Nico (One Shot)
Isa po ito sa mga earliest works ko. And dahil wala pa akong time na i-edit siya, please expect errors and excuse my amateur writing style.
UNREVISED
Copyright © 2013
girlinparis
All rights reserved.
—————
Young Love One-Shot #2
"Nico!!" Tumingin ako sa likod ko at nakita kong tumatakbo palapit sakin si Precious.
Pawisan at hinihingal siyang huminto, "Ok pa. B-binusted niya yung lalaki sa harapan ng madaming tao.. Nakakaawa nga yung lalaki eh.."
"Binusted niya? E di may pag-asa pa ako!" masaya kong sabi.
"Hindi ka ba natatakot na mabusted ka din ni Mycki? Bakit kasi siya yung nagustuhan mo eh.."
Mali siya. Hindi naman talaga ako natatakot na mabusted eh, ang mas kinakatakot ko e yung malaman niya ang totoo kong nararamdaman sa kanya, natatakot akong malaman niya na hindi naman talaga si Mycki ang gusto ko.. Ayokong mawala ang pagkakaibigan namin. Hindi ko kaya..
Gusto ko naman talaga si Mycki.. At alam ni Precious yon. Natatakot lang ako kasi nakakalimutan ko ng si Mycki nga ang gusto ko at ayoko non.
"Bakit naman ako matatakot? E kung mahal ko talaga siya eh.. Kahit ipagtabuyan niya pa ko, kahit pagtatadyakan na niya ko, hindi pa rin ako susuko."
"Bahala ka nga.." Tumalikod na siya at mabilis na naglakad.
Hindi ko alam kung nainis ba siya sa sinabi ko pero hindi na siya lumingon pa sakin, dire-diretso na siyang naglakad.
Lumipas ang mga araw, ganon parin kami ni Precious. Kasama ko pa rin siya sa mga panliligaw ko kay Mycki, sa mga laro namin sa soccer, hinahatid ko pa rin siya sa kanila gaya ng dati. Wala namang nagbago, at gusto kong sabihing wala nga talagang nagbago. pero sana ang maling nararamdaman ko, magbago na..
Nililigawan ko na si Mycki, dapat mapatunayan ko talaga yon. Ayoko namang isipin niyang hindi ako seryoso, pero ang tanong seryoso nga ba talaga ako?
"Nako, Prei.. Hindi na nga pala muna kita mahahatid mamaya. Iintayin ko pa kasi yung tapos ng practice ni Mycki tapos ihahatid ko siya sa kanila.."
"Wow ha. Daig mo pa ang boyfriend. Nagpapalakas ka na niyan? Ulal mo.. Hindi ka sasagutin non!"
"Ang sama mo naman! Pag yan nagkatotoo, hindi kita papatulugin ng isang taon"
"In your face. Bahala ka na nga diyan. Uuwi na lang akong mag-isa!"
Nag-ayos na siya ng mga gamit tapos nagpaalam na sakin. Hay. Bakit ko nga ba to ginagawa? Nagpapalakas nga ba ako? Si Mycki ba talaga ang gusto ko?
"Bakit nandito ka pa?" tanong sakin ni Mycki nung nakita niya ako sa gym.
"Ano pa bang dahilan? Syempre iniintay kita.."
"At bakit mo naman ako hinihintay?"
"Dahil nililigawan kita.. At saka gabi na pano nalang kung may mangyaring masama sa'yo e di hindi mo na ako masasagot niyan at saka mawawalan ako ng future girlfriend. Masakit sakin yon! Hahaha.."
Nakita ko naman siyang ngumiti, "Ikaw talaga.. Sige na. Halika na."
Kinuha ko naman yung bag niya tapos lumakad na kami palabas. Matagal na kaming nagkakilala ni Mycki. Kaklase ko siya dati nung grade 6 at 2nd year highschool ako. Crush na crush ko nga siya noon eh.. Kami din yung laging naaasar sa room namin nung mga panahong yun kaya siguro nadala na lang din ako.
Tandang-tanda ko pa nung 2nd year ako, balak ko ng ligawan siya nun kaso nga lang.. Nakita ko kung paano siya mambusted ng lalaki. Napakastraight forward niya. Sabi pa niya, may hinihintay siyang lalaki at yung taong yon lang daw ang makapagsasagot sakanya ng 'OO'.
Natakot ako nun. Wala kasi akong lakas ng loob pero narealize ko din na hanggang kelan ako matatakot sa gusto ko?
"Sigurado ka ba talaga na ako yung liligawan mo?"
Nagulat ako sa tanong niya kaya tiningnan ko siya, "Oo naman. Bakit may iba pa bang Mycki dito?"
Hinampas niya naman ako ng natatawa-tawa pa, "Hindi.. Ang ibig kong sabihin, ako ba talaga ang gusto mo ngayon? O baka naman nalilito ka lang kasi gusto mo ako noon?"
"Ha? Hindi kita maintindihan.."
"Kahit hindi na tayo magkaklase, nakikita pa rin kita.. At alam ko na may nararamdaman ka sa kanya.."
"Ano bang sinasabi mo diyan.. Kanino ako may gusto? Nililigawan nga kita diba kaya malinaw na ikaw ang gusto ko.."
"Hindi naman ibig sabihin na dahil nililigawan mo ko e ako na ang gusto mo.. Pero tingnan natin kung makakapasa ka sakin.." Tumawa siya kaya napatawa na lang din ako.
Lahat ng sinabi niya, tumatak sa ulo ko. Lahat ng yon, hindi ko malimutan dahil alam kong alam niya ang totoo kong nararamdaman.
Niligawan ko pa rin siya, hindi naman siya umangal. Siguro, nasanay na din siya sa presensya ko kaya hindi niya ako magawang mabusted. Yung iba kasing nanliligaw sa kanya binabusted niya agad kahit hindi pa nagpapakilala kaya ang swerte ko na lang na hindi niya yon ginawa sakin.
"Wala akong practice ngayon, Nico kaya siguro mauuna na lang ako sa'yong umuwi."
"Sigurado ka? Hindi mo ba ako maiintay para sabay na tayo?"
"Ahhh madami kasi akong project na gagawin kaya kailangan ko ng umuwi. Don't worry kasabay ko naman yung mga friends ko kaya hindi ako mapapahamak.."
"Sige-"
"Hoy, Nicolo! Makikipaglandian ka na lang ba diyan? Naiinip na ko dito! Wala akong kalaro!" narinig kong sigaw ni Precious.
"Saglit lang!" sigaw ko pabalik, "Ang epal talaga nun."
"Sige na. Puntahan mo na siya. Ok lang ako. Bukas na lang ulit."
"Ingat ka ha." Nagpaalam na siya sakin tapos pumunta na ko kay Precious.
"Ano nakapoints ka naman?"
"Bakit ba ganyan lagi ang tono mo pag nandiyan si Mycki. Galit ka ba sa kanya?"
"Bakit naman ako magagalit? E wala naman siyang ginagawa sakin.." sabi niya tapos tumalikod na sakin.
Ano na namang problema ng babaeng yon?
"Hoy sandali lang!"
Lagi kong napapansin na tuwing binabanggit ko si Mycki, nag-iiba ang mukha ni Precious. Ayoko namang isiping nagseselos siya pero.. Nagseselos nga ba siya?
Dumalas ang kilos niyang yon at tuluyan na nga siyang umiwas sakin nung..
Sinagot na ko ni Mycki.
"Dahil mahal kita!"
"Hirap na hirap na ko, Nico. Makita ko pa lang kayong masayang magkasama, para mo na ding isinampal sakin na kahit kailan hindi kita kayang mapasaya. Ito lang ang nakikita kong paraan para makalimutan kita, Nico. Gustong-gusto kong isipin na wala lang tong nararamdaman kong to pero hindi eh. Totoo. At ang sakit sakin na dahil minahal kita, masisira din ang pagkakaibigan natin ng dahil sakin. Pero ang sakit na kasi, Nico. Pagod na pagod na kong umiyak.."
Nakita ko siyang umiyak. Bakit hindi ko napansing mahal na niya ko? Bakit hindi ko napansing nasasaktan ko siya sa tuwing nandiyan si Mycki. Sa sinabi niyang yon, natauhan ako.
Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao. Sinaktan ko siya ng hindi sinasadya dahil iniisip ko sa umpisa pa lang ang pagkakaibigan namin kung sakaling sinabi kong gusto ko siya.
Nasaktan ko ang taong gusto kong piliin at alam kong masasaktan ko din ang taong pinili ko.
Natauhan ako sa maling desisyon na nagawa ko. Ang desisyon na piliin si Mycki kahit na ang alam ko....
Mahal ko na si Precious.
"Bakit hindi mo siya sundan? Hahayaan mo na lang bang isipin niyang hindi mo siya mahal kahit na siya naman talaga ang mahal mo?" Napatingin ako sa biglang nagsalita sa likod ko.
Si Mycki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top