Kabanata 20:
Ika-24 ng Disyembre 1898.
Ang malungkot na Noche Buena.
Ang munisipyo ay punong-puno ng nga taong nag-aantay sa pag-anunsiyo ng panalo sa kompetisyon sa sining. Karamihan sa mga ito ay mga Peninsulares at ang iba naman ay mga Mestizo. Iilan lamang ang mga indiong nasa loob, at kabilang na doon si Nicolas.
Hindi sinama ni Nicolas si Pepito sa munisipyo dahil alam niyang paroon ay hindi mahulugang karayom. Panay ang dalangin ni Nicolas na sana ay ang kaniyang obra ang banggitin sa anunsiyo sa entablado.
Hindi nga nagtagal ay namataan ng lahat ang pagtililing ng batinilla na naglahad sa mga itong humarap na sa entablado. Ang kurtina nakatakip paroon ay pumataas at iniluwa nito ang mga hurado sa paligsahan. Istriktong nakatingin ang nga ito sa madla, halata sa kanila ang pagiging propesyonal at ang kanilang kagalingan.
Damas y caballeros, es un placer para mí anunciar al ganador de este año del concurso de arte conmemorativo de Don Juan Sans Cruzado. Después de una cuidadosa revisión de todas las entradas por parte de nuestro distinguido panel de jueces, se ha decidido que el premio de este año sea para..." (Ladies and gentlemen, it is my pleasure to announce this year's winner of Don Juan Sans Cruzado's memorial art contest. After a careful review of all the entries by our distinguished panel of judges, it has been decided that the prize for this year goes to...) Saad ng isang ginoong nag-anunsiyo saka binuksan ang tapis sa larawang nasa likod ng mga hurado.
"Florentino Teodoro Rafael Dominguez Y Reyes, ang ating kampiyon" Saad pa nito, dahilan kung bakit nagpalakpakan ang lahat.
Hindi man naintintindihan ni Nicolas ang winika ng nag-anunsiyo, paniguradong alam niya na rin ang ipinahiwatig ng mga nangyari.
Hindi siya ang nanalo.
Habang nagpapalakpakan ang mga tao ay namataan siyang tulala habang pinagmamasdan ang ipinintang larawan na nakasabit sa dingding. Ito ay ang larawang nagwagi. Ang larawan ni Florentino Reyes.
"Mapananalunan ng nagwagi ang libreng pag-aaral ng sining sa San Juan De Letran at Limang pung pisong salapi. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay" Masayang-masaya sa isang tabi ang grupo ng mga kabataang nakasuot ng magagandang damit. Iyon ay si Florentino at ang kaniyang nga kaibigan. Sandali pa ay gumaling si Nicolas sa mga ito at saka ngumiti, alam niyang mas karapat-dapat namang manalo ang larawan na iyon kaysa sa kaniyang ginawa, mas maganda ito sa paningin ng iba at ang kaniya ay isang hamak lamang na basura kumpara rito, iyon ang kaniyang nasa isip.
Nang lumabas si Nicolas sa munisipyo ay umaambon, parang nakikisabay ang panahon sa kaniyang nararamdaman. Kumikirot ang kaniyang puso, naglalakad lamang siya nang patuloy, hindi alintana ang buhos ng ambon hanggang makarating siya sa dampa. Basang-basa na siya nang namataan niyang naroroon si Handario kasama ang kaniyang kapatid.
Alam niyang sisingilin siya nito at wala siyang maibabayad, kaya inihanda na ng binata ang kaniyang sarili.
"Ano, Nicolas. May pinagbabayad ka na ba ngayon?" Panimulang tanong ni Handario, yumuko ang binata at umiling. Nanlaki ang mga mata ng ginoo saka ito napasigaw.
"Kung gayon ay alam mo na ang mangyayari! Layas! Lumayas kayo! Mga peste! Mga anay! Hindi pa kayo nangamatay!" Nalalikit ang binata. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata, ngunit dahil basa nga ito ng ulan ay hindi ito nahalata. Kinuha ni Nicolas ang kamay ng kapatid at isinuot niya rito ang kaniyang salakot.
"Ang mga gamit na dito ang kabayaran sa lahat ng utang niyo! Kung tutuusin ay kulang pa nga iyon! Magpasalamat kayo at ako ang naging tagapangasiwa, kung hindi ay makukulong pa kayo sa inyong gawain!" Sambit muli ng ginoo, tumango na lamang si Nicolas at saka tumugon sa mahinang tono.
"Salamat po sa lahat, Ginoong Handario... paalam po" Wika niya saka lumakad kasama ang kapatid, walang patutunguhan ang dalawa at wala na rin silang masisilungan. Basang-basa na sa ulan si Nicolas habang tuyo pa rin naman ang damit ng kapatid dahil may salakot nga itong pangontra sa buhos nito.
Sandali pa ay sumilong sila sa isang puno, malalim ang paghinga ni Nicolas habang tumatangis pa rin. "Pepito, patawad at ganito ang nangyari... hindi ko mapapatawad ang aking sarili sa mga nangyari sa atin! Natalo ako sa paligsahan, at ngayon ay wala na tayong tahanan, at saktong bisperas pa ng pasko... Pepito... patawarin mo ako!"
Yumakap siya sa kapatid habang tumatangis, yumakap rin naman pabalik ang kaniyang kapatid, tumatangis na rin ito. Alam ni Pepito ang sakripisyo ng kaniyang kuya, kahit hindi niya ito kadugo ay inalagaan pa rin siya nito nang mawala si Lolo Gregorio hanggang sa kasalakuyan.
Gustong sumambit ni Pepito ngunit hindi nito magawa dahil sa kaniyang kapansanan, kaya mahigpit na lamang siyang humarap sa kuya upang ipadama rito ang kaniyang sinseridad at lungkot.
Ngunit, isang hindi pangkaraniwan ang nangyari, may namataang isang sisidlan si Pepito habang yakap niya ang kaniyang kuya. Hindi lamang basta sisidlan, ang sisidlan ay kulay kayumanggi at may tatak nakatatak ritong mga kataga.
"Banco Supremo de Capiz, Mariano Demetrio Florencia Y Cortez" (Supreme bank of Capiz, Mariano Demetrio Florencia Y Cortez)
Nang bumitaw sa pagkakayakap si Pepito ay nakita niya ang sisidlan saka niya ito pinulot, basang-basa ito dahil sa ulan at putikan pa ito, ngunit may kabigatan itong taglay.
"Pepito, ano ang iyong napulot?" Tanong ni Nicolas, nang ibigay ito ng kaniyang kapatid sa kaniya ay nabigla siya dahil mabigat ito, kaagad niyang binuksan ang sisidlan at namataan niya rito ang limpak-limpak na salapi. Nanlaki ang kaniyang nga mata at lumingon-lingon siya sa paligid... wala siyang nakikitang sino mang maaaring makalaglag nito.
Sinubukan niyang tignan ang katagang nakasulat, sinubukan niya itong basahin ayon sa kaniyang kaalaman. Dahan-dahan niyang pinasadahan ang bawat salita.
"Ba-ng-ko... su-pi-re-m-o... de... Ca-p-is... Ma-r-ian-o De-met-rio... Plo-ren-si-ya... I Cor-tes" Nanlaki ang mga mata niya muli niyang binasa ang nakasulat na kagtaga. "Banco Supremo de Capiz, Mariano Demetrio Florencia Y Cortez!" Banggit niya saka siya tumingin sa kapatid, napasinghap ang dalawa.
Dali-dali silang tumakbo patungo sa mansiyon nila Elena upang isauli ang mga salapi na kanilang nahanap, panigurado si Nicolas na pag-aari ito ni Don Mariano dahil nakasulat doon ang pangalan nito. Hindi man siya makaintindi ng wikang Kastila ay nabasa niya naman ang pangalan ng Don Mariano kaya hindi na ito nag-atubili.
Hindi rin nito naisip sa napulot na salapi ay maaari na silang makapagsimula ng panibagong buhay at makaahon sa kahirapan. Ang tanging naisip lamang ni Nicolas ay kailangang maibalik ang mga iyon dahil sa bawat sentimo ay paniguradong maraming nakasalalay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top