Kabanata 1:
Pilipinas, Septiyembre 1898.
Labing dalawang taon na ang nakalipas.
Nagagalak si Elena dahil sa pagkakataong iyon ay iginuhit siya ng kaniyang kaibigang si Nicolas, hindi na siya makapaghintay na makita ang iginuhit ng kaibigan, siya ay sabik na sabik na makita ito.
Si Elena Cortez ay isang maimpluwensiya, matulungin, at aktibong dalaginding na kaibigan ng binatang si Nicolas Carolino, si Nicolas ay isang batang hilig ang sining at may ambisyong maging isang pintor balang araw, ngunit dahil sa kahirapan ng kaniyang buhay ay malabo na niya itong maabot. Lalo na rin at nasa bingit pa ng digmaang Kastila at Amerikano ang bansang Pilipinas.
Sila ay nasa ilalim ng isang malaking puno ng sampalok at kasalukuyang nagpapahinga ang si Nicolas at ang kaniyang nakababatang kapatid na si Pepito, marahil ay katatapos lamang nilang maglako ng gulay sa merkado, si Nicolas ay kasalukuyan din namang gumuguhit ng isang larawan at ito'y larawan na ang laman ay ang mukha ni Elena at ang kanilang molino na ilang metro lamang ang layo.
"Ano ba Nicolas, hindi na ako makapaghintay, maaari ko na bang makita ang larawan?" Saad ni Elena saka ngumiti sa kaibigang gumuguhit, tumingin naman sa kaniya ang kaibigang lalaki saka inilayo ang larawan.
"Hindi pa maaari Elena, kailangan mo pang maghintay, ako ay hindi pa tapos" Tugon naman nito, ngunit pilit inaagaw ng dalagita ang larawang kaniyang iginuhit, hanggang sa tumayo na si Nicolas at tumakbo habang natutuwa pa ring pilit na inaagaw ni Elena ang larawan.
"Pakiusap! Kahit kaunti lamang" Saad ni Elena habang hinahabol si Nicolas ngunit tumanggi pa rin ito. "Hindi muna, paumanhin!" Tugon ng binata. "Sige na! Pakiusap Nicolas!" Tumawa si Nicolas saka muling tumugon. "Ikaw ay maghintay, huwag mo na ring pagtangkaan pang kuhanin sa akin ang larawan"
Ngunit bigla na lamang napatid si Nicolas patalikod nang hindi niya mapansin ang nakahiga at natutulog na batang si Pepito. Siya ay isang batang pipi o hindi nakakapagsalita, marahil ay putol na ang dila nito simula noong munting sanggol pa lamang ito, hindi rin siya tunay na kapatid ni Nicolas ngunit itinuturing na niya itong kaniyang sariling. Kaagad itong napatayo nang wala sa oras at galit na tumingin kay Nicolas.
"Patawad Pepito, hindi ko sinasadyang masaktan ka" Saad ni Nicolas, tumawa naman si Elena saka sumabad. "Pasensiya ka na Pepito, Hala ka Nicolas, base ka kaniyang ekspresyon ay galit yata siya sa iyo" Saad niya, ngumiti si Nicolas saka tinapik-tapik ang likod ng batang lalaki.
Umiling ang batang lalaki saka sandali pa ay sumenyas. Naintindihan naman ito ng dalawa saka muli silang nagtawanan, hindi na nila inisip ang nangyari. Kinahapunan ay nanatiling nasa ilaim ng puno ang tatlo at talagang nagagalak si Elena dahil sa iginuhit na larawan ng kaniyang kaibigang si Nicolas, labis siyang natutuwa.
"Napakaganda ng larawang ito Nicolas! Akong-ako talaga ito! Pakiusap, maaari ba itong mapasaakin?" Saad ni Elena, tumango naman si Nicolas saka tumugon na lamang din. "Oo naman, gawin mo ang iyong nais" Ngumiti si Elena saka tumalon-talon nang dahil sa saya.
"Maraming salamat! Ito ay pangangalagaan at ituturing kong parang isang mahalagang kayamanan habang buhay!" Saad niya, gumanti naman si Nicolas ng matamis na ngiti, ganoon din naman ang iginanti ni Elena pagkatapos nito.
"Elena, ¿qué haces todavía aquí?" (Elena, what are you still doing here?) Napalingon ang tatlo sa ibaba ng burol kung saan nakatirik ang punong kanilang sinisilungan. "Magandang hapon po Don Mariano Cortez, hindi ko po inaasahan ang inyong pagdating" Magalang na saad ni Nicolas ngunit hindi man lamang siya nilingon ng lalaki.
Ang lalaking iyon ay si Don Mariano Cortez, ang ama ni Elena at itinuturing na pinakamayamang tao sa kanilang bayan, maraming tao ang humahanga at mayroon rin namang mga taong palihim na nagtataksil dahil sa masama na nga ang ugali nito, kinaiingitan pa siya ng lahat dahil na rin sa talentado at matalino niyang anak na si Elena.
"Elena, te dije que estuvieras en casa antes de que se pusiera el sol, eres miembro de una familia prominente, no es aceptable ni apropiado que camines sola en la oscuridad!" (Elena, I told you to be home before the sun goes down, you are a member of a prominent family, it's not proper for you to be walking alone in the dark!) Mariing saad ng lalaki, napatahimik naman ang dalawa, lumapit si Elena sa kaniyang ama saka ito humingi ng tawad.
"Pasensiya na po ama, iginuhit lamang po ako ni Nicolas ng isang larawan, napakatalentado po niya kung tutuusin, ito po ang kaniyang iginuhit" Saad ni Elena saka ibinigay sa ama ang larawang nasa manipis na papel de hapon.
Napabuntong-hininga ang Don saka tumingin kay Nicolas, halatang naumuo ang galit sa kaniyang mga mata. "Entonces así es como pierdes tu tiempo, ¿no es joven?" (So this is how you waste your time, isn't it young man?) Walang reaksiyon si Nicolas dahil hindi niya naiintindihan ang wikang sinasabi ng mapagmalaking Don.
Kalaunan ay napagtanto rin naman ang Don ang situwasyon ng binata kaya naman nagsalita na lamang ito gamit ang wikang pangbansa. "Ang ibig kong sabihin ay ito ang pinagaaksayahan mo ng oras? Imbis na tumulong ka sa iyong lolo na nahihirapan para sa inyo ng pipi mong kapatid, ay inaaksaya niyo pa ni Elena ang inyong mga oras sa paggawa ng kung ano-anong bagay rito sa burol"
Yumakap ang batang si Pepito sa kaniyang itinuturing na kuyang si Nicolas. Hindi na rin nagtaas noo pa si Nicolas dahil nainsulto ang kaniyang pagkatao at nadamay pa ang kaniyang kapatid na may kapansanan.
"Ngunit ama, hindi po ninyo naiintindihan..." Hindi pa man natatapos si Elena sa kaniyang tugon ay sumabad na kaagad ang kaniyang ama. "Hindi ko kailangan ang iyong opinyon, umuwi ka na, hinahanap ka na ng iyong ina sa ating tahanan!" Tango na lamang ng pagsang-ayon ang tanging naitugon ni Elena sa kaniyang ama, at hindi na rin niya nabawi ang larawang iginuhit sa kamay nito.
Saglit pang sumulyap si Elena kay Nicolas bago siya tuluyang tumakbo pababa ng burol. Huminga ng malalim si Don Mariano saka dumukot sa kaniyang bulsa, inilabas niya mula rito ang isang gintong barya, tinangka niya itong ibigay kay Nicolas upang maging kabayaran ng larawang iginuhit nito.
"Ito Nicolas, tanggapin mo, bayad iyan sa larawang iyong iginuhit" Saad ng Don habang iniaabot na ang barya, ngunit nanatiling tulala at tahimik si Nicolas. "Ano? Hindi pa ba ito sapat?!" Galit na tanong ng Don, umiling si Nicolas saka ngumiti bago tumugon.
"Hindi po ako humihingi ng kabayaran sa larawang aking iginuhit para sa inyong anak Don Mariano, saka po... naibigay ko na po ang larawan sa inyong anak, hindi na po ako maaaring humingi pa ng kabayaran ngayon?" Nanlaki ang mga mata ng Don saka ito sumigaw ng dahil sa galit.
"Ano?! Ako ba ay iyong iniinsulto?!" Saad niya kaya naman napapikit si Nicolas habang nakayakap naman sa kaniyang binti ang kaniyang kapatid. "Hindi ako maaaring kumuha sa iyo ng isang bagay ng walang binibigay na kapalit, sa ibang banda, ako naman ang bumibili at hindi ang anak kong si Elena" Saad pa nito.
Humakbang paatras si Nicolas habang hawak na ang kamay ni Pepito, sandali pa siyang umiling saka tumugon sa Don. "Hindi na po Don Mariano, kailangan na rin po naming umalis, ma... magandang hapon po" Saad niya saka tumakbo palayo.
Muling ibinulsa ni Don Mariano ang gintong barya saka bumulong. "Katulad ng ibang mga indio, sila ay mga walang alam, mga bobo!" Bulong nito saka tumalikod at tuluyan na nga ring bumaba sa burol.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top