Kabanata 2:
Patuloy lamang na tumakbo si Nicolas pauwi sa kanilang tahanan at nadatnan doon ang kaniyang lolong si Gregorio Carolino, siya ay nagluluto ng kanilang hapunan na kanilang pagsasaluhan, masaya naman ang kaniyang lolo sa kaniyang pagdating.
"Ako po ay nakabalik na lolo, patawad po at ako ay huli nang nakabalik, mayroon po ba akong maitutulong lolo?" Tanong ni Nicolas noong nakabalik na sa kanilang mumunting dampa. "Naririyan ka na pala apo, hindi, nasa oras ka lamang at luto na rin ang sabaw, halina't tayo'y kumain na bago pa ito lumamig" Tugon naman ng matanda, naghugas ng kamay si Nicolas saka umupo sa lamesang gawa sa kahoy.
Nilagyan na nga ni Lolo Gregorio ang bawat mangkok na kanilang pagkakainan ng sabaw na kaniyang niluto, nagagalak naman si Nicolas at Pepito nang dahil dito.
Sa bahay nila Elena ay ganoon din ang situwasyon ng batang babae, nagagalak naman ito dahil sa nakita na ng kaniyang ina ang larawang iginuhit ng kaniyang kaibigan.
"Ako'y kaniyang napahanga, talaga ngang magaling at talentado ang batang iyon" Saad ng ina ni Elena na si Donya Elianor Cortez, mabuti siyang tao 'di kagaya ng kaniyang asawa na mapagmalaki at mayabang, siya rin ang tinutularan ni Elena dahil sa kaniyang ipinapakita sa sangkatauhan.
"Talentado at talagang niregaluhan po ng Diyos si Nicolas ng kagalingan sa pagguhit" Tugon ni Elena nang nakangiti at nagagalak sa kaniyang ina. "Ah, siya nga po pala ama, maaari ko po bang isabit ang larawan sa dingding? Iyan po ang unang iginuhit na larawan ko ama" Saad naman ni Elena sa kaniyang ama, tumango ito bilang pagsang-ayon kaya naman labis na lamang rin ang saya na nadama ni Elena.
Sa bakanting dingding kung saan may nakalagay na pako ay isinabit ng ina ni Elena ang kaniyang larawan na naklagay na sa kaha, masaya itong pinagmasdan ni Elena, nakalimutan niya nang kumakain pa pala sila ng hapunan nang dahil sa kaniyang kagalakan.
"Elena, deja de comportarte como una completa tonta, ven aquí y termina tu cena!" (Elena, stop behaving like a complete fool, come here and finish your dinner!) Galit na saad ng kaniyang ama kaya naman napatahimik na siya sa pagtitig sa iginuhit na larawan, tahimik na lamang siyang kumain.
Habang patuloy pa rin sa pag-kain ang dalaginding ay nagsalita muli ang kaniyang ama patungkol naman sa kaniyang pag-aaral.
"Elena, creo que deberías dejar de reunirte con Nicolas" (Elena, I think you should stop meeting with Nicolas) Panimula nito, kaagad namang tumingin si Elena sa kaniyang ama saka siya tumugon. "¿Eh? Porque padre?" (Huh? Why father?) Tanong niya naman sa ama. "Wala naman pong mali kay Nicolas ama, bakit niyo po ako hindi pahihintulutang makita siya?" Saad pa nito, napailing ang kaniyang ama saka muli itong tumugon.
"Por favor entiéndelo, no tiene nada de malo, pero nunca va a sumar ni a hacer nada, pronto comenzarás la escuela en el convento de la otra ciudad, y conocerás a otras chicas y otros niños con tu propia clase social" (Please understand, there's nothing wrong with him, but he's never going to amount or do anything, soon you'll be starting school from the convent in the other town, and you'll meet fellow girls and other childrens with your own social class) Napasinghap si Elena saka tumugon ng pabalang.
"Hindi ako mag-aaral sa isang kumbento dahil may pangarap akong magtapos ng medisina ama! Hindi pa ako tapos sa pag-aaral sa edukasyong sekundarya! Gusto niyo ba talaga akong maging isang madre na magiging matandang dalaga na lamang habang buhay?!" Bigla na lamang nadama ni Elena ang isang masakit na sampal na mula sa rapas na kanang kamay ng kaniyang ama, nabigla naman ang kaniyang ina kaya kaagad nitong niyakap si Elena na ngayon ay tumutulo na ang luha, hindi dahil sa sakit ng sampal, kung hindi dahil sa sakit na nalaman niyang hindi pabor ang kaniyang ama sa kaniyang pangarap.
"Magmamadre ka o hindi kita pag-aaralin Elena?! Mamili ka! Ang mga babae na katulad mo ay dapat sa bahay lamang! Hindi sila pinag-aaral marahil ay mag-aasawa lamang sila! At ganoon din ang mangyayari sa iyo! Kaya ko ginagawang ikaw ay pag-aralin sa kumbento ay dahil sa kung hindi ka magkakaroon ng manliligaw o kaya ay hindi ka mag-aasawa, may maaari ka pang gawin! At iyon ay ang magmadre! Upang matubos na rin ang ating mga kasalanan sa langit! Huwag mong gayahin ang mga kabataan dito, ang mga hampas-lupang iyon ay walang karapatang makapag-aral! Kabilang na doon si Nicolas! Ako ang iyong ama kaya ako ang magdedesisyon kung ano ang mangyayari sa iyo sa hinaharap!" Sigaw ng kaniyang ama kaya naman pumiglas na siya sa pagkakayakap sa kaniyang ina at umakyat na lamang sa kaniyang silid, tumatangis at malungkot.
Hindi nagtagal ay kumalma ang mapagmalaking Don at umupo na ulit upang kumain. "Ave Maria Purisima, kung lalaki lamang sana ang aking naging anak, baka sana siya ay pinag-aral ko pa, ngunit siya ay isang babae, huhusgahan lamang siya ng lipunan kung ano man ang magiging trabaho niya, dahil ang mga babae ay ginawa lamang talaga para sa bahay. Sana mapatawad ako ng aking anak at ng diyos, hindi ko sinasadyang masaktan siya. Ngunit ginagawa ko lamang ang lahat upang mapabuti siya" Saad ng Don habang hinihimas niya ang kaniyang mukha nang dahil sa pagsisisi na nasaktan niya ang kaniyang anak.
"Pronto cambiará de opinión tan pronto como experimente. El mundo exterior, ella sacará su mirada y descubrirá que yo tenía razón" (Soon she will change her mind as soon as she experienced the outside world, she will broughten her outlook and find out I was right) Galit niyang sabi saka siya tumayo at uminom ng tubig, kalaunan ay umakyat ang Don sa kaniyang silid at doon siya nagdamdam.
Kinaumagahan ay maagang nagising si Nicolas at Pepito upang tulungan ang kanilang lolo na magkarga ng gulay sa kanilang mumunting kariton na ipinapabenta sa kanila ng kanilang may-kayang kapitbahay na sila Ginang Soledad at Ginoong Geronimo, hinahatak ng isang maliit na kalabaw ang kariton kung saan , maaga rin nilang natapos ang kanilang gawain kaya naman maaga rin nilang tinahak ang daan papunta sa sentro ng bayan kung nasaan ang merkado.
Marami rin silang nasalubong na tao at mga kaibigan na kapareho rin nilang magsasaka sa kanilang daan papunta sa merkado, masaya ang batang si Pepito dahil sa nakasasakay siya sa kariton dahil kaya pa naman ng kalabaw, masaya rin naman si Nicolas dahil nakikita niya ang matatamis na ngiti ng kaniyang kapatid.
Kalaunan ay nakarating sila sa bayan at naitinda ang mga gulay na kanilang dala, kasaluyang binabayaran ng bumibili ng gulay si Lolo Gregorio ay namataan naman ni Nicolas ang kanilang kaibigang si Pedro at si Juan na papalapit sa kanila na may isang magandang balitang dala.
Si Juan ay isang binatang kaidaran lamang rin ni Nicolas, siya ay labing apat na taong gulang rin, marami siyang alam patungkol sa sentro ng bayan at sa merkado, marahil ay isang magtitinda ng gulay ang kaniyang ama na siyang ikinabubuhay nila ng kaniyang kapatid. Ulila na sila sa ina, kaya pilit na kumakayod ang kaniyang ama upang sila ay mabuhay at ganoon na rin si Juan. Likas rin na magkaibigan ang ama nila Juan at Pedro na si Ginoong Jose at ang lolo nila Nicolas at Pepito na si Lolo Gregorio, kaya palagian ring hinahatiran ni Lolo Gregorio maititindang gulay si Ginoong Jose.
Si Pedro naman ay isang apat na taong gulang na batang lalaki, walang kamuang-muang sa reyalidad, at panay sunod lamang sa sinasabi at ginagawa ng kaniyang kuya, hindi siya katulad ni Pepito na may alam na patungkol sa pamumuhay sa magulong mundo.
Pinayagan ni Lolo Gregorio na makihalubilo ang kaniyang mga apo at sumama sa dalawang kaibigan, hindi akalain ni Nicolas na idadala pala sila nila Pedro at Juan sa isang magandang simbahan na kung tawagin ay ang Iglesia Paroqia de San Juan Bautista. Isang simbahang may kakaibang nilalaman sa loob nito at kailangan munang magbigay ng indulhensiya bago makapasok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top