko ang pumasok sa ganitong trabaho. Nasisigurado ko po, sir, na may willing na tumanggap ng trabahong ito. Kailangan ko na po umuwi."

I might have been drugged because I couldn't remember anything!

Bumuntonghininga siya. Tinalikuran na niya ako at nagtungo siya sa lamesa. May inabot siya roon. I saw a small bell and he rang it. Nanatili lang akong nanunuod sa ikinikilos niya hanggang sa biglang nabuksan ang pinto. Napaatras ako sa bintana nang makakita ako ng apat nan aka-unipormeng babae.

"Prepare everything for her bath and call some healers."

Umalis ang isa sa apat na babae nang sabay-sabay silang yumuko kay Sir Tobias at nagsimula nang humakbang patungo sa akin ang tatlo. Nataranta na ako. Tama ba ang dinig kong sinabi niya? Bath? Healers?

"T-Teka . . . what do you mean? Bakit ako paliliguan ng mga babaeng ito? Healers? Huh? Kanina pa akong hindi natutuwa sa mga naririnig ko sa 'yo!"

Nang higit na nakalapit sa akin ang apat na babae ay mas tumalim ang mga mata ko sa kanila. Natigil sila sa paglalakad papalapit sa akin. "Don't you dare!" Singhal ko sa kanila.

Naupo na ang lalaki sa upuan malapit sa maliit na bilog na lamesa. He looked so tired while one of his arms was resting on it. He leaned on his back and looked at the ceiling, I saw how his fist tightly balled.

"What has that bitch done to my mate?"

I was hissing in front of the women who were trying to touch me when another batch of strangely looking creatures appeared before my eyes. Kung kapwa naka-unipormeng itim ang mga babae na inutusan ng lalaking may berdeng mata, ngayon naman ay nakasuot ng asul, makapal at mahabang bestida ang mga kababaihan na bagong dating.

What the hell is wrong with these people and how do they dress?

"Please, check her."

Mas lalo akong nataranta nang sabay-sabay na silang lumapit sa akin. I desperately climbed on the window frame and stubbornly balanced myself. "Tigilan ninyo ako! Tatalon ako! I don't know if you're all bunches of crazy idiot pretending to live in this strange place, pero hindi ninyo ako masasali sa kulto ninyo."

Hindi na nakaupo ang lalaki at nakatayo na siya. Bahagya nang nakaangat ang isa niyang kamay, hindi ko alam kung bakit nakikita ko ang takot sa kanyang mga mata.

I was just merely his sex worker. If I knew, he'd probably take all these women; I was just his new toy.

"Kezalli, get down, please . . ."

I hated it when he called my name in familiarity. Dahil wala siyang karapatang tawagin ako sa paraang iyon.

Dahil nasa kanya ang atensyon ko ay hindi ko na namalayan na nakalapit na sa akin ang mga babaeng naka-asul. Handa na sana akong tumalon mula sa pagkakatayo ko nang marahas na akong hilahin ng mga babaeng iyon.

I knew that I was tough and strong. I was always confident that no woman could take me in a fight, but this time I felt as if I was just a helpless little child against the arms of these women. But that didn't stop me from struggling against them. Higit akong nagwala na tila nagagawa na nila akong buhatin sa mga paa at braso ko.

"Leave me alone! Maybe this is your modus! You're drugging women and forcing them to live in this strange place! You're playing empires— fiction! Is this a den of a psycho? Uuwi na ako! Wala akong panahon sa mga larong ito!" Halos mahubaran na ako dahil sa pagwawala ko at pilit ko nang sinasalubong ang mga mata ng lalaki.

Kahit gaano man kalakas ang mga babaeng nagagapos sa akin, hindi ako tumigil sa pagpiglas sa kanila, ngunit nang may isa sa kanilang itinapat ang palad sa noo, bigla iyong nagliwanag at nag-init na tila nalulusaw ang mukha ko.

I screamed in pain as I convulsed, until I felt the hot tears gliding down my cheek. Tila mabibingi ako sa sarili kong sigaw at malalagutan ako ng hininga dahil sa ginawa kong iyon. "Bitawan ninyo ako! Nasasaktan ako! Ahh!"

Mas lalong lumakas ang sigaw ko sa loob ng silid na iyon kasabay nang marahas na padyak ko. Hindi ko na alam kung saan iyon tumama dahil nabitawan ako ng isa mula sa aking paanan, sinamantala ko iyon at pilit kong sinipa ang isa. Marahas kong hinawakan ang batok ng isa bago ko sinapo ang ulo niya at inumpog ko sa akin.

I landed on the floor. My whole body was shaking but I mustered all my strength to stand up. I glared at the man staring at me, I quickly guarded myself with my fists ready to attack. "Let me go. If this is one of Vito's schemes and if you're just like him who take an interest in someone's suffering, find someone else. Ayokong makipaglaro sa 'yo."

Muling lumaglag ang mga balikat niya. Mas lalong kumunot ang noo ko. "Stop making that face! I will go home. Hindi na ako natutuwa sa nangyayari. Hindi ko na ipagpipilitan ang kabayaran, basta paalisin ninyo na ako sa lugar na ito."

Sinapo ko ang noo ko at ilang beses akong kumurap. Ano iyong ginawa sa akin ng babae? Did they really drug me to see things?

"K-King Tobias, should we use a little bit of our spell to the queen to calm her down?" tanong ng isang naka-asul nang nakatayo na ito.

Muli akong naalarma nang magtungo muli ang atensyon nila sa akin. Sa halip na umatras ay humakbang na ako papalapit sa kanila at ikinuyom ko ang mga kamao ko para manlaban. "Tigilan ninyo ako!" Mas malakas na sigaw ko.

Ngunit ang higit na nakaagaw ng atensyon sa akin ay ang kakaibang repleksyon ko sa salamin. My eyes just turned red and my teeth. I whimpered and took a step backward. Tila dumagundong ang dibdib ko, hindi lang sa gulat kundi sa takot.

Ano ang nangyayari sa akin? Ano ang ginawa nila sa akin?

"What did you do to me?!" Sigaw ko sa lalaking nakatulala sa akin.

Anong klase droga ang itinurok nila sa akin at ganito ang nakikita ko sa salamin?

"Is this Vito's new way for me to follow him? Are you one of Eyah's men? Hindi pa ba kayo masaya na linggo linggo kong dinudungisan ang mga kamay ko? Napakasama ninyo! Isinusumpa ko ang mga katulad ninyo! Ngayon naman ay droga ang sinusubukan ninyo sa akin?!" I started to cry in front of him.

"S-stop . . . please stop, Love . . ." he almost said in a whisper.

Sumakit ang tainga ko sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Sino ba ang lalaking ito? Is he one of Eyah's men to make my life miserable? Hindi lang nila ako gustong isalang sa patayan, gusto nilang maging ang bagay na pinaka-iingatan ko ay gusto nilang hindi maging magandang memorya— and they succeeded. This man might have drugged me that I couldn't remember anything.

"Anong klaseng droga ang isinaksak ninyo sa akin?!" Mas malakas na sigaw ko.

Nang hindi makasagot sa akin ang lalaki at mapansin ko na bukas pa rin ang pinto ay mabilis na akong tumakbo, ngunit agad na humarang ang mga kababaihan sa akin at pansin kong nagliliwanag na ang kanilang mga kamay.

"Do not touch her!" sigaw ng lalaki.

Nahawi ang daan nang sabihin niya iyon, hindi ko na nagawang lumingon pa at mabilis na akong tumakbo palabas ng silid na iyon. Hindi ko na alintana ang napakaraming tao na nakakasalubong ko dahil wala na akong tigil sa pagtakbo na walang lugar na patutunguhan.

Hindi ako tumigil sa pagtakbo kahit na pagod na pagod na ako sa walang tigil na pagtakbo. It felt like the huge place had no exit. Nang hindi na kayanin ng tuhod ko ang pagtakbo ay pinili kong magtago sa loob ng isang silid. Agad kong isinarado ang pinto niyon at luminga ako sa paligid kung may tao ba roon, at napahinga ako nang maluwag ng wala akong makita.

It was a room filled with antique items— most were musical instruments. Nang marahas na nabuksan ang mataas na bintana dahil sa hangin at buhos ng ulan ay agad akong tumakbo roon at isinarado iyon. Kaiba nang unang tumanaw ako sa bintana kanina ay may liwanag pa, ngayon ay sobrang kulimlim na.

Hindi rin nagtagal ay bigla nang bumuhos ang malakas na ulan. Sinamahan pa iyon ng malakas na hangin, kulog at kidlat. Agad akong nakaramdam ng lamig. When I saw a fireplace, I decided to create a fire. Habang ginagawa ko iyon ay sumisilip ako sa kaunting siwang sa ilalim ng pinto para makita kung may darating na tao para hanapin ako.

I pulled the old brown blanket I saw on one of the tables, wrapped it around my body and sat in front of the hearth. Niyakap ko ang sarili ko roon at huminga ako nang malalim. Agad kong pinahid ang takas na luha sa aking mga mata. Kailangan kong makatakas sa lugar na ito. Ano na lang ang maaari nilang gawin sa akin? Tila naapektuhan na ng drogang itinurok nila sa akin ang utak ko.

It's always the good-looking ones— with gentle voice and gentle smiles. Ganoon ang paraan kung paano ako nilapitan nina Eyah at Vito, at siguradong ganoon din ang ang paraang gagawin ng lalaking iyon. He would look at me as if he was concerned, but in reality, I was just a toy.

Nang makarinig ako nang mas maraming yabag ay naalarma na ako. Tatayo na sana ako para magtago nang huli na ang lahat, nabuksan ang pinto at iniluwa noon ang mga naka-asul na babaeng tila bubulagin ako kanina at ang lalaking kanilang sinusunod.

"Leave me alone!" sigaw ko.

I desperately pulled one of the burning woods from the hearth and shoved it in front of me to protect myself from them, but it was a wrong move when the window suddenly opened. The wind blew the fire— burning the blanket on my shoulders.

"K-Kezalli . . ."

"Shit, not that blanket! Remove it, Queen!"

My eyes widened when suddenly I was on fire. "No . . ."

"Water!" Malakas na sigaw ng mga babae.

"King Tobias!"

I saw a mixture of emotions in his eyes, fear, pain, and desperation as he moved his hand, until I saw a moving water in the thin air, and before I could follow it, the water drenched all over my body— extinguishing the fire.

I was looking at my drenched body with the drops of water on my skin, but my eyes creased until I saw a growing mark. I gasped, my mouth hung, and I looked accusingly at the man with the green eyes.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapasigaw sa sakit nang nasusunog ang balat ko. Bumagsak na ako sa sahig at mabilis na dumalo ang mga kababaihan habang pilit nilang sinisipat ang balat ko.

"Acid . . . the King's water turned acid on her skin."

Hindi na ako napanlaban at napahiga na ako sa sahig sa tindi ng sakit. I was screaming in pain when the women's hands were above me with those lights again. "We're healing you . . . we're not here to hurt you . . ." mahinahong sabi ng babae.

Hindi ako naniniwala sa kanya ngunit sa pagtagal ng kamay niya sa akin ay pagginhawa ng pakiramdam ko. Hindi ko na hinintay pa na tuluyang bumalik ang buong lakas ko, marahas akong umupo at paatras akong lumayo sa lahat. Lumapat ang likuran ko sa pader at nangangatal kong niyakap ang mga binti ko habang matalim akong nakatitig sa lalaking sinabuyan ako ng asido.

When he took another step, I shouted at him. "HUWAG KANG LALAPIT!"

I whimpered, embraced myself tightly, and shook my head. "H-huwag mo kong saktan . . ."

"N-no . . . I don't want to hurt you," I saw a tear fall on his cheek. He wiped it and he hysterically looked around as if he was asking for help. "S-stop, why is s-she looking at me like that . . . someone tell her. Someone help me . . ."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top