Kabanata 19
Kabanata 19
Napabalikwas ako ng bangon nang mapansin kong nasa isang malaking kwarto na ako at walang kasama. Inilibot ko ang paningin ko, kwarto ito ni Sebastian dahil may malaking picture siya doon at napailing ako nang maalala ko kung paano ako nag passed out kagabi dahil sa kalasingan.
Malamang sa malamang ay binuhat ako ni Sebastian patungo dito sa kwarto niya dahil sa naaalala ko ay doon ako nakatulog sa carpet.
Pinilit kong tumayo kahit na nahihilo pa ako para hanapin sana si Sebastian doon sa living room niya pero napapitlag ako nang madatnan ko si Mr. Red na umiinom ng tubig doon sa tapat ng fridge. Nakaramdam naman ako ng hiya.
"Oh, hey. Gising ka na." Bati niya sa akin saka inubos ang tubig sa baso. Nginitian ko siya ng matipid saka sumilip silip ako sa paligid.
"Wala si boss. Maaga siyang gumising para sa monthly board meeting, ibinilin niya sa akin na huwag kang paalisin hangga't wala pa siya." Litanya ni Mr. Red.
"Hmm, uuwi na ako, sabihin mo nalang sa kanya. O kaya itetext ko nalang siya." Nahihiyang sabi ko, umiling si Mr. Red at madaling lumapit sa akin nagulat pa ako nang hawakan niya ako sa balikat ko at pilit pinaupo doon sa dining table kung saan may mga pagkain.
"Hindi ka pwedeng umalis. Malilintikan ako." Halakhak niya saka sinalinan ng orange juice ang basong nasa harapan ko.
"Have some late breakfast, by lunch time nandito na 'yon si boss, alas diyes y media naman na. Malapit lang naman ang opisina niya dito." Sandali ko siyang tinitigan dahilan para matawa siya.
"Don't worry, walang lason yan. Si boss ang nagluto niyan kanina bago siya pumasok, araw araw ka na kayang pumunta dito para araw araw din siyang magluto." Magiliw na sabi ni Mr. Red saka umupo doon sa harap ko. Toasted bread, bacon, ham and egg ang nakahain.
Gusto ko sana munang mag washroom dahil wala pa manlang akong hilamos at mumog manlang. Gulo gulo pa ang buhok ko kaya napahawak ako doon.
"You're still beautiful, h'wag kang mag alala." Puri niya sa akin. "I mean, don't get me wrong, maganda ka pa rin sa paningin ni boss panigurado yan. Kaya kumain ka na, kundi yari ako doon. Halimaw pa naman magalit ang isang 'yon." Napakunot ako ng noo dahil sa mga pinagsasasabi ni Mr. Red.
Nagsimula na akong kumain habang siya naman ay abala doon sa cellphone niya. Pakiramdam ko ay mabibingi ako sa katahimikan kaya naman inilibot ko ang paningin ko sa buong penthouse at masasabi kong mas naappreciate ko ang ganda nito ngayong pasok na pasok ang liwanag doon sa glass window. Tanaw din ang kabuuan ng city mula dito.
Bumaling ako kay Mr. Red, naisipan ko kasi sana na sa kanya ko nalang itanong ang nangyari sa kanila ni Sebastian twenty years ago. Para alam ko kung ano ang mga dapat kong iwasan para hindi umatake ang anxiety niya.
"Uhm, Mr. Red?" Tawag ko, kunot noong nag angat siya ng tingin sa akin. "Masyado tayong formal, call me Red nalang. Parang kapatid ko lang din naman si boss." Ngiti nito sa akin.
Lumunok ako at tinignan siya. "Okay, Red..." Tawag ko dito na siyang tinanguan naman niya.
"Sorry kung sayo ko 'to tatanungin ha? Ikaw lang kasi yung naisip kong tao na makakapag kwento sa akin kung anong nangyari twenty years ago." Simula ko, halatang nagulat siya pero kaagad nakabawi.
"Nagkwento siya?" Biglang sumeryoso ang aura ni Red.
"Actually, hindi natuloy. Para siyang nagkaroon ng panic or anxiety attacks bago pa niya mabuo yung kwento, basta ang sabi lang niya na-kidnapped daw kayo?" Patuloy ko, huminga ng malalim si Red.
"That's the first time kung sakaling nabanggit niya sayo. Ayaw niyang pag usapan ang bagay na 'yon, kahit mga pulis noon ay hindi siya napilit magkwento." Napalunok ako dahil doon palang alam ko na kaagad kung gaano kabigat ang nararamdaman ni Sebastian na pilit niyang tinatabunan.
"So, na-kidnapped nga kayo?"
Tumingin sa labas si Red at napalunok, maging siya ay para bang ayaw na rin alalahanin 'yon.
"I'm sorry. Kung hindi mo rin kayang magkwento, huwag mo na pilitin. Okay lang naman." Paninigurado ko sa kanya, umiling siya at mapait na ngumiti.
"It's okay. Sa tingin ko ay dapat mo din naman na malaman, lalo na at ikaw lang ang kauna unahang babaeng kinahumalingan ni Sebastian, kaya masaya ako na nakilala ka niya dahil masasabi kong umayos ang sitwasyon ng mental health niya." Aniya na mas lalong nagpakaba sa akin, ibig sabihin ay matindi talaga ang pinagdaanan niya.
"Kagaya ng nabanggit niya sayo, na-kidnapped kami twenty years ago. Actually, hindi naman dapat siya kasama do'n. Ni hindi nga kami magkakilala." Simula ni Red, ibinaba ko na ang hawak kong kubiyertos at sinimulang mag focus sa kwento ni Red.
"Nagsisisi ako na tinawag ko pa siya nung panahon na 'yon. Naglalakad kami ng kapatid ko no'n sa isang palengke kasama ang parents namin nang bigla nalang may bumaril sa mga magulang ko at mabilis kaming isinakay ng kapatid ko sa isang itim na van." Kita ko sa mukha ni Red ang kalungkutan.
"Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano tabunan ng napakaraming tao ang duguang katawang ng Nanay at Tatay ko hanggang sa umandar na palayo ang van. Nagsusumigaw kami ng kapatid ko pero pilit kaming pinatatahimik dahil kami daw ng kapatid ko ang kabayaran sa utang na hindi mabayad bayaran ng mga magulang ko." Patuloy niya.
"Wala kaming ginawa ng kapatid ko kundi ang umiyak habang nakasakay sa itim na van na 'yon. Hanggang sa huminto 'to dahil naisipan ng isang kidnapper na bumili ng sigarilyo, nabubwisit na raw siya sa kangangalngal naming magkapatid."
"Nung mga oras na 'yon wala akong ibang iniisip kundi kung paano kami makakatakas sa sitwasyon na 'yon. Hanggang sa makita ko si Sebastian sa parking lot ng isang mamahaling restaurant, masaya niyang nilalaro ang lobo na nakatali sa kamay niya, birthday niya pala kasi nung araw na 'yon. Nine years old na siya katulad ng kapatid ko." Hindi nakatakas sa akin ang naluluhang mata ni Red na mabilis niyang pinahid.
"Nabuksan ko yung bintana ng van tapos sumigaw ako, humingi ako ng tulong sa kanya. Hindi ako tumigil hangga't hindi niya ako naririnig, hanggang sa marinig niya ako at mabilis siyang tumakbo palapit sa akin para abutin ang kamay ko. Galit na galit yung mga kidnappers sa loob ng van kaya naman nagpasiya na rin silang idamay si Sebastian sa amin ng kapatid ko." Sandaling huminto sa pagkukwento si Red at nagsalin ng tubig sa baso saka uminom upang pakalmahin ang sarili niya.
"Matibay ang loob ni Sebastian, dahil buong biyahe sa loob ng itim na van na 'yon ay hindi ko siya narinig o nakita na umiyak manlang. Which is nakakabahala kung iisipin ko ngayon 'yon. Inabot na kami ng dilim at hindi na namin alam kung saang lugar kami dinala, dahil madilim sa lugar na 'yon. Doon kami sinimulan takawin sa pagkain, na ni tubig ay ipinagkakait sa amin. At dahil nga hindi nila naririnig o nakikitang umiiyak si Sebastian ay napatripan nila ito. Doon na nila sinimulang pahirapan si Sebastian, iginapos patiwarik at hinubaran habang inilulublob sa drum na punong puno ng malamig na tubig, habang ang mga gago ligayang ligaya na vinivideo siya at may mga foreigner na nanonood sa video na 'yon at animo'y nanonood sila ng isang nakakatuwang palabas." Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko at pagkuyom ng kamao ko. Isipin ko palang ay alam ko na kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya.
Mga hayop, mga halang ang kaluluwa.
"Wala akong magawa, kundi ang umiyak at panoorin lang kung paano siya pahirapan ng mga 'yon, na hindi naman dapat. Tatlong araw paulit ulit na gano'n. Pero bigo pa rin silang mapaiyak si Sebastian, ni boses nito ay hindi nila narinig. Kahit ang pag sigaw ay hindi ginawa ni Sebastian. Hanggang isang gabi nakita ko siyang namimilipit sa lamig, inaapoy na siya ng lagnat dahil sa pagpapahirap sa kanya, doon ko siya nakitang unang umiyak at tinatawag ang Daddy niya ng paulit-ulit. Sinubukan kong magmakaawa sa mga kidnappers at laking gulat ko nang bilhan nila ito ng gamot, yun pala ay nagbabalak silang lumipat ng pwesto dahil nalaman nila na malaking personalidad pala ang buong pamilya ni Sebastian, doon sila lalong nagkainterest sa kanya dahil malaking halaga ang hinihingi nilang kapalit."
Parang hindi ko na kayang pakinggan ang lahat ng ikukwento pa ni Red tungkol kay Sebastian dahil nasasaktan lang akong malaman na sobra niyang palakasin ang kalooban ko pero siya pala itong may matindi at mahirap na pinagdaanan.
Hindi na naituloy ni Red ang pagkukwento nang marinig namin na may pumipindot ng passcode doon sa pinto at iniluwa no'n si Sebastian na ngiting ngiti na nakatingin sa akin. Hindi ko sukat akalain na sa likod ng magandang ngiti ng lalaking ito ay napupuno ng hinanakit ang kanyang kalooban. Mabilis akong tumayo at sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap na sa tingin ko ay nagpataka sa kanya.
"Hey, are you okay?" Naguguluhang tanong niya sa akin.
Naramdaman kong pinulupot niya ang kanyang braso sa bewang ko para tanggapin ang yakap ko, mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.
"I promise to keep you safe, Sebastian."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top