Kabanata 14:

Kasalukuyang ginagatungan ni Nicolas ang kanilang kalan malapit lamang sa kamang kinararatayan ni Lolo Gregorio, nagluluto siya ng sabaw ng pinaghalo-halong mga gulay na sinarsahan ng gata ni niyog at kaunting asukal upang magkaroon ng lasa. Ang kalan at ang isang gasera lamang ang nagbibigay-liwanag sa buong dampa, nasa lamesa ito kung saan ay may nakapatong na isang balot ng kulay puting rosas, sa tabi rin rin nito ay ang ilang piniritong patatas na sinadya pa mismo ni Nicolas mula sa baryo ng Capiz dahil wala pang nagtitinda nito sa sentro ng Himenes.

Si Lolo Gregorio ay kasalukuyang umiidlip kaya si Nicolas na ang nagluto ng kanilang kakainin. Sandali pa ay inimulat ng matanda ang kaniyang mga mata, napansin ito ni Pepito na kasalukuyang naglalaro gamit ang mga inukit na tau-tauhan gamit ang kahoy ng kaniyang kuya. Ibinaba ni Pepito ang mga laruan at nagtungo sa gilid ng kama ni Lolo Gregorio.

Marahan siyang ngumiti rito, hinaplos naman ng matanda ang kaniyang buhok at ang pisngi, nang mapabaling si Nicolas sa kamang kinararatayan ng kaniyang lolo ay napangiti siya at napasambit nang makita niya na itong gising.

"Gising na po pala kayo, Lolo Gregorio. May binili po ako mula pa sa baryo ng Capiz" Panimula ni Nicolas, saka niya kinuha ang piniritong patatas sa lamesa. "Ito po ay mga piniritong patatas mula sa baryo ng Capiz, sumadya po ako paroon upang makabili lamang nito dahil wala pa po nito sa sentro ng bayan. Alam ko pong magugustuhan niyo po ito at mapapasaya pa po kayo" Wika niya saka niya inilahad ang mga piniritong patatas na hiniwang pahalang.

Ibinaba niya ang hawak sa lamesa at bumaling siya sa kalan. "Nagluto rin po ako ng ginataang mga gulay galing naman po ito kay Ginoong Jose, siya po ang nagbigay ng niyog at ilang mga labis na paninda niya, saad niya po ay gawin ko daw po itong ginataan na siya rin po namang aking tinuran" Wika pa nito, kumuha siya ng malukong at kubyertos saka niya ito sinandukan.

"Maghahain po ako para sa inyo" Wika pa ni Nicolas, nang makapagsandok siya ay nakita niya sa lamesa ang isang balot ng mga rosas na nakalublob pa mismo sa tubig ang tangkay upang hindi ito madaling malanta.

"Lolo Gregorio, para saan po ang mga rosas na puti?" Tanong ni Nicolas sa lolo niya, tumugon naman rin ito kaagad. "Ang mga bulaklak ay ibibigay pang-regalo para sa kaarawan ni Elena kinabukasan, akin kaniyang hiningi sa isa sa aking mga kaibigan dito sa baryo" Tugon nito, ngumiti naman si Nicolas saka siya muling sumabit habang papalapit na sa lolo niya.

"Sinabihan niyo na lamang po sana ako upang ako na ang kumuha ng mga rosas, hindi iyong kayo pa ang nagpagod. May karamdaman pa po kasi kayo" Sambit nito, umupo siya sa tabi ng kaniyang lolo dala ang malukong na may lamang ginataang gulay.

"Hayaan mo na apo, hindi naman ganoon kahirap at kalayo ang aking nilakad. Saka ito... nakaya ko pa naman" Wika naman ng matanda, nakangiting umiling si Nicolas saka siya muling tumugon.

Kasabay ng pagdingas ng mga apoy ay naalala niya ang kaibigang si Elena ay ang sinabi winika ito nang malaman ang patungkol sa patikpalak sa bayan. Alam niyang imposibeng mangyari ang kaniyang winika ngunit siya ay patuloy pa ring umaasang mangyaring makapag-aral siya at makatapos upang magkaroon ng isang desenteng trabaho. At kapag iyon ay naisakatuparan ay maari niya nang ligawan si Elena upang mahinto rin ito sa pagmamadre na ikasisiya rin nito.

"Hindi niya na po dapat iyon ginawa, mabuti na nga lang po at hindi kayo lumala" Tugon niya, gamit ang magsara ay sumandok siya ng sabaw mula sa malukong upang ipakain sa kaniyang lolo.

"Tikman niyo po itong ginataan, Lolo Gregorio. Mag-ingat po kayo at baka po mapaso ang inyong dila" Simula muna ito ni Nicolas bago niya subuan ang nakahigang matanda, tinanggap naman nito ang isinubo sa kaniya at masarap na nalasahan ang ginataan. Pagkatapos niya itong malulon ay ngumiti siya at napasambit.

"Kagaya lamang ng dati" Wika nito habang nakangiti, gayon rin si Nicolas nang siya ay tumugon. "Mabuti naman po at nagustuhan ninyo, kukunan ko lamang po si Pepito ng makakain upang makakain na rin po siya" Tugon ni Nicolas saka niya inilagay ang malukong sa lamesa at kumuha siyang muli ng panibago.

Habang kaniya itong ginagawa ay napasambit siya ng ilang mga bagay. "Alam niyo po, Lolo Gregorio. Hindi naman po tayo ganoon karangya ay masaya po ako, basta at kasama ko lamang po kayo ni Pepito rito ay ayos na ako. Kapag po mas bumuti pa ang inyong pakiramdam, Lolo Gregorio... sasadya pong muli ako sa Capiz upang bumili ng patatas" Saad ni Nicolas ngunit ito ay naantala ng bigla siyang hilahin sa braso ng kapatid, dahilan kung bakit natapos ang sinasandok niyang sabaw.

"Pepito! Anong nangyayari sa iyo?!" Pasigaw na natong ni Nicolas dahil nakadama ito ng inis, ngunit takot ang sumunod niyang naramdaman ng makita niyang itinuturo ng kapatid ang kaniyang lolong ngayon ay naghihingalo na.

Tumakbo siya palapit sa kama nito, pinagpapawisan at umiiyak. "Lolo Gregorio! Ano pong nangyayari!" Sigaw niya, habang naghihingalo naman ang matanda ay nakasaad pa ito ng tugon.

"Nicolas, ang oras para kuhanin na ng panginoon ang aking buhay ay dumating na" Tugon nito na ikinagulat naman ng binata, yumakap ito sa katawan ng kaniyang lolo at sumambit habang umaagos na sa mga mata niya ang kaniyang luha.

"Huwag po, Lolo Gregorio! Huwag niyo po akong iwanan!" Sigaw nito, umiiyak at natatakot. Si pepito naman ay siyang nakayakap naman sa braso ng kaniyang kuya habang siya ay umiiyak rin.

Bumaling ng tingin ang matanda kay Nicolas saka muli itong tumugon. "Patawad, ngunit kailangan ko natalagang umalis. Sana nga ay may oras pa ako ngunit wala na talaga" Mas lalong yumakap ang umiiyak na binata sa kaniyang lolo, hinablot ng matanda ang kaniyang ulo saka muli itong sumambit.

"Nicolas, ako ay mahina nang masyado sa edad kong ito, matanda na ako. Kung  mangangailangan ka ng tulong ay lumapit ka lamang kay Lola Teresita mo, alam kong mahal na mahal ka noon, at am kong ganoon ka rin sa kaniya" Saad nito, dito na napahagulgol ang binata saka siya muling nagwika.

"Lolo Gregorio! Opo, gagawin ko po ang mga ninanais niyo! Lahat po! Basta po huwag niyo pong iwanan, pakiusap po!" Ramdam na ramdam ni Nicolas ang matinding kalungkutan, at ngayon lamang niya ito nadama. Hindi niya alam ang gagawin kapag wala na ang kaniyang Lolo Gregorio sa kaniyang tabi.

"Mahal kita apo ko, at si Pepito rin, ipinapangako kong gagabayan ko kayo kasama ng iyong ina, Nicolas... mula sa langit" Tugon ng naghihingalong matanda, niyakap nito pabalik si Nicolas at saka tumulo na nga rin ang nagbabadyang luha sa mga mata nito.

"Huwag po muna, Lolo Gregorio! Huwag po muna!" Muling sambit ng apo, ngunit hindi na nga kayang magpatuloy ng matanda kaya, saglit pa ay hinaplos naman nito ang pisngi ni Pepito saka sinabi niya ang kaniyang habilin sa batang umiiyak.

"Pepito, huwag mong pababayaan ang iyong kuya, at ganoon ka rin, Nicolas. Huwag sana kayong mag-away... kayo na ang bahala sa mga sarili niyo, dahil hindi ko na kayang magpatuloy. Huwag kayong malulungkot, nasa inyo naman akong mga puso" Saad ni Lolo Gregorio, pinagmasdan na lamang ni Nicolas ang kaniyang naghihingalong lolo habang tumutulo pa rin ang luha sa kaniyang mga mata.

"Ipinapangako ko po, tinatanggap ko na po, alam ko na po, magpapatuloy po kami, kakayanin po namin, maaari na po kayong magpahinga lolo, nawa po ay tanggapin kayo ng diyos sa kaniyang kaharian, akin po itong ipagdarasal" Sumambit si Nicolas, pinunsan niya ang kaniyang luha at humawak sa kamay ng kaniyang lolo.

Ngumiti naman ang matanda saka ito muling sumambit. "Nicolas, wala na akong iba pang maihahabilin, basta at maging masaya lamang kayo at namuhay kayo ng payapa, kayo na rin ang bahala... alam kong kakayanin ninyo" Tugon nito, dumiretso ng tingin sa itaas ang matanda at saka ito pumikit.

"Palagi mong pagyamanin ang iyong talento sa sining... iyan ay regalo ng Kristo Hesus" Muli siyang nagwika, pagkaraan nito ay dito na siya nalagutan ng hininga, dito na rin bumuhos ang luha ng magkapatid.

Namatay ang apoy sa kalan at ang gasera lamang ang nanatiling may liwanag. Sa paglipas ng gabing iyon ay may dalawang taong labis ang natamong kalungkutan. Wala nang mas sasakit pa sa maiwan ng isang pinakamamahal sa buhay. Pumanaw ang kanilang Lolo Gregorio dahil sa malalang sinat na sinabayan pa ng Paro cardiaco o ang biglaang pagtigil ng puso na dala na rin ng katandaan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top