Kabanata 5:

"Magandang umaga po Lola Teresita" Tawag ni Nicolas sa isang matandang babae, napalingon naman ito saka niya siya tinugunan ng isang matamis na ngiti at isang pabalik na bati. "Magandang umaga rin Nicolas, kay tagal na nang ikaw ay huling magtungo rito sa aking tindahan, mabuti naman at nakapunta ka na ngayon"

Napangiti muli si Nicolas, nagmano muna siya sa matandang babae bago siya tumugon. "Nagkataon rin naman pong nakasama ko rito ang aking kaibigang si Elena, marahil ay magkakilala na po kayo ni Donya Elianor" Napatango naman ang matanda saka siya tumingin kay Elena, binasbasan niya rin ito ng isang matamis na ngiti.

"Mapalad ka at iyong naging kaibigan itong si Nicolas, alam ko nang napakatapang ng binatang ito, kaya hinahangaan ng mga kababaihan..." Nanlaki naman ang mga mata ni Nicolas saka siy biglaang napatugon. "Si Lola Teresita naman! Ipinahihiya niyo po ako" Pagtugon niya sa mahiyaing tono.

Napatawa naman si Elena saka niya inilabas ang mga idinala nilang papel para ibenta. "Heto po ang mga papel na ipinadala ng aking ina galing sa aming baryo, gawa po yan sa purong dahon ng akasya at matibay po iyan, hindi po iyan madaling mapunit dahil sa materyal na ginamit" Saad ni Elena na nakangisi kay Lola Teresita.

"Salamat hija, ano na nga ba muli ang iyong pangalan? Hindi ko na matandaan dahil na rin sa edad kong ito" Pagtatanong naman niya, sumagot naman si Elena. "Elena po, Elena Cortez, ako po ay anak nila Don Mariano Cortez at Donya Elianor Cortez, ang pamilya mo namin ay siyang pinakakilala at pinakamataas sa buong baryo" Sagot niya, sandali pa ay hinaplos ng matanda ang kaniyang mukha at ito ay nagwika.

"Pagpalain ka nawa kayo ng diyos, salamat sa mga papel na ito, ito ang bayad Elena" Ibinigay ni Lola Teresita ang isang sisidlan na may lamang salapi kay Elena, tinanggap naman niya ito. "Iyan ay naglalaman ng dalawang pung piso, sapat nang halaga para sa mga papel na ito, salamat sa pagbebenta nito sa akin" Saad ni Lola Teresita, sandali pa ay may kinuha ito sa isang aparador at inilagay niya ito sa isang bayong, inilahad niya naman ang ito kay Nicolas.

"Ito ang mga napaglumaan nang papel at mga lumang lapis, magagamit mo ito sa pagguhit mo ng mga larawan, kapag may labis muli sa aking mga paninda at ito ay napaglumaan na, ibibigay ko ito sa iyo" Nakangiting tinanggap ni Nicolas ang bayong. "Maraming salamat po Lola Teresita, ito po ay tinatanaw ko bilang isang regalo" Saad niya, ngumiti muli si Lola Teresita at saka siya tumango bilang pagsang-ayon, ngunit sa isang dalang bayong ni Nicolas ay may nalaglag na isang pirasong papel.

Tatangkain niya na sana itong pulutin ngunit napulot ito ng isang lalaki, saglit pa ay tinignan ng masinsinan ng lalaki ang nasa larawan, ang larawan ni Elena na kasama si Pepito habang nakatulog sila sa damuhan. Ngumiti naman ang lalaki saka niya ibinigay ang larawan kay Nicolas.

"Salamat po" Pasimpleng saad ni Nicolas sa lalaki, ngumiti naman ang lalaki at tumugon. "Walang anuman, may potensiyal ka sa pagguhit ng mga larawan, iyan ay iyong ipagpatuloy at balang araw ikaw ay magiging propesyunal" Tugon nito, muli ay nagpasalamat si Nicolas sa lalaki at napagdesisyunan nilang humayo na at muling puntahan si Lolo Gregorio sa sentro ng merkado.

"Tayo na at humayo, baka tayo ay hinihintay na ni Lolo Gregorio" Saad ni Elena, sinang-ayunan naman ito ni Nicolas saka niya hinawakan ang kamay ng kaniyang kapatid na si Pepito na kasalukuyang tinitignan ang mga itinitindang mga aklat ng literatura.

Sumang-ayon na rin si Pepito sa pag-alis sa pamamagitan ng pagtango nito nang magtanong si Nicolas. Kalaunan nga ay lumabas sila ng tindahan at naabutan nila sa labas ang magkapatid na Juan at Pedro, subalit may hindi inaaasahang pangyayaring gumulantang sa kanilang lahat.

Biglaan na lamang umanong kinuha ang braso ni Pepito ng isang matabang lalaki, iyon ay ang mangangalakal na nagpapahirap at gumugutom sa mga kabataang kaniyang napapasakamay. "Ikaw pala bata ka, ang kapal ng mukha mong tumakas sa aking pangangalaga! makinig ka, hanggang ikaw ay nabubuhay ay magtratrabaho ka sa akin! Wala na akong paki-alam kung ano ang iyong mga naranasan at kung paano ka pa nabuhay! Ngayong napasakamay na ulit kita ay magbabalik ka na sa dati mong buhay kasama ako! Halika na!" Nabigla ang lahat sa inasta ng lalaki kaya naman sinubukan nila Nicolas na agawin si Pepito sa matabang lalaki.

Masusing inalala ni Nicolas ang mga nangyari, nabigla na lamang siya nang sumagi sa kaniyang isipan na ang lalaking iyon ay ang dating amo ni Pepito na labis na nagpahirap sa kaniya! "Naaalala kita! Natatandaan ko pa ang mga ginawa mo! Wala kang puso!" Sigaw ni Nicolas, ngunit humalakhak lamang nang malakas ang matabang lalaki.

"Nicolas! Sino ba ang taong ito?!" Pasigaw na tanong ni Elena, tumugon naman ang matabang lalaki na parang nagmamalaki pa. "Sino ako? Ako lamang naman ang nagmamay-ari dito sa batang ito, walong taon pa lamang siya ay ipinaubaya na siya sa akin ng kaniyang mga magulang! Pero ano ang nakuha ko bilang kapalit? Tumakas siya sa aking pangangalaga at hindi na siya bumalik pa!" Nagulat silang lahat sa sinaad ng lalaki kaya naman kaagad na napatugon si Nicolas.

"Nagkakamali ka! Ikaw ay isang malupit na amo! Ginutom mo siya at inuhaw, pinagtrabaho ng walang suweldo, at dahil doon ay malapit na siyang bawian ang buhay! Pinabayaan mo siyang mahimlay na lamang sa gilid ng kalsada, wala kang karapatan sa aking kapatid!" Galit na tugon ni Nicolas sa matabang lalaki, ngunit imbis na gawin nito ang nararapat ay naramdaman ni Nicolas ang isang malakas na suntok galing sa kanang kamao ng matabang lalaki, napaatras siya ng bahagya dahil doon.

"Nicolas! Ayos ka lamang ba?!" Saad ni Elena, tumango na lamang si Nicolas bilang tugon. Hindi pa rin siya natinag at hindi niya ininda ang natamong suntok, wala siyang paki-alam sa kung ano mang mangyari sa kaniya, basta at nasa piling niya si Pepito. Muli siyang sumigaw.

"Hindi mo siya pag-aari! Kapatid ko siya! Bitawan mo ang aking kapatid!" Sigaw ni Nicolas, ngunit sa isang piglas lamang ng matabang lalaki ay napatilampon na ito ng ilang metro, pinigilan naman ni Nicolas si Elena na subuking agawin si Pepito sa matabang lalaki dahil sa ayaw niya itong masaktan, marahil ay ni isang galos ay mapapansin ito ni Don Mariano at magreresulta ito sa mas matindi pang kapahamakan.

Hindi man makapagsalita ay batid sa mukha ni Pepito ang takot na nadarama, umiiyak siya nang dahil sa takot, ngumangawa ngunit walang ingay sa kaniyang pag-inda. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay naresolba ni Juan at Pedro ang lahat.

"Dalian ninyo mga bata! Dalian ninyo! Itakas na natin ang mga paninda at itong kariton! Tumakbo tayo ng mabilis! Dalian natin!" Sigaw ni Juan habang itinutulak ang kariton kasama ang mga bata, mabilis silang nakaalis.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo! Bumalik kayo rito mga haragan!" Galit na sigaw ng matabang lalaki sa mga ito, nabitawan nito si Pepito at ito ay nakawala sa pagkakagapos sa mga kamay ng matabang lalaki. Matapos ito ay pinatakbo na ni Nicolas sila Pepito at Elena papunta sa sentro at sinabi niyang antayin na lamang siya roon.

Nahuli ng matabang lalaki ang kaniyang kariton, ngunit pinatakas na nila Juan at Pedro ang mga kabataang napasakamay ng malupit na matabang lalaki. Wala nang ibang desisyon ang matabang lalaki kung hindi ang habulin sila Pepito kaya naman nagbalik ito at iniwan ang kaniyang kariton sa gilid ng daan, ang nagpaiwang si Nicolas ay pilit na hinarang ang matabang lalaki ngunit dinamba lamang siya nito at tumilampon siya sa gilid ng mga konkretong bakod, tumakbo ang lalaki patungo sa sentro upang habulin sila Elena at Pepito.

"Ayos ka lamang ba Nicolas?" Tanong ni Juan na sandali pa ay nakarating na matapos palakasin ang mga kabataan, inulit naman ni Pedro ang itinanong ng kaniyang kuya. "Oo nga Kuya Nicolas, Nasaktan ka ba?" Tanong ni Pedro. "Oo, ayos lamang ako, salamat" Tugon ni Nicolas sa kanila. "Sundan na natin sila, baka sila pa ay mapahamak!" Saad pa ni Nicolas saka siya ay tumayo, kahit masakit pa rin ang katawan dahil sa pagkakadamba at pagkakatilampon ay nagawa niyang tumakbo ng mabilis.

Sa sentro ng merkado ay abala ang sangkatauhan sa pamimili, nasindak ang mga tao nang namataan nila ang tumatakbong si Elena at Pepito, napapatras ang ilan at ang iba ay iniiwas ang kanilang katawan upang hindi sila mabangga ng dalawa, samantalang nasa likod na lamang nila ang mata ng lalaki dahil mabilis rin itong tumakbo.

"Tumabi kayo! Tabi sabi! Tumabi!" Sigaw ng matabang lalaki habang binubundol niya ang mga tao, panay na rin ang sabi nila rito ng mga katagang Bastos at Barbaro, at iba pa gaya ng Mapanggulo at Lagim. Nakarating sila Elena sa isang kanto na nahahati sa tatlong daan, lumiko sila sa kaliwa, ang lalaki ay nagtuloy-tuloy rin sa pagtakbo at nang ninais niyang lumiko rin sa kaliwa ay nadunggol niya ang isang taong may kargang nga baket na may lamang mga manok, nang mabangga ito ng lalaki ay tumilampon ang mga manok sa daan.

Dahil sa pagkakamaliw ng matabang lalaki sa nagbangga niyang tindero ay hindi niya na namataan kung saan nagpunta sila Elena at Pepito. Ang dalawa ay kasalukuyang nagtatago sa likod ng mga panindang bayong. Nalampasan sila ng matabang lalaki at hindi sila nito napansin.

Nakarating sa sentro ng merkado sila Nicolas, Juan, at Pedro, napansin nila ang matabang lalaking hinahanap pa rin sila Elena at Pepito, kaya naman madalian silang bumuo ng plano. "Oy! Dito matabang bakulaw!" Sigaw ni Pedro na naglayong magpalingon sa matabang lalaki, galit itong lumingon sa kanila at hinabol sila nito.

Nabangga na ng matabang lalaki ang ilan sa mga panindang prutas at gulay sa merkado ngunit wala siyang paki-alam, hindi niya na nakita sila Nicolas kaya naman kung saan-saan niya ito hinanap. Pagliko niya sa isang kanto ay tumakbo siya paderetso, dito na ibinigay nila Nicolas ang kanilang sorpresa.

Gamit ang mga buto ng munggo na nakuha nila sa isang tindahan ay nagawa nilang patumbahin ang matabang lalaki sa pagkalat ng mga ito sa kaniyang dadaanan. Sumirko-sirko ang matabang lalaki patungo sa mga nakaharelang bayong na puno ng mga kamatis at patatas, kaniya itong nadamba at bumagsak nga siya rito.

Malakas na tawa ang ginanti nila Nicolas, Juan, at Pedro sa matabang lalaki, ngunit sadiyang malakas ito, kaya minabuti nila Nicolas na magtagong muli, nang namataan nilang nalampasan na sila ng lalaki ay si Juan na ang kumilos. Nakatigil ang matabang lalaki at nagmamasid-masid, lumambitin si Juan sa mga lubid at sumirko siya, umikot siya sa ere at sinipa ang matabang lalaki sa likod nito.

Muli ay tumilampon ang matabang lalaki, ngunit sa tindahan naman ng mga mansanas ngayon. Ngunit sadiyang malakas talaga ito kaya hindi pa rin ito tumigil, napatakbo na lamang si Juan at muling nagtago sa ilalim ng mga tindahan.

Muli ay tumakbo ang matabang lalaki at muli silang hinanap. Nakita ng lalaki si Pedro at Elena na nasa kabilang ibayo ng mga tindahan. Hindi magkasya ang matabang lalaki sa maliit na espasyo na nakalaan para  sa mga mamimili kaya pinilit niyang itulak ang mga tindahan upang siya ay magkasya, kasabay rin nito ang pang-aaasar na ginagawa ni Pedro sa kaniya kaya mas lalo itong naiinis.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naitulak ng lalaki ang mga dalawang tindahan ngunit ito ay bumagsak, siya na ring ikinatuwa nila Nicolas at Pepito na ngayon ay magkayakap na. Sa huli ay napilitang magbayad ng kaukulang danyos ang matabang lalaki dahil sa mga nasira niyang paninda at tindahan, ipinadala rin siya sa kulungan upang pagdusahan ang kaniyang mga nagawa.

"Iyon ay isang napakagandang pagkakaisa natin" Saad ni Juan habang nakahiga sa damuhan kasama sila Nicolas, Pedro, Pepito, at Elena. "Oo nga Juan, salamat at hindi niyo pinabayaang makuha ng lalaking iyon si Pepito" Tugon naman ni Nicolas. "Sa labis na galit ng lalaking iyon ay napagtanto kong para na siyang sasabog!" Bulalas naman ni Elena sabay tawa.

"Napakasayang pangyayari, siya nawa?" Tanong naman si Pedro. "Oo Pedro, Nicolas... ipangako mo sa aking hindi mapapasakamay ng bakulaw na iyon si Pepito" Saad ni Juan kay Nicolas. "Oo, hanggang sa aking makakaya ay proprotektahan ko siya" Tugon ni Nicolas.

Lumipas ang maghapon at nakabalik na sa kanilang baryo sila Nicolas, Elena, at Pepito. masayang umupo sa damuhan ang binatang si Nicolas at siya ay gumuhit gamit ang mga ipinamigay na papel at lapis ni Lola Teresita, habang nilalaro naman ni Elena si Pepito. Naging matiwasay at masaya ang araw na iyon sa kanilang lahat. Ang pangako ni Nicolas ay kaniyang tutuparin hanggang sa kaniyang kamatayan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top