Kabanata 21

Kabanata 21

Dannie

Nagsimula ang biyahe namin patungo sa La Union na walang nag iimikan sa amin ni Sebastian. Alam kong naghihimutok siya dahil sa pag inom ko ng contraceptive pill. Hindi sa takot akong magka-anak. Isa 'yon sa pangarap ko, nagsimula lang naman akong uminom ng pills dahil sa trabaho ko noon at alaga ako ng mga check-ups monthly. 

Ngayong nasa isang relasyon na ako, hindi ko alam kung matatanggap ba ng mga tao sa paligid ni Sebastian kung ako ang magiging ina ng magiging anak niya. Masyado siyang mataas para sa isang babaeng katulad ko. I don't want him to get hurt and I will do whatever I could to keep him safe and happy.

 Magkatabi kami ngayon dito sa back seat habang si Red naman ang nagmamaneho. Pinili ko na lamang matulog dahil sa totoo lang ay pagod na naman ako. Ewan ko ba, sa mga nakaraang karanasan ko, kay Sebastian lang talaga ako naubusan ng lakas dahil sa satisfaction.



Nagising ako nang biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko iyon sa bag ko at napakunot ang noo ko dahil unknown number 'yon. Napansin ko naman na nakasilip si Sebastian doon sa cellphone ko at nakakunot din ang noo habang binabasa ang numero. Tumikhim ako at sinagot iyon.

"H-hello?"

"Hi! Si Russel 'to!" Bungad nito sa kabilang linya.

"Huh?" Nalilitong sagot ko pero kaagad akong nakabawi sa pagkakaantok nang maalala kong si Russel na kapitbahay ko.

"Paano mo nakuha ang number ko?" Ramdam ko ang titig sa akin ni Sebastian kaya bumaling ako sa bintana.

"Sa package?" Patanong na sagot nito. "May dumating kasing package dito, from Nueva Ecija daw, eh kailangan ko ng confirmation mo para i-receive ko 'to." Aniya, hindi ko alam kung bakit bumilis ang pintig ng puso ko. Sino ang magpapadala sa akin ng package from my hometown?

"Kanino daw galing?" Kinakabahan na tanong ko.

"Martin Garcia?" Patanong na sagot ni Russel, nanlamig ang mga kamay ko at mabilis akong pinagpawisan ng malamig. Para akong binuhusan ng napakaraming yelo sa katawan nang marinig ko ang pangalan na 'yon.

Sandali akong huminga ng malalim at pilit kong pinakalma ang sarili, "W-wala akong ineexpect na package from Nueva Ecija. Wala akong kakilala doon." Dire-diretsong sabi ko at mabilis na pinatay ang tawag at halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa panginginig ng kamay ko na mabilis nasalo ni Sebastian.

"Hey, hey!" Puno ng pag aalala ang boses niya at humawak siya sa braso ko. Tumingin ako sa kanya ngunit umiikot ang paningin ko sa paligid. Nakaramdam ako ng pagkahilo at paninikip ng dibdib, unti-unti ay parang nakita ko na naman ang demonyong mukha ng asawa ng Tiyahin ko. Ang taong kumuha at bumaboy ng puri ko sa murang edad.

No, hindi pwedeng alam niya kung nasaan ako. How? Maraming taon na ang lumipas.

"Stop the car, Red!" Dinig kong sigaw ni Sebastian, mabilis gumilid si Red at bumaba saka binuksan ang pintuan ng sasakyan, itinulak ko siya at mabilis akong bumaba, kahit hilong hilo ako ay nagawa kong maglakad patungo doon sa gilid ng kalsada. Umubo ako ng sunod sunod at halos masuka ako dahil sa pagkahilo.

Dama ko ang paghaplos ni Sebastian sa likod ko at para bang may mga sinasabi siya na hindi ko maintindihan! Malabo na ang paningin ko.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at hinahabol ko na ang paghinga ko. "Dannie!!!" Halos maalog ako nang pilit akong inuga ni Sebastian sa magkabilang balikat ko. Para akong natauhan nang magtagpo ang mga mata naming dalawa ni Sebastian, basang basa ng luha ang mukha ko at parang pinipiga ang puso ko ng paulit ulit.

"Breathe. Come on." Pakiusap niya sa akin at hinaplos haplos ang dibdib ko, umiling ako. Hindi ko magawang huminga ng maayos, mas lalo lang bumibilis ang pintig ng puso ko.

Nababalot na ng takot ang mga mata ni Sebastian pero hindi ko magawang sundin ang gusto niya. Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit at pilit pinapakalma ang paghinga ko.

"Shh, I'm here. I'm here." Paulit ulit na bulong niya sa tenga ko.

"Water?" Dinig kong ani Red, inihiwalay ako ni Sebastian sa pagkakayakap sa akin saka kinuha ang bukas na tubig mula kay Red at marahan akong pinainom.

Hinaplos niya ang pisngi ko na nababasa ng luha. Inakbayan niya ako at maingat na inalalayan pabalik sa sasakyan, iniupo niya ako sa back seat pero nanatiling nakabukas ang pinto ng sasakyan, siya naman umupo din sa tabi ko at pinagmamasdan ako habang marahang pinipisil ang kamay ko.

Pilit ko nang pinapakalma ang sarili ko pero nahihirapan akong gawin iyon, napansin kong nagyoyosi si Red doon sa gilid, para akong nakahinga ng maluwag habang pinagmamasdan ang usok ng sigarilyo at hindi ko na napigilan ang sarili ko na tawagin siya.

"Red?" Tawag ko, tumingin si Sebastian sa kanya. Lumapit ito sa amin.

"P-pahingi akong isang stick." Nabubulol na sabi ko. Nagtinginan silang dalawa ni Sebastian na para bang tinatanong niya si Sebastian mata sa mata kung bibigyan ba ako. Naramdaman kong humigpit ng bahagya ang hawak ni Sebastian sa kamay ko, bumitiw siya sa akin saka tinanguan si Red at bumaba.

Sinundan siya ng tingin ni Red bago ako inabutan ng isang stick ng yosi at lighter, pagkatapos ay sinundan si Sebastian doon sa likod ng sasakyan. Mabilis kong sinindihan iyon at mabilis na paghithit at buga ang ginawa ko. Pakiramdam ko ay unti unti nang umaayos ang paghinga ko at ang mabigat na pintig ng puso ko ay natatabunan na ng usok.


Sebastian

I had been single for twenty nine fucking years of my life. I never wanted to settle down or get married, dahil sa nangyari sa parents ko. Austin tried to set me up with different woman dahil sa kagustuhan nila Dad, but I was never interested, napagod nalang din siguro sila dahil sila na mismo ang sumuko.

Maging sila yata iniisip na bakla ako.

But I am just trying to protect myself from getting hurt and I don't want to hurt anyone's feelings too. Sa tingin ko ay patas na rin iyon para sa mga babaeng sumubok na rin kuhanin ang atensyon ko. Why would I commit myself with them kung wala naman akong nararamdaman? Magkakasakitan lang kami, like what happened to my parents.

I don't want to be hypocrite, lalaki ako at masasabi kong malaki ang pangangailangan ng libog ng katawan. Mahirap magsarili, it felt like there's still something missing pagkatapos kong labasan mula sa sariling pagsisikap ko. Pero kinakaya kong tiisin 'yon.

Kaya ko naman. Not until I met her, alam kong sa kanya ko na ibibigay lahat ng kabuuan ko at ayoko nang kumawala pa siya sa akin.

I can still remember the first night I met her, she have this gorgeous smile that lit up my whole night at pakiramdam ko ay napawi lahat ng pagod ko sa buong araw and I couldn't take my eyes off of her, napakaganda niya.

That place was so crowded but it felt like the two of us were the only ones there. Hindi ko akalain na darating ako sa punto ng buhay ko na magkakagusto ako ng malalim sa isang babae sa sandaling oras lang, tipong hindi ako aalis sa lugar na 'to na walang napapala, kahit pangalan lang niya.

Kakaiba siya sa lahat ng babaeng nakita ko, habang tumatagal mas lalong tumitindi yung pintig ng puso ko na makausap siya sa mismong gabi na 'yon.

She was the most stunning girl that night and all the people around us would turn their heads and stare at her, sa pagkakarinig ko karamihan sa kanila ay gusto siyang makuha nung gabing iyon and I will never allow that to happen.

Sa akin ka ngayong gabi. Sa akin ka na simula ngayon.

I was so nervous but determined that night. Napapamura nalang ako sa isip ko dahil alam kong kung sakaling makuha ko siya ngayong gabi ay wala ng atrasan. Hindi ko kilala ang sarili ko kung anong klaseng halimaw ba ako sa kama, pero magkakaalaman ngayong gabi.

Para akong gago na tahimik lang na umupo sa tabi niya hanggang sa siya na ang bumasag sa katahimikang binuo ko. Even the sound of her voice made me wants her more. Sandali pa akong uminom ng alak upang palakasin ang loob ko at niyaya ko na siyang lumabas.

It was the most unforgettable night for me, it's the first time I had ever experienced such an intense emotion and pleasure. Parang lahat ng kailangan kong ilabas sa buong buhay ko, nailabas ko nung gabing 'yon.

She's really wonderful that night, the way she moved her body and looked at me while we made love and I was inside her, I know for sure that I would never forget her. I never wanted to end it, tangina, ayoko talaga. Gusto ko nalang siyang hilahin palayo sa lugar na 'yon at sumama sa akin.

Pero kahit na alam kong mahihirapan akong kumbinsihin siya, sinubakan ko.

Matapos kong marinig ang dahilan kung bakit ginagawa niya ang trabaho na 'yon ay napuno lang ako ng galit. I can't still believe that there are some people who could be so cruel and heartless, na kahit kadugo pa nila ay gagawan nila ng katarantaduhan.

I was once a victim of human trafficking when I was nine, but I was lucky enough to be rescued by someone. Dinig na dinig ko kung paano nila pinagpaplanuhan na ibenta kami nila Red sa foreigner. Sa kasamaang palad nga lang, magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa rin pinagbabayaran ng mga taong 'yon ang lahat.

Magpakasaya sila hangga't gusto nila.

Manalangin sila na sana patay na sila sa panahon na ito, dahil hindi nila gugustuhin ang mga pinaplano ko sa oras na mag krus ang mga landas namin.

Until now, I could still remember all their faces like it was happened to me yesterday. Kahit paulit ulitin kong iguhit ang mga mukha nila ay magagawa ko. I started to draw and paint because of those asshole para hindi ko makalimutan ang mga mukha nila.

Kaya naman gano'n nalang ang galit ko nang malaman kong maging si Dannie ay biktima ng gano'ng kaharasan.

Kita ko sa mga mata niya na hanggang ngayon ay dala dala pa rin niya ang takot at hindi siya masaya sa kung ano mang ginagawa niya ngayon. I asked her to start a new life with me, pero bigo ako. Mabigat ang loob ko na pakawalan nalang siya ng gano'n nalang. Pero sino nga ba naman ako para pang himasukan ang buhay niya?

"Give her some time. Uuwi din yon. Mamimiss ka, yun ay kung ginalingan mo performance mo." Pang aalaska sa akin ni Red bago kami makarating sa Changi Airport.

"Gago!" Humalakhak ang gago.

"Sinong mag aakala na dito ka lang pala sa Singapore ma-de-devirginized." Tumatawang pang aalaska niya sa akin saka binatukan ko siya. "Tangina ka!"

Months had passed at masasabi kong nasisiraan na yata ako ng bait sa kaiisip sa kanya. I can just book a flight going back to Singapore para makita siya, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Alam ko naman na hindi madali ang hinihiling ko sa kanya. She found peace in Singapore, sino ba naman ako para alisin siya sa lugar kung saan pakiramdam niya ay ligtas siya.

Pero hindi ko magawang kalimutan siya. Punong puno na ng mukha niya ang isang cabinet sa study room ko, I could literally draw every little detail of her face and body. Gano'n kalala ang kabaliwan ko sa kanya. I can still smell her scent from my memories, parang lahat na yata ng bilihan ng pabango dinaanan ko para lang hanapin yung amoy niya.

Nagkakasakit na ako kakaisip sa kanya. Kaunti nalang talaga ay babalikan ko na siya sa Singapore.

Hanggang sa dumating na ang pinakahihintay kong pagkakataon. I will never waste this chance with her again.

"Her safety is our top priority. Palipatin mo si Russel sa katabing bahay niya, bilhin mo yung bahay at lupa sa dobleng presyo para makalipat siya as soon as possible. Make sure that the area is free from any potential danger. Kung kinakailangan magpadala ka ng mga tao natin doon, gawin niyo ni Russel." Utos ko kay Red. Ngayong umuwi na siya dito sa Pilipinas, sisiguraduhin kong ligtas siya sa kung ano mang ipinangangamba niya.

Kung sa unang pagkakataon ay nakawala pa siya sa akin, ngayon, sisiguraduhin kong wala na siyang kawala, lalo at malinaw na malinaw na sa akin ang relasyong mayroon kami.

"Tangina. Anong gusto mong gawin ko dito? Ako ang makakabuntis, hindi ako ang mabubuntis." Hindi makapaniwalang tanong ni Red nang iabot ko sa kanya ang isang buong set ng pills na nakuha ko sa bag ni Dannie. Halatang antok pa ang gago dahil nang tinawagan ko siya ay alas tres palang ng madaling araw para pumunta dito sa penthouse.

Tulog na tulog na si Dannie sa kwarto ko. Sinigurado kong malalasing siya sa gabing 'to para dire-diretso ang tulog niya, dahil nakita ko kaninang umaga na nilagay niya yung lintik na pills sa bag niya.

"Palitan mo ng candy o vitamins. Yung hindi niya mahahalata." Walang ganang sambit ko matapos tunggain ang huling alak sa baso.

Umupo sa kaharap kong upuan si Red at hindi magkamaliw ang gago sa pagtawa sa akin.

"Seryoso ka ba 'diyan?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Lalong natawa ang gago.

I didn't know that I would found someone who I could truly commit to. Wala nga sa plano ko noon, yes, na-a-attract ako sa mga babae pero hindi ko hinahayaang maging malapit ang sarili ko lalo at alam kong hindi naman ako handa para sa kanila, I am avoiding to hurt someone's feelings.

Pero, iba si Dannie, it became more and more clear to me that I don't want to lose her, tatlong buwan lang siyang nawala sa paningin ko pero iba ang tama ko sa kanya. I will never forget the way I felt when I first saw her, she completes me as if she was the missing piece of my life that I had been searching for, kung bakit ayokong makipag relasyon sa kahit na sino, dahil siya pala ang hinihintay kong dumating. At sigurado akong hindi ko siya sasaktan.

Sa ilang beses kong natulog na katabi siya, madalas ko siyang nakikitang lumalaban sa isang panaginip na sa tingin ko ay paulit ulit siyang hinahabol. Isang mahigpit na yakap ang ibinibigay ko sa kanya sa tuwing makikita kong nananaginip siya. Hindi ako natutulog hangga't nasisigurado kong kalmado na siya sa pagtulog niya.

But this time, I saw how she's getting attacks with those nightmare while she's fully awake. Her body is shaking and she can't even catch her own breath! Sinusubukan kong kuhanin ang buong atensyon niya pero bigo ako. It was like she is trapped in her own world of fear, at naiinis akong makitang nangyayari sa kanya 'yon, dahil alam na alam ko kung gaano kahirap takbuhan 'yon.

"P-pahingi akong isang stick." Buong atensyon niya ay nakatitig doon sa sigarilyo ni Red. Sandali akong tinitigan ni Red bago ko siya tinanguan at nagpasiyang bumaba muna ng kotse.

Matagal ko nang napapansin sa kanya 'yon. Smoking is her way to fight her attacks and I am not happy with it. Pansamantala kong hinahayaan hanggang sa magkaroon na ako ng lakas ng loob na patigilin siya do'n.

Mariin kong kinuyom ang kamao ko sa galit. "Tawagan mo si Russel." Utos ko.

Napakunot ang noo ni Red. "Number ng kapatid mo ang tumawag kay Dannie kanina bago siya nagka-ganyan. Alamin mo kung anong katarantaduhan ang sinabi niya."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top