Kabanata 25

Kabanata 25

"She's Dannie Prieto. My girlfriend." Nanlamig ang kamay ko sa sinambit ni Sebastian, mas lalong humigpit ang kapit niya sa kamay ko at saka hinila niya ako palapit sa katawan niya.

"Sebas—" Hindi ko naituloy ang pagtawag sa kanya dahil nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Dannie, she's my mother. Her name is Briana." Pakilala niya sa Mama niya, tinabunan ako ng malamig na pagtitig nito at hindi nakaligtas sa akin ang mabilis na pagpasada ng mata niya mula ulo hanggang paa ko. Bigla akong nagsisi sa sinuot kong damit dahil alam kong litaw na litaw ang mga balat ko.

Lumunok ako ng sobrang lalim, "G..good evening po." Nauutal na sambit ko, napansin kong magsasalita na sana ito ngunit hindi naituloy dahil may isa pang babaeng lumapit sa gawi namin, maikli din ang buhok nito at sa tingin ko ay kasing edaran din ng Mama ni Sebastian. Maamo ang mukha nito at napaka elegante ng pagdadala nito sa kanyang suot.

"Sebastian, I'm so happy to see you after a long time?" Natatawang patanong na sambit nito at saka humalik sa pisngi ni Sebastian. "Ma, one week lang tayo hindi nagkita." Nakangiting sagot ni Sebastian, bumaling sa akin ang babae at tinignan muli si Sebastian saka nginitian ito ng may halong panunuya.

"Who is this beautiful lady?" Magiliw na usisa nito kay Sebastian.

"She's Dannie Prieto, my girlfriend. Dannie, this is my Mama Claire." Nanlaki ang mata ng tinatawag niyang Mama Claire na para bang napuno ito ng excitement, napansin ko naman ang paniningkit ng mata ng Mama Briana niya.

Sila pala ang kinukwento sa akin ni Sebastian noon na dalawa ang Mama niya. Hindi ko lubos akalain na dito ko pa sila makikilala at parang gusto ko nalang umuwi dahil hindi ko alam paano ba sila haharapin.

"Oh! Magiging masaya ang Daddy mo kapag narinig niya 'yan, after twenty nine years may ipinakilala ka na din sa amin! Hi hija, I'm Sebastian step Mom." Ani nito at napasinghap ako nang halikan ako nito sa pisngi.

"You're in good hands hija." Bulong nito sa tenga ko at para bang nawala ang kaba ko dahil sa sinabi nito sa akin.

"And by the way, this is Briana, Sebastian's birth Mom." Nakangiting pakilala nito at saka hinila ang Mama Briana ni Sebastian palapit sa akin. Ngumiti ito ng matipid at hindi pa rin nagbabago ang malamig na pagtitig niya sa akin.

Ilang sandali pa ay nauna nang pumasok sa loob ang dalawang Mama ni Sebastian, isang maluwag na paghinga ang pinakawalan ko. Tumingala ako kay Sebastian at pansin ko ang malamlam na pagtigtig niya sa akin.

"Sebastian..." Tawag ko sa kanya, marahan niyang pinisil ang kamay ko.

"Are you okay now? Are you still mad at me?" Magkakasunod na tanong niya na nagpaawang labi ko. Sandali akong napakurap dahil hindi ko alam kung bakit nagui-guilty ako, alam ko naman na ako ang unang nang iwan sa kanya doon sa La Union.

"I'm sorry, Sebastian." Iyon lang ang nasabi ko dahil sa totoo lang ay sobrang miss na miss ko na ganito siya kalapit sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko at inayos ang ilang hibla ng buhok ko.

Umiling siya, "Attend muna tayo ng birthday party ni Valeen, okay lang bang mag usap tayo mamaya?" Pakiusap niya na siyang tinanguan ko naman.

Inilagay niya ang kamay ko sa kanyang braso at saka pumasok na kami sa Banquet Hall na hindi manlang siya hiningian ng kahit ano ng receptionist dahil mukhang kilala siya nito, ipinatong niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng kamay ko nang maramdaman niya na humigpit ang hawak ko sa braso niya. Halos lahat kasi ng atensyon ng mga bisita ay nakatuon sa aming dalawa, kanya kanya sila ng bulungan na para bang may pinagpipiyestahan silang chismis.

"Mr.Cando." Huminto kami nang may sumalubong sa kanya na isang lalaki na sa tingin ko ay isang businessman din. Sandaling dumako ang tingin nito sa akin bago muling bumaling sa kanya. Kasing tangkad niya ito, hindi ko alam pero mukhang mas bata ito ng ilang taon kay Sebastian at napupuno ng angas ang bawat kilos nito.

Napatuwid lalo ang tindig ko nang bumitiw si Sebastian sa akin, humaplos ang mainit niyang palad sa likod ko bago niya ipinulupot 'yon sa bewang ko na hindi nakaligtas sa mata ng sumalubong sa amin.

"How are you, Mr.Andrada?" Punong puno ng awtoridad ang boses ni Sebastian na ni minsan ay hindi ko narinig na ginamit niya kay Red, napatingala ako sa kanya at muli kong nakita ang malamig na ekspresyon niya na una kong nakita sa Singapore.

"I'm good, how about you? Sa tingin ko ay mukhang okay na okay ka naman with this beautiful young and fresh lady." Ani nito habang nakapamulsa sabay uminom ng champagne at muli akong tinabunan ng tingin sa paraang hindi ko nagugustuhan. Humaplos haplos ulit ang palad ni Sebastian sa likod ko at mas inilapit niya ang katawan sa akin.

"Va al diavolo, Rafael." (Go to hell, Rafael.) Napakunot ang noo ko dahil hindi ko man naintindihan ang sinabi ni Sebastian ngunit ramdam ko ang galit doon, napahalakhak ng malakas ang lalaki at kulang nalang ay maibuga niya ang iniinom na champagne.

"Chill. Dannatamente serio con lei?" (Chill. Are you fucking serious with her?) Punong puno ng pang aalaska ang boses nito na nagpahigpit sa hawak ni Sebastian sa bewang ko. Muli ko siyang tinitigan at kitang kita ko ang pag aalab ng mga mata niya sa lalaki.

"So cosa hai fatto a Singapore, E la mamma non ne sarà sicuramente contenta." (I know what you did in Singapore, and mom will definitely not be happy about it.) Ngumingisi ngising bulong nito kay Sebastian, sasagot na sanang muli si Sebastian pero binalot kami ng presensya ng Mama niya na si Briana.

 "What are you guys doing here? Nasa gitna pa talaga kayong dalawa." Gigil na sambit nito na tinawanan naman ng lalaki.

 "Relax, Ma. Nag uusap lang kami ni Kuya, ang tagal naming hindi nagkita." Ani nito na hindi inaalis ang mapang asar na tingin kay Sebastian pero ang nagpakunot ng noo ko ay nang tawagin niyang Kuya at Mama ang Mama ni Sebastian.

 Umiling na lamang si Sebastian at nagpatianod na ako sa maingat na paghila niya sa akin palayo doon. 

"Who is he?" Hindi ko na napigilan ang pag uusisa kay Sebastian nang makaupo na kami sa isang round table. Marahan niyang hinila ang neck tie bago iritableng sumagot.

 "That's my half brother, huwag mo nalang pansinin ang gago na 'yon." Napaawang labi ko, muli akong bumaling doon sa sinasabi niyang kapatid na nakaupo na sa kabilang gawi at halos pagsisihan ko 'yon dahil nahuli nito ang pagtitig ko sabay itinaas ang hawak na champagne glass. 

Nagsimula na ang birthday party ni Valeen, nagpasalamat ito sa lahat ng dumalo at nagbigay ng reminders na huwag gawing business meeting ang party niya na siyang tinawanan ng lahat. Ilang sandali pa ay lumapit siya sa amin, tumayo kami ni Seb at humalik sa kanya.

"Happy birthday." Magkasabay na bati namin ni Seb sa kanya, iniabot ko sa kanya ang dala kong regalo.

"Oh, thank you, Dannie!" Masayang aniya saka binuksan iyon. "Wow!" Naeexcite niyang kinuha sa box ang bracelet at saka lumapit pa lalo sa akin upang ipasuot 'yon.

"Ang ganda! Bagay ba sa akin?" Magiliw na tanong niya matapos kong ikabit iyon sa pulso niya.

"Of course."

"Buti naman at nakarating ka Dannie, magtatampo talaga ako sayo kung hindi ka dumating." Ani Valeen. "Gusto ko pa sanang samahan kayo dito, kaso tinatawag ako nila Dad, for sure, ginagawa na niyang business meeting itong birthday ko. Hoy, bantayan mo si Dannie, for me!" Singhal ni Valeen kay Sebastian sabay hampas sa braso nito, hindi ko alam kung matutuwa ako o ano dahil papalapit sa amin ang dalawang Mama ni Sebastian nang umalis na si Valeen, nagpapasalamat ako na hindi pa niya malalaman ang sa amin ni Sebastian.

"Hey, sinasabi ko sa Dad mo ang tungkol dito sa napakagandang kasama mo." Ani ng Mama Claire niya na ngayon ay may kasamang lalaki na kamukhang kamukha ni Sebastian, sa tingin ko ay nasa 40's na ito gaya ng mga Mama niya, ngunit lutang na lutang pa rin ang kagwapuhan.

"Hija, Dannie, this is your Tito Ethan, Seb's Dad." Ngumiti sa akin ang Daddy niya at saka naglahad ng kamay, nahihiya kong tinanggap 'yon at gumapang ang kaba sa akin nang halikan ang nito sa pisngi.

"Nice meeting you, hija, ikaw lang pala ang hinihintay nitong panganay ko para may ipakilala sa amin." Nakangiting sambit nito.

"She's so beautiful ano? Napaka sexy pa." Puri ng Mama Claire niya, umakbay sa akin si Sebastian.

"Saan nga ba kayo nagkakilala?" Biglang usisa ng Mama Briana niya, tumango naman ang Daddy niya at si Mama Claire niya.

"Sa Singapore." Diretsong sagot ni Sebastian na para bang walang kinatatakutan na kung ano man, tumango tango ang parents niya.

"During your out of the country business meeting?" Tanong ng Daddy niya.

"Yes."

"Anong trabaho mo do'n, hija?" Kasunod na tanong ng Mama Briana niya at para bang hindi na ako makalunok pa.

"Ah—" Kung sinuswerte nga naman ako dahil hindi ko naituloy ang isasagot ko, sa maraming pagkakataon ay natapunan na naman ako ng alak ng isang waiter pero nang lingunin ko ang waiter ay kaagad kong nakita si Red na kinindatan ako.

"Oh God." Iritableng sambit ng Mama Briana niya habang nakatingin doon sa waiter.

"Naku, sorry po. Sorry." Hindi mapakaling ani ng waiter saka akmang pupunasan pa ako pero pinigilan ko siya. Naramdaman ko nalang na sinuotan ako ni Sebastian ng coat niya.

"I'm sorry, Ma, Dad, I think we need to go para makapag palit si Dannie." Paalam niya sa mga magulang niya.

"Go ahead, bring her next time sa bahay para naman makilala siya ng mga kapatid mo, I'm sure magiging masaya sila for you." Ani ng Mama Claire niya, nagpaalam na rin ako sa kanila at hinayaan kong alalayan ako ni Sebastian palabas ng Banquet Hall, kasunod naman namin si Red.

Pagkalabas namin ng hotel ay kaagad pumunta sa parking si Red upang kuhanin ang sasakyan, napasinghap ako nang tumungo si Sebastian at pinunasan ng panyo ang natapon na alak mula doon sa hita ko na nakalabas mula sa slit ng dress ko.

"I'm sorry, Sebastian, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa Mama mo." Mungkahi ko matapos niyang punasan ang hita ko, hinawakan niya ang kamay ko. Kung hindi siguro sinadiyang daanan ni Red ang waiter kanina mananatili nalang akong estatwa doon.

"It's okay, hindi mo kailangang sabihin kung ayaw mong sabihin. Pero, kung malaman man nila, wala na silang pakialam do'n at walang makakapagpabago ng desisyon ko sa buhay." Matapang na aniya.

"Mio caro fratello!" (My dear brother!) Napalingon kami ni Sebastian at nag init na naman ang mga mata niya sa kapatid na sumunod pala sa amin.

"Fatti gli affari tuoi, Rafael." (Mind your own business, Rafael.) Kanina ko pa napapansin na mainit ang dugo nilang dalawa sa isa't isa at mas pinipili ni Sebastian na kausapin ang kapatid sa lenggwaheng hindi ko maintindihan.

Nakapamulsa ngayon si Rafael at umiling iling, "Voglio scoparla." (I want to fuck her.) Matatag na sambit ni Rafael na hindi inaalis ang titig sa mga mata ni Sebastian.

Narinig ko ang mapait na pag ngisi ni Sebastian, "Ti ucciderò!" (I will kill you!) halos mapasinghap ako nang bigla niyang suntukin ito sa gilid ng labi na nagpatumba dito!

"Sebastian!" Hinila ko siya sa braso palayo kay Rafael na ngayon ay ngumingisi pa rin kahit na may dugo na sa gilid ng labi, sumakto namang dumating si Red na lakad takbo ang ginawa palapit sa amin.

Mabigat ang paghinga ni Sebastian na para bang gusto pa niyang hilahin ang kapatid at basagin ang mukha. "Uccidimi se puoi, assasino!" (Kill me if you can, murderer!) Halakhak ng kapatid niya na mas lalong nagpatindi sa galit ni Sebastian!

"Come on!" Sigaw ni Red saka tinulungan niya akong hilahin si Sebastian papasok ng sasakyan dahil ayaw magpaawat nito.

Sandali kong tinignan ang kapatid niya na ngumingisi sa akin habang pinapapagpag ang damit. Umiling ako at saka sumakay na rin sa kotse na mabilis pinaharurot ni Red.

Kita ko ang mahigpit na pagkuyom ng kamao ni Sebastian kaya naman hinawakan ko 'yon upang pakalmahin siya. Matindi din ang paghila niya sa kanyang necktie dahil sa gigil at mabigat na paghinga.

Mabilis kaming nakarating sa penthouse niya, humarap siya sa akin at hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya habang nakatitig siya sa mga mata ko bago nagsalita, "I'm sorry you had to see that." Ang kaninang galit na ekspresyon niya sa kapatid ay nawala na ngayon.

Hinaplos ko ang braso niya at umiling, "O-okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko sa kanya, wala akong idea kung ano ba talagang pinag aawayan nila pero ramdam ko kay Sebastian na galit na galit talaga siya kanina.

"I'm okay." Buntonghininga niya at saka hinaplos ang buhok ko. "Magpalit ka na ng damit." Marahan niya akong hinila papasok sa kwarto niya at binuksan ang isang sliding door doon kung saan ang walk-in closet niya.

"Wear my clothes for the mean time, ipapaayos ko nalang ang mga damit mo sa susunod." Aniya, tinanguan ko naman siya.

"I'm going to cook our dinner, marami pa tayong pag-uusapan." Mahinahon na sambit niya bago pa siya tuluyang lumabas.

Inilibot ko ang paningin sa buong walk-in closet, the left side walls were lined with shelves filled with neatly folded clothes and on the right side were his suits, it was perfectly pressed hung in order of color. Hindi ko ito nakita nung unang punta ko dito dahil hindi naman ako nakalibot sa buong penthouse, nag-inom lang kaming magdamag ni Sebastian no'n, sa gitna naman ay nakahanay ang nagkikintabang sapatos niya at ilang running shoes. Mayroon din siyang cabinet na may glass door kung saan nakalagay ang mga relo niya. Malaki pa ito sa kwarto ko at napakaganda ng interior lights.

Lumapit ako doon sa mga folded clothes niya at kumuha ako ng white tee-shirt at nagpalit. Palabas na sana ako ng walk-in closet niya ngunit may napansin akong nakaawang na parang pinto malapit sa mga relo niya, kaya naman naglakad ako patungo do'n para sana isarado 'yon pero natigilan ako nang hawakan ko iyon dahil nagulat ako nang dahan-dahan itong bumukas.

Napaawang ang labi ko nang makita ko ang isang kwarto na sa tingin ko ay study room. Malaki ito at maraming libro sa mga shelves, pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang mga paintings sa sahig at ang ilan ay nakasabit sa wall, now this room looks like a dimly lit art gallery, may mga painting na blankong mukha, mayroon ding mga mata na masasama kung tumitig, hindi ko alam pero naninindig ang balahibo ko sa mga mata na 'yon na para bang kilalang kilala ko ang mga titig na 'yon.

Sa hindi ko malamang dahilan ay pinili kong pumasok sa loob no'n, mataas ang kisame ng kwarto. Nasa sahig din ang ilang gamit pangpinta at may mga ilang painting pa na hindi tapos. Naglakad ako patungo sa malaking study table dahil napansin kong may mga nakakalat na papel do'n at halos manlaki ang mata ko nang makita kong naka-sketch ang mukha ko doon sa mga papel na 'yon sa iba't ibang anggulo. Sa ilalim ng sketch ay may maliit na drawing ng Dahlia na bulaklak kasunod no'n ang initial na SLC.

Muli kong inilibot ang paningin sa mga paintings niya na nakasabit sa wall at lahat 'yon ay may maliit na drawing na Dahlia sa ilalim at initial na SLC. Ngunit ang nagpa-estatwa sa akin ay nang dumako ang mga mata ko sa gitna ng buong study room. Nanlamig ang buong katawan ko at ramdam ko ang panginginig ng mga mata ko. My heart raced as I stared at the painting intently, it was a detailed portrait that chilled me to the bone! At ang mga alaalang paulit-ulit kong tinatakbuhan ay muling bumalik lahat sa akin!

Dahil mula dito sa study table ni Sebastian ay tapat na tapat ang painting ng mukha ng taong lumapastangan sa puri ko ng maraming beses!

At mas lalong nanikip ang dibdib ko nang makita ko din sa tabi ng painting na 'yon ang nakapintang mukha ng Nanay at Tatay ko!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top