Kabanata 8:

Maagang nagising si Nicolas dahil sa mga nagdaang araw ay hindi niya na muna kasama ang kaniyang Lolo Gregorio dahil sumakit ang likod nito, kaya silang dalawa na lamang muna ni Pepito ang magkasamang naghatid ng mga gulay nila Ginang Soledad sa merkado. Si Nicolas ang nagpastol ng kalabaw habang si Pepito naman ang inatasan ni Nicolas upang tignan ang mga gulay at ito ay hawakan upang hindi ito mahulog sa karetela.

"Lolo Gregorio, kami po ni Pepito ay hahayo na, magpahinga lamang po kayo at huwag niyo nang pilitin ang inyong sarili. Ang pagkain po at inumin na aking inihanda ay nasa lamesita lamang po katabi ng inyong kama, siguro po ay mga tanghaling tapat na rin po kami makababalik" Wika ni Nicolas sa kaniyang Lolo Gregorio saka siya nagmano rito bago siya lumisan, pinagmano niya rin si Pepito.

Tuluyan na nga silang humayo at nakarating sila sa Merkado ng maaga, maaga rin nilang naibenta ang kanilang mga gulay kaya may panahon pa sila Nicolas upang tumingin sa Iglesia Paroqiua De San Juan Bautista.

Hindi nakita nila Nicolas sila Juan at Pedro dahil sa marami raw silang pinaglalaanan ng oras, ang saad ng kanilang amang si Jose. Mas naging marami raw kasi ang benta sa panahon ngayon, marahil na rin daw sa sumapit na ang buwan ng Oktubre.

Nakarating nga sila Nicolas at Pepito sa Iglesia Paroquia ngunit hindi sila pinapasok dahil walang pangbayad. Kaya sila ay nagtungo na lamang sa gilid ng simbahan upang doon ay makita ang isang nakaukit na imahen ng Birheng Maria sa Cota.

Lumuhod at nagdasal si Nicolas sa imahen, naniniwala siyang matutupad ang kaniyang mga panalangin pagdating ng panahon. "Inang Maria, ina ng awa. Pinasasalamatan ka po namin sa mga natamo naming biyaya, idinadalangin namin sa mahal na Cristo Jesus, sa pamamagitan po ninyo na lubusan na po sanang gumaling ang aming Lolo Gregorio. At tuluyan ko nga rin pong makita ang loob ng Paroquia, umaasa po ako, Inang Maria. Sana po ay maidala ninyo sa Cristo Jesus ang aming dalangin. Ito po ay aming isinasamo at idinadalangin, sa matamis na pangalan ng Cristo Jesus, Amen"

Dumilat si Nicolas at ginawa niya ang tanda ng krus bago siya tumayo sa pagkakaluhod, ngumiti siya at hinawakan niya ang paanan ng imahen at dinukot sa bulsa ang isang kulay puting tampipi saka niya ito ipinahid sa Inang Maria. Nang bumaling siya kung nasaan si Pepito ay nakita niyang wala ito sa kinaroroonan, bahagya siyang kinabahan ngunit napawi ito nang makita niya si Pepito na kasama si Elena, tumatakbo ang dalawa at may matatamis na ngiti sa kanilang mga labi.

Kaagad na lumapit si Nicolas sa kanila, si Pepito naman ay lumapit na ri sa kaniyang kuya at niyakap ito ng buong higpit. "Elena, napakarikit mo sa iyong kasuotan" Nakangiting wika ni Nicolas kay Elena, marahil ang magandang dalagita ay nakasuot ng kuya puting kamiseta na pinaluoban ng kulay pulang panuelo, ang kaniyang saya ay kulay pula rin, at ang kaniyang mga binti at paa ay nabalot sa mahahabang kulay puting mga medyas at sa sapatos niyang suot.

"Salamat" Malamig na tugon ni Elena. "Marahil iyan ay ang iyong isusuot kapag ikaw ay sumabak na sa pag-aaral sa kumbento, huwag mo iyang dudumihan upang sa gayon ay maging malinis ang tingin ng mga tao sa iyo" Nakangiti pa ring saad ni Nicolas, ngunit basta umupo na lamang si Elena sa damuhan na ikinagulat na lamang ni Nicolas.

"No me importa si lo estropearé" (I don't care if I'll mess it up) Panimula ni Elena saka tumulo ang nagbabadyang luha sa mga mata nito. "Wala akong paki-alam kung madumihan man ito at sa kung anong sabihin ng iba sa akin" Umiiyak na tugon nito, hinaplos naman ni Nicolas ang pisngi ng dalagita at pinunas niya sa luha nito ang tampipi na siyang kaniyang ipinahid sa imahen ng Inang Maria sa Cota.

"Madudumihan ka kapag umupo ka sa damuhan, Elena" Wika ni Nicolas, pinilit niyang patayuin si Elena subalit sadyang ayaw nito. "Magugulo ang iyong kasuotan kapag ikaw ay nanatili pa sa iyong ginagawa, Elena" Mahinahong wika ni Nicolas. "Wala akong paki-alam" Malamig na tugon ni Elena.

"Elena naman..." Nadismaya niyang saad saka siya ay umupo na rin sa damuhan. Namataan ni Nicolas na niyakap ni Elena si Pepito habang hinahaplos niya ang buhok nito. Ngumiti si Elena saka siya nagwika. "Sa totoo lamang, Nicolas. Idinalangin ko sa Inang Maria sa Cota na sana ay hindi na lamang ako pinag-aral ng aking ama sa kumbento, hindi ko gusto kapag ako ay pumaparoon" Napatingin si Nicolas sa dalagita.

Namataan nila ang mga kalapating nagsisikiparan sa paligid, ibinabagsak nito ang ilang mga balahibong galing sa kanilang mga pakpak. "Noong isang linggo, winika mo sa aking masaya ang mag-aral at matuto, ito ay parang isang bahag-hari, iyon ang iyong sinaad. Ang sabi mo pa ay napakapalad ko" Napatango si Nicolas marahil ay winika nga niya iyon sa kaniyang kaibigan. "Ang sinaad mo pa ay masaya nga roon agmt ginagawa lamang iyon ng aking ama at ina para na rin sa aking kapakanan" Wika pa niya.

"Oo, iyon nga ay sariwa pa sa aking isipan" Tugon naman ni Nicolas ngunit nagulat siya sa tinugon ng kanibigan. "Bueno, ellos no son!" (Well, they aren't!) Sigaw ni Elena, nagdulot ito ng ingay dahilan upang lumipad ang mga kapating nakalapag sa kanilang harapan. Muling tumangis si Elena at yumakap siya sa binatang si Nicolas.

"Gusto nilang mapaglayo-layo tayong magkakaibigan! Iyon lamang ang dahilan kung bakit ko kailangang magtungo at mag-aral pa sa istupidong kumbento! Iyon ay napakapangit! Hindi na kita nakikita palagi dahil palagi rin akong nag-aaral, kailangan ring nakauwi na ako bago pa man lumubog ang araw, at higit sa lahat ay ginugugol ko sa pananahi ang bawat gabing dumaan o kaya naman ay sumulat ng mga bagay sa aking talaarawan. Hindi na kita nakikita at si Pepito" Galit na may kasamang pagtangis.

Tumingin si Nicolas sa mga kalapating nagsisimula sa bughaw na kalangitan, ngumiti siya saka siya bumitaw sa pagkakayakap sa kaibigan. "Ako ay nabigla, hindi ko pa nakita ang ganitong pag-uugali mo, Elena" Tugon ni Nicolas. "Kauumpisa mo pa lamang mag-aral, Elena. Isa iyong bagong yugto sa iyong buhay, alam kong hindi iyon madali para sa iyo, ngunit makakaya mong magkaroon ng kaibigan, Elena. Makakaya mong dadaanan ang mga pagsubok" Napatingin si Elena sa kumikinang na mga mata ng binata.

"Sa tingin ko nga" Malamig na tugon ni Elena. "Oo naman, saka makikita mo naman kami at makakalaro mo pa si Pepito pagsapit ng Sabado at Linggo, kaya huwag ka nang manlumo riyan, hindi na maipinta ang iyong mukha. Subukan mong maging masigla gaya ng araw na lumiliwanag" Nakangiting tugon ni Nicolas.

"Alam kong hindi ito likas para sa iyo, ngunit ikaw ay napakapalad dahil sa ikaw ay nakakapag-aral, sa ating baryo... wala ni isang batang nabigyan ng pagkakataon, Elena" Nakangiti ngunit nalamig nang saad ni Nicolas, pagkatapos niyang magwika ay humangin ng malakas na nagdulot ng saglit na interapsiyon sa kanilang pag-uusap.

"Patawad, Nicolas. Heto ako at nagrereklamo ukol sa napakaliit kong suliranin, samantalang mayroon pa palang mga tao na siyang mas malaki pa ang suliranin sa akin" Saad ni Elena, namataan niyang tumango si Nicolas.

"Mahuhuli na ako, Nicolas. Pepito... ikaw ay magpakabait, naghihintay na ang kalesa, paalam na muna sa ngayon" Ngumiti si Elena saka siya nagpaalam, wala naman nang iba pang nasabi si Nicolas at tuluyan na ngang nagpaalam ang dalagita.

Pagkaalis na pagkaalis niya pa lamang ay dumating ang kanilang mga kaibigang sila Juan at Pedro na katatapos lamang ng trabaho sa merkado, niyaya muli nila ito sa isang lugar upang makita ang isang pangyayari sa kanilang munisipyo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top