Kabanata 15:

Masayang nagsisidatingan ang mga panauhin at ang ilang mga kababaryong indio ng Pamilya Cortez upang maipagdiwang ang kaarawan ni Elena, ang buong pamilya, si Donya Eleanor, si Don Mariano, at si Elena ay masayang pinasasalamatan ang mga taong nagsidalo.

Si Elena naman ay binabati ng mga nagsisidalo ng maligayang bati sa kaniyang kaarawan. Sa loob ng kanilang mansiyon ang handaan, napuno ang gilid ng hagdan, ang gilid ng mga bintana, at ang hamba ng malaki nilanh pintuan sa harapan ng kanilang bahay ng bulaklak ng sampaguita na ipinaayos pa ni Donya Eleanor sa isang propesyonal na diseñadora.

Ang suot na damit ng dalaga sa kaniyang kaarawan ay binili pa mula sa Espanya, ang burda sa suot niyang kulay puting Camisa, manipis na puting tela ang pinanggawang materyal sa kaniyang falda na tinapisan rin ng kulay puting patadyong na gawa sa telang Piña, ang mahaba at makapal naman na puting  Pañuelo na nakatali sa kaniyang leeg na tinatakpan ang itaas ng kaniyang balikat ay siyang nagbibigay ganda pa sa kaniya. Sa kabuuan, ang tawag sa suot ni Elena ay ang tanyag na Traje De Mestiza na ka kadalasang isinusuot ng mga kababaihan sa mga kasiyudaran at mga matataas na lalawigan.

Masusing hinihintay ni Elena si Nicolas at sabik na sabik itong makita ang binata. Subalit hindi pa rin ito dumarating kaya naman paunti-unti na rin siyang nangangamba na hindi ito makadalo.

"Todos los invitados han llegado ahora Señor, vamos a empezar?" (All of the guest have arrived now Señor) Si Handario ang nagwika nang ito ay magbalik galing sa loob ng mansiyon. Biglaang napatugon si Elena dahil nga sa wala pa rin ang kaibigan.

"Pero que hay de Nicolas?" (But what about Nicolas?) Tanong nito, bumaling ng masamang tingin ang Don Mariano sa anak at saka ito kalmadong tumugon upang hindi mahalata ng mga taong siya ay napopoot. "Es grosero mantener a tus invitadas esperando" (It is rude to keep your guests waiting) Wika nito, napasinghap ang dalaga tumingin ito sa ibaba.

Humawak naman sa balikat ng dalaga ang kaniyang inang si Eleanor saka ito nagwika. "Estoy seguro de que estará junto" (I'm sure he will be along) Saad nito, napahinga ng malalim ang dalaga saka tumingin ng diretso sa kanilang malaking tarangkaran. Hindi umano ay namataan itong tumakbo palabas.

"Elena!" Pagpigil ng Don Mariano ngunit nahuli na siya, nakalabas na ang kaniyang anak. Tumakbo si Elena patungo sa dampa nila Nicolas, nagbabakasaling naroroon sila, walang pasintabi niyang binuksan ang pintuan ng dampa, nagulat siya nang malamang walang tao roon.

Pumasok siya sa loob ng dampa, napansin niyang sa higaan ni Lolo Gregorio ay may nakapaibabaw na mga bulaklak, ito ay mga kulay puting rosas na sariwa pa ang mga talulot at ang tangkay.

Nagdesisyon siyang lumapit doon at salingin ang mga ito. Kumuha siya ng isa at idinikit niya ito sa kaniyang dibdib habang inaamoy-amoy. Ngunit bigla na lamang siyang napalingon nang marinig niyang may tumawag sa kaniyang pangalan.

"Elena..." Si Nicolas ang nagwika, dahan-dahang lumingon ang dalagang hawak pa rin ang puting rosas. Hawak naman ni Nicolas ang kamay ng kaniyang kapatid na kasalukuyang may luha sa mga mata nito. "Nicolas..." Tugon naman ni Elena, ngunit napatingin sa baba ibaba ang binata nang hindi nito alam ang dahilan. Sandali pa ay sumulpot rin sa pintuan ang magkapatid na Juan at Pedro, kapareho rin nila Nicolas at Pepito ang situwasyon ng dalawa, hindi makaimik ang binatang si Juan at si Pedro naman ay lumuluha rin.

Napasinghap si Elena saka ito nagwika. "Nicolas... anong nangyayari?" Saad nito ngunit hindi umimik ang binata, subalit si Juan ang na ang nagwika para rito. "Hindi mo pa ba nalalaman? Tingnan mo nang mabuti ang ipinahihiwatig ng iyong kaibigan" Tugon nito, huminga ng malalim ang dalaga saka ito tumugon.

"Ano ba... ano ba ang bagay na iyon? Ano ba ang nangyayari!" Napasigaw na ang dalaga, dito na rin nahsalita ang batang si Pedro habang patuloy pa ring tumatangis. "Wala na po si Lolo Gregorio, Ate Elena! Pumanaw na po siya! Inilibing namin siya kani-kanina lamang po!" Kaagad na yumakap ang batang lalaki sa nakatatandang kapatid na si Juan na pinipigilan ang pagtangis.

"Naipalibing namin si Lolo Gregorio sa pamamagitan ng pamikiusap sa prayle ng ating kapilya, binawasan rin nito ang pagpapalibing, mabuti na lamang at nadaan namin ito paroon, dahil kung hindi ay hindi makaakyat sa langit ang Lolo" Si Juan naman ang nagwika, ikinagulat muli ito ni Elena, pinilit nitong hindi tanggapin ang mga naririnig.

"Hindi... inposible iyon... paano?! Paano siya nawala!" Muling utas ng dalaga, bumagsak mula sa mga mata nito ang naghuhumindig na patak ng kaniyang pagtangis. "Hindi... bakit?!" Nabitawan niya ang kulay puting rosas at tumakbo siya palapit sa binatang si Nicolas saka niya ito niyakap, hindi pa rin ito umiimik, ngunit magoasandali ay namataang tumutulo na rin sa mga mata nito ang mga luhang kaniyang pinipigilang tumulo.

Yumakap nito pabalik ang dalaga gamit ang kaliwang kamay dahil hawak ng kaniyang kapatid na si Pepito ang kaiyang kanan, pare-pareho silang tumangis hanggang sa magtungo sila sa pinaglibingan ni Lolo Gregorio.

Malamlam ang paligid dahil maulap, malakas rin ang simoy ng hangin dahilan upang tinangay nito ang mga natuyong mga dahon ng akasya sa paligid ng sementeryo. Malamig rin sa pakiramdam dahil sa malakas nga ang bugso nito na sinabayan pa ng maulap na panahon.

Ang magkakaibigan ay nakapalibot sa puntod, si Elena naman ay nagdadasal, habang ang iba ay ay tulalang nakatingin sa lupa.

Simple lamang ang puntod ng yumaong Lolo Gregorio, hindi katulad ng mga nasa paligid nitong gawa sa konkreto o hindi naman kaya ay bato. Simpleng tabon lamang ng lupa ang puntod, at may tandang krus na gawa sa kahoy at nakaukit rito ang pangalang Gregorio Teodoro Limos Y Carolino. Nakalagay sa ibaba ng tandang krus ang mga puting rosas na para sana kay Elena, ngunit inialay na lamang nila ito sa yumao dahil ito naging malaking bahagi ng kanilang mga buhay.

Natapos magdasal ang dalagang si Elena, tinignan nito ang tandang krus saka ito nagwika. "Patawad po, Lolo Gregorio... patawad po dahil nahuli ako... patawad po kung hindi ako nakapagpaalam" Saad niya saka tinakpan niya ang kaniyang mukha dahil sa hindi niya mapigilang tumangis.

Sa paglipas ng mga araw ay nanatiling malungkutin ang binatang si Nicolas, sa pagkamatay ng kaniyang Lolo Gregorio ay naisip niya na ang ipipinta para sa kompetisyon sa kabayanan, ngunit dahil sa natamong kalungkutan ay napipigil itong gumuhit o kaya naman ay magpinta.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top