Kabanata 8
Kabanata 8
Mabigat ang mata ko nang magising ako at hindi rin biro ang masakit na kalamnan ko. Bumalik sa alaala ko ang pinagsaluhan namin ni Sebastian. Wala na siya sa tabi ko ngayon.
Ang huling naalala ko ay nakatulog na ako sa bisig niya nang pareho na kaming sumuko sa katawan ng bawat isa. Tumihaya ako ng higa at inihilamos ko ang palad ko sa aking mukha dahil sa inis sa sarili.
"What do you expect, Dannie?" Bulong ko sa sarili saka kumuyom ang kamay ko sa blanket na nakabalot sa katawan ko. Alam ko namang isa lang akong parausan kahit noon pa. Bahagyang kumirot ang puso ko dahil first time kong magkagusto sa isang lalaki at ito rin ang unang pagkakataon na ipinaubaya ko ang katawan ko ng walang pag aalinlangan.
Ang tanga mo, Dannie. Sasali ka pa yata sa samahan ng mga taong marupok.
Huminga ako ng malalim upang takasan ang kirot sa puso ko. Tanging lamp shade lang ang nakabukas na ilaw ngayon dito sa kwarto ko kaya naman bumangon ako upang buksan ang ilaw kahit na hubo't hubad pa ako, mag isa lang naman ako dito.
Namilog ang mata ko nang makita kong alas otso na ng gabi!
"Gano'n kalala?!" Para akong baliw na kinakausap ang sarili.
Buong kabahayan ko yata ay napwestuhan naming dalawa simula kaninang umaga hanggang hapon kaya hindi na ako magtataka kung bakit sobrang sakit ng katawan ko ngayon. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ang isang 'yon dahil napakatindi talaga niya.
Nagpasiya na akong maligo nang mapansin kong may nakapatong na malaking box doon sa study table ko.
Dannie,
Thank you.
You just made my day. I don't know how am I going to stay focused at work. I hope you liked what we shared together as much as I did, I'm sorry I didn't wake you up alam kong pagod ka. I'll be back in a week, please stay healthy for me.
I waited for you, thank you for coming back.
Sebastian
Wala man siya sa harapan ko ngayon pero ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko at ang mabilis na pintig ng puso ko. Binuksan ko ang box at bumungad sa akin ang isang itim na long gown, nasa ibabaw no'n ang isang birthday invitation card para sa birthday niya next week.
___
Nang matapos akong maglinis ng katawan ay bumaba na ako upang silipin ang sala at kusina. Napakagat ako sa ibabang labi nang mapansin kong putol ang isang paa ng lamesa, kahoy lang kasi iyon at alam kong kami ang may kagagawan ng pagkasira nito.
Nagsimula na akong linisin ang kalat sa buong bahay ko hanggang sa mapag gutuman na ako, oorder nalang sana ako ng pagkain nang may sunod-sunod na pag doorbell akong narinig mula sa labas.
Sumilip ako sa bintana.
"Sino yan?!" Sigaw ko, mabilis akong ginapangan ng kaba dahil alam kong wala na ako sa Singapore kung saan safe talaga ang bahay namin doon.
Nag doorbell pa ulit iyon bago sumagot, "Oh, hi! Magandang gabi ho! Bagong lipat ako dito sa katabi mong bahay." Boses ng lalaki iyon kaya naman mas lalo akong kinabahan.
"Anong kailangan mo?" Sigaw ko.
Narinig kong tumikhim ito, "Ah eh, nagluto kasi ako ng Lasagna! Naparami eh, napansin kong may kapit bahay pala ako nung magbukas ka ng ilaw. Gusto ko sanang i-share yung niluto ko."
"Hindi ako kumakain ng Lasagna!" Sigaw ko saka patalpak na isinara ang bintana.
Napanguso na lamang ako dahil iyon sana ang balak kong orderin. Kaya naman nagbukas nalang ako ng tuna at kumain ng kanin na natira pa sa rice cooker ko. Napapaisip ako dahil hanggang ngayon ay takot pa rin akong magtiwala sa kung sino, pero pagdating kay Sebastian ay napakadali kong bumigay.
Kinaumagahan ay maaga ulit akong lumabas para mag jogging sa park, nila-lock ko palang ang gate nang biglang may magsalita sa gilid dahilan nang pagkagulat ko.
"Mag-jo-jogging ka rin?" Masayang tanong nito, bumaling ako sa lalaking ito. Matangkad siya at naka-pony tail ang kanyang buhok. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil madilim.
Sa halip na sagutin ko siya ay nagsimula na akong mag-jog, pero mukhang hindi yata titigil ito dahil tumabi siya sa akin sa pagtakbo. "Russel nga pala. Ako yung bagong lipat jan, yung magbibigay sana ng Lasagna kagabi." Litanya niya na siyang inilingan ko.
So, siya pala yung makulit from last night. Binilisan ko na ang pag jog patungo sa park at laking pasasalamat ko dahil hindi na niya ako kinulit pa.
Palabas na si haring araw at medyo marami na rin ang tao dito sa park. May mga batang nagtatakbuhan at naglalaro ng soccer sa damuhan habang ang ilan ay isang pamilya na masayang hinihintay ang pagsikat ng araw. Naupo ako sa damuhan at hinayaan kong madama ang sinag ng araw habang nakapikit ako.
Sobrang miss na miss ko na ang Nanay at Tatay ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng tadhana ngayong nagpasiya na akong harapin ang lahat ng tinatakbuhan ko noon. "Miss!!!" Napamulat ako nang may sumigaw ng malakas at laking gulat ko nang sumalampak sa harapan ko ang lalaking kapitbahay ko doon sa damuhan saka tinamaan siya ng bola ng soccer sa kanyang mukha!
"Aw!" Sigaw niya saka nakapikit na hinawakan ang kanyang kanang mata.
"Naku! Sorry po!" Paumanhin ng bata nang kuhanin niya ang bola. "It's fine!" Ani nitong lalaking 'to.
"Hindi naman masakit." Ngisi niya pero napangiwi ako dahil namumula ang mata niya, muling humingi ng paumanhin ang bata at saka tumakbo pabalik sa mga kalaro niya.
"Are you okay?" Usisa niya sa akin, hindi ko na naiwasang matawa. "Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko niyan?" Halakhak ko, napangisi siya at umiling. "Muntik ka nang tamaan." Sabi niya.
"Uhm. Thanks." Matabang na sambit ko.
"Russel." Muling pakilala niya saka inilahad ang kanyang kamay, sandali kong pinagmasdan iyon saka tinanggap. "Dannie." Pakilala ko, nagliwanag ang kanyang mukha nang tanggapin ko ang kamay niya.
"Nice name." Ngiti niya saka hinila niya ako patayo bago siya nagpagpag ng katawan niyang nadumihan dahil sa pagkakasalampak sa damuhan. Naglakad kami patungo sa bench pero naisip kong bilhan siya ng tubig na malamig.
"Gano'n ba kalala?" Ngisi niya nang iabot ko sa kanya ang tubig. "Pulang pula yang mata mo." Puna ko saka kinuha niya ang tubig at idiniin iyon sa mata niya.
"Mabait naman pala ang kapit bahay ko." Ngisi niya, napagmasdan kong mabuti ang mukha niya dahil maliwanag na, matangos ang ilong niya, may pagka singkit, medyo makapal ng kaunti ang labi pero may itsura naman siya sa paningin ko.
"You don't really like lasagna?" Usisa niya, naalala ko kung paano ko siya pag sungitan kagabi dahil sa inaalok niyang pagkain.
"No. Hindi lang talaga ako tumatanggap ng pagkain sa hindi ko naman kilala." Sabi ko saka tumingin sa mga naglalaro, natatawa ako sa sarili ko dahil sa mga pinagsasasabi ko. Hindi nga ako tumatanggap ng pagkain sa hindi ko kakilala pero nagpapagamit naman ako ng katawan sa kung sino lang.
"Hmm, I see. Pero kapit bahay mo na ako ngayon, so magkakilala na tayo." Madaldal ang isang 'to kaya naman tumayo na ako upang maglakad pauwi, tutal naman nakapag pasalamat na ako sa ginawa niyang pagharang sa bola, pero mabilis siyang sumunod sa akin para sabayan ako sa paglalakad.
"Alam mo dapat mag request tayo sa main office nitong subdivision na maglagay pa sila ng mga ilaw sa bawat kanto, masyadong madilim kapag gabi." Panay pa rin ang daldal niya kahit na hindi ko siya pinagpapapansin.
"Mag jo-jogging ka ulit bukas?" Tanong niya ngayong binubuksan ko na ang gate ng bahay ko.
"Depende." Matipid na sagot ko. "Sige, sabayan kita bukas!"
Tinignan ko siya na ngayon ay ngiting ngiti sa akin, napailing nalang ako dahil sa kakulitan niya.
"Bye, Dannie!" Sigaw pa niya nang italpak ko na ang gate.
__
Mabilis tumakbo ang oras, nagtitingin ako ngayon sa online kung anong magandang negosyo. May ipon naman ako kaya alam kong kaya kong magsimula kahit simpleng negosyo lang. Iyon na yata ang pinakatamang ginawa ko sa buhay ko. Lahat ng kinita kong pera sa pagtatrabaho sa bar sa loob ng walong taon ay inipon ko sa banko hanggang sa makabili ako nitong bahay na tinutuluyan ko ngayon.
At heto na ako ngayon, nasa Pilipinas at nag iisip ng dapat inegosyo sa natitira ko pang ipon. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko noon na mamamalagi ako dito sa Pinas sa mahabang panahon, sa isip ko nga ay magiging bahay bakasyunan ko lang itong bahay ko ngayon.
Tanggap kong hindi ako basta makakahanap ng trabaho dito sa Pinas dahil wala naman akong natapos, kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na pagdating ng araw magkakaroon ako ng sarili kong negosyo kahit maliit lang.
Maraming lumalabas sa bawat search ko pero paulit ulit akong bumabalik sa pag oonline selling ng mga damit at bags.
"Mukhang malakas naman." Bulong ko sa sarili.
Naalala kong may kapatid nga pala si Tony sa Thailand kung saan nakilala ko siya nung nag travel kami noon nila Leila at Tony sa Thailand. Maraming magaganda at murang damit doon, mabilis ko siyang hinanap sa facebook upang magtanong kung pwede niya akong bagsakan ng mga murang damit papunta dito sa Pinas.
Isasara ko na sana ang laptop ko nang may biglang nag doorbell, huminga ako ng malalim sa isipin na baka si Russel na naman iyon, pero mali ako dahil sa narinig kong sigaw.
"Dannie! Yoohoo!" Boses palang ay alam ko nang si Valeen iyon, kaagad akong lumabas at nang buksan ko ang gate ay binigyan niya ako nang napakagandang ngiti. Nakapulang dress siya ngayon na hapit sa kanyang katawan habang nakalugay ang mahabang buhok. Napakaganda talagang tunay nitong babaeng ito.
"Hey!" Nasa likod niya si Austin na naka-dark blue na t-shirt at maong pants, napaka gwapo nitong pagmasdan, maging ang kanyang pangangatawan ay napakaganda ng pagkakahulma at masasabi kong bagay talaga itong dalawa na 'to.
"G?" Ngisi ni Valeen, umangat ang labi ko sa pagtataka. Tumawa siya saka hinawakan ako sa aking braso.
"Come on! It's weekend, deserve nating mag bar! Kaya magbihis ka na at magsasaya tayo buong gabi!" Excited na aniya saka pinagtulakan niya ako papasok sa bahay.
Mabilis pa sa alas kwatro akong pinagbihis ni Valeen at hanggang ngayon ay tuwang tuwa siya sa suot kong dark green na dress na siyang hapit din sa aking katawan. Nylon fabric ito kaya naman napakaganda nang pagkakabagsak kapag suot.
"Napaka sexy! Ang lusog lusog." Panunuya niya sa dibdib ko dahilan ng pag iling ko.
Maging si Austin ay napailing nalang kay Valeen, "I'm sorry, ganyan talaga magsalita yan."
"No worries, parang sanay na nga ako sa kanya kahit ilang araw ko palang siyang nakakasama." Sabi ko saka excited na kaming sumakay sa kotse ni Austin. Pinagmasdan ko si Valeen na ngayon ay inaayos ang kanyang eyelashes. I really have this feeling na parang si Leila at Tony siya, kaya siguro madaling gumaan ang loob ko sa kanya. Si Austin naman ay madali ko ring nakagaanan ng loob nung mapagmasdan ko silang dalawa ni Valeen noon sa eroplano.
"Mas okay sana kung kasama natin si Sebastian." Biglang sabi ni Valeen na nagpakabog sa puso ko, madaling sumagi sa isip ko ang lahat ng ginawa namin kahapon. Lumunok ako at nag iwas ng tingin kay Valeen. Nasa Hawaii nga pala ang isang 'yon dahil sa business meeting niya, sa pagkakaalala ko ay isang linggo siyang maglalagi doon.
"Alam mo namang busy yung taong 'yon." Narinig kong sabi ni Austin habang nagmamaneho.
"Well, malapit ka na ring maging busy." Nguso ni Valeen, ngumisi si Austin. "Kahit gaano pa ako kabusy, kapag tumawag ka naman diretso ako sayo." Hindi ko maiwasan ang pag ngiti sa dalawang ito, alam kong wala silang relasyon pero halata kay Austin ang pagkagusto niya kay Valeen.
"Sabagay. Ang galling mo talaga!" Halakhak ni Valeen saka isinarado ang kanyang maliit na bag. "Panigurado ang dami na namang babae no'n ni Sebastian sa Hawaii." Buntong hininga niya.
"Huh?" Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ko napigilan ang pagrereact ko, bumaling sa akin si Valeen at ngumiti. "Huwag mo nalang akong pansinin. Alam mo kasi, best friend ko yang si Sebastian. Lahat yata ng bansang napuntahan no'n may naka one night stand siya." Kwento ni Valeen na nagpalunok sa akin.
Hindi naman na ako nagulat pa doon, dahil napatunayan ko talagang kayang kaya ni Sebastian na makipagsabayan sa kahit na sino pang babae ang iharap sa kanya. Pero hindi ko alam kung bakit parang nahihirapan akong huminga ngayong nalalaman ko ang ilan sa mga pinag gagagawa niya bilang isang lalaki.
"Masyado ka naman sa pinsan ko, Val." Tawa ni Austin na naka-focus ang mata sa pagmamaneho.
"Why? Sinasabi ko lang ang totoo."
"Which is, nakalipas na. Alam mo namang nagbago na yung tao eh." Pagtatanggol ni Austin kay Sebastian.
Ngumuso si Valeen, "Nagbago? Naku ewan." Naiinis na sabi niya.
Buong biyahe ay naging tahimik na si Valeen, hanggang sa makarating na kami sa isang hotel.
"Sobrang ganda ng rooftop bar nila Seb dito." Pagmamalaki sa akin ni Valeen ngayong nakasakay na kami sa elevator.
"Sa kanila 'to?" Hindi makapaniwalang sambit ko, tumango si Valeen at ngumiti. "Cando family is so fucking rich. Kaya kung mangungutang ka at walang bayaran, sa kanila ka mangutang." Halakhak ni Valeen.
"Mag e-enjoy ka. Promise." Kindat ni Austin sa akin.
Pagkabukas pa lang ng elevator ay dumadagundong na kaagad ang tugtog dito sa rooftop. Nagsisigawan ang mga tao at may mga nagsasayaw doon sa gitna ng dance floor. Mabilis ang ikot ng neon lights at medyo foggy na rin ang paligid dahil sa usok ng sigarilyo.
"Woohoo!" Sigaw ni Valeen at saka hinila ako sa dance floor matapos akong abutan ng alak na magkasabay naming tinungga. Si Austin naman ay sumasayaw sayaw na rin habang nakasunod sa amin, pinili ko nalang din mag enjoy dahil alam kong kapag nagsimula na ako sa negosyo ko ay malilimitahan na ang pag gimmick ko.
"Girl, panalo. Ang daming matang nakatingin sayo." Ani Valeen, tumawa nalang ako ng pilit dahil kahit kailan ay hindi ako natutuwa sa mga pagtitig na ginagawa sa akin ng mga kalalakihan sa tuwing nasa bar ako. "That's not good." Ani Austin at saka hinarangan niya kaming dalawa ni Valeen, inakbayan niya kami at nagpatianod kami ni Valeen sa kanya patungo sa isang lamesa kung saan may mga alak pa.
"Ang KJ talaga nito!" Inis na sambit ni Valeen saka tumungga ng alak.
"Come on, kesa mapaaway pa ako dahil sa kasexyhan niyong dalawa." Ani Austin saka uminom rin.
Ngumiti nalang si Valeen saka nakipag cheers sa akin at sabay kaming uminom. Panay din ang selfie niya kasama ako at puro post siya sa IG Stories niya. "Anong IG mo? Para matag kita." Usisa niya sa akin kaya naman tinipa ko sa cellphone niya ang username ko at finallow namin ang isa't isa.
"Ang taray girl, model na model ang datingan." Manghang sabi ni Valeen habang nagba-browse sa mga photos ko.
"Anong work mo sa Singapore? Bet ko ang mga damit and bags mo ha?" Biglang tanong niya na nagpalunok sa akin, sandali ko silang tinignan ni Austin na ngayon ay nag aantay ng isasagot ko. Gumapang ang kaba sa puso ko dahil hindi ko alam kung matatanggap pa rin ba nila ako kapag nalaman nila kung anong trabaho ang mayroon ako noon. Paano kung malaman nilang ang mga bags at damit ko ay produkto ng karumihan ko.
"Ah..." Simula ko at nakangiti pa rin silang dalawa habang naghihintay ng isasagot ko at nabitawan ko ang alak na hawak ko nang maramdaman kong biglang nag vibrate ang cellphone ko.
"Ohh! Careful!" Hiyaw ni Valeen at saka humila ng tissue at pinunasan ang hita ko na natapunan ng alak.
"I'm okay..." Mahinang sambit ko at patuloy pa rin sa pag vibrate ang phone ko.
"Hindi mo ba sasagutin?" Magkasabay na tanong nila.
"Ha?"
"Yung call?" Patanong na sagot ni Valeen sa akin at para akong nahimasmasan kaya mabilis na dumako ang atensyon ko doon sa cellphone ko.
"Oh yeah, excuse me." Sabi ko at tumungo ako sa washroom upang sagutin ang tawag pero nawala na iyon, kumunot ang noo ko nang mapansin kong naka 20 missed calls na ang isang international number sa akin. Bukod kay Valeen at Austin wala na akong pinag bigyan pa ng bago kong number.
"Ah. Tony? Leila?" Sa naaalala ko ay iminessage ko sa kanila ang mobile number ko. Ilang saglit pa ay nag vibrate ulit ang cellphone ko, kaagad kong sinagot iyon.
"Hello?" Pero tahimik lang sa kabilang linya, "Hello??" Muling sambit ko.
"Are you enjoying the night?" Napaatras ako nang marinig ko sa kabilang linya ang lalaking lalaking boses ni Sebastian. Nasapo ko ang aking noo nang maalala kong puro pictures namin ni Valeen ang nasa IG stories niya, malamang ay nakita niya iyon. Pero paano niya nalaman ang number ko?
Tumikhim ako at ngumiti na para bang nakikita niya ako. "Uhm, well, enjoy kasama si Valeen at Austin."
"I know." Aniya at narinig kong parang uminom siya.
Sandali kaming natahimik, tumikhim siya, "You better enjoy the night, the bar will close in 10 minutes." Aniya na nagpakunot sa noo ko.
"What?" Pagtataka ko, pero imbis na sagutin niya ako ay pinagbabaan na niya ako ng tawag.
Napailing nalang ako saka bumalik na ako sa table kung saan masayang masaya si Valeen at Austin na nagkukwentuhan.
"Hey!" Kaway sa akin ni Valeen saka umusod siya at pinaupo ako sa tabi niya.
"Gutom ako nito mamaya for sure! Ang dami ko nang nainom." Ngisi ni Valeen, hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil biglang nawala na sa isip nila ang kaninang pag uusap namin tungkol sa trabaho ko.
"We can eat later, daan tayo mamaya sa drive thru." Anyaya ni Austin na siyang tinanguan namin ni Valeen.
Mas lalong lumakas ang tugtog sa buong rooftop at nagiging wild na ang mga tao, tumayo si Valeen at hinila kaming dalawa ni Austin at saka sumayaw kami doon sa dance floor! Panay ang halakhakan namin dahil na rin sa tama ng alak na nainom namin pero natahimik ang lahat nang mamatay ang ilaw sa buong rooftop at huminto ang malakas na tugtog.
Nabalot ng bulungan ang buong paligid.
"What the hell?!" Sigaw ng isang babae.
"Come on! Nag eenjoy ang tao!" Sigaw ni Valeen, binuksan ni Austin ang ilaw sa cellphone niya at marahang hinila ang isang waiter na may dalang tray ng baso.
"What happened?" Tanong ni Austin.
"Sir Austin!" Gulat na bati nito, "Ahm, Sir close na po." May mga nakarinig no'n dahilan para madismaya ang mga tao.
Kumunot ang noo ni Austin, "What? Alas diyes palang ng gabi. Hanggang alas dos pa ang bar."
"Eh yun nga po Sir eh. Pero nakatanggap po kasi ng tawag mula sa itaas na kailangang i-pest control ang buong rooftop." Paliwanag nito.
"You better enjoy the night; the bar will close in 10 minutes." Biglang nag echo sa pandinig ko ang boses ni Sebastian na siyang nagpailing sa akin.
"What the..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko.
"Out of the blue? Pest control? Do you even know kung magkano ang mawawala ngayong gabi dahil sa biglaang pest control na yan?" Tumaas na ang boses ni Austin, para namang kinabahan ang waiter.
"Sorry po, Sir, nakinig lang po kami kay Sir Sebastian!" Aniya na mas lalong nagpakunot sa noo ni Austin.
"Oh fuck. Is this a prank?" Walang ganang sambit ni Valeen, magsasalita pa sana si Austin pero huminto na siya nang mapansin niyang nagsisilabasan na ang mga tao without even paying.
Wala kaming nagawa kundi ang lumabas na rin.
"Come on, bro, hindi nagbayad lahat ng guest kanina." Kausap na ngayon ni Austin sa cellphone si Sebastian at kanina pa siya hindi mapakali. Naka loudspeaker si Sebastian sa sasakyan ni Austin. Habang kami ni Valeen ay kumakain na ngayon ng burger dito sa likod ng sasakyan niya.
"Hindi naman natin ikalulugi ang isang gabi." Matabang na sambit niya.
"I know, pero bro isipin mo naman yung damage na pwedeng ibato sa atin dahil lang sa isang gabi."
"Hmm, tama yan. Awayin mo yang pinsan mong baliw." Ngisi ni Valeen.
"That's not going to happen, maniwala ka. Umuwi na kayo." Paninigurado ni Sebastian sa pinsan.
Huminga ng malalim si Austin at nahilamos niya ang kanyang mukha, "Kung hindi lang kita pinsan nasapak na talaga kita."
"Do it. Hindi kita pipigilan." Punong puno ng panunuya ang boses ni Sebastian.
"Fuck you bro." Saka pinatay ni Austin ang tawag.
Hindi na ako makaimik dahil hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang nangyayari ngayon. Badtrip na badtrip ang itsura ni Austin ngayon, nagsimula na siyang magmaneho na may malalim na paghinga, nagkatinginan kami ni Valeen.
"Mawawala din ang inis niyan, mabilis gumaan ang loob niyan." Bulong ni Valeen saka tinaas taas pa niya ang kilay.
"Nakakatakot ha?" Ngumingising bulong ko.
Biglang nag vibrate ang cellphone ko at napalunok ako nang makita kong international number na naman iyon. Sandali akong sumimsim sa soft drinks na hawak ko bago ko pinindot iyon at itinapat sa aking tenga.
"Next time, huwag kang pupunta sa bar na hindi ako kasama. Hindi lang peste ang uubusin ko sa bar, pati mga matang matutulis na titingin sayo." Banta niya na nagpaawang sa bibig ko at hindi ko alam kung bakit gumapang ang kaba sa dibdib ko.
"That's not good, Dannie. I don't have any problem with your clothes as long as you are comfortable with it. But not tonight, Dannie. Buti sana kung kasama mo ako, then you can wear whatever the hell you want."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top