Kabanata 9
Kabanata 9
Best birthday gift ever.
Sumilip ako sa bintana nang makarinig ako ng makina ng sasakyan na huminto sa tapat ng apartment ko. Kulay itim na kotse iyon at napatawa pa ako dahil bumaba ang driver mula doon na naka-tuxedo suit pa samantalang napakainit dito sa Pilipinas.
"Ms. Dannie Prieto!" Sigaw ng driver nito, napakunot ang noo ko dahil do'n kaya naman kaagad akong lumabas.
"Sino sila?" Usisa ko mula dito sa itaas.
"Delivery from Mr. Sebastian Luke Cando." Ani nito na nagpaatras sa akin ng bahagya. Isang linggo na ang lumipas at ngayon ko nalang ulit narinig ang pangalan niya. Bumaba ako at nagtungo sa labas. Matangkad at matipuno ang pangangatawan ng driver na ito, masasabi ko ring makisig siya na para bang hindi lang siya simpleng driver ng isang mayamang pamilya, mukha siyang miyembro ng isang mafia group na handang pumatay ano mang oras, napailing nalang ako sa kalokohang pinag iiisip ko.
Marahang iniabot sa akin ng driver ang isang papel, sandali kong tinitigan iyon bago nagpasiyang buksan.
Dannie,
See you tonight. I miss you.
Sebastian
"Pinapasundo ka ni Mr. Cando, to make sure na ligtas kang makakarating sa birthday party niya mamayang gabi."
Ngayong gabi na pala iyon.
Ilang sandali ay narinig ko ang pag-ring ng cellphone ko, si Valeen ang tumatawag.
"Hey! Sunduin ka namin ni Austin later! May susuotin ka na ba?" Bungad niya na nagpabagsak sa balikat ko. "Kailangan ko ba talagang pumunta?" Walang ganang sagot ko habang nakatingin sa driver ni Sebastian na ngayon ay naghihintay ng sagot ko.
"Come on, Dannie, napag usapan na natin 'to last week."
"Wala akong regalo." Dahilan ko.
"So what? Hindi na niya kailangan ng regalo, nasa kanya na ang lahat!" Halakhak ni Valeen.
Muli kong pinagmasdan ang sulat na ibinigay sa akin ng driver.
"So, be ready at 9 o'clock in the evening! Darating kami ni Austin diyan to pick you up! Bye!"
"Saglit!" Pero bigo akong pigilan siya dahil kaagad niyang ibinaba ang tawag.
Ibinalik ko ang tingin sa driver, "Ahm, may I know your good name Kuya?" Usisa ko dahil hindi ko alam kung anong itatawag sa kanya. "I'm Red, Ms. Dannie." Tumango ako at itinupi muli ang sulat na binigay niya sa akin.
"Mr. Red," Ngiti ko, "Pakisabi sa amo mo hindi ko kailangan ng sundo." Patuloy ko sabay tinalikuran ko siya, "Pero—"
Hindi na naituloy ni Mr. Red ang sasabihin dahil isang malakas na pagtalpak ng gate ang ginawa ko. Padabog akong pumasok sa bahay ko dahil sa sama ng loob ko, ewan ko pero hindi ko maiwasang maghimutok dahil isang linggo akong walang nadinig mula sa kanya at pagkatapos ngayon ay ipinadala niya ang driver niya para ipasundo ako?
"No, wala kang karapatang mag demand, Dannie, wala naman kayong relasyon ng lalaking yon." Pagalit ko sa sarili. Napasigaw pa ako ng malakas dahil sa pagkainis.
--
"You look so beautiful." Naiiling na sambit ni Austin habang ngiting ngiting nakatingin sa akin. Kagaya ng sinabi ni Valeen, eksaktong alas nuebe ay nandito nga sila. Nakablack three-piece suit si Austin na sobrang bumagay sa kagwapuhan niya. Si Valeen naman ay nakablack long dress gown din na fitted sa kanyang katawan, bumagay din sa suot niya ang pagkalugay ng mahaba niyang buhok na medyo kulot sa dulo.
Pumalakpak si Valeen at umiling na para bang hangang hanga siya sa nakikita niya sa akin ngayon.
"Sobrang sexy at ganda mo, Dannie." Puri sa akin ni Valeen habang nakatingin sa dibdib ko. Sa totoo lang ay problema ko ang hinaharap ko dahil kahit ano yatang isuot ko ay talaga namang iyon ang unang mapapansin sa akin.
"Hindi ba masagwa?" Nakangiwing sambit ko.
"No, you look so sexy and innocent, Dannie." Ani Austin saka nag thumbs up pa, gusto kong matawa sa innocent. Dahil alam ko naman sa sarili ko na wala na ako no'n. "Let's go?" Patuloy niya saka lumabas na ng apartment ko.
"Totoo ba?" Natatawang tanong ko kay Valeen.
"Of course, hindi naman marunong magsinungaling yan si Austin eh. Ang ang ganda at sexy mo talaga, panigurado ako maraming mata ang papalibot sayo mamaya." Biro niya saka kumapit na siya sa braso ko saka sabay kaming lumabas ng apartment kung saan naghihintay na si Austin upang pagbuksan kami ng pinto ng kotse niya.
"Thank you." Ani ko, "My pleasure, Dannie." Ngiti ni Austin bago pa isara ang pinto.
--
Maraming tao sa hotel pero ni anino ni Sebastian ay hindi ko pa nakikita. Mukhang puro businessman and businesswoman ang nandito dahil parang iyon ang topic ng karamihan. Minsan na rin akong naka-attend sa isang business party nung naging guest ko noon sa Singapore, wala naman akong ibang ginawa doon kundi makinig sa mga pinag uusapan nila kaya naman kahit papaano ay may idea ako sa mga terms na ginagamit nila when it comes to business chatting.
"Wine for you." Lahad ni Valeen sa glass wine na kaagad ko namang tinanggap. Si Austin naman ay nandoon sa isang kumpol ng mga businessman din.
"Thank you."
Nakatayo kami ngayon ni Valeen dito sa gilid ng isang high table. "I just don't get it, yung mga tao dito nagpunta sa party para business pa rin ang pag usapan." Nguso ni Valeen matapos sumimsim ng wine.
"Nagsalita, parang hindi kita narinig kanina." Panunukso ko sa kanya, ngumisi siya at napailing.
"I don't have a choice, kailangan kong patunayan sa Dad ko na hindi isang basura ang business ko." Matatag na sambit niya.
"Ano bang business mo?" Usisa ko, muli siyang sumimsim ng wine saka huminga ng malalim.
"It's a kind of business na baka pagtawanan mo." Ngisi niya, lumunok ako dahil sa katotohanang wala nang mas katawa tawa pa sa naging trabaho ko noon.
"Bakit naman?" Pilit kong siniglahan ang boses ko kahit na ang totoo ay nahihiya ako sa kanya dahil hindi naman alam ni Valeen ang totoong pagkatao ko.
"Well, bar? Owner ako ng limang bar dito sa Pinas, syempre naghahanap ako ng mga pwedeng mag invest para mas dumami pa ang bar ko local and international. Too bad, masyadong mahirap kalabanin ang bar ng pamilya nila Sebastian and Austin, ang tagal na kasi no'n, lahat na yata ng klase ng business dito sa Pilipinas meron sila." Kwento niya.
"Magpinsan sila, pero si Sebastian ang panganay sa henerasyon nila ngayon kaya naman nasa kanya ang spotlight, hinihintay siyang mag asawa ng lahat pero baka maunahan pa ng mga nakababata niyang pinsan at kapatid." Halakhak ni Valeen. "I just heard from his cousins na marami siyang naka-fling or naikama pero ni isa hindi niya naging girlfriend." Patuloy na kwento niya na nagpainom sa akin sa wine na hawak ko dahil sa katotohanang isa ako sa mga naikama ng lalaking 'yon.
Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng hiyawan nang i-introduce na siya ng isang party host. Bumilis ang pintig ng puso ko nang sa loob ng isang linggo ay muli ko siyang nakita. Naka-gray na three-piece suit siya at medyo messy ang kanyang buhok pero hindi hadlang iyon para hindi makita ang kanyang kakisigan.
Malalakas na palakpakan ang bumabalot dito sa banquet hall ng hotel. Inilibot niya ang kanyang paningin sa mga bisita hanggang sa tumuon na ang paningin niya sa akin na siyang nagpa-estatwa sa buong katauhan ko.
Malalim at nangungusap ang pagtitig niya sa akin pero ilang sandali ay kumunot ang kanyang noo at bumaba ang tingin niya sa suot ko.
"Woah! Happy birthday!" Sigaw ni Valeen sa tabi ko saka kumakaway kaway pa kay Sebastian.
Mabilis kong nilagok ang wine sa glass ko at nag iwas ng tingin sa kanya. Maraming tao ang pumalibot sa kanya upang batiin siya at kausapin tungkol sa business. Pero hindi nakakaligtas sa mga mata ko ang pagsulyap niya sa amin sa tuwing tumatawag si Valeen ng waiter para kumuha kami ng alak na iinumin.
"Ayan! Pwede na tayong lumapit!" Hinila ako ni Valeen sa braso ko palapit kay Sebastian.
"Come on, Dannie. Mamaya papalibutan na yan ng mga businessman." Panay pa rin ang hila sa akin ni Valeen at matindi ang panlalamig ng buong katawan ko dahil papalapit na kami sa kanya.
"Hey!" Biglang bati ng isang businessman kay Valeen dahilan para mapahinto kami sa gitna at kasabay no'n ang pagtapon sa damit ko ng isang tray ng alak dahil nabangga namin ang isang waiter.
"Oh my God!" Sigaw ni Valeen nang makitang basang basa ang dress ko. "Are you okay?" Dagdag pa niya.
"Ah, yeah, I'm fine!" Sambit ko habang pinapagpag ko ang sarili. "I'm sorry, Ma'am!" Paumanhin ng waiter sa akin. "It's okay." Paninigurado ko.
"Valeen?" Pag uulit ng businessman na tumawag sa kanya kanina.
"Just go, ako na ang bahala." Sabi ko sa kanya dahil mukhang kanina pa siya gustong kausapin nito.
"Are you sure?" Bakas sa mukha niya ang pag aalala, tumango ako sa kanya saka naglakad na papunta sa restroom upang linisin ang sarili ko.
Papasok na sana ako sa restroom nang biglang may humila sa aking braso at para akong mas lalong nanlamig nang makaharap na ako sa kanya.
"Sebastian." Bulong ko, pinasadahan niya ng titig basa kong damit. Kaagad niyang hinubad ang suot niyang tuxedo saka inilagay iyon sa balikat ko. Amoy ko kaagad ang mabangong perfume niya. Magsasalita na sana ako pero bigla yatang umurong ang dila ko nang hawakan niya ang kamay ko at nagpatianod na ako sa kanya papunta dun sa elevator na mabilis niyang pinindot at nagbukas.
Namamayani ang katahimikan sa amin habang inaantay naming makarating ang elevator sa floor na pinindot niya kanina. Nanatili namang mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Nang bumukas ang elevator ay kaagad niya akong hinila sa isang executive hotel suite. "Here." Iniabot niya sa akin ang isang shirt at towel.
"Magpalit ka."
"Thanks."
Sa totoo lang ay basang basa talaga ang long gown na suot ko. Sa dami ng alak na natapon mula do'n sa tray na dala ng waiter kanina talaga namang hindi ako makakaligtas, maging ang sarili ko ay amoy alak na rin. Sandali akong naglinis sa cr ng hotel suite na ito at kaagad na ring lumabas.
Nadatnan ko siyang nakapamulsa habang tinatanaw ang city lights mula do'n sa malaking glass window nitong hotel suite niya. Humarap siya sa akin at sinuri ang suot kong shirt niya na hanggang ibabaw ng tuhod ko.
"That's better." Aniya saka huminga ng malalim.
"Uhm, papatuyuin ko lang sandali yung damit ko then aalis na rin ako."
Muli siyang tumalikod at tinignan ang city lights. Lumapit ako doon at tinignan rin ang tinatanaw niya, panay ang lagok niya doon sa whiskey na hawak niya.
"Ang tagal mong nawala ah." Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa hindi ko inaasahang lalabas iyon mula sa bibig ko. Naramdaman kong bumaling siya ng titig sa akin.
"Namiss mo ba ako?" Malalim na aniya.
Ngumisi ako.
"Wow, napaka conceited mo rin ano?"
"Kasi ako namiss kita." Diretsong aniya na nagpaubo sa akin.
Narinig kong ngumisi siya at muling uminom ng alak. "Nag business meeting lang ako sa Hawaii for one week, pero mukhang marami na kaagad ang nakasilay sa ganda mo." Ngisi niya, muli kong naalala kung paano niya ipinasara ang bar na pinuntahan namin nila Valeen at Austin.
"How was it? Masaya ba sa Hawaii?" Pag iiba ko ng usapan, dahil naalala ko ang sinabi nila Valeen sa akin na bawat lugar na puntahan ni Sebastian ay may nakaka one night stand siya, tumingin siya sa akin bago inilapag sa mesa ang baso niya upang muling salinan iyon ng alak. Muli siyang sumimsim ng alak at huminga ng malalim.
"Masaya kahit nakakapagod." Hindi maiwasan ng isip ko na siguradong nag bar siya doon at nakakita ng babaeng pwedeng magbigay saya sa kanya para sa isang gabi.
"Uhm, no, thank you. Marami na rin akong nainom kanina." Pag tanggi ko nang abutan niya ako ng alak, tumango siya at ininom ang alak na ino-offer sa akin.
"Baka hanapin ka na nila do'n sa baba." Pagbabago ko ng usapan.
"Paano mo nagagawa 'yon, Dannie?" Biglang tanong niya, kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. Pinagmasdan ko siya na ngayon ay malayo pa rin ang tingin do'n sa city lights. Inilapag niya sa mesa ang hawak niyang baso at nakapamulsang humarap sa akin.
Halos malusaw ako sa mainit na pagtitig niya sa akin ngayon.
"I can't find a way to forget you, Dannie. Ilang buwan na ang lumipas pero ikaw pa rin ang laman ng isip ko." Seryosong aniya na nagpalunok sa akin.
"I can't forget our first night together, pati na rin ang huling beses na pinagsaluhan natin sa bahay mo. Nababaliw na ako." Marahas niyang inihilamos ang palad sa kanyang mukha at sa pagkakataong ito mas lalong lumalim ang pagtitig niya sa akin. "Paano mo nagagawang mamuhay ng normal gayong walang araw na hindi mo ginugulo ang isipan ko."
Ngumisi ako ng pilit, "Lasing ka—" Mabilis niyang nilamon ng halik ang labi ko na siyang nagpaputol sa sasabihin ko! Madali akong nanghina sa mapusok na halik na ibinibigay niya sa akin habang ang kamay naman niya ay nakapulupot sa bewang ko. Sa hindi ko malamang dahilan ay tinugon ko iyon, lasang lasa ko ang alak mula sa bibig niya pero hindi ko alam kung bakit mas nagpapasarap iyon sa pakiramdam ko ngayon.
Nagsisimula na ring lumikot ang kanyang kamay sa iba't ibang parte ng katawan ko dahilan para mas lumalim ang paghalik namin sa isa't isa. Pero mabilis kaming napahinto nang may nag doorbell, mabigat ang paghinga naming dalawa, humaplos ang palad niya sa braso ko at napapikit ako nang halikan niya ang noo ko.
"Your dress is here." Bulong niya sabay halik sa tungki ng ilong ko. "We need to get out of here, hindi mo alam kung gaano ako kasabik sayo." Dagdag pa niya bago pa ako maingat na binitawan saka naglakad siya patungo doon sa pinto. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ko mapigilan ang pagtibok nito ng mabilis.
"Thanks, Red." Dinig kong aniya.
Makisig ang paglakad ni Sebastian nang ilapag niya sa kama ang bagong long gown na dinala ni Mr. Red, hindi ko alam kung kailan niya inutos iyon pero napaka bilis na makakuha agad siya ng ipamamalit sa nabasa kong long gown. Muli siyang naglakad palapit sa akin, napasinghap ako nang hawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil iyon. "It would be a pleasure to undress you again, Dannie." Malambing na bulong niya habang pinagmamasdan ako sa aking mga mata.
"But I need to control myself tonight," Sandali niyang hinalikan ang ibabaw ng kamay ko bago siya tumalikod at itinuon doon sa city lights ang kanyang paningin.
Huminga ako ng malalim upang habulin ang mabilis na pintig ng puso ko at muli akong napatingin doon sa long gown na nasa kama, kinuha ko iyon at tumungo sa CR upang magbihis.
Nang maisuot ko na ang bagong dress ay kaagad akong lumabas ng CR, nagulat ako dahil nakaabang na siya doon sa may gilid ng pinto ng CR. Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa ngunit bumalik ang tingin niya sa dibdib ko. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mata saka padabog na isinuksok sa bulsa ang kanyang kaliwang kamay.
"Are you provoking me on purpose?" Halos manginig ang binti ko nang muli nang magtagpo ang mata naming dalawa. "W..what?" Wala sa sariling sambit ko.
Ibinaba ko ang tingin ko sa aking dibdib at napakagat ako sa labi ko dahil kagaya ng sinabi ko kahit anong isuot ko ay talaga namang kapansin pansin ang hinaharap ko, aminado akong malusog ito at tayong tayo.
Humugot ng malalim na paghinga si Sebastian, he grabbed my arms and pulled me to himself, my soft breasts were crushed against his hard chest. "I'm sorry, Dannie, but I cannot hold it any longer. Bahala na munang maghintay ang mga bisita ko sa ibaba." He growled and he kiss me so hard.
I moaned when he penetrated his tongue into my mouth. He embraced my neck with his right hand, deepening our kiss more, habang patuloy ang paglalaro ng dila niya sa labi ko. I moaned loudly to his mouth na mas lalong nagpagigil sa kanya.
Muli ko na sanang tutugunin ang kanyang halik but he suddenly broke off our kiss, mainit at malalim ang pagtitig niya sa akin habang pareho kaming naghahabol ng hininga.
Marahan niya akong itinulak papasok sa CR at itinalikod niya ako sa kanya, napahawak ako sa sink at kita ko ang repleksyon naming dalawa doon sa malaking salamin na parehong sabik ang mga mata. Napalunok ako nang maramdaman ko mula sa likod ko ang pag unbuckle ng pants niya kasunod no'n ang marahas na pagbaba niya sa undies ko!
He lick the side of my neck and then blows on it. I feel a tingle down my spine that makes me shiver. He stares at me in the mirror and places his thumb on my clit and start drawing small circles. I widen my legs to let him explore me more. Napapikit ako sa matinding sensasyon na hinahatid niya sa akin, "Happy birthday, Sebastian..." Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin at biglang lumabas iyon sa bibig ko dahilan upang mas mag init ang pagtitig niya sa akin.
"Best birthday gift ever, baby." Bulong niya at hindi ko na alam kung paano niya naipasok ang galit na pag aari niya mula sa likod ko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top