Kabanata 17
Kabanata 17
Hinaplos ko ang likod ni Sebastian matapos siyang tumungga ng tubig, nakaupo kami ngayon dito sa isang wooden bench. Pagkatapos kasi niyang banggitin ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Red twenty years ago bigla siyang nahirapang huminga at pinawisan ng malamig. Para siyang nagkaroon ng panic attacks.
"Hey, kung hindi mo kayang ikwento, okay lang naman. Huwag mong pilitin ang sarili mo." Sabi ko sa kanya, niluwagan niya ang butones ng polo shirt at saka umiling.
"I'm okay. Ito lang kasi yung unang pagkakataon na magkukwento ako about it after twenty years." Kunot noong aniya, tumingin siya sa malayo at para bang napakalalim ng iniisip niya.
"Seb, hindi mo na kailangang ikwento." Alam ko ang pakiramdam ng pagkakaroon ng panic attacks lalo na noong nasa Singapore pa ako.
Minsan na akong sinamahan ni Tony at Leila sa Doctor dahil sa patindi nang patindi ang nagiging episodes ko sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari sa akin noon, my Doctor prescribed some anti-anxiety medication and recommended therapy until I learned how to manage my panic attacks. Ngunit simula nang makilala ko si Sebastian sa Singapore napansin kong hindi na ako masyado dumedepende sa medication na binigay sa akin, kalokohan man kung iisipin, pero iyon talaga ang totoo.
Bumaling siya sa akin at nginitian ako ng matipid, a smile of relief. Hindi man niya sabihin ay ramdam ko sa mga titig niya na para bang ayaw na niyang alalahanin lahat ng iyon. Alam ko ang pakiramdam na 'yon, tipong gusto mong tumakas mula sa madilim na nakaraan. Muli siyang tumingin sa malayo ilang saglit pa ay narinig kong tumunog ang cellphone niya, kinuha niya iyon sa bulsa niya at nahagip ng mata ko na tumatawag si Valeen.
Ginapangan ako ng kaba dahil walang kaalam alam si Valeen sa namamagitan sa amin ni Sebastian. Laking gulat ko nang sagutin ni Sebastian iyon ng naka loud speaker.
"Hey!!" Masiglang bati ni Valeen mula sa kabilang linya.
"Anong kailangan mo?" Malamig na sambit ni Seb, napatitig ako sa kanya at para bang nakikita ko ang Sebastian na una kong nakilala. Cold and moody man.
"Galing ako sa office mo, wala ka. Naka-leave ka daw today! Isang himala yata na nag leave ka." Hindi makapaniwalang ani Valeen.
"I need a break. Napapagod din ako." Pagsusungit ni Sebastian na nagpahalakhak kay Valeen.
"Oh come on, no one will ever believe you. Walang pagod pagod sayo pagdating sa trabaho! Nasaan ka? Come on, let's catch up! Kasama ko si Austin, we are planning to call Dannie too, baka kasi naiinip na 'yon sa bahay niya." Napalingon sa akin si Sebastian at nagkatitigan kami, pinandilatan ko siya ng mata pero nagkibit balikat lang siya.
"Don't call her." Pagsusungit ni Sebastian, narinig kong tumawa si Valeen.
"Teka nga ha? Napapansin ko parang nahihiya ka kay Dannie. Siya na ba ang magiging susi sa mga balita ng kabaklaan mo?" Pang aasar ni Valeen, napatakip ako ng bibig para pigilan ang pagtawa ko. Napailing naman si Sebastian at para bang hindi makapaniwala sa mga naririnig niya.
"Wala akong pakialam sa mga pinagsasasabi mo."
"I know right? Never ka nagcomment sa mga chismis ng kabaklaan mo kaya hindi mamatay matay yang mga kasinungalingan na yan. Come on, napapagod na kami ni Austin na magkalat ng mga balita na lahat ng puntahan mong lugar may nakaka one night stand ka para lang pagtakpan ka." Litanya ni Valeen.
"Hindi ko naman sinabing gawin niyo 'yon, dahil wala naman akong pakialam sa mga walang kwentang balita."
"Yes, pero kung hindi lang dahil sa mga Mama mo pinabayaan ka na namin. Teka, ano na nga, nasaan ka na? Meet us, sa bar ko nalang, it's my treat!"
"Hindi ako pwede, busy ak—" Hinampas ko sa braso si Sebastian at inilingan siya.
"Hay naku, h'wag mo na hintayin na mag crash pa kami ni Austin sa unit mo. We are on our way sa branch ng bar ko malapit sa unit mo nalang para mabilis kang makarating. Sige na! Tatawagan ko na si Dannie, bye!" Iyon lang at pinatay na ni Valeen ang tawag sa kanya, napailing nalang si Sebastian at isinuksok ulit ang cellphone sa bulsa.
"Gusto mong pumunta?" Baling niya sa akin.
"Uhm, pwede naman. Baka kasi maghinala sila." Kumunot ang noo niya, "Ano naman ngayon?" Ngisi niya.
"Sebastian! Hindi pa nila pwedeng malaman ang tungkol sa atin, paano nalang kapag nalaman nila kung saan mo ako nakilala?" Kinakabahan na sabi ko na nagpablanko sa expression ng mukha niya, magsasalita na sana siya pero bigla nang nag ring ang cellphone ko at hindi nga ako nagkamali dahil si Valeen na nga 'yon.
"Hey, Dannie my darling! Are you free?" Masiglang bati niya sa akin sa kabilang linya, titig na titig pa din si Sebastian sa mga mata ko at punong puno na iyon ng katanungan.
"Hey, yes. What's up?"
"Great timing! Sama ka sa amin mag bar para naman hindi ka mainip diyan sa house mo."
"Uhm, sure. I-send mo ang location?"
"Ipasundo mo nalang kay Sebastian 'yan." Narinig kong boses ni Austin mula sa kabilang linya.
"Hey! Sounds good! Oo nga, kasi papunta din si Seb dito. I'll call him na sunduin ka! Sige na, see you!" Iyon lang at binaba na niya ang tawag.
"Are you planning to keep our relationship a secret?" Malamig na sambit niya na nagpalunok sa akin, sa una palang ay 'yon na ang nakikita kong tamang gawin, ayokong ma-judge si Sebastian ng kahit sino man dahil sa pinanggalingan ko.
Magsasalita na sana ako pero nag ring ang cellphone niya at muling tumatawag si Valeen, mabilis niyang pinatay iyon na hindi inaalis ang malalim na pagtitig sa akin na para bang naghihintay ng kasagutan. Patuloy na tumawag si Valeen at iritable na niyang sinagot iyon.
"What?!" Inis na bulyaw niya nang sagutin ang cellphone na hindi inaalis ang mabigat na pagtitig sa akin, pinakinggan niya ang sinasabi ni Valeen at ilang saglit pa ay pinatay na niya iyon.
Lumunok ako, "Sebastian, hindi mo ako naiintindihan."
"Ayokong may masabi sila tungkol sayo, paano nalang kung husgahan ka ng mga tao dahil pumatol ka sa akin? Lalo na ngayon, nalaman ko kung gaano ka kalaking personalidad dito sa Pinas. I am not good enough for you, masyado kang mataas para sa akin." Diretsang paliwanag ko sa kanya na mas lalong nagpainit sa titig niya sa akin.
"Wala akong pakialam sa kung ano mang sasabihin ng mga tao sa akin, Dannie. Labas na sila sa buhay ko. Pero ang hindi ko matatanggap ay kung paano mo maliitin ang sarili mo." Inihilamos niya ang kanyang palad sa mukha at tumingin sa malayo na kunot na kunot ang noo.
"Don't look down on yourself, if you are thinking that you are not good enough for me that will make me unhappy. Dahil dun palang sa ipagkatiwala mo sa akin ng buong buo ang puso at katawan mo, sobra sobra na 'yon." Seryosong aniya na nagpainit sa mata ko, pakiramdam ko ay tutulo ang luha ko kahit na anong oras. Hindi lang ako makapaniwala na may tao pa palang ganito, katulad ni Sebastian.
"Pero hindi na ako buo nang makuha mo ako Sebastian. I am worthless." Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko na mabilis kong pinahid. "Hindi mo ginustong mawala 'yon sa murang edad, napakagago lang ng Tiyuhin mo na naging dahilan para pabayaan mo nalang ang sarili mo sa kung sino sino nalang. Kaya nga pilit kitang hinihila noon palayo sa Singapore, kita ko sa mga mata mo na hindi ka masaya sa trabahong ginagawa mo."
Muli siyang bumaling sa akin at tuluyan na nga akong nilamon ng malambing na titig niya, huminga siya ng malalim. "I honestly don't care if you're not a virgin, I still respect and love you, Dannie. Hindi 'yon kabawasan sa kung paano kita natutunang mahalin nung unang gabi palang kitang nakilala. So, please, Dannie, magtiwala ka lang sa akin."
Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.
"Alright, kung hindi ka pa handa ipaalam kela Valeen, irerespeto ko yan. Pero hindi habang buhay itatago natin 'to. Wala akong balak itago ka sa kung sino man." Pagtatapos niya sa usapan namin at hinila na niya ako patungo sa kung saan nakaparada ang sasakyan niya.
**
A/N:
Hey guys, thanks for reading! Sobra kong na-aappreciate yung mga taong nagcocomment in every new chapter nitong Ngayong Gabi, mas nakakaganang magsulat kapag alam ko kung anong thoughts niyo per chapter, nakakamiss makipagkwentuhan sa inyo sa comment box, ayun nga lang busy lang talaga sa work, at kapag may free time, mas pinipili kong magtype ng update. Maraming salamat po ulit!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top