Kabanata 18
Kabanata 18
"What was that?" Pagtataka ko kay Sebastian matapos akong halikan ng napakalalim, nandito na kami ngayon sa bar kung saan naghihintay sila Valeen sa loob. Nakaparada kami dito sa tapat kung saan naka reserve para kay Sebastian.
Hinaplos haplos niya ang pisngi ko, "You're so beautiful, panigurado maraming malilikot na mata diyan mamaya na titingin sayo." Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya, alam ko namang pinapagaan na niya ang loob ko ngayon dahil buong biyahe kami tahimik simula nang matapos ang pag uusap namin doon sa market.
"Hindi ko naman pwedeng gawin 'to mamaya sa harapan nila Valeen," Patuloy niya saka muling nilamon ang labi ko ng basa at mainit niyang labi. Napahawak ako sa matipunong dibdib niya at napasinghap ako ng hulihin niya ang dila ko at marahan na kinagat 'yon dahilan ng mahinang pag ungol ko. Mabuti nalang talaga at tinted ang sasakyan niya.
"Uwi nalang kaya tayo?" Natatawang bulong niya sa pagitan ng halik, marahan ko siyang tinulak upang lumayo sa halikan naming dalawa. "Akala ko ba huli na muna yung kanina?" Pagbibiro ko sa kanya na nagpangisi sa kanya.
"Yes," Tumango siya. "But that doesn't mean na hindi kita pwedeng halikan."
"Halik lang ba talaga?" Panunuya ko sa kanya na nagpanginig sa mga mata niya.
"Kaya kong magtiis. Praktisado ako." Pagyayabang niya saka nauna na siyang bumaba, napailing nalang ako habang tumatawa. Umikot siya mula sa harap para pagbuksan ako ng pinto.
"Thanks." Ani ko nang makababa na, sandali niya akong pinagmasdan muna saka sinuksok niya ang dalawang kamay niya sa kanyang bulsa.
"Kahit hawak ng kamay bawal." Nguso niya na nagpatawa sa akin dahil para siyang bata na nagtatampo.
"Pwede ba? Huwag kang parang bata diyan." Ngisi ko, nagkibit balikat siya at saka naglakad na kami papasok sa bar.
Pagkapasok palang namin ay marami na kaagad kababaihan ang lumingon kay Sebastian dahil sa ganda ng tindig nito at paglalakad. Simple na nga lang ang suot niya pero napaka gwapo niyang dalhin iyon.
"Hey!!" Natanaw namin si Valeen at Austin doon sa isang table na kumakaway sa amin. Kaagad kaming tumungo ni Sebastian sa pwesto nila.
Bigla akong sinalubong ng yakap ni Valeen na para bang sobrang tagal naming hindi nagkita. Si Austin naman ay bumeso sa akin at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang paniningkit ng mata ni Sebastian na siyang pinandilatan ko at inilingan naman niya.
"Buti naman at nakarating ka!" Excited na aniya at saka nagpatianod ako sa kanya doon sa table nila ni Austin para maupo, katabi ko siya at kaharap naman namin si Sebastian at Austin. Nagpaserve na rin ng alak si Valeen doon sa isang waiter, malaka ang tugtog at marami ang nagsasayaw doon sa ilalim ng neon lights sa dance floor.
"Himala yata nag leave ka!!" Sigaw ni Valeen kay Sebastian.
Sumimsim ng rum si Sebastian bago sumagot, "I also need a break!" Hiyaw din nito dahil sa lakas ng tugtog.
Humalakhak naman si Valeen, "Buti naman at naisip mo yan!"
"Alam mo kasi yang si Sebastian hindi uso sa kanya ang day off or vacation. Pinaka vacation na niya ang business meeting!" Kwento ni Valeen matapos uminom ng alak.
"Not anymore. Kailangan ko na ng day off twice a week!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sebastian, napansin ko naman ang pasimpleng pag ngisi sa akin ni Austin na para bang nakakatunog na siya na naging maayos kami ni Sebastian nung gabi ng birthday nito.
"Aba! Teka nga! Don't tell me may girlfriend ka na talaga?" Pang uusisa ni Valeen, ngumisi si Sebastian.
"Hoy! Iba yang ngitian mo na yan ha! So, meron na nga?!" Naiinis na sambit ni Valeen, hindi sumagot si Sebastian, sa halip ay sandali siyang sumulyap sa akin. Pinandilatan ko siya ng mata ngunit ngumiti lang siya at humalukipkip saka nag iwas ng tingin sa akin.
"At kailan mo balak ipakilala sa amin yan?"
"Malalaman mo din kung sino siya, h'wag ka ng makulit."
"Huhulihin ko kayo sa unit mo!" Pagbabanta ni Valeen.
"Kung mahuhuli mo. I already changed my door passcode." Seryosong ani Sebastian saka muling nagsalin ng rum sa baso niya.
Pinaningkitan siya ng mata ni Valeen, "You can't do that. Kapag may sakit ka ni hindi ka nga makagalaw, kaya lahat kami alam namin ang passcode mo just in case hindi ka na naman namin macontact. Saka yung anxiety attacks mo—" Biglang huminto sa pagsasalita si Valeen at napalingon sa akin.
Bumaling ako sa kanya pero mabilis niyang iniwasan ang mga mata ko. Ibig sabihin ba nito hindi lang unang beses nangyari kanina ang panic attacks ni Sebastian?
"Don't worry about me. Wala naman na 'yon. Kaya ko na ang sarili ko. Hindi na ako bata."
"I know." Biglang sumeryoso ang boses ni Valeen, pero mabilis din naman siyang nakabawi.
"Let's dance?!" Yaya ni Valeen sa amin, kumunot ang noo ni Sebastian at sumulyap doon sa dance floor. The night was starting to get wilder as people started to get drunk, kanya kanyang sayawan na doon sa gitna.
Hinila ako ni Valeen patayo, "Ano? Diyan nalang kayong dalawa?!" Sigaw ni Valeen kay Sebastian at Austin. "Well, anong aasahan ko sayo? Kailan ka ba sumayaw?!" Pang aasar ni Valeen kay Sebastian.
Natatawa nalang ako dahil pikon na ang itsura ni Sebastian ngayon, nagpatianod na ako kay Valeen sa dance floor at doon na kami nagsimulang sumayaw. Grabe yung hiyawan ng mga tao lalo na nung mas gumanda ang pinatugtog ng DJ.
"Wohoo! That's my girl!" Sigaw ni Valeen habang sinasayaw sayawan ako, lasing na ang isang ito dahil bawat daan ng waiter ay kumukuha siya ng iba't ibang alak at tinutungga iyon.
May mga pumalibot sa aming grupo ng kalalakihan at nagtangkang sayawan kami pero laking gulat ko nang may humila mula sa likod ko at hinarap ako sa kanya! Nanlaki ang mata ko nang makita kong si Sebastian iyon, nakahalukipkip siya ngayon at napahinto ako sa pagsasayaw dahil pinapanood niya ako.
Lumingon ako para tignan si Valeen pero nakita kong hinila na siya ni Austin paalis ng dance floor hanggang sa makita kong sa exit sila papunta. Nagtaas ako ng tingin kay Sebastian, tumungo siya habang nakahalukipkip pa rin at bumulong sa tenga ko.
"Show me your moves, baby." Bulong niya na nagpatindig sa balahibo ko, muli niyang pinagtagpo ang mata namin at halos kiligin ang buong pagkatao ko sa ganda ng ngiting binibigay niya sa akin ngayon.
Tumingin ako sa paligid namin at halos gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa mga matang nakapalibot sa amin. Ang mga kababaihan ay nagbubulungan na para bang ito ang unang pagkakataon na nakita nila si Sebastian sa dance floor. Nang mapansin nila ang pagtitig ko ay mabilis na rin silang umiwas at muling nagsayaw.
Muli kong ibinalik ang tingin kay Sebastian na malalim pa rin ang pagtitig sa akin. Hinawakan ko siya sa braso niya at hinila ko ang ilalim ng polo shirt niya para bumulong sa tenga niya.
"Anong ginagawa mo? Nakakahiya. Pinagtitinginan tayo." Bulong ko sa kanya, narinig kong tumawa siya. "I am not doing anything, pinapasayaw nga kita kasi mukhang enjoy na enjoy ka kanina. Sayawan mo ako, Dannie." Panunukso niya, itinulak ko siya palayo sa akin at akmang aalis na sana ako doon sa dance floor pero hinila niya ako sa kamay ko at nanlaki ang mata ko nang hapitin niya ako sa bewang ko at hinalikan ng sobrang lalim! Itinulak ko siya!
"Ano ka ba!? Baka may makakita sa atin, sila Valeen." Kinakabahang sabi ko, umiling siya.
"Don't worry, inuwi na ni Austin 'yon. Lasing na si Valeen. Ang usapan natin kapag nandiyan lang sila Valeen." Pagdadahilan niya, inilingan ko siya pero mas hinapit niya ako sa bewang ko at pinagdikit niya ang noo naming dalawa. Amoy na amoy ko ang rum doon sa paghinga niya.
"I can't stop now, Dannie. Kailangan ko ipakita sa mga gagong sumasayaw sa likod mo kanina na sa akin ka." Bulong niya sa pagitan ng labi namin at muli akong naghabol ng hininga nang lamunin niya ang labi ko! Mabilis kong tinugon ang mapanuyang halik niya at nang maramdaman niya iyon ay mas lalo niyang pinasarap ang paghalik sa akin.
Nang maghiwalay ang labi namin ay isang matamis na ngiti ang ibinigay namin sa isa't isa. Niyaya na niya akong lumabas.
"Saan na tayo?" Usisa ko sa kanya nang lumiko siya pagmamaneho.
"Diyan lang ang unit ko, doon nalang tayo mag inom."
Ilang sandali pa ay nakarating kami sa isang tower at laking gulat ko nang malamang sa penthouse siya nakatira. Ito ang tinatawag nila Valeen na unit niya? Parang sampung pamilya na ang pwedeng tumira dito!
Panay ang pagmamasid ko sa buong kabahayan at masasabi kong masyadong malaki ito para lang tirahan ng isang tao.
Mukhang mamahalin pati ang mga gamit.
"Hey," Napalingon ako nang tawagin niya ako, nakatayo siya ngayon doon sa bar at naglapag ng alak. Lumapit ako doon at naupo sa bar stool, lumabas naman siya doon sa bar upang maupo din sa tabi ko.
"Nice place." Naiilang na sambit ko. Hindi ko alam kung bakit nanliliit ako ngayon dahil sa mga natutuklasan ko. Para bang mas lalo kong napapatunayang hindi ako karapat-dapat para sa kanya.
"Right? Yan din ang unang reaction ko nang iregalo sa akin 'to ng Grandpa and Grandma ko during my 21st birthday." Napaubo ako sa pag-inom ng alak dahil sa sinabi niya, pinunasan niya ang labi ko.
"Anak ng, ang tindi naman pala mag regalo ng Lolo mo." Natawa naman siya.
"I actually don't like to accept this place, my Grandpa owned this building kaya naman madali sa kanya ipagawa ito. Sino bang gustong tumira sa ganito kalaking space kung mag isa ka lang? Kaya sinubsob ko nalang ang sarili ko sa trabaho para lang huwag ako umuwi dito. Pero magtatampo 'yon kapag hinindian ko 'to, ipamana ko nalang daw sa magiging anak ko kung sakali." Natatawang kwento niya.
"Solong anak ka ba?" Biglang tanong ko, dahil para bang lahat ng naisin niya ay kayang ibigay sa kanya.
Umiling siya, "No, apat kami. Panganay ako, kambal yung sumunod sa akin isang babae at isang lalaki, tapos lalaki yung bunso namin. Unang apo ako kaya kung ibigay ang mga bagay sa akin parang napakadali lang lahat at dahil do'n naiilang ako, mas gusto ko kasing pinaghihirapan ang mga bagay. Kaya ginagawa ko ang lahat sa trabaho para masuklian lahat." Litanya niya.
He crossed his arms and sighed. "I have two Mom." Patuloy niya, napadiretso ako ng upo at naenggayong makinig sa ikukwento niya dahil ito na ang pagkakataon ko para mas makilala pa siya.
"Anak ako sa unang pamilya, I can't really say na una, para naman kasing hindi sila pamilya dahil hindi sila masaya sa isa't isa." Nakangiti ngunit mapait na kwento niya.
"Laging nag aaway?" Nahihiyang tanong ko pa, sandali siyang uminom ng alak saka tumango.
"Growing up in a broken home was never easy. I remember hearing my parents' angry voices, fighting over the same old things, madalas tungkol sa akin. Bata pa ako no'n pero alam kong magbingi bingihan para lang h'wag nilang isipin na baka marinig ko sila." Patuloy niya, nakatuon ang mga mata niya doon sa baso ng rum habang tinatap tap iyon.
"All I wanted was for them to get along, but that seemed too much to ask. Mahirap pilitin lalo at wala namang pagmamahal sa isa't isa, tangina nagpakasal pa sila kung gano'n lang din naman. My Dad loves another woman, while my Mom truly loves him."
"Hey, I'm sorry about that."
"No, it's okay. Matagal na 'yun. Saka okay naman na sila ngayon. Good friends na silang tatlo." Ngisi niya.
"Seriously?" I asked surprisingly.
Tumango tango siya, "It's true that time heals all wounds. Napakagulo nilang lahat sa totoo lang, kung malaki laki na ako nung time na 'yon baka pinag untog ko silang tatlo." Natatawang biro niya, halata sa mga mata niya na masaya na siya sa nangyayari sa pamilya niya ngayon.
"Are you close with your step Mom?" Tanong ko pa, isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin bago sumagot.
"Mas close pa nga ata ko sa kanya kesa sa Mama ko." Halakhak niya. "But, I love them. Walang labis walang kulang. Pantay ang pagmamahal ko sa dalawang 'yon." Napatitig ako sa kanya ng matagal at napansin niya iyon.
"May dumi ba ako sa mukha?" Natatawang tanong niya, ngumiti ako at umiling saka uminom ng alak. Napaka pure kasi niya sa mga mata ko, nakakatakot masaktan ang isang Sebastian, para bang napaka inosente niya sa mga bagay bagay.
Lumipat kami sa living room ng penthouse niya, nakaupo kami ngayon sa carpet habang nakasandal sa mahabang sofa at patuloy pa rin sa pag iinom at kwentuhan. Kung minsan ay bigla niya akong hinahalikan sa labi bawat tungga niya ng alak, inasar ko na nga siya na parang ginagawa niyang pulutan ang labi ko.
Habang lumalalim ang gabi ay mas lalo din lumalalim ang kwentuhan namin. Hindi ko inexpect na tatagal pala sa deep talks itong si Sebastian, kung titignan kasi siya ay para bang napakatipid niyang magsalita kung hindi naman tungkol sa business ang pag uusapan. Pero napakadaldal naman pala niya.
"Ikaw? What's your most unforgettable moment with your parents?" Biglang tanong niya, isang ngiti ang pinakawalan ko nang muli kong maalala sila Nanay at Tatay.
"Lahat. Wala akong kinakalimutan sa mga alaala na kasama ko sila. Masaya kasi kami palagi kahit na alam mo 'yon? Minsan nagigipit kami." Kwento ko, medyo naluha pa nga ako kaya siguro bigla niya akong inakbayan at tinapik tapik sa braso. Naramdaman ko pang hinalikan niya ang ulo ko. I felt so safe and loved in his arms.
"Minsan alam mo, naiisip ko, masyado kasi kaming masaya noon kaya siguro bigla nalang isang damukal na bagsakan ng lungkot ang ibinigay sa akin. Naghahanap ako ng dapat sisihin sa mga nangyari. Para akong baliw ano?" Natatawang dagdag ko pa.
I heard him sigh deeply, "Shh, it's okay to feel this way. Nandito na ako, hindi ko na hahayaang malungkot kang mag isa. You can share all your worries with me."
Humiwalay ako sa pagkakaakbay niya sa akin at pinunasan ko ang aking pisngi saka hinarap ko siya, napangiti ako dahil pansin kong medyo tipsy na kaming pareho. Iniakbay niya ang kanyang braso doon sa sofa habang hawak ng isang kamay niya ang alak at malalim akong pinagmamasdan.
"Lasing ka na." Asar ko sa kanya, marahan siyang umiling at sumimsim ulit sa hawak niyang alak.
"Medyo nahihilo lang, pero hindi ako mabilis malasing." Aniya, "Ikaw? Baka hindi mo na kaya."
Umiling ako, "Mas marami pa ang kwentuhan natin kesa sa tagay ko e." Ngisi ko.
Sinuklay ng daliri niya ang buhok niya na ngayon ay gulo gulo na.
He looked deeply into my eyes and said, "Ang sarap mo kasing kausap." Nag-init ang pisngi ko at pakiramdam ko ay nahihiya ako sa malalim na pagtitig niya, pero mabilis kong tinabunan iyon.
"Sige eto nalang," Umayos ako ng upo at gano'n rin siya.
"Sex or chocolates?" Parang nabigla siya sa tanong ko dahil napamulat siya ng bahagya pero kaagad ngumisi. "Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Tinanguan ko siya at nginitian ng malapad, sandali siyang uminom ng alak saka sumagot.
"Sex muna bago chocolates." Diretsang aniya.
"Isa lang!" Singhal ko sa kanya niya, humalakhak siya.
"Ayun na nga ang gusto ko. Sex muna bago chocolates. Para kapag nawalan ako ng lakas, yung chocolates ang magbabalik. Then, one more round." Tumatawang sabi niya na tuluyang nagpapula sa mukha ko.
"Really? I don't think so. Hindi mo na kakailanganin pa ng chocolates para sa second round 'noh!" Pang aasar ko sa kanya.
"Bakit mo naman nasabi?"
"Sus, parang hindi kita kilala."
Tumawa siya at hindi ko talaga makayanan ang mas lalong lumalalim na titig niya sa akin.
"Why? Para bang hindi ako nauubusan ng lakas?" Pagbabalik niya ng asar sa akin.
Inilingan ko nalang siya na kaagad naman niyang tinawanan dahil natalo na naman ako sa pang aasar.
"Tignan mo 'yan si Valeen, siya ang nagyayang mag inom pero nauna pa siyang malasing." Pagbabago ko ng usapan. Tumawa naman si Sebastian habang titig na titig sa akin at para bang alam niya na pilit kong binago ang usapan.
"Okay nga 'yon eh, at least nasolo kita buong magdamag." Aniya, pinagtaasan ko siya ng kilay habang nilalaro ko ang glass rim. "Natupad naman ang plano mo." Pang aasar ko sa kanya pero mukhang ako na naman ang nacorner. Dahil hinila niya ako ng marahan sa pulso ko at napapikit ako nang halikan niya ako ng matindi, sinigurado niyang maghahabol ako ng hininga dahil halos hindi ko masabayan ang paghalik niya.
Matapos niya akong halikan ay hinaplos niya ang labi ko saka hinalikan ang tungki ng ilong ko at sinabing, "Thanks, Dannie. You made my night."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top