Kabanata 3:
"Oy! Anong tinitingnan mo rito Nicolas?!" Saad ni Juan pagkatapos niyang kalabitin si Nicolas, ngumiti naman si ito saka humawak sa kamay ng kaniyang kapatid. "Mayroon bang espesyal na bagay sa loob ng Paroquia de San Juan Bautista na gusto mong makita?" Dagdag pa ni Juan, tinanong din ito ni Pedro kay Nicolas, at dahil si Pedro ay walong taong gulang pa lamang ay wala pa siyang ka-muang-muang sa reyalidad.
Ngumiti si Nicolas at tumugon kay Juan. "Sa loob ng simbahang ito ay mayroong mga nakapintang larawan na obra ni Don Juan Sanz Cruzado, gustong gusto ko itong makita" Tugon ni Nicolas, napakamot naman sa kaniyang ulo si Juan habang hindi na tumugon si Pedro dahil siya ay wala nang ideya kung ano ang kanilang pinag-uusapan.
"Mga larawang ipininta ni Don Juan Sanz Cruzado?" Muli ng tanong ni Juan, tumango si Nicolas saka tumingin sa simbahan. "Gusto kong makapasok at makita ang mga larawang iyon sa loob ng simbahan, ngunit hindi ko ito magagawa" Napabuntong-hininga si Nicolas saka siya ngumiting muli.
"Ha? Bakit naman?" Tanong muli ni Juan, umiling si Nicolas saka muling sumagot. "Marami na akong alam patungkol sa simbahang ito, ang mga mayayamang tao lamang ang maaaring pumasok sa simbahan, o yung mga kabilang sa Alta-sosyedad, hindi maaaring pumasok ang gaya nating mga dukha dahil ipinagbabawal daw ng Kura" Humarap siya sa simbahan saka muling nagsalita.
"Kung gusto mong makapasok ay kailangan mong magbayad ng isang gintong barya, pati ba naman ang pananampalataya sa diyos ay kailangan pang magbayad? Ang pananampalataya ay dapat sa lahat, hindi lang sa mga mayayaman" Saad niya pa saka niya tinanggal ang kaniyang salakot.
Samantalang ang kaniyang kapatid na kasalukuyang nakahawak sa kaniyang kamay ay may nadarama na palang takot dahil sa situwasyong iyon ay naroroon ang isang taong muntikan na siyang patayin, si Pepito ay isang batang hindi nabigyan ng pangalan, siyam na taong gulang at isang pipi na isang produkto ng pang-aabandona, siya ay ibinenta sa isang negosyante at iniwan ng kaniyang mga magulang noong siya ay walo.
Siya ay ginutom, inuhaw, at pinagtrabaho nang walang suweldo, naging impiyerno ang kaniyang buhay. Ngunit isang araw ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay sa daan at ang akala ng malupit na negosyante ay patay na siya, kaya naman iniwan siya nito sa gilid ng kalsada.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ng mag-lolong si Nicolas at Gregorio ang nag-aagaw buhay na bata, kanila itong tinulungan hanggang sa maging mabuti na ulit ang kaniyang pakiramdam, kanila na ring ibinigay ang pangalang Pepito sa kaniya at itinuting na siya ni Nicolas bilang isang kapatid.
Laking gulat na lamang ni Pepito nang makita ang negosyanteng dati niyang among nagpahirap sa kaniya kaya naman ganoon na lamang din ang nararamdaman niyang takot, hindi halata sa kaniya dahil hindi naman siya makapagsabi dahil sa kapansanan kaya ikinubli na lamang niya ang mukha sa braso ng kapatid.
May ilang mga batang katulad niya ring kasama ang negosyanteng iyon at ito ay kaniyang pinagmamalupitan at ginagawa ang ginawa sa kaniya noon, halos siya ay tumangis dahil sa nakikita at dahil sa takot.
Naaawa siya ngunit wala siyang magawa upang matulungan ang mga kabataang kagaya niya. Kalaunan ay umalis ang apat sa lugar na iyon at nakauwi na rin sila, nililinis ni Pepito at Nicolas ang mga nagamit sa pagbebenta ng gulay habang nagpapahinga naman sa loob si Lolo Gregorio.
Napansin ni Nicolas na matamlay kumilos ang kapatid kaya naman siya ay nagtanong kung bakit ganito na lamang siya umasta ngayon. "Pepito, anong problema? Ganiyan na ang iyong naging pakiramdam simula noong makabalik tayo galing sa bayan, mayroon ka bang sakit o nararamdamang masama?" Tanong ni Nicolas ngunit umiling lamang ang batang si Pepito, kung ipahahayag niya naman sa kaniyang kuya ang nasaksihan ay mas magiging maingat pa sa kaniya ito at mas lalo pa siyang proprotektahan.
Ang bagay na ayaw niyang mangyari, ayaw niyang maistorbo at mag-alala ang kaniyang kapatid dahil doon. Ngumiti si Nicolas saka hinaplos ang mukha niya. "Alam mo Pepito, kapag mayroon kang problema, lumapit ka lamang sa akin, kahit hindi ka nakakapagsalita ay matutulungan kita, huwag mong sarilihin ang iyong nararamdaman" Tugon ni Nicolas saka ngumiti.
Sakto rin naman ang pagdating ng isa ring mayabang at walang respeto sa kapuwang matandang lalaking si Nazario Handario, ang pangalawang pinakamayaman sa kanilang lugar, siya ay nagmamay-ari ng ilang mga maliliit na lupain na nirerentahan naman ng ilang mga tao upang tirahan. Sa pagtatapos ng buwan ay nangongolekta siya ng renta, ang bagay na nagkukulang pa rin si Lolo Gregorio.
Dahil sa kahirapan ay mababa lamang ang nakukuhang pera ni Lolo Gregorio, araw-araw nilang ibinebenta ang mga gulay ng kanilang kapit-bahay at dito na rin sila kumukuha ng pang-kain sa araw-araw. Sa kaunting perang naiipon ni Lolo Gregorio ay nakakapagbayad naman siya ng renta sa kanilang bahay at lupa kahit na paano.
"Magandang umaga po Ginoong Handario" Saad ni Nicolas saka siya tumigil sa paglilinis at tinanggal ang kaniyang salakot bilang paggalang, napabuntong-hininga naman ang mayabang na matandang lalaki. "Naririyan ba ang matandang indio?" Tanong nito kay Nicolas, napayuko na lamang ito, iniisip kung bakit ang baba ng tingin ng matanda sa mga kagaya niyang iniluwal at ipinanganak sa bansang Pilipinas.
"Naroroon po sa loob ng... inyong dampa, bakit...?" Tugon at tanong ni Nicolas, ngunit biglang tumugon ang matandang mayabang. "Wala kang paki-alam" Maigsing saad ng matanda, wala naman nang naitugon si Nicolas dahil wala siya sa lugar upang tumugon pa, pumasok sa loob ng maliit na dampa si Ginoong Handario.
Sinundan naman ito ng dalawang magkapatid. "Ikaw matandang indio! Ganito na lamang ba ang iyong ibabayad! Kung minsan ay hindi ka pa nakakapagbayad at ngayon?! Ganito kaliit!" Galit na saad nito kaya naman tinakpan ni Nicolas ang tainga ng kapatid upang hindi niya marinig ang sensitibong usapan.
Inilayo na lamang ni Nicolas si Pepito upang tuluyan na ngang hindi marinig ang mga masasamang salita na galing sa bibig ng mayabang na matandang si Ginoong Handario, pumasok naman si Nicolas sa dampa upang tingnan ang kaniyang lolo.
Pagpasok pa lamang niya sa dampa ay natagpuan niya ang ilang mga larawang iginuhit niya sa sahig na punit-punit, wala namang nagawa ang kaniyang lolo. Siya ay nanuod na lamang. "Iyo nang tigilan ang pagguhit indio, alam na ng lahat ang balitang iginuhit mo ng larawan ang anak ng Don Mariano, siya ay galit na galit at sa akin bumabaling ang lahat ng kahihiyan dahil kayong lahat na pinanghahawakan ko ay responsibilidad ko!" Saad nito sabay tapak ng maputik niyang paa.
Sa labis na panlulumo ng binatang si Nicolas ay hindi niya na napigilang umiyak. "Mabuti nga sa iyo iyan, pasikat ka kasi!" Saad pa ng mayabang na matanda saka tuluyang nilisan ang dampa. Nakita naman ni Pepito, ang nangyari at ang reaksiyon ng kaniyang kuya, kaagad niya itong niyakap at siya ay tumangis na rin nang dahil sa lungkot.
"Huwag mo na lamang damdamin ang mga nangyari Nicolas, magaling ka, mahusay ka, iyon lamang ang kailangan mong malaman, huwag ka nang tumangis dahil hindi na iyan maibabalik" Saad ni Lolo Gregorio saka niya niyakap ang dalawa niyang apo, malungkot man si Nicolas ay tinanggap na niya ang nangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top