Kabanata 22:
"Pepito encontró la bolsa de dinero y Nicolás nos la entregó. Por eso estan aqui" (Pepito found the money pouch, and Nicolas delivered it to us. That is why they are here) Wika ni Eleanor sa asawang hindi pa rin makapaniwala.
"Si Nicolas?" Nanginginig pa ring tanong nito, dito na lumapit si Elena sa ama at napatangis, habang tumatangis ito ay dama ang galit, pagkadismaya, at awa sa kaniyang mga mata. Kinabog-kabog niya ang braso ng ama at gigil na gigil ito.
"Ama! Lahat po ng sinabi niyo, pinakinggan ko pong lahat ay akin iyong sinunod! Ngunit sa isang simpleng bagay lamang... si Nicolas... Ang kaibigan ko ama! Ang pagkakaibigan lamang namin ang aking hiniling ngunit hindi ninyo ito naibigay!" Walang imik si Mariano habang tinitingnan lamang nito ang anak.
"Ama! Bakit niyo po kailangang pagmalupitan ang taong kahit kailan ay hindi naging masama sa inyo! Ama! Hanggang kailan po kayo magbubulag-bulagan!" Wika pa ni Elena habang tumatangis pa rin. Sandali pa ay umimik na si Mariano at dito na rin siya napatangis.
"Estaba ciego, juzgué mal al chico y lo traté muy mal, ¡estoy muy avergonzado! ¡Estoy muy avergonzado!" (I was blind, I misjudge the boy and treated him very badly, I am very ashamed! I am very ashamed) Humahagulgol siya habang winiwika ang mga katagang iyon, dito na rin siya dumukdok sa lamesa habang patuloy pa ring tumatangis.
"¡Deberías darte vergüenza, Mariano! ¡Usted debería ser! ¡Es demasiado tarde para arrepentirse porque ha hecho lo que no es necesario hacer!" (You should be ashamed of yourself Mariano! You should be! It is too late to repent because you've done what does not needs to be done!) Galit pa ring saad ni Eleanor, sandali pa ay kumuha ito ng isang payong at akma nang lalabas upang sumugod sa ulan nang bumungad sa kanilang pintuan si Handario, lasing ito at mawawaring siya ay masaya.
"¡Handario, que sorpresa!" (Handario, what a surprise!) Si Mariano na ang nagwika, napunasan na nito ang mga luhang tumulo sa kaniyang mga mata. "Handario, ¿qué haces aquí a esta hora tan tardía? ¿Estas borracho?" (Handario, what are you doing here at this late hour? Are you drunk?) Tanong ni Mariano kay Handario.
Pabalang iyong sumagot. "Ano naman ngayon?! Hindi ba maaaring uminom ako dahil sa sayang aking natatamasa ngayon? Marahil ako na ang pinakamayaman sa baryo ng Himenes!" Tugon nito sa tonong lasing, nanlaki ang mga mata ng buong Pamilya Cortez.
"Ano ang ibig mong sasabihin, Handario?" Tugon naman ni Eleanor, humalakhak nang malakas si Handario at saka ito muling umutas. "Sa tingin niyo ba ay hindi ko alam ang mga nangyayari? Banlag ba ako? Duling ba ako? May suliranin ba ako sa aking utak?" Muli siyang tumawa at saka muling umutas.
"Alam na ng buong baryo Himenes ang tungkol sa nawawala mong salapi, Mariano..." Hindi pa man ito nakamatapos ay nakatikim na kaagad ito ng malakas na suntok sa Don, ngunit nagpatuloy pa rin ito. "Bakit? Ayaw mo bang Mariano na lamang ang itawag ko sa iyo? Ako na dapat ang tawaging Señor ng sangkatauhan ngayon! Hindi na ang pamilya ninyong mga dukha!"
"At ang patungkol sa molino... ako ang may kagagawan! Marahil ay kinabahan nga ako sa umpisa, ngunit maganda pala ang maidudulot ng pagkasunog ng molino ninyong mga dukha kayo sa akin..." Nanlaki ang mga mata ni Don Mariano saka niya muling sinuntok si Handario ngunit ito ay nakaiwas.
"Bakit, Mariano? Ano ang iyong gagawin? Ipakukulong mo ako? Tandaan mong mas mahirap ka pa sa daga ngayon!" Dito na ngumiti si Mariano at saka naman kinuha ng kaniyang asawa ang sisidlang may lamang salapi, inilahad niya ito kay Handario.
Nanlaki ang mga mata ng ginoo at siya ay napaatras. "Handario, nagkamali ka ng kinalaban, ang iyong mga sasambitin laban sa isang kagalang-galang na Señor! Sa tingin mo, sino ang papanigan ng sangkatauhan?"
Napasinghap si Handario at dahan-dahang umimik. "Ang akala ko ba ay nawala na ang salaping iyan?! Sino ang nakahanap niyan?!" Pasigaw na tanong nito, pilyong ngumiti si Mariano at tinugunan ang kinakabahang ginoo.
"Si Nicolas at Pepito lamang naman na iyong pinalayas sa kanilang dampa ang nakahanap nito. Ganti na rin nila ito sa iyong Putang ina ka!" Pilyong tugon naman ni Eleanor, mas lalo pang nanlaki ang mga mata ni Handario at napatingin kay Mariano.
"Handario, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon, kung aalis ka sa bayang ito at ipamimigay ng libre sa mga tao ang iyong mga ari-arian ay hindi kita ipakululong... tandaan mo, malakas ang aking impluwensya sa sangkatauhan at sa batas, samantalang ikaw ay hindi ko lamang matanto" Saad ni Mariano.
Hindi nag-atubiling tumakbo palabas ng mansiyon si Handario, takot na takot at aligagang-aligaga. Samantalang sumigaw naman si Elena bago pa man tuluyang makaalis ang ginoo.
"Ito ang ganti ng langit sa mga kasalanan mo, Handario! Sipsip kang talipandas ka! Isa kang peste! Isa kang anay! Hindi ka pa nangamatay!" Sigaw ni Elena, pagkaraan noon ay nagdesisyon silang hanapin na si Nicolas ngunit may isa pang bisitang dumating, sila Juan, Pedro, at si Feliciano.
"Soy Feliciano Reymundo Sanchez Y Orombo, fui uno de los jueces que juzgó en el concurso de arte en la ciudad vecina" (I am Feliciano Reymundo Sanchez Y Orombo, I was one of the judges who judged at the art contest at the nearby city) Panimulang saad ni Feliciano. Sila ngayon ay nag-uusap-usap sa sala ng mansiyon habang nagpadala na ng mga taong hahanap kila Nicolas at Pepito si Mariano.
"Ang nagwagi dapat sa paligsahan ay si Nicolas, ako ang may-gusto noon ngunit ayaw lamang ng iba dahil ang aking nga kasama ay mas tiningnan ang estadong sosyal ng kalahok kaysa sa talento nito" Saad pa niya.
"Nais ko sanang pag-aralin ng sining ang binata sa San Juan De Letran ngunit hindi na namin ito natagpuan sa kanilang dampa na winika ng kaniyang mga kaibigang sila Juan at Pedro. Ang tanging alam na lamang nilang sulusyon ay ang magtanong at humungi boo ng tulong sa inyo, Don Mariano Cortez" Saad pa nito.
Napasinghap ang tatlo dahil sa narinig, kaya naman napagdesisyunan na nilang hanapin sila Nicolas at Pepito bago pa man mahuli ang lahat. Dahil sa isang iglap lamang ay nakatakda nang magbago ang buhay ng dating dukhang binata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top