Kabanata 9:

Ang munisipyo sa sentro ng kabayanan ay punong-puno ng mga bandiritas dahil sa nalalapit na paggunita ng mga ito sa kanilang sikat na pintor na si Don Juan Sanz Cruzado, nang makarating sila Nicolas, Pepito, Juan, at Pedro sa munisipyo ay nadatnan nila roon ang napakadaming mga tao na nakatingin sa isang napakalaking paskil.

May nakasulat doon sa wikang Kastila na siyang hindi maintindihan ng ilang ordinaryong mamamayan. Kabilang na rito ay si Nicolas, Juan, Pedro, at Pepito. Kaya naman napasambit ang isa. "Hindi ko makita ang nakapaskil Kuya Juan" Sambit ni Pedro na nakatingala na dahil ito ay nalilingiran ng ilan.

"Bakit pa? Kung makikita mo lamang rin iyan ay hindi mo rin naman iyan mababasa. Ako, nakikita ko nga ngunit hindi ko naman nababasa, pati na rin si Nicolas" Tugon ni Juan sa kapatid niyang si Pedro. Namataan naman nila Nicolas ang tatlong kabataang maayos ang pananamit, paniniwala ng ilan ay mga mag-aaral sila sa Unibersidad ng Santo Tomas.

"Mawalang-galang na po mga ginoo, ngunit maaari niyo po bang iwika sa aming magkakaibigan kung ano po ang sinasaad ng paskil?" Tanong ni Nicolas sa isang binatang ini-estimang kaedad niya lamang, ngumiti ang lalaki at saka siya tumugon. "Isang linggo mula ngayong araw ay magaganap ang isang kompetisyon sa larangan ng sining na iniaalay upang gunitain ang pintor na si Don Juan Sanz Cruzado" Tugon ng binata.

"Siya nawa? Hindi po kayo nagbibiro?" Tanong muli ni Nicolas, tumango naman ang binata bilang tugon. "Ito ho ba ay isang kompetisyon para sa lahat o siyang mga naka-aangat lamang?" Sumabad si Juan, tumugon naman ang binata ng buong giliw. "Sa nakasaad sa paskil ay para sa lahat ng mga kabataan ang kompetisyon, basta at ikaw kay labing walo pababa, maaari kang sumali, ang matatanggap ng mananalo ay limang pung piso at may pagkakataong maging isang iskolar ang mananalo" Tugon ng binata.

"Iyon ay napakasarap marinig! Kailangan mong subukang sumali roon! Magaling ka, aking kaibigan!" Napawika rin si Pedro. "Oo nga, Nicolas! Paniguradong ikaw ang magwawagi!" Saad ni Pedro, ngunit namataan nilang nagsitawa lamang ang mga kalalakihan at saka sila umalis, marahil alam na nila ang dahilan.

"Ano bang akala ng mga iyon? Wala naman silang alam, alam kong magwawagi ka!" Bulalas ni Juan, nakangiti ito at masayang-masaya. Nang malaman nila iyon ay humayo na si Nicolas upang maagang makauwi. Habang sila ay patungo sa kanilang baryo ay hindi mapigilang mapaisip ni Nicolas patungkol sa magaganap na kompetisyon, hindi, nakangiti siya habang pinagmamasdan ang paligid, ang luntiang damuhan at mga bukirin, at ang kulay bughaw na ilog na siya namang sumasalamin sa kulay bughaw na langit.

"Ako ay nasasabik, kung ako man ay mananalo ay may pag-asa na akong makapag-aral at maging isang pintor" Wika ni Nicolas, narinig ito ni Pepito na nakasakay sa karetela kaya naman ito ay napatango na lamang, muli ay nagwika si Nicolas. "Ngunit mas malala pa doon, ako ay makakapag-aral, at kapag nagyaon ay magkakaroon ako isang desenteng trabaho" Nakangiti niyang saad, pinatigil niya ang kalabaw na siyang humihila sa karetela.

Saglit pa ay umupo si Nicolas sa katabing damuhan at tumingala siya sa kalangitan. "At kapag iyon ay naisakatuparan, at kapag ako ay nasa edad na, ay maaari ko nang ligawan ang anak ng Don Mariano na si Elena, ang matalik kong kaibigan... alam ko rin naman na kapag ako ay nakaangat sa Alta-Sosyedad ay magugustuhan na ako ng Don Mariano. Magiging masaya rin si Elena, marahil siya ay mahihinto na sa pag-aaral sa kumbento at magkakasama kami panghabang-buhay. Batid ko ring kaya ayaw ng Don Marianong makita ko si Elena ay dahil magkaiba ang aming buhay, siya ay langit... At ako ay lupa"

Humangin ng malakas at itinangay nito ang mga nalagas na dahon sa mga kalapit na puno, ang mga damo ay umuugoy dahil sa malamig na simoy nito, ang mga bulaklak ay humahalimuyak.

"Gusto kong maisakatuparan iyon, baka ito na ang pagkakataon, Pepito?" Wika niya saka humarap siya sa kinaroroonan ng kaniyang kapatid na nakasakay sa karetela. "Ngunit wala akong salapi upang ipangbili ng pintura at ng kuwadro upang ako ay makagawa ng isang ipinintang larawan" Saad niya, huminga ng malalim si Nicolas at saka sila nagpatuloy sa pag-uwi.

Nang makarating si Nicolas sa kanilang dampa ay naabutan niya doon ang kaniyang Lolo Gregorio at si Ginoong Handario na nag-uusap. Mukhang galit ang mapagmataas na Don. "Nicolas, ang aga mo naman ngayon?" Nagwika si Lolo Gregorio, napalingon naman si Handario. "Opo, Lolo Gregorio" Tugon ni Nicolas nang nakangiti. "Nasa labas po si Pepito, siya po ay naglalaro" Saad pa ni Nicolas.

"Ikaw, matandang indio! Palagi na lamang kayong hindi nagbabayad ng renta! Kapag ako ay natungo rito ay palaging wala! Palalampasin ko pa ito ngayon, ngunit sa susunod, hindi na!" Hindi na ninais ni Nicolas na marinig ang pinag-uusapan nila ngunit napagtanto niya ang isang bagay!

Pagkaalis ng Don ay kaagad na nagtungo si Nicolas sa loob ng dampa at kinausap niya ang kaniyang lolo. "Lolo Gregorio" Panimula ni Nicolas. "Huwag kang mag-alala, Nicolas. Ayos lamang ang lahat" Tugon ni Lolo Gregorio, napabulalas si Nicolas. "Nang dahil po iyon kay Pepito, ano po Lolo? Ginamit niyo po ang natitirang pera upang ibayad paroon sa matabang lalaki upang makuha po siya?! Patawad po, Lolo Gregorio... hindi ko po sinasadiyang magkaganito ang lahat! Nang dahil po hindi ko naprotektahan si Pepito kaya ito nangyari!" Tumangis si Nicolas saka siya yumakap sa kaniyang lolo.

"Ngayon po ay wala na tayong pangbayad ng renta, kasalanan ko po ito" Wika pa ni Nicolas habang patuloy pa rin ang pagluha, tumugon si Lolo Gregorio sa kaniya. "Nicolas, napakikinggan ka ng iyong kapatid" Nanlaki ang mga mata ni Nicolas saka siya napatingin kay Pepito na ngayon ay nakasandal na sa hamba ng pintuan.

Muli ay tumulo ang luhang nagbabadya sa mga mga ni Nicolas saka siya yumakap sa kapatid, mahigpit ito, walang kasing higpit. "Pepito, hindi mo na kailangang mag-alala pa, magtratrabaho ako ng mabuti, at ipinapangako kong magiging maayos tayo, pangako... hindi ko hahayaang mamatay tayo sa gutom at kahirapan" Umiiyak pa ring saad niya, ngumiti naman ang kaniyang kapatid at ito ay yumakap pabalik kay Nicolas.

Naluha na rin ito nang dahil sa kaniyang nasaksihan, hindi niya lubos matanggap na isinakripisyo ng mag-lolong Carolino ang kanilang salapi upang hindi na siya bumalik sa bangungot na kaniyang sinapit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top