Kabanata 3


Kabanata 3

Nakabalot na ngayon sa katawan naming dalawa ang puting blanket habang panay ang hithit at buga ko sa yosing hawak hawak ko. Nakasandal kami sa head board ng kama.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko saka ibinuga ang usok. Sandali siyang napabaling sa akin pero kaagad nakasagot.

"Sebastian, ikaw?" Kagaya ng sa pag ungol niya kanina, lalaking lalaki ang kanyang boses.

"I'm Dannie, magaling ka ha?" Ngisi ko saka bumangon ako para kumuha ng tubig doon sa mini bar. Hindi na alintana sa akin na maglakad ng hubot hubad sa harapan ng kahit sino mang makatabi ko gabi gabi. Sinundan niya ako ng tingin at bumangon din siya saka lumapit sa akin, inabutan ko siya ng isang bote ng tubig.

Kinuha ko ang bathrobe na naka provide na dito sa hotel at binalot ko iyon sa katawan ko, binuksan ko ang glass door ng balcony para lumanghap ng hangin. Tanaw na tanaw ko ang city lights ng buong Singapore. Narinig kong sumunod siya sa akin, kagaya ko naka-bathrobe na din siya.

"Wala kang ibang trabaho?" Biglang basag niya sa sariling katahimikan, masasabi kong simula nang makita niya ako kanina sa bar ay bilang na bilang ko pa rin ang mga salitang binibitawan niya. Pwera lang sa mga ungol na pinakawalan niya sa pinagsaluhan naming dalawa.

"Wala, wala naman akong natapos. Hanggang grade six lang ako." Halakhak ko.

Tinignan ko siya na ngayon ay nakatingin na rin sa kalayuan, gwapo talaga ang isang ito at matangkad pa. Hindi ko rin maiwasan na humanga sa jaw line niya. Natawa ako dahil gulo gulo ngayon ang buhok niya dahil sa pagsabunot na ginawa ko sa kanya kanina pero napaka hot niyang tignan.

At nung nakahubad siya kanina masasabi kong maganda ang pangangatawan niya at may ipagmamalaki talaga doon sa gitnang parte niya.

Huminga ako ng malalim, "Hanggang grade six lang dahil wala na akong pamilya, ang Tiyahin ko kulang nalang ibenta na ako sa matatanda." Mapait na kwento ko, natigilan ako dahil isang ekstranghero nga pala ang kaharap ko ngayon na naging ka-one night stand ko lang.

Kunot noo siyang bumaling sa akin, sa pagkakataong ito hindi ko mabasa ang emosyon niya. "Ibenta?" Naguguluhang tanong niya.

Sandali ko muna siyang tinitigan, "Alright, tutal naman hindi na tayo magkikita bukas, wala namang masama kung ikukwento ko sayo." Tumatawang sabi ko.

"Dahil nga namatay na yung mga magulang ko, naiwan ako sa mga Tiyahin ko. May mga anak din sila, syempre mas uunahin nilang pag aralin ang mga anak nila kesa sa akin. Ang ginawa ko? Self study, nanghihiram ako ng mga libro sa mga pinsan ko at ako na mismo nagturo sa sarili ko. Sinubukan kong magtrabaho para sana may pang enroll na ako, pero lahat ng kinikita ko kinukuha ng Tiyahin ko dahil may utang na loob daw ako sa kanila. Limang taon din akong tumira sa kanila, hanggang sa tumuntong ako ng dise otso, ni-rape ako ng asawa ng Tiya ko." Litanya ko, ramdam na ramdam ko ang malalim na pagtitig niya sa akin ngayon kaya naman hindi ako bumaling sa kanya, dahil ayokong makita na kinaaawaan na naman ako ng isang tao.

"Isinumbong ko, pero binaliktad ako ng asawa niya. Ako daw ang nang akit sa kanya. Tangina lang diba? Syempre pinaniwalaan siya ng Tiyahin ko, hanggang sa isang araw may dumating na ibang lahi sa bahay, pinakilala sa akin ng Tiyahin ko, hindi ko alam binebenta na pala ako. Ganda ko daw eh, ang sexy ko pa. Aminin mo, nag enjoy ka sa hinaharap at katawan ko." Natatawang patuloy na kwento ko pero nagsalita siya at ramdam ko ang pagbabanta doon. "Nakukuha mo pang mag biro?" Pagsusungit niya.

Tumawa ako at kinurot ko siya sa tagiliran niya pero mukhang hindi naman siya nasaktan. "Nagbibiro lang naman ako, ayoko na kasing alalahanin pa iyon. Pero dahil pinatapos mo ako kanina ng dalawang beses, aalalahanin ko para sayo." Pilyang sabi ko saka kinindatan ko siya pero kita ko na ang pag aalab sa mata niya dahil sa galit, alam kong hindi siya sa akin galit, kundi sa ikinukwento ko ngayon.

"Pero dahil nanaig yung tapang ko, nakatakas ako. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang makalayo na ako sa kanila. Hindi na ako bumalik pa doon, wala na akong ibang mapuntahan, gutom, pagod, luha, doon ko na yata naramdaman lahat ng sinasabi nilang halo halong emosyon." Hindi ko na napigilang lumandas yung luha sa pisngi ko pero nakangiti kong pinahid iyon, wala naman akong ibang magagawa sa buhay ko kundi ang ngumiti nalang.

"Hanggang sa may nakakita sa akin na isang may ari ng bar, binigyan niya ako ng trabaho, kung anong trabaho ko ngayon, yun ang trabaho ko noon. Uminom ng alak araw araw, humalik ng iba't ibang lalaki, pumayag magpakama pero depende sa bayad. Hanggang sa lumaki nang lumaki yung kita ng bar na pinapasukan ko, kailangan magpadala ng entertainer dito sa Singapore, syempre gina-rab ko na agad! Singapore na 'to! Mas malaking pera, pero hindi naman lahat ng entertainer ginagawa ang ginagawa ko. Depende na yon sa pangangailangan, eh matindi yung pangangailangan ko." Humalakhak ako saka bumaling ako sa kanya pero nanatili siyang nakatitig sa akin.

"Ikaw ha? Kanina mo pa ako tinititigan ng malalim, siguro nagagandahan ka sa akin ano?" Pagbibiro ko para lang makatakas sa nakakapanginig binti na pagtitig niya.

"You're beautiful, hindi ko naman itatanggi iyon." Seryosong sagot niya sa akin saka humawak doon sa hand rail at muling tumingin sa malayo. Madalas ko namang marinig iyon sa mga guest ko, pero bakit iba ang epekto sa akin nang sa kanya ko iyon marinig.

"Natatandaan mo ba ang pangalan ng mga Tita mo?" Hindi ko alam pero nakakatakot ang tono ng pananalita niya.

"Bakit? Ipapahuli mo ba sila?" Biro ko sa kanya pero napahinto ako nang muli siyang bumaling sa akin at nandoon ang galit sa kanyang mata, "Human trafficking is a serious crime, Dannie! Nakukuha mo pa ring magbiro sa kabila ng mga nangyari sayo?" Punong puno ng galit ang boses niya at nanlaki ang mata ko doon! Padabog siyang pumasok sa loob, kumalabog din ang puso ko. Sumunod ako sa kanya doon sa loob at isinara ko ang glass door ng balcony.

"Teka lang, bakit affected ka?" Natatawang tanong ko sa kanya pero isang mabigat na paghinga ang ginawa niya. "Naaawa ka ba sa akin? Huwag dahil ayokong kinaaawaan ako." Banta ko sa kanya na siyang nagpaawang sa labi niya, mariin niyang ipinikit ang mata niya at inihilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha saka padabog na hinubad niya sa harap ko ang suot niyang bathrobe at sinuot ang kanina niyang damit saka nag sapatos.

Naglakad na siya patungo doon sa pinto pero sinigawan ko siya, "Hoy! Bayad mo!" Bulyaw ko, sandali siyang napahinto, "I'm not going to pay you, kagaya ng sabi mo, pinatapos kita. Sapat na siguro yon." Aniya saka mabilis siyang lumabas at malakas na itinalpak ang pinto. Sa hindi ko malamang dahilan, tumulo ang luha ko at napaupo ako sa sahig.

Kinabukasan ay maaga na akong bumangon para mag check out sa hotel, nakatulugan ko na naman ang pag iyak pero hindi na bago sa akin iyon. Siguro hanggang mamatay na ako ay iiyak lang ako nang iiyak.

Nasa reception area na ako para magbayad pero laking gulat ko dahil bayad na daw ang room na tinuluyan namin kagabi ng guest ko. Lutang akong lumabas ng hotel pero mabilis akong natauhan nang makita ko siyang nakasandal doon sa kulay itim na sasakyan, naka navy blue siyang long sleeves na polo at maong pants. Mainit ang pagtitig niya sa akin nang buksan niya ang pinto ng passenger seat.

"Get in." Utos niya sa akin, gusto ko sanang magreklamo pero nauna na siyang sumakay at talaga namang hindi siya umalis doon hangga't hindi ako sumasakay. Tutal naman ay hindi niya ako binayaran kagabi, libreng sakay nalang.

"Anong nakain mo at binalikan mo ako?" Usisa ko sa kanya, pero hindi niya ako sinagot. Sa halip ay mas nag focus siya sa pagmamaneho. Ilang sandali pa ay huminto kami sa waterfront Merlion Park, kung saan nandoon ang isa sa pinaka famous selfie spot ng turista ng Singapore ang half-fish and half-lion statue.

Bumaba siya kaya naman sumunod ako sa kanya, "Anong akala mo hindi pa ako nakakapunta dito?" Ngisi ko sa kanya pero hindi nawala ang pagkunot ng noo niya, sumunod pa rin ako sa kanya kahit pa ang sungit sungit niya sa akin.

Nakapamulsa siya habang pinapanood ang tubig na bumabagsak doon sa bibig ng statue. Tumabi ako sa kanya, "Bakasyunista ka lang dito, ano?" Tanong ko sa kanya.

"May business meeting ako dito." Matipid na sagot niya, "Wow! Big time ka pala eh. Pa-business-business meeting ka nalang." Biro ko sa kanya na para bang walang nangyaring sagutan sa amin kagabi. Hindi naman ako sensitive na tao lalo pa at hindi ko naman talaga siya kilala.

"Sumama ka sa akin." Biglang sambit niya na nagpatingala sa akin sa kanya. "Flight ko na mamayang gabi. Umuwi ka na ng Pilipinas." Patuloy niya, sandali akong napaseryoso sa sinabi niya pero mabilis akong tumawa.

"Okay ka lang ba? Nandito ang buhay ko sa Singapore, dito na ako mamamatay. Hindi ako uuwi ng Pinas, dahil dun ko naramdaman ang lahat ng sakit." Mariin na sabi ko sa kanya pero nanatili akong kalmado. Tumitig siya sa akin, "Nandito ang buhay mo? Are you serious? Binebenta mo ang katawan mo sa kung sino sino!" Ayan na naman ang pagtataas niya ng boses sa akin, hindi ko alam kung paano nangyari na sa isang gabi lang ay parang kilalang kilala na niya ako sa mga pananalita niya!

"Hoy, Mister, wala kang karapatang pag sabihan ako, dahil unang una hindi mo naman katawan mo ang binebenta ko at pangalawa buhay ko 'to!" Sagot ko sa kanya na nagpakuyom sa kamao niya, mas lalong lumalim ang pagtitig niya sa akin.

"Come on, Dannie, hindi ka ba natatakot? Baka mabuntis ka na kung sino! At pag nabuntis ka hindi mo alam kung sino ang Tatay ng anak mo!" Sermon niya sa akin na nag pakirot sa puso ko dahil isang ekstranghero ang humuhusga ngayon sa katauhan ko.

"I'm not stupid, Sebastian, nagpipills ako." Dahilan ko sa kanya.

"Nakahanap ka na naman ng palusot! Paano kung magkasakit ka?!" Galit na galit na siya.

"Edi, magkasakit! Tutal naman yun naman ang purpose ko sa mundong 'to diba? Ang magkasakit, masaktan, at saktan ng paulit ulit! Wala naman akong magandang lugar dito sa mundong 'to, kundi mag iwan ng pangit na alaala. So, bakit pa ako mag aalala sa buhay ko? Eh wala ngang may paki sa akin! I don't even want to think about kung anong mangyayari sa akin mamaya, bukas o sa isang araw, hinihintay ko nalang na mamatay nalang ako!" Tuluyan nang pumiyok ang boses ko at kasabay non ang pagtulo ng luha ko, nanginig ang pagtitig niya sa akin.

"That's why, I'm here! I don't know, pero sa lahat ng entertainer na nandoon sa bar niyo kagabi, ikaw yung pinaka tumatak sa akin. I'm here to change your life, Dannie. Bibigyan kita ng matinong trabaho! Hindi yung ganyan kung sino sino ang humahawak sa katawan mo!" Punong puno ng desperation ang boses niya at hindi ko maiwasang matakot sa matigas na pananalita niya na mas lalong nagpabuhos sa luha ko, isang ekstranghero ngayon ang nagpapabalik sa lahat ng sakit na naranasan ko noon, or let me say sakit na hindi naman naalis kahit noon pa.

Kahit pa parang nakikita ko sa mga mata niya ang sensiridad, ayokong patulan iyon dahil natatakot akong masaktan na namang muli.

"No, hindi naman kita kilala. Isang gabi lang naman tayo nagkakilala, so, bakit ko ipagkakatiwala sayo ang buhay ko? Kadugo ko nga nakuha akong ibenta sa iba, ikaw pa kaya na hindi ko kadugo? Huwag mong sabihing nahibang kita dahil sa isang gabing sarap?" Mariin na pahayag ko na nagpaangat sa labi niya at nagpanginig sa mga mata niya.

"The past cannot be changed, Sebastian, at kung may babago ng buhay ko, hindi ikaw yon, kundi ako." Pagtatapos ko at naglakad na ako palayo sa kanya, patuloy ang punas ko sa walang tigil na pagtulo ng luha ko.

"Huy, mag-kwento ka naman, balita ko nakasungkit ka ng business man kagabi ah? Panalo ba? Balato naman jan! Malaki? Malaki?" Pang aasar sa akin ni Tony, siguro ay nakwento na sa kanila ng floor manager namin na business man yung lalaking 'yon, kakatapos ko lang make-up-an ang sarili ko at hinihintay ko nalang ang tawag sa amin ng Manager ko.

"Tumigil ka nga diyan," Ngisi ko saka ginawang abala ko ang sarili ko sa cellphone, ayoko nang maalala pa kung paano ako nasaktan ng isang ekstranghero sa loob lamang ng isang gabi.

"Gwapo pa naman yon. Mukhang big time sa Pinas." Singit ni Leila, umiling iling nalang ako saka tumayo at naglakad papunta sa likod ng bar para mag yosi sandali, mabilis lang ang pagyoyosi na ginawa ko.

Papasok na sana ako ng bar nang biglang may humila sa pulso ko, "Sino ka?" Isang lalaking naka tuxedo iyon at matangkad.

"Pinabibigay lang ng boss ko." Sabi niya at saka inabot sa akin ang isang puting sobre saka naglakad na palayo sa akin. "Te-teka lang!!" Tawag ko pero lumiko na siya at tuluyan nang nawala sa paningin ko.

Binuksan ko iyon at dalawang papel ang nandoon. Kinuha ko ang isang papel at binasa ko ang nakasulat doon.

Dannie,

If you change your mind, I'm always here...

Maybe you're right, nahibang mo ako sa isang gabing sarap.

But that doesn't mean na iyon lang ang gusto ko, your smile makes me crazy last night at iyon ang dahilan kung bakit inilabas kita kagabi. Kung bakit nauwi tayo sa isang gabing sarap.

Please, don't stop smiling, Dannie, smile like you've never been hurt and if we see each other again, I wanna be the reason behind your smile, gusto ko maging masaya ka naman sa magandang alaala, kagaya ng sayang iniwan mo sa akin kagabi.

Sebastian.

Sa ilalim ng pangalan niya ay may numero at address ring nakalagay. Hindi ko alam kung bakit may kumurot sa puso ko at kasabay non ang pagtulo ng luha ko, may kung ano rin sa puso ko na kumakatok at parang pinipilit na buksan ito. Pinahid ko iyon at sunod ko namang tinignan ang isang papel, nang ilabas ko iyon sa sobre ay isang cheke iyon na naglalaman kung magkano ang pinag usapan naming presyo kagabi, nakasulat din doon ang buong pangalan niya kung saan may pirma niya.

Sebastian Luke Cando.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top