Kabanata 21:
Mabilis na tumatakbo sila Juan at Pedro patungo sa munisipyo upang sana ay mabalitaan rin kung sino ang nanalo sa paligsahan, ngunit huli na sila ng dating kaya naman nadismaya silang dalawa sa nadatnan. Nakasabit pa rin sa entablado ang larawang nanalo sa paligsahan at ang mga hurado ay nag-uusap-usap patungkol sa larawang kanilang itinanghal na panalo.
Ngunit may isang huradong dismayado pa rin sa naging resulta ng lahat dahil ipinaglaban niya talaga ang obra ni Nicolas. Hindi niya mawari kung bakit mas tumungin ang mga hurado sa sosyal na estado ng mga kalahok imbis na sa mismong obra nito sila humusga.
"Sayang naman at hindi natin naabutan ang pag-anunsiyo sa nagwagi sa paligsahan" Wika ni Juan habang kinakamot nito ang kaniyang ulo. Nakatingin silang dalawa ng kapatid niyang si Pedro sa larawang nasa entablado.
"Kuya Juan, ang larawan bang iginuhit ni Nicolas ang nasa itaas ng entablado?" Tanong naman ni Pedro, tumingin si Juan sa kapatid at mahigpit siyang humawak sa kamay nito, umiling siya at tumugon. "Hindi, hindi ang kaniyang larawan ang nasa itaas. Nakita ko ito bago pa man niya isumite ang kaniyang obra sa munisipyo noong nakaraang araw"
Huminga siya ng malalim at saka muling sumaad. "Pedro, natalo si Nicolas" Wika nito, napasimangot ang kaniyang kapatid at napayuko ito. Kalaunan ay napagdesisyunan rin nilang umalis, ngunit may isang ginoong pumigil sa kanilang dalawa.
"Sandali lamang! Sandali!" Sigaw nito, huminto ang magkapatid sa paglakad saka ito tumingin sa ginoo. "Ano po ang maipaglilingkod namin, butihing ginoo?" Panimula ni Juan, bago pa man tumugon ang ginoo ay huminga ito ng malalim.
"Ako si Feliciano Reymundo Sanchez Y Orombo, isa sa mga hurado ng naganap na kompetisyon sa sining. Ang kaibigan ninyong ang pangalan ay Nicolas Carolino... siya dapat ang nagwagi ngunit mas tumingin ang aking mga kasama sa sosyal na estado ng kalahok kaysa sa talento nito" Wika nito, nanlaki naman ang mga mata ng magkapatid saka sila nagkatinginan.
"Nais ko sanang makita ang inyong kaibigan, gusto kong ako na mismo ang magpaaral sa kaniya dahil naniniwala akong may kakayahan at talento siyang taglay" Wika pa ni Feliciano, tumango na lamang sila Juan at Pedro sila ngumiti.
"Ang inyong nais po ay siya naming pabibigyang katuparan. Sasamahan po namin kayo sa tahanan ng aming kaibigan" Sabay nilang saad, kalaunan ay ito nga ang kanilang ginawa. Sumakay sila ng karuwahe at nagtungo sa baryo ng Himenes kahit malakas pa ang ulan.
"Madre, ¿qué nos pasará como si no pudiéramos encontrar ese dinero?" (Mother, what will happen to us as if we cannot find that money?) Si Elena ang nagtanong sa kaniyang inang kasalukuyang nakadukdok sa lamesa marahil sa pagkadismaya at panghihinayang sa nawalang salapi ng asawa.
Tumugon naman ito kalaunan. "Bueno, no estoy muy seguro, sé que tendríamos que vender la casa y mudarnos a otro lugar" (Well, I am not really sure, I know we would have to sell the house and move somewhere else) Panimula ni Eleanor, dito na siya tumangis dahil sa nararamdamang panghihinayang.
"Mariano trabajó duro para establecer este fondo de reconstrucción y fue esta mañana cuando podría pedir prestado el dinero del banco para reconstruir el molino de viento y pagar a los agricultores por la pérdida de sus cosechas. Ahora es posible que perdamos todo" (Mariano worked hard to set this rebuilding fund and it was just this morning that he would be able to borrow the money from the bank to rebuild the windmill and pay the farmers for the lost of their crops. Now it is possible that we might loose everything) Muling tumangis ang babae at dumukdok sa lamesa.
"Eso seria horrible" (That would be horrible) Tugon naman ni Elena, saka sumandal sa silya.
Ang kanilang hapag ay puno ng mga pagkaing ipanghahanda para sa darating na Noche buena at sa kapaskuhan, ngunit walang gumagalaw rito dahil walang ganang kumain ang mag-anak.
Si Mariano naman ay hinahanap pa rin ang kaniyang nawalang sisidlan, wala siya sa kanilang mansiyon at hinahanap nga ang sisidlan kasama ng ilang kababaryo.
Sandali pa ay marinig na katok mula sa kanilang pintuan si Elena, hindi ito napansin ng kaniyang ina dahil ito ay tumatangis kaya naman siya na ang nagkusang buksan ang pintuan, pagkabukas niya nito ay iniluwa si Pepito at Nicolas na kasalukuyang nilalamig at basang-basa nang dahil sa ulan. Hawak ni Nicolas ang kamay ng kapatid sa kaliwang kamay at ang kanang kamay naman niya ay nakahawak sa sisidlan.
"Nicolas!" Sigaw niya saka hinawakan ang pisngi ng kaibigan, napakalamig nito, maitutulad sa isang bangkay kung hahawakan. Si Elena ay napatangis na lamang ng biglaan. "Elena, nahanap ni Pepito ang sisidlang ito, sa tingin namin ay pag-aari ito ng iyong ama" Wika ng binata saka iniabot ang sisidlan sa dalaga.
"¡Es la bolsa de dinero de mi padre! ¡Mamá! ¡Mamá! ¡Apurarse! ¡Ven a la puerta de entrada! Nicolas esta aqui!" (It is father's money pouch! Mother! Mother! Hurry! Come to the front door! Nicolas is here) Sigaw nito sa ina.
"Nicolas, pumasok muna kayo... basang-basa kayo sa ulan" Wika pa nito sa magkapatid. Pagpasok ng magkapatid sa loob ng mansiyon ay sakto namang dumating si Eleanor at sinalubong sila.
"Que esta pasando?" (What is going on?) Tanong ni Eleanor saka pununas ang kaniyang luhang itinangis kani-kanina lamang. "¡Pepito encontró la bolsa de dinero de papá!" (Pepito found father's money pouch!) Wika nito saka iniabot sa ina ang sisidlan.
Binuksan nito ni Eleanor saka siya nabigla, nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa nananamlay nang si Nicolas, hinawakan niya ang kamay nito saka idinampi ito sa kaniyang noo habang siya ay nakaluhod, tumatangis ng dahil sa tuwa.
"Iniligtas mo ang aming pamilya! Malaki ang utang na loob namin sa inyong magkapatid, salamat! Maraming salamat!" Bulalas pa ni Eleanor, sandali pa ay namalayan nitong parang nasasaktan ang binata kaya napatingin siya sa mga kamay nito.
Napasinghap siya ng makita na napakaraming pasa sa kamay nito bungad ng labis na paghahanap ng mapagkakakitaan na sinabayan pa ng pagod. "Nicolas! A... anong nangyari sa iyo?! Basang-basa pa kayo ng iyong kapatid, sandali lamang at kukuha ako ng tuyong damit at tuwalya... bibihisan ko kayo upang kayo ay maging maayos, maghahanda na rin ako ng mainit na sabaw upang inyong makain" Saad nito saka dali-daling tumakbo sa loob ng silid, kumuha siya ng ilang damit na napagliitan na ng asawa at ipinasuot niya ito sa magkapatid. Nagkasya namang pareho ang mga damit at nagmukhang maayos ang mga hitsura nito.
Pagkatapos mabihisan ay ipinaupo ni Eleanor sa tabi ng kalan sila Elena upang mainitan dahil sa lamig ng panahon, malakas marahil ang ulan na sinabayan pa ng pagbugso ng malamig na hangin.
Naghahanda ng pagkain si Eleanor sa kusina, si Pepito ay mahimbing namang natutulog habang nakaulo sa tuhod ng kuya, hinahaplos-haplos naman ni Nicolas ang ulo ng kapatid na nahihimbing na.
Tumingin si Nicolas kay Elena saka siya nagwika. "Elena, patawad ngunit..." Pinutol na ni Elena ang sasabihin dahil kaagad na itong tumugon, sandali pa ay hinawakan pa nito ang kamay ng binata. "Alam ko na ang iyong sasabihin, natalo ka sa paligsahan. Alam ko dahil naroroon ako noong ianunsiyo nila ang nagwagi. Nicolas, huwag ka sanang malungkot... madami pang pagkakataon at may talento ka, huwag kang sumuko dahil sa una ay susubukin ka ng tadhana bago ka makarating sa iyong patutunguhan" Wika nito.
Pagkatapos na pagkatapos pa lamang niyang sumaad ay narinig nilang dalawang bumukas ang pinto, iniluwa noon si Don Mariano na nadidismaya at nanghihinayang dahil hindi nito nakita ang hinahanap niyang sisidlang may lamang salapi, sandali pa ay nakita niya ang tatlo na nakaupo sa tabi ng kalan, nanlaki ang mga mata niya.
"Anong ginagawa ng dalawang iyan sa aking mansiyon?!" Galit nitong tanong, sa labis na pagkabigla ay hindi kaagad sila nakaimik. "Bakit suot niyo ang mga napaglumaan kong damit?!" Sandali pa ay nanlaki ang mga mata ng Don saka ito napasinghap.
"Nabalitaan ko kay Handario na pinalayas na kayo sa kaniyang dampa. Tapos ngayon ay tatakbo kayo rito upang ano?! Hindi ko na alam pa ang aking wiwikain sa mga katulad ninyong mga Hampas Lupa!" Kumunot ang noo nito at nagalit, kaagad niyang kinaladkad palabas ng mansiyon ang dalawa ng walang pasabi.
Nabibigla man ay hindi nagawang kumilos ni Elena dahil natulala na lamang ito, nakabagsak ang kaniyang bibig habang pinagmamasdang kaladkarin ni Don Mariano ang magkapatid palabas.
Muli ay nabasa sa ulan ang magkapatid, walang paki-alam na sinarahan ng pinto ng Don ang kawawang mga bata. Saktong lalabas na si Eleanor nang makita ang ginawa ng asawa kaya naman nalaglag nito ang dalang babasaging mangkok na may lamang nga sabaw.
Napatingin ang Don sa asawa, napatigil ito nang ang asawa na mismo niya ang unang lumapit. Pagkalapit nito kay Don Mariano ay kaagad na nakatikim ng malakas na sampal ang Don galing sa asawa, sa labis na galit nito ay dinoble pa nito ang pagdampi ng rapas nitong mga kamay sa makakapal na pisngi ng asawa.
Nanlilisik pang tumingin si Eleanor sa mga mata nito saka nito inilabas ang sisidlang may lamang salapi at inilagay ito sa lamesa. "Estoy cansada de que estés ciega a la verdad, Mariano!" (I am tired of you being blind to the truth, Mariano!) Sigaw nito sa asawa.
"Hindi ko na kayang nagbubulag-bulagan ka sa katotohanang isang mabuting tao si Nicolas! Siya mismo ang nagsauli ng sisidlang iyan at ang pagpapalayas sa kaniya ang iginanti mo?! Si Nicolas ang dahilan kung bakit kang makakabangong muli, Mariano!" Patuloy siyang sumigaw, kaagad namang binuksan ng asawa ang sisidlan at bumungad rito ang mga salaping nasa loob nito, halos hindi makapaniwala ang Don sa nakita.
"Mariano, dapat ay magsisi ka sa iyong ginawa! Si Nicolas at Pepito, isipin mo na lamang kung itinangay nga nila ang salapi! Baka tayo ay walang-wala na ngayon! Isinauli nila iyan dahil sila ay mabubuting tao! Hindi katulad mong mapagmataas sa iyong kapuwa!" Umagos ang namumugtong luha sa mga mata ni Eleanor habang nanlilisik pa ring nakatingin sa asawa.
Si Mariano naman ay tila sinabuyan ng malamig na tubig at tipong nanginginig pa dahil sa tagpong iyon ay hindi na siya makagalaw habang wala pa ring imik.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top