Chapter 16

Chapter 16: Drown

My chest rose and fell as I looked bewilderingly at the burned museum.

"No way . . ."

I slapped my face, blinked twice, and stared at it again. All I could do was gasp and realize that everything wasn't the creation of my stress or even hunger— everything felt so real.

Napatungo ako sa sarili ko. Sinipat ko ang mga braso ko, ang pantalon kong may gasgas, at nang sandaling sinubukan kong tumayo ay napadaing ako sa sakit sa tuhod ko. Maging ang siko ko ay humahapdi rin.

Papilay-pilay ako nang abutin ko ang bag ko sa lupa, may dumaan pang batang naka-bisikleta na muntik pang matumba dahil sa paghabol ng tingin sa akin.

"Dahan-dahan ka!" Sigaw ko.

Nakangiwi na akong isinasakbat ang bag ko, ganoon din ang palasong kinuha ko sa loob at maging ang salamin na nagawa kong buhatin gamit ang dalawang kamay ko.

I lifted the mirror above my head, giving me a shadow behind the blasting sun.

Habang naglalakad ako sa gilid ng daan, papilay-pilay at pangiwi-ngiwi dahil sa iba't ibang klase ng sakit sa katawan na nararamdaman ko, marami nang batang nakabisikleta ang nakasasalubong ko na kapwa napapalingon sa akin.

Yes, I looked weird.

Dahil balak ko na rin maghanap ng bagong matutuluyan, napagpasyahan kong dito na lang sa aking dating bayan manatili, lalo na't alam ko sa sarili kong gusto ko pang bumalik sa museleong iyon.

Iniisip ko na lang na kailangan kong umaga ng gising para makaabot ako sa unang subject ko.

Hindi naman ako nahirapan makahanap ng paupahan dahil may mga nadaanan naman akong nakapaskil sa bayang iyon. Iyon nga lang ay nahirapan akong pumili dahil naghanap pa ako nang mas mura.

Natitigilan pa ang mga tao sa akin sa tuwing nakikita nila akong may dalang malaking salamin, puro galos ang mukha at braso, at hirap na hirap maglakad.

"Ibinebenta ba iyan, hija?"

"Ano ang nangyari sa 'yo?"

"Napag-trip-an ka ba ng mga tambay?"

Hindi rin ako nagugulat sa ilang bulungan na baka raw magnanakaw ako. It's a shame that they couldn't recognize that little girl who used to live inside that beautiful old museum. Kung tama ako sa aking pagkakaalala ay malapit sina lolo't lola sa mga tao rito sa baryong ito.

Nang mapansin ko na magdidilim na ay napagmasyan kong dito na sa huling pagtatanungan ko ako titigil, kahit anuman ang presyo nito. Isa pa, may naipon na naman ako sa mga trabaho ko.

Eyah and Vito even offered me money, but I refused. Tama nang ang lahat ng kinikita ko sa trabahong ibinibigay nila sa akin ay para kay Dave.

Nakangiwi sa akin ang mga tambay na kasalukuyang abala sa kanilang Red Horse. "Erm, excuse me po? Nasaan po ang land lady? May nakita po akong nakalagay na apartment for rent."

"Matilda! May naghahanap ng bahay!"

Ibinaba ko muna ang salamin, kinuha kong muli ang tubig sa aking bag at saka ako uminom.

"Saan ka ba nanggaling, hija? Bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong ng lalaking mukhang pinaka maedad base sa boses niya.

"Nasabit po ako sa aksidente."

"Aksidente? May nabalita ba kayong askidente kanina?" tanong ng matanda sa mga kasama niya.

Kapwa umiling ang mga lasing. "Nako, mahabang kuwento po."

When the lady appeared with her long night dress, I sighed in relief. Ayoko nang makipag-usap pa sa mga lasing na ito. Pero kung sabagay puwede ko rin naman sa kanila ikuwento ang mga nangyari sa akin buong araw, usapang lasing man lang.

"Ikaw ba ang naghahanap?" Pinasadahan niya ako simula ulo hanggang paa.

"Yes po!"

"Wala ka namang sabit, hija? Tahimik ang compound na ito. Ayokong bigla na lang may pupuntang barangay dito."

Saglit gumala ang tingin ko sa paligid. Tahimik?

Apat o limang lamesa yata ang nakikita kong napupuno ng mga lasing. Iyong malaking puno na may mga kahoy na upuan ay may napakaraming babaeng maiiksi ang shorts na nagtatawanan at naghahampasan, ang daming bata na nagtatakbuhan, ang ilan ay nagkakatulakan na at nagkakasakitan, may mga aso na hindi ko alam kung napapakain pa ba ng tama, may matandang nagwawalis at nagsusunog, halos ubuhin kaming lahat dahil wala itong pakialam kung mausukan kaming lahat.

"Manang Coring, gabi na nagsusunog pa kayo!" Saway ng landlady.

"Sure po akong walang sabit, Tita!"

Mas pinakatitigan niya ako. "Siguraduhin mo, ah? Halika, dadalhin na kita. Ano ba iyang dala mo?"

"Salamin po. Pamana ng grandparents ko po."

Akala ko ay malapit lang ang lalakaran namin pero malayo pa pala talaga, hirap na hirap na akong buhatin ang salamin at bag ko. "Tita, malayo pa po ba—"

"Andito na tayo, hija."

Dinala niya ako sa pinakasulok na apartment, ilang pang pamilya ang nadaanan ko na kapwa nakasunod ang tingin sa akin. "Dito. One month advance at one-month deposit muna bago ang lipat."

"Magkano nga po?"

"Two thousand per month. Bale apat na libo muna."

Ibinaba ko na iyong salamin at dumukot muna ako ng wallet sa bulsa ko. Gusot pa iyong apat na libo na itinupi ko pa sa maliit kong pitaka. Pinanuod ko kung paano niya inaayos ang tupi ng pera bago siya tumango sa akin at ibinigay ang susi.

"Salamat po."

"Sige. May bed frame na pala riyan, hija, ikaw na lang ang bibili ng kama."

"Salamat po ulit."

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pumasok na ako sa maliit na apartment na iyon. Hirap na hirap pa akong ipasok ang salamin ko, bago ko ikinandado ang pinto. Binuksan ko muna ang ilaw, Isinandal ko muna sa pader, ibinaba ang aking bag at palaso, hanggang sa nanghihina na akong napasalampak sa sahig.

"Grabe ang araw na 'to, Kezalli!"

Napatulala ako sa sarili kong repleksyon sa salamin habang nakasalampasak sa sahig. Bakas ang pagod sa aking mukha. Hindi na ako magtataka kung bakit habol ang tingin sa akin ng lahat at nagawa pa akong pagkamalang magnanakaw.

Hinayaan ko ang sarili kong manatili sa ganoong posisyon hanggang sa pumasok sa isip ko ang aklat na nakuha ko sa museleo.

Before I opened the book, I took my tumbler again and drank plenty of water. I brushed my lips against my right arm, settled into a cross-legged position, tied my hair up, and started flipping the pages.

And that was how the manual to the Empire of Parsua introduced to me. It was the beginning of the discovery of the world I'd heard before. Dati ko na itong narinig sa mga kuwento ni lola at ang tadhanang naghihintay sa akin sa mundong ito, pero masyado pa akong bata noon, sa katunayan ay nagawa ko pa itong makalimutan kung hindi lang ako bumalik sa museleong iyon.

The manual to the Empire of Parsua became my companion. It was as if I'd found a friend that would bring me to another world— when everything seemed dark in the human world.

"Oh, so bawal akong mag-boyfriend? Dapat siya lang talaga? Wow." Kumento ko habang nagtatali ng aking buhok sa harap ng salamin. Nakapatong na sa lamesa ang aklat at binabasa ko iyon.

Naglagay na ako ng ilang damit, gamot, gasa, alcohol, at madalas kong ihanda sa tuwing tinatawagan na ako nina Vito at Eyah. Mas lumapit ako sa salamin at itinagilid ko ang pisngi ko, may hiwa pa nga ako, at hindi pa naghihilom.

I sighed. "It's alright! This is for your brother. Dave, you will receive your treatment after this!"

Kinuha ko na iyong cap ko at isinuot ko na iyon. Mas ibinaba ko pa iyon at ngumiti ako sa salamin. "Kung tumakas na lang kaya ako? If you're real, agawin mo na kaya ako sa mundong ito? Pagod na ako, fiancé!"

Tumawa ako sa sarili kong repleksyon. Isinuot ko na iyong itim kong jacket, isinakbat ko na ang aking bag, napatingala pa ako sa taas dahil mukhang nag-aaway na naman iyong mag-asawa sa second floor. "Pero mamaya naman para kayong mga pusang lampungan sa bubong!"

I rolled my eyes.

Lumabas na ako sa apartment ko. Kung dati ay kapwa nakakunot ang noo ng mga tao sa akin, ngayon ay kilala na ako ng lahat, hindi ko man nakikita ang mga mukha nila, alam kong sa tawag pa lang nila sa pangalan ko ay nakangiti na sila sa akin.

Of course, who wouldn't know me? Lahat na yata ng trabaho at paki-usap nila sa akin ay ginawa ko.

Naglakad muna ako para makalayo sa harapan ng compound namin at tumigil ako doon sa madalas pagtigilan ng sasakyan nina Eyah at Vito.

Si Eyah iyong nasa loob nang sasakyan ng pumasok ako. Matamis siyang ngumiti sa akin ngunit agad nang nawala ang emosyon sa mukha ko.

"This is your opponent, little girl."

May paghaplos pa siya sa aking pisngi habang pinagmamasdan ko ang mukha ng babaeng siyang makakalaban ko. I didn't know what was her purpose of giving me the identity and history of my opponents, was it to relieve my guilt of killing them? Na sa kabila ng pagdanak ng dugo sa akin mga kamay ay mga kriminal naman ang mga ito?

No matter how hideous and evil my opponents are, I am not different from them— they raised and manipulated me to be one, and I couldn't even find an escape for years— freedom. Na kahit anong klaseng ngiti ang gawin ko sa ilalim ng tirik na araw, sa sandaling kumagat ang dilim at kailanganin nila ako'y malayong-malayo ako sa babaeng mainit na tinatanggap ng lahat.

Kung tutuusin ay may higit silang magagaling na alaga kaysa sa akin. Nasaksihan ko kung paano nila maagang natatapos ang laban, ngunit tila may ibang nagtutulak sa kanila upang manatili ako sa mundong ito.

As if Eyah was trying to ruin me emotionally— she wanted me to hate myself. Tila gusto niyang ako mismo ang kusang pumatay sa sarili ko.

Ibinalik ko na ang detalye ng makakalaban ko. I couldn't wait to see Eyah's face on my opponent's list.

Before I headed to the side of the arena, I was already dressed in my fighting suit. It's a white racerback and boxer shorts. My hair was tightly braided into two plaits, and my hands were all wrapped, as much as I wanted to use my arrows—that I started to practice again, I prepared my usual metal rings, and hung them around my waist, behind my back.

Yumakap pa sa akin si Vito nang makita niya ako. "My favorite lady fighter, Kezalli!"

Sinalubong ako ng malakas na sigawan at nakasisilaw ng liwanag. When I saw the boxing ring, all I could see were blurs.

What's good about my condition, I might be aware of the names of my opponents, but I could never remember their faces.

"Make me proud again, Kezalli! You have to win this. Dave's life—"

"I know."

Mas lalong lumakas ang sigawan nang tawagin na kami sa boxing ring, ibinuka ko na ang tali, yumuko ako at agad na tumawid roon. Kung dati'y lumuluha pa ako, ngayon ay wala na kahit isang patak ng luha ang naglalandas sa pisngi ko.

Matinding galit at poot, laban sa lahat ng mga nilalang naririto. Lalo na sa babaeng nasa likuran kong kung hindi kamatayan ang siyang nais sa akin— nais niyang masira ako sa aking katinuan.

Huminga ako nang malalim.

Unti-unti ko nang ibinuka ang aking mga paa at sabay nagtungo ang aking mga kamay sa dalawang bilog na patalim mula sa aking likuran, laban sa malaking patalim na hawak ng babae.

"I am sorry."

Umatake na ako nang sunod-sunod kasabay nang pag-ilag ko, wala na akong narinig na sigawan at muli akong nabingi, at nasilaw sa liwanag. Kusang gumalaw ang mga katawan ko.

It was as if I was a marionette tied with several strings— like I was in the middle of a performance, and everyone was cheering for me.

Nagigising na lang akong humihingal, punong-puno ng pawis at may danak na dugo sa aking mga kamay at buong katawan. At saka lang magkakakulay ang paningin ko sa tuwing yuyuko ako para kunin ang patalim kong nakabaon sa katawan ng aking biktima.

I hate the fact that in the last minutes of their lives— the only thing that they could see was my face.

And that's what my life has been like in the human world, the sunshine girl of every friend, classmate, workmate, neighbor, a sister— I was that someone who could smile at everyone. Despite my grievous sins, I tried to live my life as normally as I could, fulfilling my dreams in life, having friends, taking multiple part-time jobs, deceiving fools in every gamble, and setting goals— wishing that I had a different fate without this facade.

Maybe if I was wiser— I wouldn't be here suffering.

Maybe I was a foolish girl, unlucky— or really an idiot.

Reading the book about the empire of Parsua became my escape, giving me ideas that maybe this mirror would give me another world— a place where I'd be fully happy.

Because all my life, it feels like I've been in hell— burning in fire.

I was in the middle of the fire, closing my eyes, wishing I'd turn into ashes— but amid my surrender, gentle cold hands caressed my cheeks.

My thoughts from the past slowly faded, as I slowly opened my eyes in front of a man with those coral eyes— those green orbs were like crystals in the ocean with the soothing whispers of the wind.

Tobias gently brushed his lips with mine, he leaned his forehead with mine, and his coral orbs turned crimson red. "Then allow me to extinguish the fire, Love, allow me to drown you—that you'd forget that you were burning."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top