Kabanata 12:
"Tendrás que pensar en la reputación de tu hija Señor!" (You'll have to think of your daughter's reputation Señor!) Si Handario ang nagwika sa ngayon ay umiinit na ang ulong si Don Mariano, ang mga kamay nito ay nanginginig na habang nakasarado, para itong aamba na ng suntok.
"Entiendo a lo que estas apuntando" (I understand what you are pointing at) Huminga ng malalim ang Don saka siya tumayo. "Dalaga na ang anak ko, Handario. Isa na siyang ganap na dalaga! Magmula ngayon ay hindi na siya maaaring hawakan, lapitan, at maging tingnan ng matagal ng kahit sino mang binata! Lalo na at siya pa nga ay magmomongha" Tugon ng Don saka niya kinuha ang kaniyang tabako sa atabing lamesita at hinithit ito.
"Nicolas tiene prohibido ver a Elena, después de todo ... ese chico no es más que un problema!" (Nicolas is forbidden to see Elena, afterall... that boy is nothing but trouble!) Ibinaba niya ang kaniyang tabako at saka siya nagtungo sa silid ng anak at sinabi ang lahat patungkol doon.
Lumipas ang mga araw, nanatili lamang sa loob ng bahay ang dalaga, parati siyang nasa kaniyang silid at madalas ay nakadungaw lamang sa durangawan. Minsan naman ay itinuturong niya na lamang ang nararamdamang sakit at gigising sa panibagong umaga at muling masasaktan. Umikot sa kumbento at sa bahay ang kaniyang buhay, marahil hatid-sundo na siya ng kalesa na minamaneho ni Handario. May mga araw na tanging isang sulyap niya na lamang sa kaibigang si Nicolas ay masaya na siya kahit hindi nito nagagantihan ang kaniyang mga sulyap.
Si Nicolas ay nagpatuloy sa pagtatrabaho kasama sila Lolo Gregorio at Pepito, kapag maagang nakauuwi ay nagtutungo pa rin ang dalawa sa burol, inaasahang makikita paroon si Elena, ngunit wala siya paroon, ang tanging nadadatnan nila ay ang malaking puno ng sampalok at ang maluwag na damuhan na punong-puno ng mga bulaklak kung saan parating naglalaro si Pepito.
Tanging sa pagguhit na lamang ginugugol ni Nicolas ang kaniyang oras at upang kahit sandali lamang ay maibsan ang pangungulila niya sa kaibigang si Elena, hindi ito nasanay na hindi niya nakikita ang kaibigan sa araw-araw kaya palihim nitong ibinubuhos ang kaniyang luha at pighati kapag ito ay mag-isa.
Isang ordinaryong araw, tanghaling tapat at araw na ng biyernes, kagagaling lamang ni Elena sa kumbento, pagbaba na pagbaba pa lamang nito ng kalesa ay makikita na sa dalaga ang katamlayan at panlalamig. Pagpasok nito sa pintuan ng kanilang mansiyon ay nadatnan niya sa sala ang kaniyang ama at ina na ngayon ay kumakain ng merienda.
"Estoy en casa" (I'm home) Malamig na wika ni Elena sa kaniyang mga magulang saka matamlay itong naglakad palayo. "Ve y lava Mi Hija, luego podrías tomar un bocadillo" (Go and get washed up child, then you could have a snack) Panimula ng kaniyang inang si Eleanor, hindi ito pinansin ni Elena at dire-diretso lamang itong umakyat sa hagdan patungo sa kaniyang silid, pagpasok niya rito ay kaagad niyang isinara ang pintuan.
Huminga ng malalim si Eleanor saka ito tumayo at sumunod sa anak sa itaas, pagbukas niya ng pintuan ng silid ay inaasahan niya na kung ano ang madadatnan nito paroon, isinara niya na lamang ang pintuan ang pinabayaan niya na ang kaniyang anak.
Sa ibaba ay matatagpuang nag-uusap ang Don Mariano at si Handario, masaya si Don Mariano na si Handario na ang nagkusang maghatid-sundo sa kaniyang anak. "Gracias por tu ayuda, agradezco que la traigas a la escuela y a casa todos los días" (Thanks for your help, I appreciate you are bringing her to school and back home each day) Panimula ni Don Mariano.
"¡Es un placer Señor! Ni siquiera tienes que mencionarlo" (It's my pleasure Señor! You don't even have to mention it) Nahihiyang wika ni Handario na may pagwagwag pa ng kamay sa tapat ng kaniyang dibdib.
"Entonces, ¿qué obtienes del último envío que me interesaría, Handario?" (So, what do you get form the latest shipment that would interest me, Handario?) Panimulang tanong muli ni Don Mariano saka niya kinuha ang pitsel na nasa lamesita na may lamang inumin saka nilagyan niya ang basong katabi nito.
"Bueno, tengo telas frescas y bonitas para ropa de invierno Señor" ( Well, I got some fresh and nice fabrics for winter clothes Señor) Tugon muli ni Handario, saglit pa ay uminom si Don Mariano ng inuming kaniyang inilagay mula sa pitsel patungo sa baso. Pagkatapos nito ay tumugon siya.
"Bien, eso sería perfecto. ¿Por qué pones a trabajar a algunas mujeres con nuevos vestidos de domingo para que los use Elena" (Good, that would be perfect. Why do you put some women to work to new sunday dresses for Elena to wear) Tugon ni Don Mariano, tumango naman si Handario saka siya ngumiti.
"Muy bien, señor. Buenos días" (Very well, Señor. Good day) Muling tugon ni Handario saka niya inalis ang suot na salakot at yumuko sa harap ng Don bago tuluyang umalis. Pagkaalis ni Handario ay sakto rin naman ang pagbaba ni Elevator na ngayon ay malamig na rin ang pakikitungo.
"¿Cómo está Elena, Mi Amor? ¿Qué está haciendo??" (How is Elena, My Love? What is she doing?) Tanong ni Don Mariano sa asawa, tumango ito at malamig na tumugon. "Como de costumbre, acostada en su cama, llorando sin parar" (As usual, lying on her bed, crying her eyes out) Wika nito saka ito nagtungo sa mga nakasabit na larawan sa dingding, tumingin siya sa iginuhit na larawan ni Elena.
"Las cosas pueden seguir así, pronto se pondrá enferma" (Things can go on like this, she is going to get sick soon) Saad ni Elevator saka hinablot ang larawan. "Sigo sin entender por qué le prohibiste que viera a Nicolas, él siempre me impresionó como un chico honesto, bondadoso y bondadoso. Espero que el hecho de que venga de una familia pobre no haya influido en tu opinión" (I still don't understand why did you forbidden her see Nicolas, he always impressed me as a honest, kind-hearted, and good-natured boy. I hope the fact that he comes from a poor family has not influenced your opinion)
Nang humarap si Eleanor sa asawa ay nadatnan niya na itong nakasara ang mga kamay at nanginginig na ng dahil sa galit. Nanlaki ang mga mata niya. "Que es, Mi Amor?" (What is it, My Love?) Tanong ni Eleanor sa asawa, tumingin si Don Mariano sa asawa at saka ito tumugon ng kalmado.
"Por favor comprenda, amo a Elena más que a nada. Hago esto para asegurar su felicidad futura" (Please understand, I love Elena more than anything. I'm doing this to ensure her future happiness) Napaiwas na lamang tingin si Eleanor at hindi na ito umimik, tanging bulong ang lumabas sa bibig nito.
"Kung gusto ko siyang maging masaya sa hinaharap, sana naman ay intindihin mo rin ang gusto ng iyong anak. Hindi ang iyong anak ang sasaya kung hindi ikaw lamang... sana ay tanglawan ng liwanag ng Cristo Hesus ang iyong pag-iisip upang matanto mong mali ang iyong mga ginagawa" Bulong nito saka pumasok na sa kaniyang silid.
Kinagabihan, nagising si Pepito dahilan ng maimpit na pagtunog ng nakabukas na durangawang nakalimutang isara bago matulog. Napadaan ito sa tapat ng kaniyang kuya na ngayon ay mahimbing nang natutulog, saglit pa itong napatingin dito saka ito nabigla nang mapagtanto ang kaniyang nakita.
Kaagad nitong ginising si Lolo Gregorio na ngayon ay nahihimbing na rin sa pagkakatulog. "Pepito, anong nangyayari? Bakit?" Tanong ni Lolo Gregorio sa apo, dahan-dahan itong tumayo at tiningnan ang apo na ngayon ay nakayakap na sa kaniyang mga braso. Itinuro niya si Nicolas na ngayon ay mahimbing nang natutulog.
Saglit pa ay sumulyap si Lolo Gregorio sa apo at nabigla rin ito sa nakita. Puro galos at pasa ang kamay ni Nicolas, ang dahilan nito ay masyadong nabatak ang kaniyang mga kamay sa pagbubuhat ng mga gulay sa merkado upang ibenta.
Si Lolo Gregorio ay kasalukuyang may iniinda pa ring sakit kaya naman hindi ito makapagtrabaho noong mga nakaraang mga araw, ang dahilan ng kaniyang pagkakasakit ay nabinat ang katawan nito dahil nagtrabaho na siya kaagad kahit masakit pa ang kaniyang likod. Sa ngayon ay iniinda ni Lolo Gregorio ang lagnat at inuubo pa ito. Isama ang malamig na panahon dahil ang petsa ay nasa kalagitnaan na ng buwan ng Nobiyembre.
Hinawakan ni Lolo Gregorio ang kamay ng apong mahihimbing, napapikit ito at napasambit na lamang ng ilang mga kataga. "Nicolas, ano na kayang mangyayari sa iyo kapag ako ay nawala na? Kailangan mong magtrabaho at magbanat ng buto upang mabuhay. Ang mga bagay siguro ay ibang-iba sa iyong kinagisnan kung ang iyong ama at ina ay nabubuhay pa" Huminga siya ng malalim saka pumasok sa kaniyang mga alaala ang nangyari sa mga magulang ng kaniyang apo.
Ika-dalawang put apat ng Disyembre, taong isang libo, walong raan, at walong put dalawa. Ilang buwang gulang pa lamang si Nicolas nang masawi sa isang aksidente ang mga magulang nito, lumindol noong mga panahong iyon at nakulong sa loob ng isang simbahan ang mga magulang ni Nicolas dahil kasagsagan noon ng Misa de gallo.
Kasama ang mga magulang nito sa nabagsakan ng mga gumuhong parte ng simbahan na kanilang ikinasawi. Si Lolo Gregorio ay nakalabas kasama ang apong kaniya noong kilik-kilik.
Isang masakit na alaala.
Hinaplos ni Lolo Gregorio ang ulo ng apo saka ito bumalik sa pagtulog, si Pepito naman ay tumabi sa kaniyang kuya at kaniya itong niyakap, tuluyan na ngang nabimbing ang tatlo upang harapin ang panibagong kinabukasan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top