Kabanata 16:

"Napulot ko ito malapit sa tulay na kahoy" Si Nicolas ang nagwika habang kaharap naman nito si Elena, ibinigay niya rito ang isang manikang di-susi na kaniyang nahanap malapit sa tulay na kahoy.

Sila ay ay kasalukuyang nag-uusap sa loob ng molino, nakaupo sila sa tabi ng durangawan nito kung saan pumapasok ang malamig na hangin ng dapit-hapon. Inuugoy nito ang mga puno, damo, at mga bulaklak sa paligid, ang hangin rin ang nagpapaikot sa molinillo na nakakabit naman sa molino upang ito ay makapagbigay-enerhiya sa mga nalalapit na bukirin sa gusaling nasaad.

"Ang ganda naman ng manikang ito, gusto ko itong mapasaakin ngunit hindi maari dahil ito ay hindi ko naman pag-aari" Tugon ni Elena saka marahang ngumiti. Si Nicolas rin ay marahang nakangiti habang pinagmamasdan nito si Elena. "Sa bagay..." Tugon ng binata saka ito tumikom.

Sandali pa ay pinihit ni Elena ang susu ng manika sa likuran nito at nang ito ay kaniyang pinakawalan ay namataan nilang pumala-palakpak ang kamay ng manika habang ang paa naman nito ay marahang humihikbi. Ikinatuwa ito ni Elena ngunit nanatiling tikom at nakangiti lamang si Nicolas.

"Siguro ay pagmamay-ari ito ng isa sa mga bata na nakatira sa ating baryo. Hayaan mo na ito sa akin, hahanapin ko ang may-ari nito" Wika muli ni Elena. Tumango naman ang binatang si Nicolas at tumugon. "Sige" Maigsing tugon nito. Huminga naman ng malalim si Elena, naisip nito na baka nawawalan na ng ganang makioag-usap ang kaibigan.

"Sabihin mo sa akin, Nicolas. Nakapag-isip ka na ba ng iyong ipipinta para sa patimpalak sa bayan?" Panimula muli nito, dahan-dahang tumingin ang binata dito saka ito napatango nang marahan. "Oo, nais kong ipinta ang isang larawan ni Lolo at ni Pepito na magkasama. Ngunit mayroong isang suliranin... hindi ko maalala ang mukha ni Lolo Gregorio" Napaiwas ng tingin si Nicolas sa dalaga.

"Naaalala at nakikita ko na ito, ngunit ang mga kuhang lumabas sa aking mga mata na mala buhos ng ulan ay pinipigilan itong aking makita, nagiging malabo ang imahe ng aking Lolo sa aking mga mata at sa aking isipan" Tugon ng binata, napasingap naman si Elena saka ito napaiwas ng tingin sa binata, tumulo ang ilang butil ng luha sa mga mata nito.

"Oh Nicolas, kinaaawaan kita" Sambit ng dalaga saka nito pinunas ang luha sa mga mata nito. Muli namang nagwika si Nicolas at muli rin naman itong pinakinggan ni Elena.

"Labis na nakakapagtaka, hindi ko maalala ang mukha ng taong nakakasama ko sa araw-araw na nagdaan sa aking buhay" Pareho silang napatingin sa ibaba, walang imik at tumatangis. Sandali pa ay nakaramdam sila malakas na pagkabig sa kanang direksiyon, dahilan kung bakit napakabig naman si Elena sa harap ni Nicolas.

Napayakap ang dalaga sa baywang ni Nicolas habang ang ulo naman nito ay nasa kaniyang kanang dibdib. Napasinghap ang dalawa at kaagad na naglayo, namumula at hindi magkatinginan.

"Anong mangyayari?" Si Elena ang nagwika saka siya tumingin sa labas ng durangawan, ang sanhi pala ng pagkabig sa kanilang kanan ay dahil ipinaikot sa kabilang direksiyon kung saan umiihip ang hangin ang molino. Habang patuloy sa pag-ikot ang molino ay pinagmasdan ng dalawa ang paligid, parang umiikot rin ang kanilang palugit kahit hindi sila gumagalaw.

Kalaunan na lamang nilang natuklasang ipinaikot nga ang katawan ng molino upang iharap ito sa hangin, nang ito ay tumigil ay biglaang umihip ang malakas na hangin patungo sa loob ng durangawan. Kaagad namang napayakap sa kaniyang sarili si Elena dahil sa lamig nito, hinubad naman Nicolas ang kaniyang tsakeko at saka niya ito ikinumot sa harap ni Elena upang hindi ito lamigin.

"Napakasaya naman ng nangyari" Nakangiting saad ng binata habang nakatingin pa rin sa durangawan. "Salamat nga pala sa iyong ginawa, hindi ka ba nilalamig?" Tanong naman ng dalaga, umiling naman ito saka tumugon. "Hindi, Elena. Sa kadahilanang makita ka lamang ay umiinit na ang aking kalooban" Saad nito, unti-unti namang namula ang dalaga.

"Huwag ka sanang magkamali sa iyong inaakala, masaya ako kapag nakikita kita, at iyon ang nagbibigay-init sa malungkot at malamig kong sarili" Mas lalo pang namula ang dalaga, pinagmasdan nito ngayon si Nicolas na kasalukuyang nakangiti habang nakatingin sa kaniya.

"Mabuti naman, mabuti naman at nakikita ko na ulit ang matatamis mong mga ngiti. Alam kong naging malungkot ka nitong mga nakaraang araw ngunit heto ka ngayon at nabawi mo na ang iyong dating kasiyahan" Wika ni Elena na ngayon ay nakangiti na rin.

Sandali pa ay nakarinig sila ng ingay na galing sa mga aparato at turnilyo na nagpapaikot sa molino, masugi itong pinagmasdan ni Nicolas. "Bakit naging ganiyan ang tunog ng mga turnilyo? Hindi naman ganiyan iyan kanina" Wika nito na siya namang tinugunan ng dalaga.

"Kapag ganiyan na ang tunog ng mga turnilyo ay kailangan na itong lagyan ng langis, kung hindi ay magiging magaspang ang mga ito at maaaring magdulot ng sunog. Sigurado naman ako g may naatasan na si ama na gumawa nito" Tugon ni Elena, sandali pa ay narinig nga nilang bumukas ang daanan sa ibaba at inuluwa nito si Ginoong Handario na siya naman nilang ikinagulat.

Kapag kasi nakita sila nitong magkasama ay tiyak na magsusumbong ito sa Don Mariano at kapag iyon ay nangyari ay lalong hindi na sila papagayagan pba nitong magtagpo. "Naririto ang matandang sipsip" Bulong ni Elena habang nakatago silang dalawa ni Nicolas sa likod ng mga dayami.

"Sipsip naman talaga ang matandang iyan dahil palagi na lamang siyang bumibida pa paningin ng aking ama" Saad pa niya, hindi naman umimik ang binata. Narinig nilang nagwika ang Ginoong Handario ngunit hindi ito narinig ng dalawa dahil sa malakas na pagtunog ng mga aparato at turnilyo.

"Suba y engrase los engranajes, ¿cómo sabría dónde poner el aceite? De verdad, cuanto más lo pienso, el señor Cortez no es más que un esclavista. Esperaré a que llegue el ingeniero" (Climb up and oil the gears, how would I know where to put the oil. Really, the more I think about it, Señor Cortez is nothing but a slave driver. I will wait for the engineer to arrive)

Kalaunan ay bumaba ang lalaki na siya namang ikinasiya ng dalawa, ang dalawa naman ay sumunod na ring bumaba at nauna nang magpaalam si Elena kay Nicolas. Natagpuan rin nila sa ibaba si Pepito sa kaakukuyang naglalaro at tumatakbo sa lawak na damuhan.

Nagpaalam na nga ang dalawa at niyaya na ni Nicolas si Pepito upang umuwi. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay nakita sila ni Handario na akala nila ay umalis na nang tuluyan.

Kinagabihan ay abala sa pagpipinta si Nicolas nang makarinig sila ng malakas na sigawan, kaagad niyang tinignan kung ano ang dulot nito at nabigla siya sa kaniyang nakita.

Nasusunog ang molino ng Pamilya Cortez...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top