Kabanata 23

Kabanata 23

Nakadapa kami ngayon ni Sebastian sa kama habang pinagmamasdan ko ang pag guhit niya ng isang bulaklak doon sa puting papel gamit ang lapis niya. Matapos kasi naming maglakad lakad kanina at mag usap sa labas ay niyaya na niya akong pumasok dito sa kwarto, nagpahatid siya ng pagkain at doon ko naramdaman ang gutom. Pagkatapos naming kumain ay napagpasiyahan na rin naming maligo ng sabay.

"Hey, you're good ha!" Puri ko, dahil sa totoo lang ay napakagaling niyang mag sketch kahit na bulaklak lang 'yon. Tumawa lang siya.

"You should try doing it, nakakawala ng stress." Aniya, nangulumbaba ako habang naka cross ang binti ko sa ere sa pagkakadapa saka inilingan ko siya. "Not my talent."

"Kaya mong mag-drawing ng tao?" Natigilan siya sa tanong ko na para bang may mali doon, pero kaagad namang nakabawi.

"Sort of." Matipid na sagot niya pero duda ako dahil sa bawat hagod niya doon sa lapis ay masasabi kong kahit ano ay para bang kaya niyang iguhit.

Napakunot ang noo ko sa ginuguhit niyang bulaklak dahil mabubuo na 'yon.

"Is that Dahlia?" Hindi siguradong tanong ko sa kanya, tinignan niya ako.

"How did you know?" Tawa niya.

Huminga ako ng malalim, "Kilalang kilala ko ang bulaklak na 'yan. Pangalan ng Nanay ko 'yan e."

"Really?" Kunot noong tanong niya, tinanguan ko siya saka hinila ko ang isang unan para yakapin at tumihaya na ako ng higa.

"Dahlia and Niel. Dannie." Natatawang kwento ko kung saan nagmula ang pangalan ko. Naramdaman kong muli siyang napalingon sa akin pero nagpatuloy sa pag guhit.

"Yung kamay ng Nanay ko akala mo may magic. Napakagaling mag alaga ng mga bulaklak, kaya nga isa 'yon sa negosyo nila ni Tatay noon." Kwento ko sa kanya, sandali pa niyang tinapos ang dino-drawing saka ipinatong 'yon sa bedside table at hinila na ako para yakapin, inunan ko naman ang dibdib niya.

Tumingala ako para pagmasdan ang mukha niya, "Sayang nga lang at hindi mo na sila makikilala."

Tumikhim siya at hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa dibdib niya saka nilaro-laro iyon. "If you don't mind, ano bang kinamatay ng Nanay at Tatay mo?" Usisa niya.

Sandali akong natigilan, isinuksok ko ang mukha ko sa mainit na yakap niya at gumanti na rin ako ng mahigpit na yakap sa kanya.

"Bata pa ako no'n, anim na taon palang. Pero tandang tanda ko kung paano ibinalita sa akin 'yon ng Tiyahin ko. Nasagasaan daw si Nanay at sinubukang habulin ni Tatay para iligtas si Nanay, pero parehas lang din daw sila ng sinapit, ayokong maniwala hanggang sa nakita ko nalang na nasa kabaong na sila." Naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Sebastian at hinalikan ang buhok ko ng sobrang diin.

"I'm sorry to hear that." Malungkot ang boses niya, umiling na lamang ako at pumikit upang tabunan ang lungkot na nararamdaman ko sa pag alala sa mga magulang ko.

"Inaantok na ako." Mahinang bulong ko.

"Magpahinga ka na."

"Ikaw din. Sorry ulit, napagod ka kakaintindi sa akin buong araw." Mungkahi ko at mas lalong yumakap sa kanya hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng antok.

Kinaumagahan nagising ako na mag isa lang sa kwarto, napansin kong alas diyes na pala. Nagbaka sakali akong makita siya sa banyo pero wala siya doon. Naamoy ko lang ang naiwang amoy ng pabango niya sa buong kwarto at ang hinubad niyang damit ay nakatiklop doon sa couch. Nagpasiya akong maligo at lumabas dahil baka nandoon lang siya at nagpapahangin. Pero nang makalabas ako ng kwarto si Red lang ang nakita ko na nakatayo doon sa may pool at pinapanood ang mga naliligo habang naninigarilyo. Lumapit ako sa kanya at nang mapansin niya ako ay mabilis niyang pinatay ang sindi ng yosi gamit ang sapatos niya.

"Hey, okay ka na?" Nasa boses niya ang pag aalala, nginitian ko siya at tumango.

"Pasensya ka na ha?"

Umiling siya. "Okay lang 'yon. Ang mahalaga maayos ka na."

Hindi ko alam pero hiyang hiya talaga ako sa kanya dahil nakita niya pa ako sa gano'ng sitwasyon.

"Nasaan siya?" Patukoy ko kay Sebastian, nagsimula kaming maglakad ni Red habang nakapamulsa siya.

"Nasa meeting pa." Tumingin siya sa wrist watch niya bago muling nagpatuloy. "Pero malapit na 'yong matapos."

Nagtaka ako, "Akala ko kagabi ang meeting niya?" Napalingon siya sa akin at para bang ayaw niyang magsalita, natigilan ako sa paglalakad at gano'n rin siya.

"Hindi ba natuloy dahil sa akin?" Huminga ng malalim si Red.

"Huwag mo nang isipin 'yon. Nagawan ko naman ng paraan na i-reschedule 'yon ngayong umaga." Pagpapagaan niya sa kalooban ko pero hindi ko magawang matanggap 'yon.

"Hindi. Naku, magkakaproblema pa pala kayo dahil sa akin." Nagui-guilty na sabi ko, tumawa siya at umiling.

"Mas lalo kaming magkakaproblema kung pinilit niyang umattend ng meeting kagabi sa gano'ng sitwasyon." Pagbibiro niya saka inalalayan na akong maglakad patungo sa doon sa restaurant ng resort.

"Ayaw sana kitang iwanan dito, pero kailangan ko na din kasing bumalik ulit do'n sa loob. Pero malapit naman nang matapos 'yon." Sabi ni Red nang makaupo na ako sa isang table dito sa may veranda kung saan tanaw ang labas ng resort.

Umiling ako, "That's totally fine. Dito lang ako, don't worry about me. Go na, baka kailangan ka na do'n." Marahang pagtataboy ko sa kanya, ngumiti siya. "Thank you!"

Kagaya ni Sebastian, pansin kong mas nagiging open na rin ang pagkatao ni Red sa akin. Kung noong una ay halos hindi ko din siya mabasa, pero ngayon kahit papaano ay nakukuha ko na rin ang ugali niya.

Kagaya ng sinabi ni Red, hindi nga nagtagal ay natapos na rin ang business meeting ni Sebastian. Naglalakad na sila papasok dito sa restaurant, Sebastian always looks perfect, he was the kind of guy who looked so handsome in a suit, he is wearing a dark blue classic suit with a black shirt na talaga namang bumagay sa kanya. Kumikintab din sa kalinisan ang sapatos niya at napakagwapo niyang lalo sa pagkakaayos ng buhok niya ngayon.

Nang makapasok na sila sa restaurant ay mabilis niyang nahuli ang mga mata ko. Hindi nakaligtas sa pandinig ko kung paano siya hangaan ng mga taong kumakain ngayon dito sa restaurant.

Natauhan ako sa pagkakatulala sa kanya nang maramdaman kong dumampi ang labi niya sa pisngi ko bago umupo sa katabi kong upuan. "Did you sleep well?" 'Yon kaagad ang bungad niya sa akin, halata sa mga mata niya ang puyat at pagod mula sa meeting. Pilit akong ngumiti at tinanguan siya.

"Yes. Hindi ko nga namalayang bumangon ka na pala." Paninigurado ko sa kanya.

"That's good." Aniya sabay hinaplos pataas pababa ang likod ko at bumaling kay Red.

"Is it ready?" Usisa niya rito sa pagod na boses, luminga linga si Red at huminga ng malalim.

"There you go!" Turo ni Red sa dalawang waiter na may bitbit na tray na naglalaman ng mga pagkain at maayos na inihain iyon sa mesa namin.

"Thanks man." Ngiti ni Sebastian doon sa dalawang waiter at sinaluduhan pa niya ito bago tuluyang umalis.

Laking gulat ko nang lagyan niya ng pagkain ang plato ko at marahang hiniwa ang steak.

"Huy, ako na!" Hampas ko sa braso niya pero inilingan niya ako.

"I need to make sure that you're eating well." Mungkahi niya na siyang binawian ko.

"Sa ating dalawa mukhang ikaw ang mas kailangang kumain ngayon, kaya huwag mo na akong intindihin at ako na 'yan." Tulak ko sa braso niya at inilayo ang plato ko palayo sa kanya.

Nadinig ko ang pag ubo ni Red kasabay ng paglagok niya ng tubig.

"Eh kung ako nalang kaya ang kumain nito? Tutal naman mukhang papunta na kayo sa desserts." Natatawang pang aalaska niya sa amin na siyang tinawanan naming dalawa ni Sebastian.

Pagkatapos naming kumain ay sandali muna kaming nagpahinga dahil sa kabusugan.

"Dala mo ba?" Biglang sambit ni Sebastian habang nakaakbay sa akin.

"Ang alin?" Kunot noong tanong ni Red. "Yung pinapabili ko." Iritableng sagot ni Sebastian na kaagad naintindihan ni Red, binuksan nito ang bag at may nilabas doon na isang disposable vape na kaagad kinuha ni Sebastian.

Bumaling siya sa akin at iniabot sa akin yon. Tinignan ko siya ng buong pagtataka, huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"This will be a great way to kick your smoking habit. It's a zero nicotine vape. Hanggang sa makaya mo na din na walang vape." Seryosong sabi niya na hindi inaalis ang pagtitig sa mga mata ko, bumaling ako kay Red at tinanguan ako nito na para bang sang ayon siya sa sinasabi ni Sebastian.

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakatitig doon sa vape bago nakahagilap ng salita, "Look, hindi naman ako palaging naninigarilyo—"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil lumingon si Sebastian kay Red at sinenyasan ito na umalis muna na siya namang kaagad naintindihan nito.

Iniharap ni Sebastian ang kinauupuan ko sa kanya habang nakaakbay pa rin ang isang kamay niya sa gilid ng sandalan at ang isa namang kamay niya ay hawak pa din yung vape.

"You smoke when you're having your attacks." Panimula niya na nagpalunok sa akin, pinagtagpo niya ang kamay namin habang nasa pagitan no'n ang disposable vape. "I understand that maybe it really helps you to stop or calm your attacks. But it's not healthy, kawawa ang baga mo." Sermon niya sa akin at binitawan na sa kamay ko ang disposable vape.

Uminom siya ng tubig bago muling bumaling sa akin. Sumandal siya doon sa kinauupuan niya at humalukipkip habang seryosong hinuli ng malalim na titig ang mga mata ko.

"And you should stop taking contraceptive pills." Napaupo ako ng diretso at bumagsak ang balikat ko.

"Sebastian, issue pa din 'yan?" Inis na sambit ko, itinuon niya ang tingin doon sa kaharap niyang baso at tumango bago siyang muling nagtaas ng tingin sa akin.

"It can trigger your attacks." Hindi ko alam pero sinisisi ko ang sarili ko ngayon na nakita pa ako ni Sebastian sa gano'ng sitwasyon. Ayoko man isipin pero ito kasi ang isa sa dahilan kung bakit ayokong malaman ng mga tao sa paligid ko ang attacks na nangyayari sa akin. They can use it agaisnt me at hindi ko nagugustuhan ito ngayon.

Tumingin ako sa paligid namin to make sure na walang nakakarinig sa pinag uusapan namin, ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.

"Sebastian, hindi mo ba naiintindihan? Hindi mo ako pwedeng mabuntis, hindi ka pwedeng magkaanak sa akin." Pagdidiin ko sa kanya na mukhang hindi niya nagustuhan dahil binitawan niya ng tingin ang mga mata ko.

Muli siyang uminom ng tubig, "W-what? Hindi kita pwedeng buntisin?" Hindi makapaniwalang aniya, alam kong hindi niya magugustuhan ang isasagot ko pero itinuloy ko pa din 'yon.

"Ayokong maging ina ng magiging anak mo. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa paligid mo? Na pokpok ang inanakan mo? Gusto mo ba 'yon? Isang pokpok ang magiging Nanay ng anak mo?" Gigil na bulong ko na nagpa-alab sa mga mata ni Sebastian na gulat na gulat sa mga salitang narinig niya mula sa akin.

Kita kong nagpipigil siyang magsalita dahil sa maaaring marinig siya ng mga tao dito. Sandali niya pa akong tinitigan ng mabigat bago niya ako hinawakan sa pulso ko at madaling lumabas sa restaurant. Nagpatianod ako sa mabilis at mabigat na hakbang niya, nakita pa kami ni Red doon sa labas pero mukhang alam na niya kung anong nangyayari.

Napaupo ako sa kama nang makarating kami sa kwarto. Inalis niya sa pagkakabutones ang suit niya at marahas na sinuklay ng mga daliri niya ang kanyang buhok saka nagpakawala ng mabibigat na paghinga.

Inihilamos niya ang palad sa kanyang mukha bago nagsalita. "You called yourself what?" Galit ang tono ng boses niya at pilit kong iniiwasan ang mga mata niyang napakalamig tumitig.

Lumunok ako, "Sebastian, huwag na tayong maglokohan dito. Alam naman nating dalawa 'yan." Sarkastikong sambit ko.

Napapitlag ako nang sipain niya yung trash bin doon sa ilalim ng TV stand.

"Ang babaw naman talaga ng tingin mo sa sarili mo." Mariin na aniya.

"Bakit ba pinagpipilitan mo na hindi ako gano'n?! Yun naman ang totoo hindi ba?! Kaya huwag mo nang pangarapin na magkakaanak ka sa akin. Dahil hinding hindi ko ibibigay sayo 'yon." Matatag na sambit ko na nagpakunot sa noo niya at nagpagalit lalo sa mga mata niya. Hindi ko hahayaang husgahan siya ng mga taong nakapalibot sa kanya dahil lang sa isang katulad ko.

Dahil masyado ko na siyang mahal sa maikling panahon pa lamang.

At sa totoo lang, pinipiga ang puso ko sa isiping hindi ko maaaring magawa 'yon dahil sa mga katangahang desisyon ko sa buhay. Kung alam ko lang na makikilala ko siya, sana pinahalagahan ko nalang ang sarili ko. Sana hindi ko na pinasok ang gano'ng trabaho. Sana gumawa ako ng paraan para maging bagay kami sa isa't isa.

Tumayo ako at akmang lalabas ng kwartong 'yon dahil alam kong kahit anong oras ay iiyak na ako, pero mabilis niya akong nahila sa braso ko at hinarap sa kanya.

Pansin kong namamasa ang mga mata niya pero pigil na pigil 'yon kumawala at alam kong gano'n siya. Ayaw na ayaw niyang makikita ang kahinaan niya ng kahit na sino man.

"Dannie, tinuruan mo akong pumasok sa isang relasyon. At sinabi ko sayo na pakakasalan kita. Tapos ngayon, maririnig kong lahat ng 'yan mula sayo?" Nanginginig ang boses niya na para bang nakikiusap na bawiin ko ang mga pinagsasasabi ko. He held me more close to him at ramdam kong humigpit ng kaunti ang kapit niya sa braso ko.

"At anong sabi mo? Hindi ako pwedeng magkaanak sayo? Eh kung hindi sayo, kanino? Ano? Ikaw ang mamimili kung sinong karapat dapat na maging ina ng anak ko?" Sa unang pagkakataon ay narinig ko ang matinding galit at pagka sarkastikong salita ni Sebastian na hindi ko alam kung paano ko kinakayang tanggapin, dahil parang tumutusok iyon sa puso ko.

Hindi na ako makalunok ng maayos dahil sa pagpipigil ko ng luha, he stares deep into my eyes with full of frustration and disappointment at para bang malulunod ako sa mga titig niya na 'yon. Hindi ako sanay na tinititigan niya ako sa gano'ng paraan at hindi ko na alam kung anong dapat kong isagot sa mga sumunod na katanungan niya.

"Ano 'to? Palipas oras lang para sayo? Kung hindi pala ako pwedeng mangarap na magkaroon ng pamilya mula sa ating dalawa, then, why are you fucking making love with me?"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top