Kabanata 13:
"¿De verdad lo dices en serio, madre?" (Really, you mean it, Mother?) Si Elena ang nagwika sa kaniyang inang si Eleanor ngayon ay nakaupo sa tabi ng kaniyang kama.
"Por supuesto, es tu cumpleaños y podemos celebrar nuestra cosecha con la gente del pueblo al mismo tiempo, incluido Nicolás" (Off course, it's your birthday and we can celebrate our harvest with the people in the village on the same time, including Nicolas) Tugon naman ni Eleanor saka niya hinaplos ang mukha ng kaniyang anak.
Biglaan na lamang niyakap ni Elena ang kaniyang ina, galak na galak ito, kulang na lamang ay umiyak siya sa tuwa. "¡Gracias, gracias Madre!!" (Thank you, thank you Mother!) Bulalas niya, hindi nagtagal ay kumalas siya sa pagkakayakap at nagagalak na bumaba ng hagdan, natagpuan niya ang kaniyang amang kasalukuyang umiinom ng kape.
"¡Padre! ¡Gracias Padre! ¡Muchas gracias!" (Father! Thank you Father! Thank you very much!) Bulalas niya saka siya yumakap sa ama, hinalik-halikan niya sa pisngi ng kaniyang ama na ngayon ay nagtataka sa mga nangyayari. Hindi nagtagal ay lumabas si Elena ng bahay upang sabihin ang magandang balita kay Nicolas.
Natulala lamang si Mariano hanggang sa lapitan siya ng kaniyang asawa. "Mariano, pagbigyan mo naman ang anak mo upang maging masaya siya. Winika ko sa kaniyang maaring makadalo si Nicolas sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan kasama ng buong baryo" Wika ni Eleanor, tumango lamang ang Don Mariano saka humigop ng iniinom niyang kape.
"Lo sabía, entiendo que querías hacer feliz a Elena. Pero esto está sucediendo solo esta vez" (I knew it, I understand that you wanted to make Elena happy. But this is happening just this time) Tugon niya matapos humigop ng kape. "Nasabi mo na ang hindi mo dapat sabihin, kaya wala na rin akong magagawa. Ngunit ngayon lamang mangyayari ito, Eleanor" Kalmado niyang saad saka muling humigop ng kape.
"Entiendo, iré arriba ahora para limpiar las habitaciones, si me necesitas solo tráeme allí" (I understand, I will go upstairs now to clean the rooms, if you need me just fetch me there) Tugon naman ni Eleanor saka umakyat na ito sa itaas ng kanilang mansiyon.
"Ah, kinukumbida mo si Nicolas sa pagdiriwang ng iyong kaalawan?" Si Lolo Gregorio ang nagwika, nagpapagaling pa rin ito sa kaniyang sakit na lagnat. Hindi pa nakababalik si Nicolas at Pepito galing sa merkado kaya naman mag-isa sa dampa at nakaratay sa kama si Lolo Gregorio.
"Lolo Gregorio, nakatitiyak po ba kayong kayo ay nasa lakas na upang bumangon?" Tanong naman ni Elena, tumango naman si Lolo Gregorio saka siya bumangon sa kama. "Ayos lamang ako, Elena. Sa katunayan nga ay mas nagiging maayos na ang pakiramdam ko dahil ako ay iyong binisita" Nakangiting sambit nito.
Saglit pa ay napahagikgik si Elena saka siya tumugon. "Ako rin po ay nagiging maayos na, ngayong muli ay makikita ko na ang inyong mga apo, lalong-lalo na si Nicolas" Tugon nito, ngumiti naman si Lolo Gregorio saka siya tumugon.
"Magiging masaya sila Nicolas at Pepito dahil labis silang nangulila noong hindi ka nila nakasama noong mga nakaraang linggo, ipinangangako kong makadadalo silang dalawa sa pagdiriwang ng iyong kaarawan" Saad ni Lolo Gregorio, masaya rin namang tumugon si Elena sa matanda.
"At ikaw rin po, hindi po ako papayag na silang dalawa ang kumbidado, kailangan pong nandoon kayo dahil kayo po ang nagturo sa akin ng mga bagay na hindi ko magagawa dahil sa estado ng aking buhay" Magalang na tugon ni Elena.
"Siya nga pala, ilang taon na nga pala ang iyong tanda pagdating ng iyong kaarawan?" Tanong naman ni Lolo Gregorio. "Ako po ay labing apat na pagdating ng araw na iyon" Tugon naman ni Elena saka siya yumuko at muling nagtaas-noo at ngumiti.
"Ah, lumilipad nga ang oras, mabilis ka ngang lumalaki. Naaalala ko pa noong ikaw ay ipinanganak, Elena. Ang buong baryo ay nagsaya" Saad ni Lolo Gregorio saka siya ngumiti, naptango naman si Elena bilang tugon, nagpasalamat ito kay Lolo Gregorio paglatapos.
"Elena, kahit paghiwalayin pa kayo ng tadhana... magiging isa kang mabuting kaibigan kay Nicolas, siya nawa?" Nagtanong si Lolo Gregorio, napasinghap naman si Elena saka unti-unting namula ang pisngi nito, ngumitAng siya saka tumugon.
"Opo, magpakailanman... hanggang sa kamatayan, patuloy ko siyang mamahalin" Tugon naman ni Elena na siya rin niyang ikinagulat, hindi naman iba ang naging kahulugan nito kay Lolo Gregorio kaya hindi na nito naisipan ng kung ano pa mang ibang kahulugan ang winika ni Elena.
"Aasahan kong hanggang dulo ay sasamahan mo siya, Elena" Nakangiting tugon ni Lolo Gregorio, muli ay ngumiti si Elena. Nagpaalam ito kay Lolo Gregorio upang siya ay tumayo na at umuwi, ipinasabi niya na lamang na ikumusta siya kila Nicolas at Pepito.
Sa paglipas ng mga araw ay mas naging maayos ang pakiramdam ni Lolo Gregorio, subalit hindi pa rin nito kinayang lakarin ang kanilang baryo patungo sa merkado kaya naman sinasamahan niya na lamang ang kaniyang mga apo sa tabi ng ilog kung saan ay may isang tulay na gawa sa kahoy.
Ang tulay na may isang daang metrong haba ay maaaring itaas-baba upang sa gayon ay makadaan ang mga bangka sa ilalim nito. Ang ilog naman sa ilalim nito ay punong-puno ng malinaw na tubig na siyang nagiging kulay bughaw kapag sumalamin rito ang kalangitan.
Sa paligid ng ilog ay mga damuhang malalago at ang ilang mga damo ay hitik na hitik sa mga namumukadkad nitong mga bulaklak. Ang mga puno ng mangga sa paligid ng ilog army nahihiya na rin sa mga bulaklak nito, may ilang mga nalalagas at nalalaglag lamang ang mga talulot nito sa ilog. Maaliwalas ang buong paligid noong araw na iyon kaya ipinagpasalamat ito ni Lolo Gregorio sa maykapal.
"Ah, napakasarap talagang maglakad sa ganitong paligid! Matagal na rin nang ako ay muling nakalabas ng bahay" Wika ni Lolo Gregorio saka nito nilanghap ang malamig na simoy ng hangin. "Ang lahat ay wala pa ring ipinagbago, ang dating Himenes pa rin ang aking nalalanghap at natatanaw" Bulalas pa nito.
"Ayos lamang po ba kayo, Lolo?" Usisa ni Nicolas sa kaniyang lolo, napahagikgik naman ito saka tumhgon ng maligaya. "Ayos lamang ako, aking apo!" Masaya nitong saad habang itinutungkod nito ang dalang kapirasong isang metrong yantok sa lupa upang hindi mawalan ng balanse.
"Malayo na po ang nilakad ninyo, Lolo... hindi po kayo maaaring sumama sa'min sa merkado ni Pepito dahil hindi pa po kayo lubusang maayos, kailangan na po niyong magtigil" Tugon naman ni Nicolas, ito nga ang ginawa ni Lolo Gregorio, tumigil sila sa gitna ng tulay na kahoy saka tinanaw ang kanilang mga repleksiyon sa malinaw na tubig.
"Alam mo, Nicolas... malapit nang magsimula ang sabihan ng patatas sa baryo ng Capiz, kapag nangyari iyon ay muling mapupuno ang merkado ng mga panindang patatas na magkaka-iba ang pamamaraan ng luto" Panimula ni Lolo Gregorio, ngumiti naman si Nicolas at sinang-ayunan ang matanda.
"Tama po kayo, malapit na nga po pala ang panahong iyon. Mga unang linggo po ng Disyembre ang anihan. Mapapalad ang mga taong mag-aani, marahil ay ang kanilang makikita paroon ay magagamit nilang pangbili ng maihahanda sa Noche Buena sa darating na kaarawan ng Kristo Hesus" Tugon naman ni Nicolas.
"Tama ka rin, Apo. Subalit iba pa rin ang makatikim ka ng lutong papatas, lalong-lalo na ang ipinirito sa mantikilya at nilagyan ng asukal at mani" Muling saad ng matanda, habang inaalala ang mga alaala ng nakalipas, noong unang beses na matikman ng apo ang winiwika niyang lutuin sa nasaad niyang produkto.
"Sige po, Lolo Gregorio. Kami po ay hahayo na upang maaga rin po kaming makauwi, mag-ingat po kayo!" Paalam ni Nicolas matapos ang ilang sandali, doon na nga sila umalis at nagtungo sa merkado upang ipagbili ang mga gulay na ipinabebenta. Isang ordinaryong araw lamang ulit ang lumipas para sa magkapatid.
Nang sila ay papauwi na ay nasalubong nila si Lola Teresita na bitbit ang isang maletang rektanggulo at nakasuot ito ng maganda at mahabang baro at saya, parehong puti ang mga ito at dinagdagan pa ng panyo at panuelo at ang kaniyang suot na salakot ang ganda ng kaniyang kasuotan. Mukhang maligaya ang matanda dahil parang may patutunguhan itong importante.
"Nicolas!" Bulalas ng matanda sa binata, masayang bumati si Nicolas kay Lola Teresita at nag-alis pa ito ng salakot saka yumuko. "Magandang tanghali po, Lola Teresita. Mukhang ang patutunguhan niyo po ay importante, saan po ba kayo parating?" Si Nicolas na ang nagtanong sa matanda.
"Pansamantala ko munang isasarado ang aking tindahan marahil ay patutungo ako sa lungsod ng Heneral Tinio upang bisitahin ang aking pamilya, at doon na rin magpalipas ng pasko at bagong taon. Ipagpapamiban ko sana muna ang aking pagpunta ngunit sadiyang hindi na ako makapaghunus-dili" Sambit nito sa binata.
"Gayon po ba? Kung gayon ay kayo bpi ay mag-iingat sa daan. Nawa po ay makarating kayo ng maayos paroon at makabalik na rin po ng maayos dito" Magalang na tugon ng binata, ngumiti naman ang matanda saka hinaplos nito ang pisngi ni Nicolas.
"Hayaan mo, Nicolas. Sa aking pagbabalik ay papasalubungan kita ng mga matatamis at bagong papel at lapis, iyan ay isang pangako" Tugon nito, ngumiti naman ang binata saka ito muling nagwika.
"Kahit hindi na po, Lola Teresita. Ayos na po sa alinmang po ulit kayo rito pagkatapos ng inyong bakasyon, kayo po ay mag-ingat" Muling saad ni Nicolas, nakangiti namang tumango ang matanda saka muli nitong hinaplos ang pisngi ng binata, gayon na rin ay hinaplos niya rin ang pisngi ng kapatid nitong si Pepito.
Hindi nga naglaon ay umalis na si Lola Teresita upang bisitahin ang kaniyang pamilya sa malayong lungsod ng Heneral Tinio.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top